Ang Klima sa Arabian Peninsula
Paglalarawanˇ: Ang kamakailang heolohikal at arkeolohikal na mga natuklasan ay nagpapatunay sa kung ano ang sinabi ng Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) tungkol sa lupain ng Arabia na minsan ng nagkaroon ng mga kaparangan at mga ilog.
- Ni IslamReligion.com
- Nailathala noong 24 Aug 2020
- Huling binago noong 10 Oct 2018
- Nag-print: 2
- Tumingin: 3,555 (araw-araw na pamantayan: 2)
- Nag-marka: 0
- Nag-email: 0
- Nag-komento: 0
Mula sa mga himala ng mga kasabihan ng Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) na ang Arabian Peninsula ay dating isang mayabong na luntiang lupain na puno ng mga puno at mga ilog. Sinabi ng Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala), "Hindi darating ang Huling Araw; hangga't ang lupain ng Arabia ay muling maging mga kaparangan at mga ilog?"[1]
Walang paraan para kay Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) na isang hindi marunong magbasa at magsulat na malaman, nandiyan at samahan pa ng limitadong mga pang-agham at teknolohikal na kakayahan sa mga panahong iyon, ito ang katotohanan tungkol sa kanyang sarili. At ang parehong kapansin-pansin ay sa kasalukuyan ang Arabian Peninsula ay ganap na kabaligtaran ng isang mayabong at luntiang lugar. Sa halip ito ay isa sa mga may pinakamainit na klima sa buong mundo, na walang permamenteng mga ilog at halos 85% ng ikalawang pinakamalaking disyerto sa buong mundo, sa "Disyerto ng Arabya" ay matatagpuan rin ang pinakamalaking disyerto ng buhangin sa buong mundo, ang "Bakanteng Sangkapat" (ang "Bakanteng Sangkapat" ay may katamtamang ulan na 4 na pulgada taun-taon at ang mga temperatura ay maaaring umabot sa isang hindi makakayang init na 54 degrees centigrade).[2]
Ang mga pag-aaral sa heolohiya at arkeolohiya ay kamakailan lamang kinumpirma ng walang pag-aalinlangan na ang Arabian Peninsula ay minsan ng nagkaroon ng mas malamig na klima at ito ay tunay na isang mayabong na luntiang lugar na puno ng mga puno, lawa at ilog. Ang naturang bagay ay batay sa mga sumusunod:
1) ) Naidokumento ng mga siyentipiko na nasaksihan ng mundo ang pinakahuling ice age noong kapanahunan ng Pleistocene Epoch na nagsimula halos 2.59 milyong taon na ang nakalilipas at nagtapos halos 11,700 taon na ang nakalilipas.[3] Sa mga panahong ito ang mga malalaking bahagi ng mundo ay natatakpan ng yelo at ang klima ay mas malamig kaysa sa kung anong meron tayo ngayon na may katamtamang temperatura ng mundo na 5°C hanggang 10°C na mas mababa sa kasalukuyang mga temperatura. Habang natatakpan ng yelo ang mga parte ng Europa, Asya at Amerika, nasaksihan o naranasan ng Arabian Peninsula ang isang kaayaayang klima tulad ng kasalukuyang klima ng Europa.
2) ) Noong 2014 ang mga mananaliksik sa Saudi Arabia ay nakatuklas ng isang nakapreserbang labi ng isang elepante sa Disyerto ng Nafud. Na kung saan higit 60% ng buto ng elepante ay napreserba (fossilized) at buo, kasama ang isang buong pangil, ito ay kapuna-punang pagpapahiwatig na ang disyerto ng Nafud ay minsan ng nagkaroon ng isang klima na naaangkop na tirhan para sa mga elepante. Ito rin ay karapat-dapat banggitin na ang natuklasang elepante ay 50% na mas malaki ang sukat at halos dalawang beses ang bigat kumpara sa kasalukuyang elepante.[4]
Higit pa rito, noong 2017 inanunsyo ng Sentro ng Pandaigdigang Pakikipagtalastasan ng Saudi Arabia ang pagkakatuklas sa mga nakapreserbang labi ng iba pang mga nilalang kabilang na ang mga buwaya at mga seahorse, at higit na pambihira ang pagkakatuklas, sa kabuuan, ng 10,000 na sinaunang lawa at mga lagusan ng ilog sa buong Arabian Peninsula.[5] Bukod dito, noong 2017 si Dr. Eid Al Yahya, isang kilalang arkeologo, ay nakatuklas ng kauna-unahang nakapreserbang labi ng mammoth sa Saudi Arabia; at sa buong nagdaang dekada kanyang natuklasan at naidokumento ang mahigit isang libong bato ng dulo ng sibat (gawa sa silika) at iba pang mga sinaunang kasangkapan sa pangangaso ng malalaking hayop sa mga malalayong lokasyon ng disyerto na nagpapahiwatig na ang mga sibilisasyon ay minsang nangaso sa mga lugar na ito na ngayon ay isa ng tigang o tiwangwang na mga lugar.
3) Ang mga malalaking pagkakatuklas ng langis at gas sa Arabian Peninsula. Ang langis ay mga labi ng mga patay na pagkaliliit na mga halaman at hayop na nanirahan sa mga karagatan, ilog o lawa milyun-milyong taon na ang nakalipas. Ang kakulangan ng oxygen ay nakatulong sa mga patay na mikroorganismo na mapanatili ang kanilang mga hydro-carbon bonds o pagbubuklod na kinakailangan para sa pagbuo ng langis at gas. Ang mga ilalim ng ilog sa partikular ay may mababang antas ng oxygen dahil sa makitid na sirkulasyon ng tubig na nagiging pinakamainam na lugar para sa pagbuo ng langis at gas. Ang init at presyon at ang paglipas ng milyun-milyong taon ang nagsanhi ng pagkabuo ng langis at gas.[6]
Ang Saudi Arabia, Kuwait, United Arab Emirates, pati na rin ang iba pang mga bansa sa Arabian Peninsula ay hindi na nangangailangan ng pagpapakilala pagdating sa kanilang napatunayang mga pondo ng langis. Kapansin-pansin na ang mga oil fields sa Arabian Peninsula ay parehong nasa karagatan at kalupaan (sa lupa; at sa dagat). Ang maalamat na Ghawar field sa silangan ng Saudi Arabia ay ang pinakamalaking oil field sa buong mundo (sa napatunayang mga reserba), ay nagsimula na noong 1950 pa, may tinatayang 70 bilyong bariles ng natitirang mga reserba, at kapansin-pansin na geographically ito ay matatagpuan sa pakatihan o kapatagan sa parehong bakanteng sangkapat ng Arabian Desert. Gayundin, ang Burgan field sa Kuwait ay ang ika-2 pinakamalaking oil field sa buong mundo at matatagpuan din sa pakatihang nasa loob ng Arabian Desert. Ang pagkakatuklas ng mga nasabing oil field sa kapatagan ay nangangahulugan na sa milyun-milyong taon, kahit bago pa magsimula ang huling ice age, ang Arabian Peninsula noon ay hindi tigang na kalupaan na tulad ng anyo nito ngayon, sa halip noon ito ay paraiso sa mga lawa, ilog at mga lambak ng ilog.
4) Ang mga imahe sa satellite na nakunan mula sa kalawakan ay nagkumpirma na ang Arabian Peninsula ay minsan ng nagkaroon ng isang ganap na naiibang heograpiya at klima. Iniulat ng Saudi Commission for Tourism at National Heritage na ang 1990 na "Landsat" ay nakapagbigay ng mga larawan ng silangan at timog na bahagi ng Saudi Arabia, kasama ang Bakanteng Sangkapat. Ang mga imahe ng satellite ay nagsiwalat ng mga lumang ruta ng kalakalan, mga daluyan ng ilog at mga lambak; lahat ng ito ay natatabunan na ngayon ng mga bundok na buhangin.
Sa konklusyon, ang heolohikal at arkeolohikal na mga natuklasan ay nagpapatunay sa kasabihan ng Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala), na ang Arabian Peninsula ay minsang puno ng kaparangan at mga ilog; isang katotohanan na ang Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) ay hindi malalaman ng kusa maliban na sa pamamagitan ng paghahayag mula sa Makapangyarihang Diyos.
Talababa:
[1] Saheeh Muslim, Book # 05, Hadeeth # 2208
[2] Elizabeth Howell, August 2013, Ang 10 Malalaking Disyerto sa Mundo, Live Science, Nakuha mula sa https://www.livescience.com/38592-biggest-deserts.html
[3] Kim Ann Zimmermann, August 2017, Pleistocene Epoch: Ang katotohanan tungkol sa Huling Ice Age, Live Science Contributor, Nakuha mula sa https://www.livescience.com/40311-pleistocene-epoch.html
[4] Kim Ann Zimmermann, August 2017, Pleistocene Epoch: Ang katotohanan tungkol sa Huling Ice Age, Live Science Contributor, Nakuha mula sa https://www.livescience.com/40311-pleistocene-epoch.html
[5] Habib Toumi, September 2018, Ang Sinaunang Saudi Arabia ay dating mayabong at luntian, Gulf News, nakuha mula sa https://gulfnews.com/news/gulf/saudi-arabia/ancient-saudi-arabia-was-once-lush-and-green-1.2153218
[6] Roger N. Anderson, Bakit ang langis ay karaniwang natatagpuan sa mga disyerto at arctic na mga lugar? Scientific American, Nakuha mula sa https://www.scientificamerican.com/article/why-is-oil-usually-found
Magdagdag ng komento