Bakit Dapat Mahalin ang Diyos (bahagi 1 ng 2)
Paglalarawanˇ: Ano ang pag-ibig at kung paano ang pag ibig sa sarili ay kinakailangan para mahalin ang Diyos, ang pinagkukunan ng pagmamahal.
- Ni Hamza Andreas Tzortzis (http://www.hamzatzortzis.com)
- Nailathala noong 24 Aug 2020
- Huling binago noong 13 Dec 2017
- Nag-print: 3
- Tumingin: 9,065 (araw-araw na pamantayan: 6)
- Nag-marka: 0
- Nag-email: 0
- Nag-komento: 0
"Habang ang panulat ay nagmamadali sa pagsulat, nahati ito sa kanyang sarili pagdating sa Pag ibig."[1]
Tama si Rumi. Kapag ang panulat ay inilalagay sa papel at nagsusulat tungkol sa pag-ibig, nahahati ito sa dalawa. Ang pagsisikap na ilarawan ang pag-ibig ay halos imposible. Ang pag-ibig ay tunay na isang malakas, natatangi at hindi mapaglabanan na puwersa o pakiramdam. Kapag sinubukan at ipinahayag ang ating pag-ibig, nahihirapan tayong maghanap ng mga tamang salita. Ang mga expresyon na ginagamit natin ay hindi ganap na kumakatawan sa kung ano ang nag-aalab sa kailaliman ng ating mga puso. Maaaring maipaliwanag nito kung bakit iniuugnay natin ang pag-ibig sa mga aksyon at hindi lamang sa mga salita. Nagyayakapan tayo sa isa't isa, bumibili tayo ng mga regalo sa ating mga mahal sa buhay, nagpapadala sa ating mga kabiyak ng isang kumpol ng mga bulaklak, o dadalhin sila para sa isang romantikong hapunan. Ang pag-ibig ay hindi lamang panloob na pakiramdam; ito ay isang paraan, isang paraan ng pag-uugali. Inilarawan ng sikologo na si Erich Fromm ang pag-ibig bilang "isang gawain, hindi isang pasibo na epekto".[2]
Ang Pagmamahal sa Sarili, ay Pagmamahal sa Diyos
Maraming mga uri ng pag-ibig at isa sa mga ito ay may kasamang pagmamahal sa sarili. Ang ganitong uri ay nangyayari dahil sa pagnanais na pahabain ang ating pag-iral, pakiramdam ng kasiyahan at maiwasan ang sakit, pati na rin ang pangangailangan upang matugunan ang ating mga pangangailangan at pagganyak natin bilang tao. Lahat tayo ay may likas na pag-ibig para sa ating sarili. Sa huli nais nating maging masaya at kontento. Nakipagtalo si Erich Fromm na ang pagmamahal sa sarili ay hindi isang anyo ng pagmamataas o sobrang pagbigay ng sentro ng sarili. Sa halip, ang pag-ibig sa sarili ay tungkol sa pag-aalaga, pagganap ng responsibilidad at paggalang sa ating mga sarili.
Ang ganitong uri ng pag-ibig ay kinakailangan upang mahalin ang iba. Kung hindi natin mahalin ang ating sarili, paano natin mamahalin ang ibang tao? Walang mas malapit sa atin kaysa sa ating sarili; kung hindi natin mapapangalagaan at igagalang ang ating sarili, paano natin aalagaan at igagalang ang iba? Ang pagmamahal sa ating sarili ay isang anyo ng 'self-empathy o ang pagsimpatiya sa sarili'. Kumokonekta tayo sa ating sariling mga damdamin, saloobin at adhikain. Kung hindi tayo makakonekta sa ating sarili, paano natin maibabahagi at maikokonekta sa iba? Inihayag ni Eric Fromm ang ideyang ito sa pamamagitan ng pagsasabi na ang pag-ibig ay "nagpapahiwatig ng paggalang sa sariling integridad at natatangi, ang pag-ibig sa pag-unawa sa sarili, ay hindi mahihiwalay sa paggalang at pagmamahal at pag-unawa sa ibang indibidwal."[3]
Bagaman, dahil sa pagmamahal sa iba, maaari nating isakripisyo at hindi naisasama ang ating sarili, ang mga sakripisyo na ito ay palaging para sa isang mas malaking anyo ng kaligayahan. Isaalang-alang, halimbawa, kapag ang isang tao ay wala ng pagkain para lang mapakain ang iba. Ang taong ito ay maaaring madama ang sakit ng gutom; gayunpaman nakamit niya ang isang mas malaking pangkalahatang kaligayahan dahil ang sakit na nakikita sa iba na walang wala ay mas malaki kaysa sa kakulangan sa ginhawa sanhi ng kakulangan ng pagkain. Ang nasabing mga sakripisyo, bagaman maaaring makitang negatibo, sa huli ay para sa isang higit na kaligayahan. Mula sa isang mas malalim, Islamikong pananaw, ang pag alis ng walang wala para lang matiyak na ang iba ay nasiyahan ay ang landas na humahantong sa tunay na kaligayahan. Ang Banal na mga pagpapala at gantimpala na nauugnay sa pagsasakripisyo para sa ating kapwa tao, ay ang tunay na walang hanggang kaligayahan - Paraiso. Sa ganitong paraan, ang mga sakripisyo na ito ay maiintindihan bilang espirituwal na pamumuhunan at walang pagkatalo. bilang buod, ang pag-ibig sa sarili ay maaaring magsama ng pagsasakripisyo at pagtitiis ng paghihirap para sa iba, sapagkat ito ay hahantong sa isang higit na kaligayahan at kasiyahan.
Kung ang pag-ibig ng isang tao sa kanyang sarili ay kinakailangan, dapat itong humantong sa kanya na mahalin ang Isa na gumawa sa kanya. Bakit? Sapagkat ang Diyos ay ang pinagmumulan ng pag-ibig. Nilikha rin Niya ang mga pisikal na sanhi at paraan upang makamit ang bawat tao na magkaroon ng kaligayahan at kasiyahan, pati na rin upang maiwasan ang sakit. Malayang binigyan tayo ng Diyos ng bawat mahalagang sandali ng ating pag-iral, subalit hindi tayo kumikita o nagmamay-ari ng mga sandaling ito. Ang dakilang teologo na si Al-Ghazali ay angkop na nagpaliwanag na kung mahal natin ang ating sarili ay dapat nating mahalin ang Diyos:
"Samakatuwid, kung ang pag-ibig ng tao para sa kanyang sarili ay kinakailangan, kung gayon ang kanyang pag-ibig para sa Kanya sa pamamagitan ng, una ang kanyang pagdating, at pangalawa, ang kanyang pagpapatuloy sa kanyang pagpapahalaga sa lahat ng kanyang panloob at panlabas na ugali, ang kanyang halaga at ang kanyang mga aksidente, magkataon ay kakailanganin din. Kung sino man ang labis na hinihimok ng kanyang pagkahilig sa laman gaya ng kulang ng pag-ibig na ito ay nagpapabaya sa kanyang Panginoon at Tagapaglikha. Wala siyang tunay na kaalaman tungkol sa Kanya; ang kanyang tingin ay limitado sa kanyang mga gusto at sa mga bagay na may kahulugan."[4]
Ang Pag-ibig ng Diyos ay ang Pinakadalisay
Ang Diyos ay Mapagmahal. Siya ang mayroong Pinakadalisay na anyo ng pag-ibig. Ito ay dapat gawin ng sinumang nais na mahalin Siya, at ang pagmamahal sa Kanya ay isang pangunahing bahagi ng pagsamba. Isipin kung sasabihin ko sa iyo na mayroong taong na siyang pinaka-mapagmahal na tao kailanman, at walang ibang pag-ibig na maaaring makatumbas sa kanyang pag-ibig, hindi ba iyon magtatanim ng isang malakas na pagnanais na makilala ang taong ito, at kalaunan ay mahalin din siya? Ang pag-ibig ng Diyos ang pinakadalisay at pinaka matinding uri ng pag-ibig; samakatuwid ang sinumang taong normal ay nais din na mahalin din siya.
Ang salitang tagalog para sa pag-ibig ay sumasaklaw sa isang hanay ng mga kahulugan; ang pinakamainam na paraan upang mailarawan ang konsepto ng Islam sa pag-ibig ng Diyos ay ang pag-usisa sa mga aktwal na termino ng Quran na ginamit upang ilarawan ang Banal na pag-ibig: Ang Kanyang awa, Kanyang espesyal na awa at ang Kanyang espesyal na pag-ibig. Sa pamamagitan ng pag-unawa sa mga salitang ito at kung paano ito nauugnay sa Banal na kalikasan, matututonan nating mahalin ang Diyos.
Mga talababa:
[1] Masnavi I: 109-116
[2]Fromm, E. (1956). The Art of Loving. New York: Harper & Row, p. 22.
[3] Ibid, pp. 58-59.
[4] Al-Ghazali. (2011) Al-Ghazali sa Pag ibig, Love, Pananabik, intimasiya at pagkakuntento. Isinalin sa isang panimula at mga tala ni Eric Ormsby. Cambridge: The Islamic Texts Society, p. 25.
Magdagdag ng komento