Mga Susi sa Kaligayahan
Paglalarawanˇ: Ang ilan sa mga paraan upang makamit ang kaligayahan.
- Ni Ayed Al-Qarni
- Nailathala noong 24 Aug 2020
- Huling binago noong 27 Aug 2020
- Nag-print: 1
- Tumingin: 4,034 (araw-araw na pamantayan: 3)
- Nag-marka: 0
- Nag-email: 0
- Nag-komento: 0
Ang kaligayahan ay ang tanging layunin sa mundo na ang lahat ng mga tao maging sinuman ay naghahangad na makamit. Ang mga mananampalataya at hindi-mananampalataya ay parehas na gustong maging masaya, ngunit ang bawat partido ay gumagamit ng iba't ibang mga pamamaraan.
Gayunpaman, ang mga mananampalataya lamang ang makakakamit ng tunay na kaligayahan. Lahat ng anyo ng kaligayahan na natamo nang walang isang matatag na paniniwala sa Diyos, ang Makapangyarihan sa lahat, ay mga ilusyon lamang.
Ang mga sumusunod ay mga payo para sa pagkamit ng kaligayahan:
1. Alamin na kung hindi ka nabubuhay sa loob ng saklaw ngayon, magiging magulo ang iyong mga saloobin, magkakagulo ang iyong mga gawain, at madaragdagan ang iyong pagkabalisa. Ang mga katotohanang ito ay ipinaliwanag sa mga sumusunod na hadith:
“Kapag ikaw ay inabutan ng gabi, huwag asahan na makita ang umaga, at kapag ikaw ay inabutan ng umaga, huwag asahan na makita ang gabi.” (Saheeh Al-Bukhari)
2. Kalimutan ang nakaraan at lahat ng nakapaloob rito, tumuon sa kasalukuyan.
3. Huwag mong masyadong pagtuunan ang hinaharap at balewalain ang kasalukuyan. Maging balanse sa buhay, ihanda ang iyong sarili nang sapat para sa lahat ng mga sitwasyon.
4. Huwag kang magpadala sa mga pintas; sa halip, maging matatag. Tulad ng pagtaas ng iyong halaga, ay pagtaas ng antas ng kritisismo ng mga tao. Gayundin, gamitin ang kritisismo sa pagtuklas ng iyong mga pagkukulang at pagkakamali, at hayaan itong dalhin ka patungo sa pagpapabuti sa iyong sarili.
5. Magkaroon ng kumpletong pananampalataya sa Diyos at magsagawa ng mabubuting gawa; ito ang mga sangkap na nagpapaganda ng maayos at masayang buhay.
6. Kung nais mo ang kapayapaan, katahimikan, at ginhawa, matatagpuan mo ang lahat ng ito sa pag-alaala sa Diyos.
7. Dapat mong malaman nang tiyak na ang lahat ng nangyayari, nangyayari ayon sa banal na kautusan.
8. Huwag asahan ang pasasalamat mula sa sinuman.
9. Sanayin ang iyong sarili na maging handa sa pinakamasamang posibilidad.
10. Marahil ang nangyari sayo ay kapaki-pakinabang, kahit na hindi mo maintindihan kung paano ito nangyari.
11. Ang lahat ng itinakda para sa mananampalataya ay ang pinakamainam para sa kanya.
12. Bilangin ang mga pagpapala ng Diyos at magpasalamat para doon.
13. Tandaan na mas mabuti ang iyong kalagayan kaysa sa mga iba.
14. Ang kaluwagan ay nagmula sa isang oras hanggang sa susunod. Sa katunayan, sa bawat paghihirap ay may kaluwagan.
15. Sa parehong oras ng paghihirap at kaginhawaan, dapat na bumaling sa pagsusumamo at panalangin, pagiging kontento o pagpapasalamat.
16. Ang mga kalamidad ay dapat magpalakas sa iyong puso at humubog muli ng iyong pananaw sa isang positibong paraan.
17. Huwag hayaang ang pagsubok ay maging sanhi ng iyong pagkawasak.
18. Laging tandaan na ang iyong Diyos ay laging mapagpatawad.
19. Magkaroon ng isang taimtim na pag-uugali at iwasan ang galit.
20. Ang buhay natin ay nangangailangan lamang ng tinapay, tubig, at lilim; kaya huwag mag-alala sa kakulangan ng anumang iba pang materyal na bagay.
“At ang Paraiso ang inyong magiging tahanan at siyang ipinangako sa inyo.” (Quran 51:22)
21. Ang isang nakakatakot na pangitain na tila mangyayari ay karaniwang hindi nangyayari.
22. Tumingin sa mga may higit na mga paghihirap at magpasalamat na mayroon kang mas kaunti.
23. Alalahanin ang katotohanan na mahal ng Diyos ang mga nagtitiis sa mga pagsubok nang may katatagan, kaya't hangarin na maging isa sa kanila.
24. Ulit-ulitin ang mga panalangin na iyon ng Propeta (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) na itinuro sa atin na sabihin sa mga oras ng paghihirap.
25. Magtrabaho nang mabuti sa isang bagay na produktibo, at iwasan ang katamaran.
26. Huwag magpalaganap ng tsismis at huwag makinig sa kanila. Kung naririnig mo ang isang tsismis nang hindi sinasadya, huwag paniwalaan.
27. Alamin na ang iyong masamang hangarin at ang iyong pagsusumikap na makaganti ay mas nakakapinsala sa iyong kalusugan kaysa sa iyong kaaway.
28. Ang mga paghihirap na natatamo ay pagbabayad sa iyong mga kasalanan, kung magtitiis ka nang mataimtim.
Magdagdag ng komento