Pitong Karaniwang mga Tanong tungkol sa Islam (bahagi 2 ng 2)
Paglalarawanˇ: Ang ilan sa mga pinakakaraniwang mga katanungang itinatanong tungkol sa Islam. 2 bahagi: Tungkol sa Islamikong mga Turo at Ang Banal na Quran.
- Ni Daniel Masters, Isma'il Kaka and Robert Squires
- Nailathala noong 24 Aug 2020
- Huling binago noong 06 Jul 2008
- Nag-print: 3
- Tumingin: 10,183 (araw-araw na pamantayan: 7)
- Nag-marka: 0
- Nag-email: 0
- Nag-komento: 0
5. Ano ang mga Turo ng Islam?
Ang pundasyon ng Islamikong paniniwala ay ang paniniwala sa ganap na Monoteismo (ang Kaisahan ng Diyos). Ito ay nangangahulugang maniwala na mayroon lamang iisang Tagapaglikha at Tagatustos ng lahat ng bagay sa Sansinukob, at walang banal o karapat-dapat sa pagsamba maliban sa Kanya. Tunay na, ang paniniwala sa Kaisahan ng Diyos ay nangangahulugang higit pa sa simpleng paniniwala na mayroong "Nag-iisang Diyos" - taliwas sa dalawa, tatlo o apat. Mayroong ilang bilang na mga relihiyon na nag-aangking naniniwala sa "Nag-iisang Diyos" at naniniwalang sa sukdulan ay may iisa lamang na Tagapaglikha at Tagapagtustos ng Sansinukob, ngunit ang tunay na monoteismo ay ang maniwala na ang Nag-iisang Tunay na Diyos ang dapat sambahin ayon sa kapahayagang Kanyang ipinadala sa Kanyang Sugo. Ang Islam ay itinatanggi rin ang paggamit ng lahat ng mga tagapamagitan sa pagitan ng Diyos at Tao, at iginigiit na ang mga tao ay lumapit sa Diyos nang tuwiran at ilaan ang lahat ng pagsamba para sa Kanya lamang. Ang mga Muslim ay naniniwala na ang Diyos na Makapangyarihan sa lahat ay Mahabagin, Mapagmahal at Maawain.
Ang isang karaniwang maling haka-haka ay ang pag-angkin na ang Diyos ay hindi mapapatawad ang Kanyang mga nilalang nang tuwiran. Sa pamamagitan ng labis na pagbibigay-diin sa pasanin at parusa ng kasalanan, pati na rin ang pag-aangking ang Diyos ay hindi kayang patawarin ang mga tao nang tuwiran, ang mga tao ay madalas na nawawalan ng pag-asa sa Awa ng Diyos. Kapag kanilang napatunayang hindi sila makalapit sa Diyos nang tuwiran, bumabaling sila sa mga maling diyos para sa tulong, tulad sa mga bayani, mga pilitikong pinuno, mga tagapagligtas, mga santo, at mga anghel. Madalas nating nakikitang ang mga taong sumasamba, nagdarasal, o humihingi ng pamamagitan mula sa mga huwad na diyos na ito, ay hindi itinuturing ang mga ito na 'diyos'. Kanilang inaangkin ang paniniwala sa Nag-iisang Kataas-taasang Diyos, ngunit inaangkin nilang nananalangin sila at sumasamba sa iba maliban sa Diyos upang mapalapit lamang sa Kanya. Sa Islam, mayroong isang malinaw na pagkakaiba sa pagitan ng Tagapaglikha at ng nilikha. Walang kalabuan o misteryo sa mga usapin ng pagka-diyos: ang anumang bagay na nilikha ay hindi nararapat na sambahin; tanging si Allah, ang Tagapaglikha, ay ang karapat-dapat sambahin. Ang ilang mga relihiyon ay maling pinaniniwalaang ang Diyos ay naging bahagi ng Kanyang nilikha, at ito ang nag-akay sa mga tao upang maniwala na maaari silang sumamba sa isang nilikha upang maabot ang kanilang Tagapaglikha.
Ang mga Muslim ay naniniwala na kahit na ang Diyos ay Natatangi at Kataas-taasan ng higit sa inaakalang pagkaka-unawa, Siya ay tiyak na walang mga katambal, kasama, kapantay, katunggali o supling. Ayon sa paniniwala ng Muslim, si Allah "ay hindi nanganak, o Siya ay ipinanganak" - alinman sa literal, alegorikal, metaporikal, pisikal o metapisikal. Siya ay Ganap na Natatangi at Walang Hanggan. Siya ang nangangasiwa ng lahat ng bagay at ganap na may kakayahang ipagkaloob ang Kanyang walang hanggang Awa at Pagpapatawad sa sinumang Kanyang piliin. Ito ang dahilan kung bakit si Allah ay tinatawag ding Makapangyarihan sa lahat at Pinakamaawain. Si Allah ay nilikha ang Sansinukob para sa tao, kung kaya nais ang pinakamainam para sa lahat ng tao. Ang mga Muslim ay tinatanaw ang lahat ng bagay sa Sansinukob bilang tanda ng Paglikha at Kabutihan ng Diyos na Makapangyarihan sa lahat. Gayundin, ang paniniwala sa Kaisahan ni Allah ay hindi lamang isang metapisikong konsepto. Ito ay isang dinamikong paniniwala na nakakaapekto sa pananaw ng isa hinggil sa sangkatauhan, lipunan at lahat ng aspeto ng praktikong buhay. Bilang isang lohikal na kaakibat sa Islamikong paniniwala sa Kaisahan ni Allah, ay ang paniniwala nito sa pagkakaisa ng tao at sangkatauhan.
6. Ano ang Quran?
Ang Quran ay ang pangwakas na kapahayagan ni Allah sa buong sangkatauhan, na sinalita ni Allah na Siyang Kataas-taasan at ipinahayag sa pamamagitan ng Arkanghel na si Gabriel sa Arabe kay Propeta Muhammad (nawa'y ang awa at mga pagpapala ng Diyos ay sumakanya), sa tunog, salita at kahulugan. Ang Quran, (kung minsan ay maling binabaybay na Koran), pagkatapos ay naipasa sa mga kasamahan ng Propeta, at kanila itong masigasig na isinaulo ng ganap at maingat na sinunod sa nakasulat nitong anyo. Ang Banal na Quran ay patuloy na binibigkas ng mga kasamahan ng Propeta at ng kanilang mga kahalili hanggang sa kasalukuyan. Sa madaling salita, ang Quran ay ang ipinahayag na aklat na Banal kasulatan mula kay Allah para sa buong sangkatauhan para sa kanilang gabay at kaligtasan.
Ngayon ang Quran ay kabisado pa rin at itinuro ng milyun-milyong tao. Ang wika ng Quran, na Arabe, ay isang buhay na wika pa rin sa milyun-milyong tao. Hindi tulad ng mga banal na kasulatan ng ilang iba pang mga relihiyon, ang Quran ay binabasa pa rin sa orihinal na wika ng maraming milyun-milyong mga tao. Ang Quran ay isang buhay na himala sa wikang Arabe, at kilala itong hindi mapapantayan sa estilo, anyo at epektong espirituwal, pati na rin ang natatanging kaalaman na nilalaman nito. Ang Quran ay ipinahayag sa isang serye ng mga kapahayagan sa Propeta Muhammad (nawa'y ang awa at mga pagpapala ng Diyos ay sumakanya) sa loob ng mahigit na 23 taon. Kabaligtaran sa maraming iba pang mga relihiyosong aklat, ang Quran ay palaging pinaniniwalaang ganap na Salita ni Allah. Ang Quran ay binabasa nang lantaran sa harap ng kapwa Muslim at mga di-Muslim na komunidad sa panahon ng Propeta Muhammad (nawa'y ang awa at mga pagpapala ng Diyos ay sumakanya), at pagkatapos nito. Ang buong Quran ay ganap ding isinulat sa panahon ng Propeta, at maraming mga kasamahan ng Propeta ang nakasaulo sa buong Quran na salita-bawat-salita (verbatim) kung papaano ito ay ipinahayag. Ang Quran ay palaging nasa kamay ng mga karaniwang mananampalataya: ito ay palaging isinasaisip na salita ng Diyos; at, dahil sa malawakang paglaganap ng pagsasaulo, ito ay ganap na napanatili. Walang anumang bahagi nito na binantuan o iniutos ng anumang relihiyosong konseho. Ang mga turo ng Quran ay binubuo ng isang pangkalahatang kasulatan ukol sa lahat ng sangkatauhan at hindi sa anumang partikular na tribo o 'piling tao'. Ang mensahe na dinadala nito ay hindi bago kundi ang parehong mensahe ng lahat ng mga propeta: 'pagpapasakop kay Allah ang Nag-iisang Diyos at pagsamba sa Kanya lamang at pagsunod sa mga Sugo ni Allah para sa tagumpay sa buhay na ito at kaligtasan sa kabilang buhay'. Kung kaya, ang kapahayagan ni Allah sa Quran ay nakatuon sa pagtuturo sa mga tao ng kahalagahan ng paniniwala sa Kaisahan ni Allah, at paglalaan ng kanilang buhay sa paligid ng patnubay na Kanyang ipinadala, na ipinakilala sa Islamikong Batas. Ang Quran ay naglalaman ng mga kwento ng mga naunang propeta, tulad nina Noe, Abraham, Moises at Hesus, ang kapayapaan ay mapasa kanilang lahat, pati na rin ang mga utos at pagbabawal mula sa Diyos. Sa ating makabagong mga panahon, kung saan napakaraming tao ang nadadala ng pag-aalinlangan, sa espirituwal na kawalang pag-asa at panlipunan at pampulitikang pagkakaiba-iba, ang Quranikong mga pagtuturo ay nag-aalok ng mga kalutasan sa kawalang-saysay ng ating mga buhay at ang kaguluhan na sumasakal sa mundo ngayon.
7. Paano Tinatanaw ng mga Muslim ang Kalikasan ng Tao, ang Layunin ng Buhay at ang Kabilang Buhay?
Sa Banal na Quran, si Allah ay itinuro sa mga tao na sila ay nilikha upang luwalhatiin at sambahin Siya, at ang batayan ng lahat ng tunay na pagsamba ay ang kamalayan sa Diyos. Ang lahat ng nilikha ni Allah ay sumasamba sa kanya ng likas at tanging ang mga tao lamang ang may malayang kalooban na sambahin si Allah na kanilang Tagapaglikha o tanggihan Siya. Ito ay isang dakilang pagsubok, ngunit isa ding dakilang karangalan. Dahil ang mga turo ng Islam ay sumasaklaw sa lahat ng mga aspeto ng buhay at etika, ang kamalayan sa Diyos ay hinihikayat sa lahat ng mga gawain ng tao. Ang Islam ay nililinaw na ang lahat ng mga gawa ng tao ay mga gawang pagsamba kung ang mga ito ay ginagawa lamang para sa Diyos at alinsunod sa Kanyang Banal na Kasulatan at Batas. Kung kaya, ang pagsamba sa Islam ay hindi limitado sa mga relihiyosong ritwal, at sa kadahilanang ito ay mas dapat na makilala bilang 'pamamaraan ng buhay' kaysa sa isang relihiyon. Ang mga turo ng Islam ay nagsisilbi bilang isang awa at isang pagpapagaling para sa kaluluwa ng tao, at ang mga katangian tulad ng pagpapakumbaba, katapatan, pagtitiis at kawanggawa ay mariing hinihikayat. Bilang karagdagan, ang Islam ay kinokondena ang pagmamataas at pagiging matuwid sa sarili, yamang ang Diyos na Makapangyarihan sa lahat ang tanging hukom ng katuwiran ng tao.
Ang Islamikong pananaw sa kalikasan ng tao ay makatotohanan at maayos na balanse din na ang mga tao ay hindi pinaniniwalaang likas na makasalanan, ngunit tinatanaw bilang pantay na may kakayahan (gumawa) ng parehong mabuti at masama; ito ay nasa kanilang pagpili. Ang Islam ay nagtuturo na ang pananampalataya at pagkilos ay magkasama. Ang Diyos ay pinagkalooban ang mga tao ng malayang kalooban, at ang sukatan ng pananampalataya ng isang tao ay ang kanilang mga gawa at kilos. Gayunpaman, dahil ang mga tao ay nilikha din na likas na mahina at karaniwang nahuhulog sa kasalanan, nangangailangan ang mga ito ng patuloy na paghahanap ng patnubay at pagsisisi, na, sa sarili nito, ay isang anyo din ng pagsamba na minamahal ni Allah. Ang kalikasan ng tao na nilikha ng Diyos sa Kanyang Kamahalan at Karunungan, ay hindi likas na ‘tiwali’ o nangangailangan ng pagsasa-ayos. Ang daan ng pagsisisi ay palaging bukas sa lahat. Ang Diyos na Makapangyarihan sa lahat ay nalalamang ang mga tao ay makagagawa ng mga pagkakamali, kaya ang tunay na pagsubok ay kung sila ay babaling at magsisisi para sa kanilang mga kasalanan at susubukang iwasan ito, o kung mas nais nila ang isang buhay na walang pag-iingat at makasalanan, habang lubos na nalalaman na hindi ito nakalulugod sa Diyos. Ang totoong balanse ng isang Islamikong buhay ay itinatatag sa pamamagitan ng pagkakaroon ng isang malaking takot sa nararapat na parusa ni Allah sa mga krimen at kasalanan, pati na rin ang isang matapat na paniniwala na si Allah, sa Kanyang walang hanggan na Awa, ay nasisiyahan sa pagbibigay ng Kanyang gantimpala para sa ating mabubuting mga gawa at sa taos-pusong pagsamba sa kanya. Ang buhay na walang takot kay Allah ay humahantong sa kasalanan at pagsuway, habang ang paniniwala na tayo ay nagkasala nang labis na ang Diyos marahil ay hindi tayo patatawarin ay hahantong naman sa kawalan ng pag-asa. Para sa kaliwanagan ng katotohanang ito, Sa Islam ay itinuturo na ang pagkaligaw sa kawalang pag-asa sa awa ng kanilang Panginoon, at ang ubod ng kasamaang mga kriminal na walang takot kay Allah na kanilang Tagapaglikha at Hukom. Ang Banal na Quran gaya ng ipinahayag sa Propeta Muhammad, ang kapayapaan ay sumakanya, ay naglalaman din ng isang dakilang bahagi ng ng mga aralin tungkol sa buhay sa kabilang buhay at Araw ng Paghuhukom. Ang mga Muslim ay naniniwala na ang lahat ng tao ay sukdulang hahatulan ni Allah, ang Ganap na Makapangyarihang Hari at Hukom, para sa kanilang mga paniniwala at kilos sa kanilang makamundong buhay. Sa paghatol sa mga tao, si Allah ang Kataas-taasan ay kapwa magiging Ganap na Makatarungan, sa pamamagitan ng pagpaparusa lamang sa tunay na nagkasala at mapaghimagsik na hindi nagsisising mga kriminal, at Ganap na Maawain para sa mga tao na Siya, sa Kanyang karunungan, ay humahatol sa karapat-dapat ng awa. Walang sinuman ang hahatulan para sa kung ano ang lampas sa kanilang kakayahan ginawa), o para sa hindi talaga nila ginawa. Sapat nang sabihin na sa Islam ay itinuturo na ang buhay ay isang pagsubok na hinubog ni Allah, ang Tagapaglikha, Makapangyarihan sa lahat at Pinakamadunong; na ang lahat ng tao ay mananagot sa harap ni Allah para sa kanilang ginawa sa kanilang mga buhay. Ang isang matapat na paniniwala sa kabilang buhay ay ang susi sa paghantong sa maayos na balanse at moral na buhay. Maliban na lamang, kung ang buhay ay tinatanaw bilang isang pagtatapos mismo (walang kabilang buhay), na nagdudulot sa mga tao na maging mas makasarili, materyalista at imoral sa pamamagitan ng kanilang bulag na paghahanap ng kasiyahan kahit na sa kapinsalaan ng pangangatuwiran at etika.
Magdagdag ng komento