Mga Kaluwagan ng Pagsamba sa Islam

Marka:
Sukat ng Font:
A- A A+

Paglalarawanˇ: Kung paano ginawang madali ng Diyos at ng Kaniyang Propeta ang landas patungo sa Paraiso.

  • Ni Aisha Stacey (© 2019 IslamReligion.com)
  • Nailathala noong 24 Aug 2020
  • Huling binago noong 30 Sep 2019
  • Nag-print: 1
  • Tumingin: 6,517 (araw-araw na pamantayan: 4)
  • Marka: Wala pa
  • Nag-marka: 0
  • Nag-email: 0
  • Nag-komento: 0
Mahina Pinakamagaling

Concession in Worship.jpgAng doktrina ng Islam ay higit pa sa isang relihiyon; ito ay kumpletong panuntunan ng buhay. Walang mga aspeto ng ating buhay sa araw-araw na hindi sakop ng Islam. Ang Quran at mga tradisyon ni Propeta Muhammad, sumakaniya nawa ang habag at mga pagpapala ng Diyos, ay nagturo sa atin kung paano mamuhay ng husto at ganap. Ang pinakamahalaga ay itinuro sa atin kung paano sambahin ang Diyos, sa pamamagitan ng limang haligi ng Islam at sa lahat ng ating mga kilos. Datapuwa’t ang makikita lamang ng sinumang may pahapyaw na kaalaman sa pananampalatayang Islam, na ito ay isang pananampalatayang may mga alituntunin at regulasyon, na gawin ito, at gawin iyan. Gayunpaman, wala ng mas hihigit pa sa katotohanan.

Ang Islam ay naaangkop para sa lahat, para sa mga taong ang mental at pisikal na kakayahan ay nasa tugatog na kalagayan, at para sa mga ilang nahihirapan sa ilang aspeto ng buhay. Sa katunayan, ang mga hindi nakakayanan ang salimuot ng buhay ay natatagpuan nila ang Islam na walang kaigtingan. Ang mga panuntunan ng Islam, ang Quran at ang mga tradisyon ni Propeta Muhammad, ay nilayong magbigay ng kapanatagan at gawing madali ang pamumuhay. Ito'y dahil ang mga batas ng Islam ay nilayon upang makinabang ang sangkatauhan, si propeta Muhammad, at lahat ng kanyang kinakatawan at itinuturo, ay isang habag para sa sangkatauhan.

"…Hangad ni Allah na ito ay gawing magaan para sa inyo, at hindi Niya hangaring ito ay gawing mahirap para sa inyo…" (Quran 2:185)

Pinayuhan ng propeta Muhammad ang kanyang mga kasamahan na maging malumanay sa kanilang sarili at sa mga bagong nagbalik-loob sa panampalatayang Islam. Kaniyang sinabi, "Ang Relihiyon ay napakagaan at sinumang maghigpit sa kaniyang sarili sa relihiyon ay hindi makakayang magpatuloy sa ganoong paraan."[1] At, "Pakitunguhan ang mga tao nang may kagaanan at huwag maging mahigpit sa kanila; ipaabot sa kanila ang magagandang balita at huwag itong punan ng mga pagkamuhi .’’

Ninanais ng Diyos na sambahin natin Siya at sundin ang Kanyang mga patnubay, ngunit hindi Niya nais na pahirapan tayo. Ninanais Niya na maging madali ang landas tungo sa Paraiso, at sa layuning ito ay may isang alituntunin sa Islam na nagsasabing ang kahirapan ay nagbibigay kaginhawaan. Nangangahulugan ito na kung ang isang tao ay nahihirapan ang mga batas ng Islam ay nagkakaloob sa kaniya ng isang kaluwagan. Ang mga kaluwagang ito ay karaniwang ibinibigay sa mga kalagayang may kaugnayan sa kapinsalaan, karamdaman, katandaan, at paglalakbay.

Mga Kaluwagan sa Ablution o Ritwal na Paghuhugas at Pagdarasal

Isang napakagandang halimbawa ng paraan kung saan ang Diyos ay binibigyan ng mga kaluwagan upang tulungan ang mga mananampalataya na maaaring makita sa pagdarasal ng maysakit. Kapag ang isang tao na maysakit ay walang kakayanang magdasal nang nakatayo, maaari siyang magdasal nang nakaupo. Kung hindi siya makapagdasal nang nakaupo, kung gayon ay maaari siyang magdasal habang siya ay nakahiga nang patagilid. At kung hindi naman siya makapagdasal habang siya ay nakahiga nang patagilid maaaring humiga na lamang siya at isagawa ang pagdarasal. Ang mga kaluwagan na ito ay nagbibigay linaw na ang Diyos ay hindi nagpapahirap sa kahit kaninong tao ng lagpas sa kanilang kakayahan.

Bawat Muslim ay kailangang magsagawa ng ablusyon o ritwal na paghuhugas bago ang pagdarasal. Ang Diyos ay nagbibigay kaluwagan sa sinumang may karamdaman o kapinsalaan sa sitwasyon na ito. Kung ang isang tao ay, hindi makagamit ng tubig, o nangangamba para sa kaniyang kaligtasan o paggaling kapag kaniya itong ginamit, siya ay pinahihintulutang gumamit ng malinis na lupa upang maisagawa ang tuyong pag-ablusyon sa pamamagitan ng paghampas o paghaplos sa lupa nang dalawang kamay at pagkatapos ay hahaplusin ang mukha at mga kamay.

Ang kahirapang dulot ng pagkakasakit o pinsala ay isa sa mga makatuwirang dahilan na kung saan ay maaaring pahintulutang pagsamahin ang mga pagdarasal. Kapag ang isang tao ay may karamdaman o pinsala sa katawan siya ay pinahihintulutan na pagsamahin ang pagdarasal sa tanghali at hapon, at pagdarasal pagkalubog ng araw at pang-gabing dasal sa mas maagang oras o panghuling oras ng pagdarasal, ito'y nakasalalay sa kung ano ang pinakamadali para sa kanya. Gayunpaman ay dapat maunawaan na ang mga pagdarasal ay isasagawa ng buo dahil ang pagpapaikli ng pagdarasal ay kagaanan para sa isang naglalakbay.

Si Sheikh Al-Islam ibn Taymiyyah ay nagsabi, “Ang pagpapaikli ng mga pagdarasal ay (para) sa manlalakbay lamang, at ito ay hindi ipinahihintulot sa isang taong hindi naglalakbay. Gaya ng pagsasama ng mga pagdarasal kapag ang isa ay may dahilan o pangangailangan (may karamdaman o pinsala), kung ito’y kinakailangan niya, maaari niya itong pagsamahin habang nasa maikli o mahabang distansya ng paglalakbay, at maaari niya itong pagsamahin kapag umuulan at iba pang katulad nito, o kapag siya ay may sakit at iba pang katulad nito, o iba pang mga rason. Ang layunin sa likod nito ay ang tulungan ang nasyon ng mga Muslim (ang mga mananampalataya) mula sa kahirapan.”[2]

Si Anas ibn Malik ay nagsabi, “Kami ay lumabas kasama ang Propeta mula sa Madinah patungong Makkah, at siya’y nagsagawa ng kanyang pagdarasal ng tigdadalawang bahagi hanggang sa kami ay bumalik sa Madinah.”[3]

Mga Kaluwagan kapag Nag-aayuno

Ang mga Muslim ay inobligang mag-ayuno sa buwan ng Ramadan. Ito ay isa sa limang haligi ng Islam, gayun pa man, kapag ang isang tao ay matanda na o may kapansanan, o iba pang katanggap tanggap na kadahilanan, tulad ng isang malubhang sakit, ang Muslim ay malayang hindi magsagawa na pag-aayuno. Hindi na kailangan pang magsagawa ng pagbabayad sa ayuno na kanyang hindi naisagawa ngunit kinakailangang magpakain ng mga mahihirap na tao sa bawat araw ng Ramadan. Ang taong may sakit sa oras ng pag-aayuno na may pag-asang gumaling ay pinapayagan sa alinman ang hindi pag-aayuno o pagtigil sa kanilang pag-aayuno; gayun pa man kinakailangan nilang bayaran ang mga ayunong kanilang hindi naisagawa.

"…Nguni't sinuman sa inyo ang may karamdaman or nasa paglalakbay, ang katumbas na bilang (ng araw na inyong nakaligtaan) ay nararapat na isagawa o bayaran sa ibang araw. At yaong mga nakakaranas ng kahirapan sa pag-aayuno, sila ay nararapat na magpakain ng mahihirap na tao bilang kabayaran…" (Quran 2:184)

Ang manlalakbay ay pinahihintulutan din na umiwas mula sa pag-aayuno o itigil ang kanilang pag-aayuno kapag sila ay naglalakbay sa layong ipinahihintulot ang pagpapaikli ng pagdarasal. Gayunman, nararapat nilang punan ang mga nalampasang araw. Ang mga kababaihang nagdadalang-tao at nagpapasuso ng sanggol ay pinahihintulutang itigil ang pag-aayuno kung sila ay nababahala para sa kanilang sarili, sa kanilang sanggol, o sa kanilang hindi pa isinisilang na sanggol. Ang mga kababaihang nagdadalang-tao at nagpapasuso ay nararapat nilang punan ang mga araw na kanilang nalampasan kapag ang kanilang sitwasyon o kalagayan ay maging maayos na.

Mga Kaluwagan sa Hajj (Malaking Pilgrimahe)

Ang Hajj ay isang tungkulin ng bawat Muslim na nasa tamang edad, nasa wastong pag-iisip, at may kakayahang pangpinansyal. Yaong mga tao lamang na may sapat na pangtustos at kakayahan ang mga obligadong gawin ito. Samakatwid, ang mga mahihrap at mga nangangailangan ay hindi kabilang dito. Karagdagan pa rito, mayroon pang ibang mga kaluwagan na nagseseguro na ang mga haligi ng Islam ay hindi mahirap, at ang lahat ng mga problema ay may kalutasan.

"Ang Pilgrimahe ay tungkulin ng mga tao na iniatang ng Diyos – sa sinumang may kakayahang maglakbay para rito" (Quran 3:97)

Kung ang manlalakbay ay matanda, may kapansanan, o walang kakayahang lumakad ngunit malakas ang pangangatawan, siya ay maaaring gumamit ng isang uri ng transportasyon tulad ng upuang de gulong (wheelchair). Sa panahon ng Propeta Muhammad, ito ay pangkaraniwan na makakita ng mga tao na umiikot sa Ka’bah sakay ng isang asno.

Isa sa seremonya ng Hajj ay ang pananatili sa Muzdalifah magdamag at kasunod ay papuntang Mina upang maghagis ng mga maliliit na bato pagkatapos lamang ng pagsikat ng araw. Gayun pa man, ang Diyos ay naggawad ng kaluwagan para sa mga matatanda, mga mahihina, mga babae at mga bata, ang pagpapahintulot sa kanila na maghagis sa gabi.

Ang mga ito ay hindi ang kumpletong listahan ng mga kaluwagang pinahintulutan ng Diyos upang mabawasan ang paghihirap ng mga mananampalataya. Ito ay ang mga halimbawa lamang na ibinigay upang ipakita na kahit sa mga obligadong Haligi ng Islam, ang Diyos ay nagnais ng kaginhawahan at kadalian para sa mga mananampalataya.



Mga talababa:

[1] Saheeh Al-Bukhari.

[2] Majmoo’ al-Fataawa (22/293).

[3] Saheeh Al-Bukhari, Saheeh Muslim.

Mahina Pinakamagaling

Magdagdag ng komento

  • (Hindi nakikita sa publiko)

  • Ang iyong komento ay susuriin at dapat malathala sa loob ng 24 oras.

    Ang patlang na may markang asterisk (*) ay kailangan.

Pinakamaraming Tumingin

Araw-araw
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
Kabuuan
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Pinili ng Editor

(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Listahan ng Contento

Simula ng iyong huling pagbisita
Ang listahang ito ay kasalukuyang walang laman.
Lahat sa pamamagitan ng petsa
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Pinaka Sikat

Pinakamataas ang marka
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
Pinakamaraming nag-email
Pinakamaraming nag-print
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
Pinakamaraming nag-komento
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Ang iyong mga paborito

Your favorites list is empty. You may add articles to this list using the article tools.

Ang iyong History

Ang listahan ng iyong mga paborito ay walang laman. Maari kang magdagdag ng mga artikulo sa listahang ito gamit ang article tools.

Minimize chat