Islam, isang Malalim na Kabihasnan (bahagi 2 ng 2): Karagdagang Mga Pahayag
Paglalarawanˇ: Mga pahayag ng iba't ibang mga di-Muslim na iskolar at intelektwal tungkol sa kalaliman ng relihiyong Islam bilang isang sibilisasyon. Bahagi 2: Karagdagang mga pahayag.
- Ni iiie.net
- Nailathala noong 24 Aug 2020
- Huling binago noong 17 May 2006
- Nag-print: 3
- Tumingin: 6,030 (araw-araw na pamantayan: 4)
- Nag-marka: 0
- Nag-email: 0
- Nag-komento: 0
A.J. Toynbee, Civilization on Trial, New York, 1948, p. 205:
“Ang pagkawala ng kamalayan sa lahi sa pagitan ng mga Muslim ay isa sa mga natatanging tagumpay ng Islam at sa kasalukuyang mundo. Habang nangyayari ito, mayroong matinding pangangailangan para sa pagpapalaganap ng kabutihan ng Islam.”
A.M.L. Stoddard, sinipi sa Islam – The Religion of All Prophets, Begum Bawani Waqf, Karachi, Pakistan, p. 56:
“Ang paglaganap ng Islam ay marahil ang pinaka kamangha-manghang kaganapan sa kasaysayan ng tao. Sumibol mula sa isang lupain at mga tao na parehong walang pakialam o pabaya, kumalat ang Islam sa loob lamang ng isang siglo sa mahigit kalahati ng mundo, winasak ang mga malalaking emperyo, pinabagsak ang matagal ng itinatag na mga relihiyon, muling hinubog ang mga kaluluwa ng mga lipi, at bumuo ng isang buong bagong mundo - mundo ng Islam.
“Habang sinusuri namin ng malapitan ang pagsulong nito ay mas lumilitaw ang pagiging katangi-tangi nito. Ang iba pang mga dakilang relihiyon ay dahan-dahang nagtagumpay, sa pamamagitan ng masakit na pakikibaka at sa wakas ay nagtagumpay sa tulong ng mga makapangyarihang mga monarko na nagpalit o lumipat sa bagong pananampalataya. Ang Kristiyanismo ay nagkaroon ng Constantine, ang Budismo ay may Asoka, at ang Zoroastrianismo ay may Cyrus, bawat isa ay nagpahiram sa kanyang napiling kulto ng makapangyarihang puwersa ng sekular na awtoridad. Hindi ang Islam. Na lumitaw sa isang lupain ng desyerto na may kakaunting pagala-galang lahi na dating hindi nakikilala sa mga talaan ng tao, ang Islam ay sumugod sa malaking pakikipagsapalaran ng may kakaunting suporta ng tao at laban sa posibleng pinakamabibigat na iba-ibang mga bagay. Gayunpaman, ang Islam ay nagtagumpay ng tila isang milagro at napakadali, at ilang mga henerasyon ang nakakita ng Fiery Crescent (simbolong makikita sa mga Moske ng mga Muslim) na nagdala ng tagumpay mula sa Kabundukan hanggang sa Himalaya at mula sa desyerto ng Gitnang Asya hanggang sa mga desyerto ng Gitnang Africa.”
Edward Montet, “La Propaganda Chretienne it Adversaries Musulmans”, Paris, 1890, sinipi ni T.W. Arnold sa The Preaching of Islam, London, 1913, pp. 413-414:
“Ang Islam ay isang relihiyon na totoong makatwiran sa pinakamalawak na kahulugan ng katawagan na ito na itinuturing ayon sa pinagmulan ng salita at kasaysayan. Ang kahulugan ng rasyonalismo bilang isang sistema na nagbabase sa relihiyosong paniniwala sa mga prinsipyo na nagbigyan ng mga rason na wastong naiangkop dito ... Hindi maitatanggi na maraming mga doktrina at mga sistema ng teolohiya at maraming pamahiin, mula sa pagsamba sa mga santo hanggang sa paggamit ng mga rosaryo at mga anting-anting, ang naidagdag sa pangunahing pinagmulan ng paniniwala ng mga Muslim. Ngunit sa kabila ng masaganang pag-unlad, sa bawat kahulugan ng katawagan, ng mga turo ng propeta, ang Quran ay namalagi o napanatili ang posisyon nito bilang pangunahing pinagsimulan, at ang doktrina ng kaisahan ng Diyos ay palaging ipinapahayag dito ng may kadakilaan, kamahalan, isang walang pagbabagong kadalisayan at may tala ng matibay na paniniwala, na mahirap makitang malampasan sa labas ng Islam. Ang katapatan na ito sa pangunahing doktrina ng relihiyon, ang kapayakan ng nilalaman nito kung saan ito ay binibigkas, ang patunay na nakamit nito mula sa nag-aalab na paniniwala ng mga misyonaryo na nagpapalaganap nito, ay napakaraming kadahilanan upang ipaliwanag ang tagumpay ng mga misyonaryo ni Mohammad. Isang doktrinang wasto, na tinanggal ang lahat ng mga kumplikadong teolohiko at dahil dito ay madali itong mabatid ng ordinaryong pang-unawa na maaaring asahan na magkaroon at tunay na nagtataglay ng isang kamangha-manghang kapangyarihan ng pagwawagi patungo sa konsensya ng mga tao.”
W. Montgomery Watt, Islam and Christianity Today, London, 1983, p.IX:
“Hindi ako Muslim sa karaniwang kahulugan, kahit na umaasa akong ako ay isang "Muslim" bilang "isa na sumusuko sa Diyos", ngunit naniniwala ako na ang nakasulat sa Quran at iba pang mga pagpapahayag ng adhikain ng Islam ay may nakalagak na napakaraming mga banal na katotohanan kung saan Ako at ang iba pang mga kanluranin ay marami pa ring matututunan, at ang 'Islam ay tiyak na isang malakas na kalaban para sa pagbibigay ng pangunahing balangkas ng isang relihiyon ng hinaharap.’”
Paul Varo Martinson (editor), ISLAM, An Introduction for Christians, Augsburg, Minneapolis, 1994, p. 205:
“Ang Islam ay isang tunay na pananampalataya na humuhubog sa panloob na pagkatao ng mga Muslim at tinutukoy ang kanilang saloobin sa buhay. At ang paniniwala ng Islam sa pangkalahatan ay mas tradisyunal kaysa sa paniniwalang Kristyano na hinubog ng Kanluran, na nakaranas ng matinding sikularisasyon. Gayunpaman, magiging patas lamang tayo sa populasyon ng Islam kapag naiintindihan natin sila mula sa kaibuturan ng kanilang relihiyon at paggalang sa kanila bilang isang pamayanan ng pananampalataya. Ang mga Muslim ay naging mahalagang kapareha sa mga usapin tungkol sa pananampalataya.”
John Alden Williams (editor), ISLAM, George Braziller, New York, 1962, sa loob ng dust cover:
“Ang Islam ay higit pa sa isang pormal na relihiyon: ito ay isang mahalagang paraan ng pamumuhay. Sa maraming kaparaanan ito ang pinaka-importanteng rason sa mga karanasan ng mga tagasunod nito kaysa sa anumang iba pang relihiyon sa mundo. Ang isang Muslim ("Isa na sumusuko") ay namumuhay sa harapan ng Diyos sa lahat ng oras at hindi magsisimulang paghiwalayin ang pagitan ng kanyang buhay at ng kanyang relihiyon, kanyang pulitika at kanyang pananampalataya. Sa matibay nitong pagbibigay-diin sa kapatiran ng mga tao na nagtutulungan upang matupad ang kalooban ng Diyos, ang Islam ay naging isa sa mga pinaka-maimpluwensyang relihiyon sa mundo ngayon.”
John L. Esposito, ISLAM, The Straight Path, Oxford University Press, New York, 1988, pp. 3-4:
“Ang Islam ay nakatayo sa isang mahabang linya ng Semitiko, relihiyosong mga tradisyon ng propeta na nagbabahagi ng hindi matatawarang monotiesmo, at paniniwala sa paghahayag ng Diyos, Kanyang mga propeta, etikal na responsibilidad at pananagutan, at Araw ng Paghuhukom. Katotohanan, ang mga Muslim, tulad ng mga Kristiyano at Hudyo, ay mga Anak ni Abraham, yamang ang lahat ay matutunton ang kanilang mga pamayanan pabalik sa kanya. Ang makasaysayang ugnayan ng Islam at pampulitikang ugnayan sa Kristiyano at Hudaismo ay nanatiling matatag sa buong kasaysayan. Ang pakikipag-ugnayang ito ay naging mapagkukunan ng benepisyo sa isa't isa at paghihiraman pati na rin ang hindi pagkakaunawaan at salungatan.”
Magdagdag ng komento