Islamikong Konsepto ng Espirituwalidad
Paglalarawanˇ: Ano ang espirituwal na landas sa Islam at ano ang lugar nito sa buhay sa kabuuan?
- Ni Abul Ala Maududi (taken from islammessage.com)
- Nailathala noong 24 Aug 2020
- Huling binago noong 07 Nov 2010
- Nag-print: 1
- Tumingin: 3,961 (araw-araw na pamantayan: 3)
- Nag-marka: 0
- Nag-email: 0
- Nag-komento: 0
Upang masagot ito ay kinakailangang pag-aralan nang mabuti ang pagkakaiba sa pagitan ng islamikong konsepto ng espirituwalidad at ng iba pang mga relihiyon at ideolohiya. Kapag walang malinaw na pag-unawa sa pagkakaibang ito ay madalas na nangyayaring, kapag pinag-uusapan ang tungkol sa espirituwalidad sa Islam, marami sa malabong mga paniwala na nauugnay sa salitang 'espirituwal' na hindi sinasadyang pumapasok sa isipan; pagkatapos ito ay magiging mahirap na para sa kanyang maunawaan ang espirituwalidad ng Islam hindi lamang sa nasasapawan ang dualismo ng kaluluwa at tungkol dito ngunit pati na rin ang diwa ng pinagsama at pinag-isang konsepto ng buhay.
Salungatan ng Katawan at Kaluluwa
Ang ideya na nakaimpluwensya sa karamihan sa kalagayan ng pilosopikal at relihiyosong pag-iisip ay ang paniniwalang ang katawan at kaluluwa ay magkasamang nagsasalungatan, at susulong lamang kung masasakripisyo ng isa sa kanila. Para sa kaluluwa, ang katawan ay isang bilangguan at ang mga gawain sa pang-araw-araw na buhay ay ang mga kadena na pinapanatili ito sa pagka-alipin at inaantala ang pag-unlad nito. Ito ay hindi maiiwasang humantong na mahati ang sansinukob sa espirituwal at sekular.
Silang mga pinili ang sekular na landas ay nahikayat na hindi nila maaaring matugunan ang mga hinihingi ng espirituwalidad, kung kaya naman sila ay namumuhay sa karangyaan at sa makamundong pamumuhay. Ang lahat ng bahagi ng makamundong gawain, maging panlipunan, pampulitika, pang-ekonomiya o pangkultura ay pinagkaitan ng liwanag ng espirituwalidad; kawalang katarungan at paniniil ang naging bunga.
Sa kabaligtaran, silang mga nais na yapakin ang landas ng espirituwal na kahusayan ay nakita ang kanilang mga sarili bilang 'marangal na mga pinagtabuyan' mula sa mundo. Sila ay naniniwala na imposible para sa espirituwal na pag-unlad na makasundo ang isang 'karaniwang' buhay. Sa kanilang pananaw ang pisikal na sariling pagtanggi at pananakit sa sarili ay kinakailangan para sa kaunlaran at kalubusan ng kaluluwa. Sila ay nag-imbento ng mga espirituwal na kasanayan at mahigpit na pagsasabuhay na pumatay sa mga pisikal na pagnanasa at pinahina ang mga pandama ng katawan. Itinuring nila ang mga kagubatan, bundok at iba pang mga solitaryong lugar bilang mainam para sa espirituwal na pag-unlad dahil ang pagmamadali at pag-aapura ng buhay ay makakasagabal sa kanilang mga pagninilay. Hindi nila magagawa ang espirituwal na pag-unlad maliban na lamang na sa pamamagitan ng paglayo sa mundo (pag-iwas sa makamundong buhay).
Ang salungatang ito ng katawan at kaluluwa ay nagdulot sa ebolusyon ng dalawang magkakaibang mga mithiin para sa kalubusan ng tao. Ang una ay dapat palibutan ang tao ng lahat ng mga posibleng materyal na kaginhawaan at ituring ang kanyang sarili bilang walang iba kundi isang hayop. Ang mga tao ay natutong lumipad tulad ng mga ibon, lumangoy tulad ng mga isda, tumakbo tulad ng mga kabayo at kahit manakot at manira tulad ng mga lobo ngunit hindi nila natutunan kung paano mamuhay tulad ng kagalang-galang na mga tao. Ang isa naman ay nagtuturing na ang mga damdamin ay dapat hindi lamang mapasailalim at masakop ngunit ang mga karagdagang lakas ng pandama ay magising at ang mga limitasyon ng pakiramdam na may kaugnayan sa mundo ay mawala kasama nito. Sa mga bagong napagtagumpayang ito ang mga tao ay maaaring makarinig ng malalayong mga tinig na tulad ng malakas na mga walang kawad na kagamitan, makita ang mga malalayong bagay na tulad ng nakikkita pag may teleskopyo, at bumuo ng mga kapangyarihan kung saan ang simpleng paghipo ng kanilang kamay o isang dagliang pag sulyap ay makapagpapagaling sa hindi mapagaling.
Ang Islamikong pananaw ay lubhang naiiba mula sa mga pamamaraang ito. Ayon sa Islam, ang Diyos ay hinirang ang kaluluwa ng tao bilang Kanyang Khalifah (tagapamahala) sa mundong ito. Binigyan Niya ito ng isang natatanging awtoridad, at pinagkalooban ito ng ilang mga responsibilidad at obligasyon para sa katuparan kung saan Kanyang pinagkalooban ito ng pinakamahusay at pinaka-angkop na pisikal na katawan. Ang katawan ay nilikha na may isang layon na hayaan ang kaluluwa na gamitin ang awtoridad nito para sa katuparan ng mga tungkulin at responsibilidad nito. Ang katawan ay hindi isang bilangguan para sa kaluluwa, ngunit pagawaan o pabrika nito; at kung ang kaluluwa ay lalago at uunlad, ito ay sa pamamagitan lamang ng pagawaang ito. Kaya naman, ang mundong ito ay hindi isang lugar ng kaparusahan kung saan ang kaluluwa ng tao sa kasamaang palad ay natagpuan ang sarili, ngunit isang lugar kung saan ang Diyos ay ipinadala ito upang gumawa at gawin ang tungkulin nito sa Kanya.
Samakatuwid ang espirituwal na pag-unlad ay hindi dapat tingnan sa anyo ng isang tao na tumalikod sa gawaing ito at namalagi sa isang sulok. Sa halip, ang tao ay dapat na mabuhay at magsumikap para dito, at ibigay ang pinakamainam na bersyon ng kanyang sarili sa abot ng kanyang makakaya. Ito ang likas na mga pagsusulit para sa kanya; bawat aspeto at bahagi ng buhay ay, tulad ng, isang papel na naglalaman ng katanungan: ang tahanan, pamilya, kapitbahayan, lipunan, lugar ng pamilihan, opisina, pabrika, paaralan, hukuman, himpilan ng pulisya, ang parlyamento, ang kapulungan ng kapayapaan at lugar ng digmaan, lahat ay kumakatawan sa mga papel na naglalaman ng katanungan na tatawagin ang tao upang panagutin. Kung iniwan niya ang karamihan sa mga ito ng walang sagot o blangko, siya ay nakatakdang bumagsak sa pagsusulit. Ang tagumpay at pag-unlad ay posible lamang kung ang tao ay itinalaga ang kanyang buong buhay sa pagsusulit na ito at subukang sagutin ang lahat ng katanungan na nasa papel sa abot ng kanyang makakaya.
Ang Islam ay tinatanggihan at kinokondena ang asetikong uri ng pamumuhay (pamumuhay sa kahigpitan o pagkakait sa sarili), at nagmumungkahi ng isang hanay ng mga pamamaraan at proseso para sa espirituwal na pag-unlad ng tao, hindi sa labas ng mundong ito ngunit sa loob nito. Ang tunay na lugar para sa pag-unlad ng kaluluwa ay nasa gitna ng pamumuhay at wala sa solitaryong mga lugar ng espirituwal na hibernasyon.
Panuntunan ng Espirituwal na Pag-unlad
Tatalakayin natin ngayon kung paano sa Islam hinuhusgahan ang pag-unlad o pagkasira ng kaluluwa. Sa kanyang kakayahan bilang tagapamahala (Khalifah) ng Diyos, ang tao ay mananagot sa Kanya para sa lahat ng kanyang mga gawain. Dapat niyang gamitin ang lahat ng mga kapangyarihan na ipinagkaloob sa kanya alinsunod sa Banal na kalooban. Dapat niyang magamit nang lubusan ang lahat ng mga kasanayan at kakayahang ipinagkaloob sa kanya para sa paghahangad ng pagpapahintulot ng Diyos. Sa kanyang pakikitungo sa ibang tao dapat siyang kumilos sa paraang ikalulugod ng Diyos. Sa madaling sabi, ang lahat ng kanyang lakas ay dapat ituon ukol sa pananatili ng mga gawain sa mundong ito sa paraang nais ng Diyos na mapanatili ang mga ito. kapag mas pinahusay ng tao ang paggawa nito, na may diwa ng responsibilidad, pagsunod at pagpapakumbaba, at hinangad ang kasiyahan lamang ng Panginoon, ay mas mapapalapit siya sa Diyos. Sa Islam, ang espirituwal na pag-unlad ay magkasingkahulugan sa pagiging malapit sa Diyos. Katulad nito, hindi siya mapapalapit sa Diyos kung siya ay tamad at palasuway. Sa Islam, ang paglayo mula sa Diyos ay nagpapahiwatig, ng espirituwal na pagbagsak at pagkasira ng tao.
Mula sa Islamikong pananaw, samakatuwid, ang sakop ng gawain ng relihiyosong tao at ang sekular na tao ay pareho. Hindi nga lamang ito pareho ng ginagawa; ang relihiyosong tao ay gagawa nang may higit na sigasig kaysa sa sekular na tao. Sa Katunayan ang relihiyosong tao ay magiging kasing aktibo ng taong makamundo, mas magiging aktibo sa kanyang pantahanan at panlipunang buhay, na lumalaganap mula sa loob ng sambahayan hanggang sa lugar ng pamilihan, at maging sa mga pandaigdigang kapulungan.
Ang magiging kaibahan ng kanilang mga pagkilos ay ang kalikasan ng kanilang kaugnayan sa Diyos at ang mga layunin sa likod ng kanilang mga kilos. Anuman ang gawin ng isang relihiyosong tao, ay gagawin sa pakiramdam na siya ay mananagot sa Diyos, na dapat niyang subukang tiyakin ang Banal na kasiyahan, na ang kanyang mga kilos ay dapat na alinsunod sa mga batas ng Diyos. Ang isang sekular na tao ay walang paki-alam sa Diyos at ang magiging gabay lamang ng kanyang mga gawain ay ang kanyang personal na mga motibo. Ang pagkakaibang ito ang siyang bumubuo sa materyal na buhay ng relihiyosong tao sa pakikipagsapalaran na may ganap na pagkamaka diyos, at ang kabuuang buhay ng isang sekular na tao ay isang pag-iral na pinagkaitan ng kislap ng espirituwalidad.
Magdagdag ng komento