Bakit Dapat Mahalin ang Diyos (bahagi 1 ng 2)

Marka:
Sukat ng Font:
A- A A+

Paglalarawanˇ: Ano ang pag-ibig at kung paano ang pag ibig sa sarili ay kinakailangan para mahalin ang Diyos, ang pinagkukunan ng pagmamahal.

  • Ni Hamza Andreas Tzortzis (http://www.hamzatzortzis.com)
  • Nailathala noong 24 Aug 2020
  • Huling binago noong 13 Dec 2017
  • Nag-print: 3
  • Tumingin: 9,164
  • Marka: Wala pa
  • Nag-marka: 0
  • Nag-email: 0
  • Nag-komento: 0
Mahina Pinakamagaling

"Habang ang panulat ay nagmamadali sa pagsulat, nahati ito sa kanyang sarili pagdating sa Pag ibig."[1]

Why-Love-God-part-1.jpgTama si Rumi. Kapag ang panulat ay inilalagay sa papel at nagsusulat tungkol sa pag-ibig, nahahati ito sa dalawa. Ang pagsisikap na ilarawan ang pag-ibig ay halos imposible. Ang pag-ibig ay tunay na isang malakas, natatangi at hindi mapaglabanan na puwersa o pakiramdam. Kapag sinubukan at ipinahayag ang ating pag-ibig, nahihirapan tayong maghanap ng mga tamang salita. Ang mga expresyon na ginagamit natin ay hindi ganap na kumakatawan sa kung ano ang nag-aalab sa kailaliman ng ating mga puso. Maaaring maipaliwanag nito kung bakit iniuugnay natin ang pag-ibig sa mga aksyon at hindi lamang sa mga salita. Nagyayakapan tayo sa isa't isa, bumibili tayo ng mga regalo sa ating mga mahal sa buhay, nagpapadala sa ating mga kabiyak ng isang kumpol ng mga bulaklak, o dadalhin sila para sa isang romantikong hapunan. Ang pag-ibig ay hindi lamang panloob na pakiramdam; ito ay isang paraan, isang paraan ng pag-uugali. Inilarawan ng sikologo na si Erich Fromm ang pag-ibig bilang "isang gawain, hindi isang pasibo na epekto".[2]

Ang Pagmamahal sa Sarili, ay Pagmamahal sa Diyos

Maraming mga uri ng pag-ibig at isa sa mga ito ay may kasamang pagmamahal sa sarili. Ang ganitong uri ay nangyayari dahil sa pagnanais na pahabain ang ating pag-iral, pakiramdam ng kasiyahan at maiwasan ang sakit, pati na rin ang pangangailangan upang matugunan ang ating mga pangangailangan at pagganyak natin bilang tao. Lahat tayo ay may likas na pag-ibig para sa ating sarili. Sa huli nais nating maging masaya at kontento. Nakipagtalo si Erich Fromm na ang pagmamahal sa sarili ay hindi isang anyo ng pagmamataas o sobrang pagbigay ng sentro ng sarili. Sa halip, ang pag-ibig sa sarili ay tungkol sa pag-aalaga, pagganap ng responsibilidad at paggalang sa ating mga sarili.

Ang ganitong uri ng pag-ibig ay kinakailangan upang mahalin ang iba. Kung hindi natin mahalin ang ating sarili, paano natin mamahalin ang ibang tao? Walang mas malapit sa atin kaysa sa ating sarili; kung hindi natin mapapangalagaan at igagalang ang ating sarili, paano natin aalagaan at igagalang ang iba? Ang pagmamahal sa ating sarili ay isang anyo ng 'self-empathy o ang pagsimpatiya sa sarili'. Kumokonekta tayo sa ating sariling mga damdamin, saloobin at adhikain. Kung hindi tayo makakonekta sa ating sarili, paano natin maibabahagi at maikokonekta sa iba? Inihayag ni Eric Fromm ang ideyang ito sa pamamagitan ng pagsasabi na ang pag-ibig ay "nagpapahiwatig ng paggalang sa sariling integridad at natatangi, ang pag-ibig sa pag-unawa sa sarili, ay hindi mahihiwalay sa paggalang at pagmamahal at pag-unawa sa ibang indibidwal."[3]

Bagaman, dahil sa pagmamahal sa iba, maaari nating isakripisyo at hindi naisasama ang ating sarili, ang mga sakripisyo na ito ay palaging para sa isang mas malaking anyo ng kaligayahan. Isaalang-alang, halimbawa, kapag ang isang tao ay wala ng pagkain para lang mapakain ang iba. Ang taong ito ay maaaring madama ang sakit ng gutom; gayunpaman nakamit niya ang isang mas malaking pangkalahatang kaligayahan dahil ang sakit na nakikita sa iba na walang wala ay mas malaki kaysa sa kakulangan sa ginhawa sanhi ng kakulangan ng pagkain. Ang nasabing mga sakripisyo, bagaman maaaring makitang negatibo, sa huli ay para sa isang higit na kaligayahan. Mula sa isang mas malalim, Islamikong pananaw, ang pag alis ng walang wala para lang matiyak na ang iba ay nasiyahan ay ang landas na humahantong sa tunay na kaligayahan. Ang Banal na mga pagpapala at gantimpala na nauugnay sa pagsasakripisyo para sa ating kapwa tao, ay ang tunay na walang hanggang kaligayahan - Paraiso. Sa ganitong paraan, ang mga sakripisyo na ito ay maiintindihan bilang espirituwal na pamumuhunan at walang pagkatalo. bilang buod, ang pag-ibig sa sarili ay maaaring magsama ng pagsasakripisyo at pagtitiis ng paghihirap para sa iba, sapagkat ito ay hahantong sa isang higit na kaligayahan at kasiyahan.

Kung ang pag-ibig ng isang tao sa kanyang sarili ay kinakailangan, dapat itong humantong sa kanya na mahalin ang Isa na gumawa sa kanya. Bakit? Sapagkat ang Diyos ay ang pinagmumulan ng pag-ibig. Nilikha rin Niya ang mga pisikal na sanhi at paraan upang makamit ang bawat tao na magkaroon ng kaligayahan at kasiyahan, pati na rin upang maiwasan ang sakit. Malayang binigyan tayo ng Diyos ng bawat mahalagang sandali ng ating pag-iral, subalit hindi tayo kumikita o nagmamay-ari ng mga sandaling ito. Ang dakilang teologo na si Al-Ghazali ay angkop na nagpaliwanag na kung mahal natin ang ating sarili ay dapat nating mahalin ang Diyos:

"Samakatuwid, kung ang pag-ibig ng tao para sa kanyang sarili ay kinakailangan, kung gayon ang kanyang pag-ibig para sa Kanya sa pamamagitan ng, una ang kanyang pagdating, at pangalawa, ang kanyang pagpapatuloy sa kanyang pagpapahalaga sa lahat ng kanyang panloob at panlabas na ugali, ang kanyang halaga at ang kanyang mga aksidente, magkataon ay kakailanganin din. Kung sino man ang labis na hinihimok ng kanyang pagkahilig sa laman gaya ng kulang ng pag-ibig na ito ay nagpapabaya sa kanyang Panginoon at Tagapaglikha. Wala siyang tunay na kaalaman tungkol sa Kanya; ang kanyang tingin ay limitado sa kanyang mga gusto at sa mga bagay na may kahulugan."[4]

Ang Pag-ibig ng Diyos ay ang Pinakadalisay

Ang Diyos ay Mapagmahal. Siya ang mayroong Pinakadalisay na anyo ng pag-ibig. Ito ay dapat gawin ng sinumang nais na mahalin Siya, at ang pagmamahal sa Kanya ay isang pangunahing bahagi ng pagsamba. Isipin kung sasabihin ko sa iyo na mayroong taong na siyang pinaka-mapagmahal na tao kailanman, at walang ibang pag-ibig na maaaring makatumbas sa kanyang pag-ibig, hindi ba iyon magtatanim ng isang malakas na pagnanais na makilala ang taong ito, at kalaunan ay mahalin din siya? Ang pag-ibig ng Diyos ang pinakadalisay at pinaka matinding uri ng pag-ibig; samakatuwid ang sinumang taong normal ay nais din na mahalin din siya.

Ang salitang tagalog para sa pag-ibig ay sumasaklaw sa isang hanay ng mga kahulugan; ang pinakamainam na paraan upang mailarawan ang konsepto ng Islam sa pag-ibig ng Diyos ay ang pag-usisa sa mga aktwal na termino ng Quran na ginamit upang ilarawan ang Banal na pag-ibig: Ang Kanyang awa, Kanyang espesyal na awa at ang Kanyang espesyal na pag-ibig. Sa pamamagitan ng pag-unawa sa mga salitang ito at kung paano ito nauugnay sa Banal na kalikasan, matututonan nating mahalin ang Diyos.



Mga talababa:

[1] Masnavi I: 109-116

[2]Fromm, E. (1956). The Art of Loving. New York: Harper & Row, p. 22.

[3] Ibid, pp. 58-59.

[4] Al-Ghazali. (2011) Al-Ghazali sa Pag ibig, Love, Pananabik, intimasiya at pagkakuntento. Isinalin sa isang panimula at mga tala ni Eric Ormsby. Cambridge: The Islamic Texts Society, p. 25.

Mahina Pinakamagaling

Bakit Dapat Mahalin ang Diyos (bahagi 2 ng 2)

Marka:
Sukat ng Font:
A- A A+

Paglalarawanˇ: Ang pag-unawa sa pag-ibig ng Diyos sa pamamagitan ng Kanyang mga Pangalan, at kung paano matanggap ang Kanyang espesyal na pag-ibig.

  • Ni Hamza Andreas Tzortzis (http://www.hamzatzortzis.com)
  • Nailathala noong 24 Aug 2020
  • Huling binago noong 04 Dec 2017
  • Nag-print: 3
  • Tumingin: 4,111
  • Marka: Wala pa
  • Nag-marka: 0
  • Nag-email: 0
  • Nag-komento: 0
Mahina Pinakamagaling

Awa

Why-Love-God-part-2.jpgSinasabing ang isa pang salita para sa pag-ibig ay awa. Ang isa sa mga pangalan ng Diyos ay Ang-Maawain; ang salitang Arabic na ginamit ay Ar-Rahmaan.Ang pagsasalin ng Ingles na ito ay hindi ganap na kumakatawan sa lalim at kasidhian na ang kahulugan na dala ng salitang ito. Ang pangalang Ar-Rahmaan ay may tatlong pangunahing konotasyon: ang una ay ang awa ng Diyos ay isang matinding awa; ang pangalawa ay ang Kanyang awa ay isang agarang awa; at ang pangatlo ay isang awa na napakalakas na walang makapipigil dito. Ang awa ng Diyos ay sumasaklaw sa lahat ng mga bagay at mas pinipili Niya ang patnubay para sa mga tao. Sa aklat ng Diyos, ang Quran, sinabi Niya,

"… ang Aking habag ay laganap sa lahat ng bagay.…." (Quran 7:156)

"Ang Mahabagin. [Kanyang] itinuro ang Quran [sa tao]." (Quran 55:1-2)

Sa talata sa itaas, sinabi ng Diyos na Siya ay Ang-maawain, na maiintindihan bilang "Panginoon ng Awa", at itinuro Niya ang mga Quran. Ito ay isang lingguwistika na pahiwatig upang idiin na ang Quran ay ipinahayag bilang isang pagpapakita ng awa ng Diyos. Sa madaling salita, ang Quran ay tulad ng isang malaking Pag-ibig na Liham sa sangkatauhan. Katulad ng totoong pag-ibig, ang nagmamahal ay nais ang mabuti para sa minamahal, at binabalaan sila sa mga kapahamakan at mga hadlang, at ipinakita sa kanila ang daan sa kaligayahan. Hindi naiiba ang Quran: nananawagan ito sa sangkatauhan, at binabalaan at ipinapahayag ang mga maligayang balita.

Espesyal na Awa

Nakakonekta sa Ar-Rahmaan, ay Ar-Raheem. Ang pangalang ito ay nagbabahagi ng parehong ugat tulad ng nakaraan, na nagmula sa salitang Arabe mula sa sinapupunan. Ang pagkakaiba sa kahulugan gayunpaman ay makabuluhan. Ang Ar-Raheem ay tumutukoy sa isang espesyal na awa para sa mga nais na yakapin ito. Ang sinumang pipiliing tanggapin ang patnubay ng Diyos ay mahalagang tanggapin ang Kanyang espesyal na awa. Ang espesyal na awa na ito ay para sa mga naniniwala at ito ay nahayag sa paraiso; walang humpay na kaligayahan sa Diyos.

Espesyal na Pag-ibig

Ayon sa Quran, ang Diyos ay Ang Mapagmahal. Ang pangalan sa Arabe ay Al-Wadood. Tumutukoy ito sa isang espesyal na pag-ibig na maliwanag. Nagmula ito sa salitang wud, na nangangahulugang pagpapahayag ng pag-ibig sa pamamagitan ng gawa ng pagbibigay: "At Siya ang Mapagpatawad, ang Mapagmahal." (Quran 85:14)

Ang pag-ibig ng Diyos ay lampas sa lahat ng iba't ibang uri ng pag-ibig. Ang kanyang pag-ibig ay higit sa lahat ng makamundong anyo ng pag-ibig. Halimbawa, ang pag-ibig ng isang ina, kahit na hindi makasarili, ay batay sa kanyang panloob na pangangailangan na mahalin ang kanyang anak. Kinumpleto siya neto, at sa pamamagitan ng kanyang mga sakripisyo ay nararamdaman niya na siya ay buo at kontento. Ang Diyos ay isang independiyente na walang pangangailangan at perpekto; Wala siyang hinihiling na anuman. Ang pag-ibig ng Diyos ay hindi batay sa pangangailangan o nais; samakatuwid ito ay ang purong anyo ng pag-ibig, sapagkat wala Siyang nakukuha mula sa pagmamahal Niya sa atin.

Sa liwanag na ito, paano natin hindi mamahalin ang Diyos na higit na mapagmahal kaysa sa anumang maiisip natin? Sinabi ni Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala), "Ang Diyos ay higit na nagmamahal sa Kanyang mga lingkod kaysa sa isang ina sa kanyang mga anak."[1]

Kung ang Diyos ang pinaka-mapagmahal, at ang Kanyang pag-ibig ay mas malaki kaysa sa pinakadakilang makamundong pag-ibig na naranasan natin, dapat itong itanim sa atin ng mas malalim na pag-ibig sa Diyos. Ang mahalaga, ito ay dapat gawin nating nais na mahalin Siya sa pamamagitan ng pagiging isa sa Kanyang mga lingkod. Sinabi ni Al-Ghazali na, "Para sa mga pinagkalooban ng pang unawa sa katotohanan walang layon ang pag-ibig kundi ang Diyos, o meron pabang sinuman maliban sa Kanya na nararapat sa pag-ibig."[2]

Mula sa isang pang-espiritwal na pananaw, ang pag-ibig ng Diyos ang pinakadakilang pagpapala na maaaring makamit ng sinuman, dahil ito ay isang mapagkukunan ng panloob na katiwasayan, katahimikan, at walang hanggang kaligayahan sa hinaharap. Ang hindi magmahal sa Diyos ay hindi lamang isang anyo ng kawalang utang na loob, kundi ito ang pinakadakilang anyo ng poot. Ang hindi magmahal sa Kanya na siyang mapagkukunan ng pag-ibig ay isang pagtanggi sa nagbibigay daan sa pag-ibig na maganap at punan ang ating mga puso.

Hindi pinipilit ng Diyos ang Kanyang espesyal na pag-ibig sa atin. Bagaman, sa pamamagitan ng Kanyang awa, Minamahal Niyang bigyan tayo ng bawat sandali ng ating buhay, upang lubos na yakapin ang pag-ibig ng Diyos at maging mga tatanggap ng Kanyang natatanging pag-ibig, ang isang tao ay dapat na pumasok sa isang relasyon sa Kanya. Para bang ang pag-ibig ng Diyos ay naghihintay sa atin na yakapin ito. Gayunpaman, isinara natin ang pintuan at inilagay ang mga panangga. Sinasara natin ang pinto sa pamamagitan ng pagtanggi, hindi pagpansin at pagtanggi sa Diyos. Kung pipilitin ng Diyos ang Kanyang espesyal na pag-ibig sa atin, mawawala ang ibig sabihin ng pag-ibig. Mayroon tayong pagpipilian: upang sundin ang tamang landas at sa gayo’y magkamit ng natatanging pag-ibig at awa ng Diyos, o tanggihan ang Kanyang patnubay at harapin ang mga espirituwal na bunga.

Ang pinakamamahal na Diyos ay nagmamahal sa iyo, ngunit upang lubos mong yakapin ang natatanging pag-ibig na iyon, at upang maging makabuluhan ito, kailangan mong piliin na mahalin Siya at sundin ang landas na patungo sa Kanyang pag-ibig. Ang landas na ito ay ang landas ng Propeta na si Propeta Muhammad (nawa ang kapayapaan at mga biyaya ng Diyos ay sumakanya):

"Sabihin mo [sa kanila O Muhammad]: “Kung [tunay ngang] kayo ay nagmamahal sa Diyos, magkagayon Ako ay inyong sundin, [at] kayo ay mamahalin ng Diyos at Kanyang patatawarin ang inyong mga kasalanan. At ang Diyos ay Mapagpatawad, Maawain.” (Quran 3:31)

Ang isang mahalagang katanungan na sumusunod dito ay: Alam ko kung bakit dapat kong mahalin ang Diyos, ngunit paano ko siya mamahalin? Nais kong sagutin ito sa ibang talakayan. Gayunpaman, upang tapusin, iiwanan ko kayo ng mga salita ng ika-14th na siglo na teologo na si Ibn Al-Qayyim:

"Walang pag-aalinlangan na ang perpektong paglilingkod sa Diyos ay bahagi ng perpektong pag-ibig, at ang perpektong pag-ibig ay konektado sa pagiging perpekto ng minamahal at ng Kanyang Sarili, para sa Diyos, nawa’y luwalhatiin siya, ay kumpleto at ganap na perpekto sa lahat ng aspeto, at walang anumang mga pagkukulang. Para sa isang katulad nito, walang maaaring maging mas mahal sa mga tao kaysa sa Kanya; hangga't ang kanilang pangunahing katangian at dahilan ay maayos, hindi maiiwasan na Siya ang magiging pinakamamahal sa lahat ng mga bagay sa kanilang mga puso. Walang alinlangan na ang pag-ibig sa Kanya ay humahantong sa pagsumite at pagsunod sa Kanya, hinahanap ang Kanyang kasiyahan, ginagawa ang pinakamaraming pagsamba sa Kanya at pagbaling sa Kanya. Ito ang pinakamahusay at pinakamalakas na motibo na gawin ang mga gawaing pagsamba."[3]

Huling nabago 5 Abril 2017. Kinuha at inangkop mula sa aking libro "The Divine Reality: God, Islam & The Mirage of Atheism". Maaari kang bumili ng libro dito.



Mga talababa:

[1] Abu Dawud

[2] Al-Ghazali. (2011) Al-Ghazali on Love, Longing, Intimacy & Contentment, p. 23.

[3] Miftaah Daar al-Sa‘aadah, 2/88-90.

Mahina Pinakamagaling

Mga bahagi ng mga artikulo na ito

Magdagdag ng komento

  • (Hindi nakikita sa publiko)

  • Ang iyong komento ay susuriin at dapat malathala sa loob ng 24 oras.

    Ang patlang na may markang asterisk (*) ay kailangan.

Pinakamaraming Tumingin

Araw-araw
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
Kabuuan
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Pinili ng Editor

(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Listahan ng Contento

Simula ng iyong huling pagbisita
Ang listahang ito ay kasalukuyang walang laman.
Lahat sa pamamagitan ng petsa
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Pinaka Sikat

Pinakamataas ang marka
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
Pinakamaraming nag-email
Pinakamaraming nag-print
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
Pinakamaraming nag-komento
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Ang iyong mga paborito

Your favorites list is empty. You may add articles to this list using the article tools.

Ang iyong History

Ang listahan ng iyong mga paborito ay walang laman. Maari kang magdagdag ng mga artikulo sa listahang ito gamit ang article tools.

Minimize chat