5 mga Bagay na Nagdudulot ng Kapayapaan sa Kalooban at Kapanatagan

Marka:
Sukat ng Font:
A- A A+

Paglalarawanˇ: Ang pagkakaroon ng kapayapaan at kapanatagan ay isang proseso na nangangailangan ng ilang mga hakbang. Tatalakayin ng artikulong ito ang ilan sa mga mahahalagang hakbang sa bagay na ito.

  • Ni Raiiq Ridwan (aboutislam.net) [edited by IslamReligion.com]
  • Nailathala noong 24 Aug 2020
  • Huling binago noong 10 Jun 2019
  • Nag-print: 1
  • Tumingin: 8,700 (araw-araw na pamantayan: 5)
  • Marka: Wala pa
  • Nag-marka: 0
  • Nag-email: 0
  • Nag-komento: 0
Mahina Pinakamagaling

5-Things-Bring-Inner-Peace-and-Tranquility.jpg

Bilang tao, ang isa sa pinakadakilang pangarap sa buhay ay ang paghahanap ng kapayapaan.

Maraming mga sikolohiko ang nagtatalo na ang pinakadakilang pagnanasa ng tao ay ang paghahanap ng kapayapaan, na anuman ang ginagawa ng tao, ginagawa nila ito para sa paghahanap ng kapayapaan at kapanatagan.

Katulad nito, ang isa sa mga pangalan ng Paraiso sa Quran ay Dar As-Salam (Bahay ng Kapayapaan). Ang isa sa mga pangalan ng Diyos ay ang As-Salam, ang Perpekto, ang pinagmumulan ng lahat ng kapayapaan. Ang salitang Islam mismo ay nauugnay sa salitang "salam" na nangangahulugang kapayapaan.

Sinabi ni Imam Ibn Taymiyyah na mayroong isang Paraiso sa mundong ito, na kailangan nating pasukin, upang makapasok sa Paraiso ng Kabilang Buhay. Ang Paraiso na ito, sabi niya, ay ang katahimikan at kasiyahan ng puso.

Ang pagkakontento ng puso ay isang ugali na napakahirap magkaroon. Ang mundo sa paligid natin, at ang mga bagay na nangyayari sa atin ay kadalasang nagpapahirap sa bawat isa.

Ang Daan patungo sa Kapanatagan

Gayunpaman, tulad ng anumang bagay sa Islam, ang daan patungo sa kapanatagan ay hindi estadong madali ng kaninuman. Ito ay isang landas na kailangang tahakin at mga gawa na dapat gawin upang maabot natin ang istasyong iyon kung saan tayo ay may kapayapaan sa ating mga sarili.

Ang bahagi ng pagnanais na makamit ang kapanatagan ay naka-baon sa ating mga sarili. May iniwang espasyo o puwang ang Diyos sa bawat isa sa atin na mapupunan lamang ito ng Diyos. Sumulat si Imam Ibn al-Qayyim ng isang malalim na talata tungkol dito.

"Sa ating mga puso, ay mayroong isang pakiramdam ng hindi-mapakali o kalituhan na maaari lamang mapakalma sa pamamagitan ng pagbabalik sa Diyos.

At sa puso mayroong isang pakiramdam ng kalungkutan na maaari lamang mawala sa pamamagitan ng paglapit sa Diyos.

At sa puso mayroong takot at pagkabalisa, na maiibsan lamang sa pamamagitan ng pagtakbo papunta sa Diyos.

At sa puso mayroong isang pakiramdam ng pagsisisi, na maaari lamang mawala sa pamamagitan ng pagiging kuntento sa Diyos."

Ang kapanatagan at katahimikan ay maaari lamang makamtan pag narating na natin ang posisyon kung saan nalalaman natin ang katotohanan ng ating buhay, at ang Kaluwalhatian ng Diyos. Nasa pag-unawa sa taludtod ng Surah Ar-Rahman (Kabanata 55) kung saan sinabi ng Diyos:

"Ang lahat ng anupamang nasa kalupaan ay maglalaho. Datapuwa’t mananatili (magpakailanman) ang Mukha ng iyong Panginoon na Tigib ng Kaluwalhatian, Kasaganaan at Karangalan." (Quran 55:26-7)

Anumang nasa mundo ay mawawala. Maging Anuman ito na inaalala natin, ay mawawala. Anuman ang nagpapalumbay sa atin, ay aalis. Anuman ang nagpapa-iritable sa atin at nagpapagalit ay lilipas.

Ang lahat ng ginawa na hindi layunin ang kaluguran ng Diyos ay lilipas lamang, ngunit ang nagawa sa layunin ng Kanyang Kaluguran at Kanyang Biyaya, ay tatagal at mananatili. Lubusan nitong Binabago ang ating pananaw sa buhay.

Ang kamatayan, kawalan, pagkabigo, at pagkalayo ay hindi na masakit tulad ng dati, dahil sa kahuli-hulihan, ang mga inaasahan ay nawawala.

Kapag walang inaasahan na anuman, ang lahat ng matatamo nila ay magiging sanhi ng kasiyahan, at lahat ng hindi nila natatamo ay hindi isang bagay na dapat alalahanin.

Ang pagtuon sa buhay ay napupunta sa Diyos, Ang Panginoon ng Sandaigdigan, hindi sa kung gaano karami ang mag like sa isang tao sa Facebook, na nagustuhan ang kanilang larawan, na nagbigay ng papuri, atbp.

Ang buhay ay tila higit pa sa mga maliliit na usapin. Ang iba ay natutong patawarin ang mga nakakasakit sa kanila, mahalin ang mga nagmamahal sa kanila, at pigilan ang kayabangan, dahil ano ang silbi ng kayabangan para sa isa na pagpipiyestahan lang ng mga uod, anim na talampakan sa ilalim ng lupa matapos ang dalawang araw?

Sinabi ng manunulat na si Jose Addison na ang tao ay nangangailangan ng tatlong bagay upang maging masaya - isang bagay na dapat gawin, isang bagay na mamahalin, at isang bagay na aasahan. Ang lahat ng ito ay matatagpuan sa talatang ito ng Quran:

" At makipagpaligsahan ang isa sa isa pa para sa kapatawaran galing sa inyong Panginoon, at para sa isang Paraisong kasinglapad ng mga langit at ng lupa, inihanda para sa mga yaong nagtakwil (sa masama)." (Quran 3:133)

Isang bagay na dapat gawin — mag-unahan sa kapatawaran.

Isang bagay na iibigin — kapatawaran mula sa iyong Panginoon.

Isang bagay na dapat asahan — Paraiso na kasing lapad ng langit at lupa.

Kaya, paano natin makakamtan ang kapanatagan?

Nauna nang nabanggit natin na ito ay isang proseso, at ang isang proseso ay nangangailangan ng mga hakbang. Marami ito, kaya ang artikulong ito ay inaasahan na makakatulong sa bawat isa na maunawaan ang pinagmulan.

1. Unawain ang Kadakilaan ng Diyos

Unawain kung sino ang Diyos, at kung gaano Siya kadakila.

Ang isang nakakaintindi sa kadakilaan ng Diyos ay makakahanap ng kapayapaan dahil alam niya na ang lahat ng bagay ay hamak na maliit.

2. Unawain ang Katotohanan ng Buhay na ito

Kapag alam natin na ang buhay ay higit pa sa "kumikinaw" na nakikita natin, mauunawaan natin na sa lahat ng oras, ang ating pagtuon ay dapat na maging sa hinaharap. Ang pag-unawa na ang susunod na buhay ay walang hanggan ay tumutulong sa atin na mapanatili ang ating pagtuon at hindi malunod ang ating isipan sa mga gawin sa mundong ito.

3. Ang pag-alala sa Diyos sa lahat ng oras ay tumutulong sa atin na mapanatili ang ating pagtuon.

Ang mga tao ay madaling makalimot at ang patuloy na paggunita sa Diyos ay nagpapaalala sa atin sa Diyos sa lahat ng oras at lugar. Isa sa mga payo ni Propeta Muhammad, (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala), ay:

Panatilihing basa ang iyong dila sa pag-alala sa Diyos.[1]

Sinabi ng Diyos:

"At sa pag-aalala sa Diyos nakakamit ng mga puso ang katahimikan." (Quran 13:28)

4. Maging Mapagpasalamat

"Kung kayo ay mapagpasalamat, ito ay aking daragdagan." (Quran 14:7)

Kung nagpapasalamat tayo, bibigyan tayo ng Diyos ng higit sa lahat ng mayroon tayo at higit pa. Patuloy niya tayong itataas ito rin ay mababanaag sa anyo ng kapanatagan.

5. Maging Kontento sa Itinakda ng Diyos

Ang isa sa mga pinakamahusay na daan patungo sa kapanatagan ay sa pagiging kontento sa Diyos.

Sa pag-unawa na kahit anong mangyari sa atin, ang plano ng Diyos ay ang pinakamainam. Kapag nasiyahan tayo sa itinakda ng Diyos, magsisikap tayo, gagawin natin ang lahat subalit nakukuntento sa kung anong resulta ang dumating sa atin.

Ang utos ng Diyos ay Banal, at hindi natin laging naiintindihan ngayon. Kung magbabalik-tanaw lang tayo at saka natin maiintindihan kung gaano ka-perpekto ang plano ng Diyos. Ang plano ng Diyos para sa atin ang pinakamainam para sa atin, at sa pagkakatanto nito ay magiging walang kasing payapa ang buhay natin.

Nawa ang Diyos ay gawin tayong mga taong payapa sa buhay, at payapa sa kamatayan.

Nawa’y gawin tayo ng Diyos na isa sa mga nakikinig sa tawag na ito:

"O (ikaw na) kaluluwa, sa (ganap) na kapahingahan at kasiyahan! Magbalik ka sa iyong Panginoon, na nalulugod (sa iyong sarili) at iyong tamasahin ang Kanyang lugod! 29. Halika, pumasok ka sa lipon ng Aking mararangal na alipin, Katotohanan, pumasok ka sa Aking Langit (Paraiso." (Quran 89:26-30)



Talababa:

[1] At-Tirmidhi

Mahina Pinakamagaling

Magdagdag ng komento

  • (Hindi nakikita sa publiko)

  • Ang iyong komento ay susuriin at dapat malathala sa loob ng 24 oras.

    Ang patlang na may markang asterisk (*) ay kailangan.

Pinakamaraming Tumingin

Araw-araw
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
Kabuuan
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Pinili ng Editor

(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Listahan ng Contento

Simula ng iyong huling pagbisita
Ang listahang ito ay kasalukuyang walang laman.
Lahat sa pamamagitan ng petsa
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Pinaka Sikat

Pinakamataas ang marka
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
Pinakamaraming nag-email
Pinakamaraming nag-print
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
Pinakamaraming nag-komento
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Ang iyong mga paborito

Your favorites list is empty. You may add articles to this list using the article tools.

Ang iyong History

Ang listahan ng iyong mga paborito ay walang laman. Maari kang magdagdag ng mga artikulo sa listahang ito gamit ang article tools.

Minimize chat