Si Jermaine Jackson, Estados Unidos (bahagi 2 ng 2)
Paglalarawanˇ: Ang kapatid ng kilala at tanyag na tao sa buong mundo na si Michael Jackson ay nagkukuwento kung paano siya yumakap sa Islam. Bahagi 2.
- Ni Jermaine Jackson (edited by www.IslamReligion.com
- Nailathala noong 24 Aug 2020
- Huling binago noong 16 Jun 2014
- Nag-print: 3
- Tumingin: 5,615 (araw-araw na pamantayan: 4)
- Nag-marka: 0
- Nag-email: 0
- Nag-komento: 0
Ano ang mga pananaw ng mga miyembro ng iyong pamilya tungkol sa iyo?
Nang bumalik ako sa Amerika, narinig ng aking ina ang balita ng aking pagbabalik-loob sa Islam. Ang aking ina ay isang relihiyoso at sibilisadong babae. Nang makarating ako sa bahay, nagsabi lamang siya ng isang katanungan, "biglaan ba ang desisyon na ito, o ito ang kinahinatnan ng ilang malalim at mahabang pag-iisip sa likod nito?" "Nagpasya ako pagkatapos ng maraming pag-iisip," sagot ko, sasabihin kong kilala kami bilang isang relihiyosong pamilya.Anuman ang mayroon tayo, ay dahil sa pagpapala ng Diyos. Kung gayon bakit hindi tayo dapat magpasalamat sa Kanya?Ito ang dahilan kung bakit aktibo kami na nakikilahok sa mga institusyong kawanggawa.Napapadala kami ng mga gamot sa mahihirap na mga bansa sa Africa sa pamamagitan ng mga espesyal na sasakyang panghimpapawid.Sa panahon ng digmaang Bosnia, ang aming sasakyang panghimpapawid ay nakikipagtulungan sa pagbibigay ng mga tulong pantustos sa [naapektuhan].Kami ay sensitibo sa mga ganoong bagay dahil nasaksihan namin ang kahirapan. Dati kaming nakatira sa isang bahay na kung saan ay ilang metro kwadrado lamang ang luwag.
Kinausap mo ba tungkol sa Islam ang iyong kapatid na pop star na si Janet Jackson?
Tulad ng ibang mga miyembro ng aking pamilya, ang aking biglaang pagbabalik-loob sa Islam ay isang malaking sorpresa para sa kanya. Sa simula, nag-aalala siya. Ang nakalagay lamang sa kanyang ulo ay isang bagay na ang mga Muslim ay nag-aasawa ng higit sa isa, mayroon silang halos apat na asawa. Nang ipinaliwanag ko ang pahintulot na ito na ipinagkaloob ng Islam na may sanggunian sa estado ng kasalukuyang lipunang Amerikano, nasiyahan siya.Ito ang katotohanan na ang pagkawalang delikadesa at pagtataksil ay napaka-pangkaraniwan sa lipunan ng kanluran.Sa kabila ng katotohanan na sila ay may-asawa, ang mga kalalakihan sa kanluran ay nasisiyahan sa pakikipagtalik ng labas ng kasal sa ilang ng mga kababaihan.Nagdulot ito ng pagkawasak at pagkabulok ng moral sa lipunan na iyon. Pinoprotektahan ng Islam ang lipunan mula sa pagkawasak na ito.
Tulad ng bawat katuruan ng Islam, kung ang isang lalaki ay emosyonal na naaakit sa isang babae, dapat niyang bigyang dangal ang relasyon na ito at gawing ligal kung hindi ay dapat siya makontento sa isang asawa lamang. Sa kabilang banda, inilatag ng Islam ang napakaraming mga kondisyon para sa ikalawang pag-aasawa na sa palagay ko ay hindi kayang pangatawanan ng isang ordinaryong Muslim ang mga kondisyong ito sa pananalapi. Halos wala pa sa isang porsyento ng mga Muslim sa mundo ng Islam ang may asawa na higit sa isa. Sa aking pananaw, ang mga kababaihan sa lipunang Islam ay tulad ng isang protektadong bulaklak na ligtas mula sa ligaw na tumatagos na mga tingin. Samantalang ang lipunan sa kanluran ay wala sa pangitain upang pahalagahan ang karunungan at pilosopiya na ito.
Ano ang iyong kusang nararamdaman kapag tinitingnan mo ang lipunang Muslim?
Para sa kalakhang interes ng sangkatauhan, ipinapakita ng lipunang Islam ang pinakaligtas na lugar sa planeta na ito. Halimbawa, kunin ang halimbawa ng mga kababaihan. Ang mga babaeng Amerikana ay nakasuot ng kanilang kasuutan sa paraang nagbibigay ng tukso sa kalalakihan para sa pagsasamantala.Ngunit malayong mangyari sa isang lipunang Islam.At saka, ang laganap na mga kasalanan at bisyo ang sumisira sa moral ng lipunan sa kanluran.Naniniwala ako na kung may lugar pang na naiiwan kung saan nakikita pa rin ang pagkatao, hindi ito makikita sa iba maliban sa isang lipunang Islam. Darating ang oras kung kailan obligado ang mundo na tanggapin ang katotohanang ito.
Ano ang iyong opinyon tungkol sa medya ng Amerika ?
Ang midya ng Amerikano ay nagdurusa sa mga pagsasalungat sa sarili. Kunin natin ang halimbawa ng Hollywood. Ang katayuan ng isang artista ay sinusukat dito at pinapansin ang modelo ng kanyang kotse, ang pamantayan ng restawran na binisita niya, atbp. Ito ang midya na nagtaas sa isang tao mula sa alikabok hanggang sa kalangitan.Hindi nila iniisip ang artista bilang isang tao. Ngunit marami akong nakilalang mga artista sa Gitnang Silangan. Wala sa kanila ang wala sa lugar na pagmamataas.
Tingnan na lamang ang CNN, ginagawa nila ang pagmamalabis tungkol sa ilang mga balita na lumalabas na parang wala nang ibang nangyari maliban sa pangyayaring iyon sa mundo. Ang balita ng apoy sa mga kagubatan ng Florida ay binigyan ng malawak na saklaw dahil binigyan nito ang impresyon na nasunog ang buong mundo. Sa katunayan, ito ay isang maliit na lugar, na apektado ng apoy na iyon.
Nasa Africa ako, nang maganap ang pagsabog ng bomba sa lungsod ng Oklahoma. Ang Midya, kahit na walang anumang katibayan, ay nagsimula ng pahiwatig sa pagkakasangkot ng mga Muslim sa pagsabog na iyon. Kalaunan natuklasan na ang nanabotahe ay isang KRISTIYANO!!! Maaari nating tawagin ang saloobin na ito ng midya ng Amerika bilang sinasadyang kamangmangan.
Maaari mo bang mapanatili ang isang ugnayan sa pagitan ng iyong maka-islamikong pagkatao at ang kultura ng iyong pamilya?
Bakit hindi? Ang koneksyon na ito ay maaaring mapanatili para sa pagkamit ng magagandang bagay.
Matapos maging Muslim, nakita mo ba si Muhammad Ali?
Si Muhammad Ali ay kaibigan ng aming pamilya. Ilang beses ko siyang nakita, pagkatapos yakapin ang Islam. Nagbigay siya ng kapaki-pakinabang na patnubay tungkol sa Islam.
Napuntahan mo na ba ang moske ng Shah Faisal sa lungsod ng Los Angeles?
Oo naman! Ito ay isang magandang moske. Ako ay interesado na magtayo ng isang katulad nito na moske sa Falise dahil walang mga moske sa lugar na ito at ang pamayanan ng Muslim ay walang sapat na mapagkukunan upang bumili ng isang piraso ng lupa para sa isang moske sa naturang lugar. Sa kapahintulutan ng Diyos, gagawin ko ito.
Sino ang walang alam sa mga serbisyo ng Saudi Arabia para sa maluwalhating layunin ng Islam?
Walang alinlangan na tahimik nitong tinustusan ang mga proyekto sa mga moske. Ngunit ang Amerikanong medya na ito ay hindi pinatawad kahit na ang Saudi Arabia; nagkakalat ito ng mga kakaibang balita tungkol sa bansang ito. Noong una kong bisitahin ang Saudi Arabia, mayroon akong impresyon na mayroon lamang mga maputik na kabahayan at isang napakahinang network ng komunikasyon. Ngunit nang makarating ako roon, sa aking sobrang pagkagulat, natagpuan ko ito na may pinakamagagandang kulturang bansa sa buong mundo.
Sino ang nakakaimpluwensya sa iyo, hanggang ngayon sa Islam?
Maraming tao ang hinahangaan ko. Ngunit ang katotohanan ay ang una kong nililingon o iniidolo ay ang Banal na Quran, upang sa ganoon ay hindi ako makagawa ng isang peligro na ako ay maligaw ng landas. Gayunpaman, maraming mga iskolar ng Islam na maaaring ipagmalaki. Sa kapahintulutan ng Diyos, plano kong pumunta sa Saudi Arabia kasama ang aking pamilya upang maisagawa ang Umrah.
Ang iyong asawa at mga anak ay Muslim din?
Mayroon akong pitong anak na lalaki at dalawang anak na babae na, tulad ko, ay ganap na nakatuon sa Islam. Ang asawa ko ay nag-aaral pa rin ng Islam. Iginigiit niya ang pagpunta sa Saudi Arabia. Nagtitiwala ako na InshaAllah [Sa kapahintulutan ng Diyos], siya ay malapit nang umanib sa Islam. Nawa’y bigyan kami ng Makapangyarihang Diyos ng lakas ng loob at tiyaga upang manatili sa totoong relihiyon na ito, ang Islam. (Ameen)
Magdagdag ng komento