Maraming nagkakamali sa paniniwala na ang Islam ay hindi nagpapahintulot na umiral ang iba pang mga relihiyon na mayroon na sa mundo. Tatalakayin ng artikulong ito ang ilan sa mga pundasyon na inilatag mismo ni Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) sa pakikipag-ugnayan sa mga tao ng ibang mga pananampalataya, na may praktikal na mga halimbawa mula sa kanyang buhay. Bahagi 1: Mga halimbawa ng pagpapahintulot sa relihiyon para sa mga tao ng ibang mga paniniwala na matatagpuan sa saligang batas na inilatag ng Propeta (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) sa Madinah.