Isang Maikling Pagpapakilala sa Islam (bahagi 2 ng 2)

Marka:
Sukat ng Font:
A- A A+

Paglalarawanˇ: Ang ginagampanan ng Quran at ng Propeta Muhammad (nawa'y ang awa at mga pagpapala ng Diyos ay sumakanya) sa paghahatid ng malinaw, hindi binagong mensahe ng Diyos sa sangkatauhan, at isang paglalarawan kung paano ang pamumuhay sa Islamikong pamamaraan ay ang landas sa isang mas mahusay na buhay.

  • Ni Daniel Masters, AbdurRahman Squires, and I. Kaka
  • Nailathala noong 24 Aug 2020
  • Huling binago noong 08 May 2014
  • Nag-print: 3
  • Tumingin: 6,304 (araw-araw na pamantayan: 4)
  • Marka: Wala pa
  • Nag-marka: 0
  • Nag-email: 0
  • Nag-komento: 0
Mahina Pinakamagaling

Ang Quran

Ang Arabeng salita na "Al-Quran" ay literal na nangangahulugang "ang pagbigkas". Kapag ginamit tungkol sa Islam, ang salitang Quran ay nangangahulugang panghuling mensahe ng Diyos sa sangkatauhan, na ipinahayag sa Propeta Muhammad (nawa'y ang awa at mga pagpapala ng Diyos ay sumakanya). Ang Quran, kung minsan ay binabaybay na Koran, ay ang literal na salita ng Diyos - tulad ng malinaw na sinasabi nito nang paulit-ulit. Hindi tulad ng iba pang sagradong mga kasulatan, ang Quran ay ganap na naingatan sa parehong mga salita at kahulugan nito sa isang buhay na wika. Ang Quran ay isang buhay na himala sa Arabeng wika; at kilalang walang kapantay sa estilo, anyo at espirituwal na epekto nito. Ang panghuling kapahayagan ng Diyos sa sangkatauhan, ang Quran, ay ipinahayag sa Propeta Muhammad (nawa'y ang awa at mga pagpapala ng Diyos ay sumakanya) sa loob ng 23 taon.

Ang Quran, sa kaibahan sa maraming iba pang mga relihiyosong aklat, ay palaging isinasa-isip na Salita ng Diyos ng mga naniniwala dito, ibig sabihin, ito ay hindi isang bagay na ipinag-utos ng isang relihiyosong konseho ng maraming taon pagkatapos na maisulat. Gayundin, ang Quran ay binibigkas sa publiko sa harap ng kapwa Muslim at mga di-Muslim na mga komunidad sa panahon ng buhay ng Propeta Muhammad (nawa'y ang awa at mga pagpapala ng Diyos ay sumakanya). Ang buong Quran ay ganap ding isinulat sa buong buhay ng Propeta, at maraming mga kasamahan ng Propeta ang naisaulo ang buong Quran na salita-bawat-salita kung papaano ito ipinahayag. Kaya, hindi katulad ng ibang mga banal na kasulatan, ang Quran ay palaging nasa kamay ng mga karaniwang mananampalataya; ito ay palaging isinasa-isip na salita ng Diyos at, dahil sa malawak na pagkalat ng pagkakasaulo, ito ay ganap na naingatan.

Tungkol sa mga turo ng Quran - ito ay isang unibersal na banal na kasulatan na ipinahayag para sa lahat ng sangkatauhan, at hindi ipinahayag lamang sa isang partikular na tribo o "piniling mga tao". Ang mensahe na dinadala nito ay walang bago, ngunit ang parehong mensahe ng lahat ng mga propeta - pagpapasakop sa Diyos na Makapangyarihan sa lahat at sumamba sa Kanya lamang. Kung kaya, ang kapahayagan ng Diyos sa Quran ay nakatuon sa pagtuturo sa mga tao ng kahalagahan ng paniniwala sa Kaisahan ng Diyos at pangatawanan ang kanilang buhay sa patnubay na Kanyang ipinadala. Bilang karagdagan, ang Quran ay naglalaman ng mga kwento ng mga naunang propeta, tulad nina Abraham, Noe, Moises at Hesus; pati na rin ang maraming mga utos at pagbabawal mula sa Diyos. Sa mga makabagong panahon kung saan napakaraming mga tao ay nahatak sa pag-aalinlangan, espirituwal na kawalang pag-asa at "pampulitikang pagtatama", ang mga turo ng Quran ay nag-aalok ng mga solusyon sa kawalang-saysay ng ating buhay at ang kaguluhan na sumasakal sa mundo ngayon. Sa madaling sabi, ang Quran ay ang aklat ng gabay na pinakamahusay.

Ang Propeta Muhammad

Hindi tulad ng mga tagapagtatag ng maraming relihiyon, ang huling propeta ng Islam ay isang tunay na dokumentado at makasaysayang nilalang. Siya ay nabuhay sa buong liwanag ng kasaysayan, at ang pinakamaliit na mga detalye ng kanyang buhay ay kilala. Hindi lamang na ang mga Muslim ay may buong teksto ng mga salita ng Diyos na ipinahayag kay Muhammad (nawa'y ang awa at mga pagpapala ng Diyos ay sumakanya), ngunit napanatili din nila ang kanyang mga salawikain at turo sa tinatawag na "hadeeth" na panitikan. Sa pagkakasabi nito, dapat maunawaan na ang mga Muslim ay naniniwala na ang Propeta Muhammad (nawa'y ang awa at mga pagpapala ng Diyos ay sumakanya) ay isang tao lamang na pinili ng Diyos, at siya ay hindi banal sa anumang paraan. Upang maiwasan ang maling hiling na sambahin siya, ang Propeta Muhammad (nawa'y ang awa at mga pagpapala ng Diyos ay sumakanya) ay tinuruan ang mga Muslim na tukuyin siya bilang "Sugo ng Diyos at Kanyang Alipin". Ang misyon ng huli at pangwakas na propeta ng Diyos ay ituro lamang na "walang banal o karapat-dapat na sambahin maliban sa Diyos na Makapangyarihan sa lahat", pati na rin bilang isang buhay na halimbawa ng kapahayagan ng Diyos. Sa simpleng mga salita, ang Diyos ay ipinadala ang kapahayagan kay Muhammad (nawa'y ang awa at mga pagpapala ng Diyos ay sumakanya), na siyang nagturo nito, ipinangaral ito, ipinamuhay ito at isinagawa ito.

Sa ganitong paraan, si Muhammad (nawa'y ang awa at mga pagpapala ng Diyos ay sumakanya) ay higit pa sa isang "propeta" kung ang pinag-uusapan ay ang marami sa mga Biblikong propeta, dahil siya rin ay isang negosyante at tagapamahala. Siya ay isang taong nabuhay sa isang mapagpakumbabang buhay sa paglilingkod sa Diyos, at nagtatag ng isang sumasaklaw sa lahat na relihiyon at pamamaraan ng buhay sa pamamagitan ng pagpapakita kung ano ang ibig sabihin ng pagiging isang mabuting kaibigan, asawa, guro, pinuno, mandirigma at hukom. Sa kadahilanang ito, ang mga Muslim ay sumusunod sa kanya hindi para sa kanyang sariling kapakanan, ngunit sa pagsunod sa Diyos, sapagkat si Muhammmad (nawa'y ang awa at mga pagpapala ng Diyos ay sumakanya) ay hindi lamang ipinakita sa atin kung paano makitungo sa ating kapwa tao, ngunit higit sa lahat, ay ipinakita sa atin kung paano makipag-ugnayan at sumamba sa Diyos; sambahin Siya sa tanging paraang nakalulugod sa Kanya.

Tulad ng ibang mga propeta, si Muhammad (nawa'y ang awa at mga pagpapala ng Diyos ay sumakanya) ay naharap sa maraming pagsalungat at pag-uusig sa kanyang misyon. Gayunpaman, palagi siyang matiisin at makatarungan, at kanyang pinakikitunguhan ang kanyang mga kaaway ng mabuti. Ang mga bunga ng kanyang misyon ay labis na matagumpay, at kahit na ang kanyang misyon ay nagsimula sa isa sa mga pinakamahirap at lib-lib na mga lugar sa mundo, sa loob ng isang daang taon ng pagkamatay ni Muhammad (nawa'y ang awa at mga pagpapala ng Diyos ay sumakanya), ang Islam ay lumaganap mula sa Espanya hanggang Tsina. Ang Propeta Muhammad (nawa'y ang awa at mga pagpapala ng Diyos ay sumakanya) ang pinakadakila sa lahat ng mga propeta ng Diyos, hindi dahil mayroon siyang mga bagong doktrina o mas dakilang mga himala, kundi dahil siya ang napili na magdala ng huling kapahayagang dumating sa sangkatauhan mula sa Diyos, isang angkop para sa lahat ng mga lugar, panahon, at mga tao, walang hanggan at walang pagbabago hanggang sa Huling Araw.

Ang Islamikong Pamamaraan ng Buhay

Sa Banal na Quran, ang Diyos ay itinuturo sa mga tao na nilikha sila upang sumamba sa Kanya, at ang batayan ng lahat ng tunay na pagsamba ay ang kamalayan sa Diyos. Dahil ang mga turo ng Islam ay sumasaklaw sa lahat ng mga aspeto ng buhay at mga etika, ang kamalayan sa Diyos ay hinikayat sa lahat ng mga gawain ng tao. Ang Islam ay nilinaw na ang lahat ng mga gawa ng tao ay mga gawang pagsamba kung ginagawa ang mga ito para sa Diyos lamang at alinsunod sa Kaniyang Banal na Kautusan. Kung kaya, ang pagsamba sa Islam ay hindi limitado sa mga relihiyosong ritwal.

Ang mga turo ng Islam ay nagsisilbi bilang isang awa at isang pagpapagaling para sa kaluluwa ng tao, at ang mga ganitong katangian tulad ng pagpapakumbaba, katapatan, pagtitiis at kawanggawa ay mariing hinihikayat. Bilang karagdagan, ang Islam ay kinokondena ang pagmamataas at pagmamatuwid sa sarili, yamang ang Diyos na Makapangyarihan sa lahat ang nag-iisang hukom ng katuwiran ng tao.

Ang Islamikong pananaw tungkol sa kalikasan ng tao ay makatotohanan at maayos na balanse din. Ang mga tao ay hindi pinaniniwalaang likas na makasalanan, ngunit nakikita bilang isang may kakayahang gawin pareho ang mabuti at masama.

Ang Islam ay itinuturo din na ang pananampalataya at pagkilos ay magkasama. Ang Diyos ay binigyan ang mga tao ng malayang kalooban, at ang sukatan ng pananampalataya ng isang tao ay ang kanyang gawa at kilos. Gayunpaman, ang mga tao ay nilikha din nang mahina at karaniwang nahuhulog sa kasalanan. Ito ang likas na katangian ng tao na nilikha ng Diyos sa Kanyang Karunungan, at hindi likas na "tiwali" o nangangailangan ng pagsasa-ayos. Ito ang dahilan kung bakit ang landas ng pagsisisi ay laging bukas sa lahat ng tao, at ang Diyos na Makapangyarihan sa lahat ay nagmamahal sa nagsisising makasalanan nang higit pa sa isang taong hindi talaga nagkakasala.

Ang totoong balanse ng isang Islamikong buhay ay naitatatag sa pamamagitan ng pagkakaroon ng isang matinding takot sa Diyos pati na rin ang isang matapat na paniniwala sa Kanyang walang hanggang Awa. Ang isang buhay na walang takot sa Diyos ay humahantong sa kasalanan at pagsuway, habang naniniwalang tayo ay nagkasala nang labis na ang Diyos ay hindi tayo marahil patatawarin ay humahantong lamang sa kawalan ng pag-asa. Kaugnay nito, ang Islam ay itinuturo na ang hindi ginabayan lamang ang nawawalan ng pag-asa sa awa ng kanilang Panginoon.

Bilang karagdagan, ang Banal na Quran, na ipinahayag sa Propeta Muhammad (nawa'y ang awa at mga pagpapala ng Diyos ay sumakanya), ay naglalaman ng maraming mga turo tungkol sa buhay sa kabilang buhay at Araw ng Paghuhukom. Dahil dito, ang mga Muslim ay naniniwala na ang lahat ng tao ay sukdulang hahatulan ng Diyos para sa kanilang mga paniniwala at kilos sa kanilang buhay sa lupa. Sa paghatol sa mga tao, ang Diyos na Makapangyarihan sa lahat ay kapwa Maawain at Makatarungan, at ang mga tao ay hahatulan lamang sa kung ano ang kanilang ginawa.

Sapat na sabihin na ang Islam ay itinuturo na ang buhay ay isang pagsubok, at ang lahat ng mga tao ay mananagot sa harap ng Diyos. Ang isang matapat na paniniwala sa buhay sa kabilang buhay ay ang susi sa pagkakaroon ng maayos at moral na buhay. Kung hindi, ang buhay ay tatanawin bilang katapusan na nito (walang kabilang buhay), na nagiging sanhi para sa mga tao na maging mas makasarili, materyalista at imoral.

Islam para sa isang Mas Mabuting Buhay

Ang Islam ay itinuturo na ang tunay na kaligayahan ay maaari lamang makuha sa pamamagitan ng pamumuhay ng isang buhay na puno ng kamalayan sa Diyos at pagiging kuntento sa ibinigay ng Diyos sa atin. Bilang karagdagan, ang tunay na "kalayaan" ay kalayaan mula sa pagiging alipin ng ating mababang mga hangarin at pinamamahalaan ng mga gawang-taong ideolohiya. Taliwas ito sa kaibahan ng pananaw ng maraming tao sa makabagong mundo, na itinuturing na ang "kalayaan" ay ang kakayahang masiyahan ang lahat ng kanilang mga hinahangad nang walang pag-aalinlangan. Ang malinaw at komprehensibong patnubay ng Islam ay nagbibigay sa mga tao ng isang mahusay na tukoy na layunin at landas sa buhay. Bilang karagdagan sa pagiging kasapi ng pagkakapatirang-tao ng Islam, ang mabuting balanse at praktikong mga turo ay isang mapagkukunan ng espirituwal na kaginhawaan, gabay at moralidad. Ang isang tahasan at malinaw na kaugnayan sa Diyos na Makapangyarihan sa lahat, pati na rin ang diwa ng layunin at pag-aari na kanyang naramdaman bilang isang Muslim, ay pinalalaya ang isang tao mula sa maraming mga pagkabahala sa pang-araw-araw na buhay.

Sa madaling salita, ang Islamikong pamamaraan ng buhay ay dalisay at mahusay. Ito ay nagtatayo ng disiplina sa sarili at pagpipigil sa sarili sa pamamagitan ng palagiang pagdarasal at pag-aayuno, at pinapalaya ang mga tao mula sa pamahiin at lahat ng mga uri ng panlahi, pang-etniko at pambansang pagtatangi. Sa pamamagitan ng pagtanggap upang mamuhay ng isang may kamalayan sa Diyos na buhay, at mapagtanto na ang tanging bagay na nagbubukod sa mga tao sa paningin ng Diyos ay ang kanilang kamalayan sa Kanya, ang totoong dignidad ng isang tao ay napagtanto.

Mahina Pinakamagaling

Mga bahagi ng mga artikulo na ito

Tingnan ng sama-sama ang lahat ng mga bahagi

Magdagdag ng komento

  • (Hindi nakikita sa publiko)

  • Ang iyong komento ay susuriin at dapat malathala sa loob ng 24 oras.

    Ang patlang na may markang asterisk (*) ay kailangan.

Ibang mga artikulo sa Parehong mga Kategorya

Pinakamaraming Tumingin

Araw-araw
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
Kabuuan
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Pinili ng Editor

(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Listahan ng Contento

Simula ng iyong huling pagbisita
Ang listahang ito ay kasalukuyang walang laman.
Lahat sa pamamagitan ng petsa
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Pinaka Sikat

Pinakamataas ang marka
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
Pinakamaraming nag-email
Pinakamaraming nag-print
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
Pinakamaraming nag-komento
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Ang iyong mga paborito

Your favorites list is empty. You may add articles to this list using the article tools.

Ang iyong History

Ang listahan ng iyong mga paborito ay walang laman. Maari kang magdagdag ng mga artikulo sa listahang ito gamit ang article tools.

Minimize chat