Si James Den C. Bedico, Dating Kristiyano, Pilipinas
Paglalarawanˇ: Ang pagkabighani ni James sa Islam ay nagsimula sa pag-alam ng konsepto ng Kaisahan ng Diyos, pagtingin sa kung paano magdasal ang mga Muslim at ang pagmamahal at katapatan ng mga Muslim para kay Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala).
- Ni James Den C. Bedico
- Nailathala noong 24 Aug 2020
- Huling binago noong 10 Nov 2013
- Nag-print: 1
- Tumingin: 2,028 (araw-araw na pamantayan: 1)
- Nag-marka: 0
- Nag-email: 0
- Nag-komento: 0
Noon Ako ay si G. James Den C. Bedico ngayon Ako na si G. Afraz Saleem C. Bedico, isang dating miyembro ng Iglesia Ni Cristo o Church of Christ sa Republika ng Pilipinas.
Ang Iglesia Ni Cristo ay isa sa mga pinaka-maimpluwensya at pangalawang pinakamalaking pangkat ng Kristiyano dito sa Pilipinas kasunod ng Romanong Katoliko. Ipinanganak ako, pinalaki, at nabautismuhan sa loob ng Iglesia Ni Cristo sa kadahilanang ang aking mga magulang, kapatid na lalaki at babae, at karamihan sa aking mga kamag-anak ay mga dedikadong miyembro ng Iglesia Ni Cristo.
Sa aking pagkabata, napaka aktibo ko sa bawat relihiyosong aktibidad ng Iglesia Ni Kristo at karaniwan akong nagsisimba tuwing Huwebes at Linggo. Hindi ako nag-iwan ng isang paglilingkod na pagtitipon maliban na lamang sa mga pangyayaring tulad ng matinding sakit. Ako ay bahagi sa pangkat ng mang-aawit at ang aking mga magulang ay nananatili pa rin sa mga pangunahing posisyon sa Simbahan, tulad ng dyakono at dyakonisa. Nag-aral ako ng kolehiyo sa isang paaralan na pag-aari ng Iglesia Ni Cristo, lahat ng mga mag-aaral ay mga miyembro ng simbahan. Sa kabuuan, tatlumpung taon kong ginugol ang aking buhay bilang isang mananampalataya ng Iglesia Ni Cristo. Hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na makinig sa mga turo ng ibang mga relihiyon.
Bilang pag-uugnay sa Islam, Hindi ako kailan man nagka-interes malaman ang tungkol dito, ito ay bahagyang sa kadahilanan ng minoryang katayuan na hawak ng mga Muslim sa Pilipinas. Karaniwang nakikita ko sila habang umuuwi; tila sila ay mga kasapi ng isang tribo, isang magkakadugong angkan, o isang pangkat ng mga katutubong naninirahan sa mga magkakahiwalay na isla ng Pilipinas. Hindi ko kailanman naisip na mayroon silang isang relihiyon! Hindi ko kailanman narinig ang salitang “Islam” sa aking pagkabata, o maaaring mangyaring hindi ko kailanman binigyan ng pansin ang salitang iyon. Karaniwan ang Islam dito sa Pilipinas ay isang nakalimutang relihiyon. Ang Pilipinas ay isang lipunan na pinamamahalaan ng mga Kristiyano, lalo na sa hilaga at gitnang bahagi ng bansa. Sa pinakadulong bahagi, ang mga Muslim ay lubos na nangingibabaw. Ito ay dahil sila ay nasatabi o malapit sa Malaysia, isang bansang Muslim sa timog-silangang Asya.
Sa paglipas ng mga taon, natatangay ako palayo sa aking relihiyon, Nakaramdam ako ng ‘walang kabuluhan’, na para bang may matinding paghahangad sa isang bagay. Simula ng taon ng 2012, nagkaroon ako ng kakaibang panaginip tungkol sa isang batang muslim na may suot na hijab (belo) na sumasakop sa lahat ng kanyang katawan maliban sa kanyang mga mata. Ang bata ay mga nasa 6 na taong gulang. Nakatingin siya sa akin sa layong halos 5 talampakan mula sa kinatatayuan ko at saka niya binigkas ang mga salitang: “Assalamu Alaikum!” Nagising ako, nagulat at naguguluhan… bakit ako nagkaroon ng ganoong panaginip?
Matapos mapanaginipan ang tungkol sa batang Muslim, Nagsaliksik ako tungkol sa mga Muslim sa online. Isinulat ko ang salitang “Islam” at isa sa mga website na lumabas ay ang www.islamreligion.com. Binisita ko ang site at namangha ako dahil hindi ko kailanman inakala na ang Islam ay isang relihiyon, at pinapangaral nito ang KAISAHAN NG DIYOS. Magmula sa sandaling iyon ako ay naging interesado sa Islam. Lalo pang lumakas ang interes ko nang mabasa ko ang isang artikulo tungkol sa Diyos. Sinabi nito na Siya ay walang kapareha o anak! Ang doktrinang ito ay katulad ng dati kong relihiyon, ngunit may malaking pagkakaiba. Mula sa mga pangunahing paniniwala na itinuro sa atin ay si Kristo ay anak ng DIYOS. Kaya, naisip ko sa aking sarili na kung ang aking dating relihiyon ay nagtuturo sa atin na iisa lamang ang DIYOS at si Hesu-Kristo ay anak ng DIYOS, kung gayon maaaring maparami ng DIYOS ang kanyang sarili sa pamamagitan ng pagkakaroon ng isa pang anak na lalaki. Ang prosesong ito ay maaaring magpatuloy hanggang sa magkaroon ng maraming diyos na tutulong sa ISANG DIYOS sa kanyang mga gawain bilang isang DIYOS. Dahil dito, nawalan ako ng pananalig sa aking dating relihiyon at sinimulan kong magsaliksik pa nang mas malalim sa pananampalatayang Islam.
Patuloy akong bumisita sa www.islamreligion.com at nagbabasa ng ilang mga nakakabigay kaliwanagan na mga artikulo tungkol sa Islam. Sobrang napahanga ako sa mga pamamaraan ng pagdarasal ng mga Muslim. Maliwanag na maliwanag sa akin na ang mga pagdarasal, na ito ay mas sagrado, taos-puso, mapagpakumbaba, at masunurin sa DIYOS NA MAKAPANGYARIHAN, lalo na kapag ang mga Muslim ay nagsasagawa ng ruku o pagyuko (ang pagyuko ay isang tanda ng paggalang sa isang PANGINOON) at pagkatapos ay ang sajdah o ang pagpapatirapa. Mayroong napakaraming paggalang sa mga pagdarasal na isinasagawa ng mga Muslim. Nagtataka ako kung bakit sa dati kong relihiyon, sa oras ng pagdarasal bakit kami tumatayo lamang at magbiyolin gamit ang aming mga kamay, ito ay nagiging sanhi ng labis na pagkagambala!
Sa aking isipan, sinimulan kong makita ang kagandahan ng mga turo ng Islam. Naisip kong kapag tayo ay yumuko sa isang tao ito ay nagpapakita ng labis na paggalang sa taong iyon, kaya bakit hindi tayo yumuko sa MAKAPANGYARIHANG DIYOS? Kapag ang isang baril ay itinutok sa atin, tayo ay lumuluhod sa harap ng tao humihingi ng kanyang awa, kaya bakit hindi tayo dapat na magpatirapa sa MAKAPANGYARIHANG DIYOS na may kakayahang magdulot ng ating kamatayan at may kakayahang maglagay sa ating mga kaluluwa sa Impiyerno?
Napagtanto ko na ang Islam ay isang relihiyon na nananawagan sa pagsamba sa DIYOS na may malaking paggalang sa pamamagitan ng taimtim na mga pagdarasal, matatag na pananampalataya, at matibay na paniniwala.
Ang isa pang dahilan kung bakit niyakap ko ang Islam ay ang buhay ng Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala). Namangha ako nang makita ko kung paano pinangalagaan ng mga Muslim ang kanilang Propeta (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) hanggang sa kanyang huling paghinga at kung paano nakipaglaban ang Propeta para sa KAISAHAN NG DIYOS at ang pagsusumikap ng mga Muslim upang mapalaganap ang mensahe ng Diyos.
Ito ang diwa ng Islam, matatag tayong naniniwala sa KAISAHAN NG DIYOS at iginagalang natin ang Sugo ng DIYOS: Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala).
Ngayon, bilang isang Muslim, ang aking mga kilos ay mas pinadalisay. Ako ay may higit na pagkatakot sa DIYOS at pag-alala sa DIYOS. Lagi kong naaalala ang DIYOS sa pamamagitan ng palagian na pagdarasal, naaalala ko Siya sa lahat ng ginagawa ko sa pamamagitan ng mga panalangin at naaalala ko Siya sa pamamagitan ng pagbabalik-loob sa Kanya kapag nakagawa ako ng mga kasalanan. Ito ang lahat ng mga kaaya-ayang pagbabago sa aking buhay. Nasisiyahan ako sa aking relihiyon at napakasaya ko na niyakap ko ang Islam bilang aking bagong relihiyon. Napakasaya ko na ako ngayon ay ligal na nagbalik-loob sa Islam dito sa Pilipinas at ginagamit ko ngayon ang aking pangalang Muslim na si Afraz Saleem C. Bedico. Pinapasalamatan ko ang tagapamahala ng website na si Samy sa pagtulong sa akin sa pagbigkas ng shahadah (deklarasyon ng Pananampalataya) at pinapasalamatan ko ang tagapamahala ng website na si Tariq sa pagsagot sa aking mga katanungan sa Live-Chat na mga sesyon, at pinapasalamatan ko ang www.Islamreligion.com sa pagiging gabay sa mga taong hindi alam ang tamang landas.
ALHAMDULILLAH (Ang lahat ng papuri at pasasalamat ay para lamang sa Diyos) sa paggabay sa akin sa tamang landas.
Magdagdag ng komento