Papaano Naiiba ang Islam mula sa ibang mga Pananampalataya? (bahagi 1 ng 2)
Paglalarawanˇ: Ang ilan sa mga Natatanging Tampok ng Islam na hindi matatagpuan sa iba pang mga sistema ng paniniwala at pamamaraan ng buhay.
- Ni Khurshid Ahmad
- Nailathala noong 24 Aug 2020
- Huling binago noong 04 Oct 2009
- Nag-print: 3
- Tumingin: 6,790
- Nag-marka: 0
- Nag-email: 0
- Nag-komento: 0
Ang Kapayakan, Makatwiran at Pagiging Praktikal
Ang Islam ay isang relihiyon na walang mitolohiya. Ang mga turo nito ay payak at maliwanag. Ito ay malaya mula sa mga pamahiin at di-makatwirang mga paniniwala. Ang kaisahan ng Diyos, ang pagkapropeta ni Muhammad (nawa'y ang awa at mga pagpapala ng Diyos ay sumakanya), at ang konsepto ng buhay pagkatapos ng kamatayan ay ang mga pangunahing saligan ng pananampalataya nito. Ang mga ito ay batay sa rason at makatwirang lohika. Ang lahat ng mga turo ng Islam ay dumadaloy mula sa mga pangunahing paniniwalang yaon na payak at tuwiran. Walang pamumuno ng mga pari, walang pakanang kathang-isip, walang magulong mga seremonya o ritwal.
Lahat ay maaaring sumangguni sa Quran nang tahasan at isalin ang dinidikta nito sa kasanayan. Ang Islam ay gumigising sa kakayahan ng taong mangatwiran at pinapayuhan siyang gamitin ang kanyang talino. Ito ay nag-uutos sa kanya na tingnan ang mga bagay sa liwanag ng katotohanan. Ang Quran ay pinapayuhan siya na magsaliksik ng kaalaman at humiling sa Diyos na palawakin ang kanyang kamalayan:
Sabihin ‘O, aking Panginoon! Dagdagan mo ako ng kaalaman. (Quran 20: 114)
Ang Diyos ay nagsabi rin:
“Yaon bang mga nakaaalam ay kapantay ng mga walang alam? Subalit sila lamang na mga nagtataglay ng pang-unawa ang makaaalala.” (Quran 39:9)
Naiulat na ang Propeta, nawa'y ang awa at mga pagpapala ni Allah ay sumakanya, ay nagsabing:
“Siya na nilisan ang kanyang tahanan sa pagsasaliksik ng kaalaman (tumatahak) sa landas ng Diyos.” (At-Tirmidhi)
at ang,
“Ang pananaliksik ng kaalaman ay tungkulin ng bawat Muslim.” (Ibn Majah and al-Bayhaqi)
Ganito kung paano inaakay ng Islam ang tao mula sa mundo ng pamahiin at kadiliman at iminumulat siya sa mundo ng kaalaman at liwanag.
Muli, ang Islam ay isang praktikal na relihiyon at hindi pinapayagan ang magpakasasa sa wala at walang saysay na pagpapalagay. Sinasabing ang pananampalataya ay hindi lamang isang pagpapahayag ng mga paniniwala, ngunit sa halip ay ito ang pinakalayunin ng buhay. Ang matuwid na pag-uugali ay dapat sundan ng paniniwala sa Diyos. Ang relihiyon ay isang bagay na dapat ipamuhay at hindi isang bagay na binibigkas lamang. Ang Quran ay nagsabi:
“Silang mga naniwala at gumawa ng mga gawaing matuwid, kasiyahan ang para sa kanila at isang mabiyayang tahanang babalikan.” (Quran 13:29)
Ang Propeta ay naiulat ring sinabi:
“Ang Diyos ay hindi tinatanggap ang paniniwala kapag hindi ipinapakita sa mga gawa, at hindi tinatanggap ang mga gawa kapag hindi umaayon sa paniniwala.” (At-Tabarani)
Kaya ang kapayakan, pagkamakatwiran at pagiging praktikal ng Islam ang siyang nagbubukod bilang isang natatangi at tunay na relihiyon.
Pagkakaisa ng Bagay at Kaluluwa
Ang isang natatanging tampok ng Islam ay hindi nito hinahati ang buhay sa mga mahihigpit na pitak ng bagay at kaluluwa. Ito ay hindi naninindigan sa pagtatwa sa buhay kundi para sa katuparan ng buhay. Ang Islam ay hindi naniniwala sa asetisismo (pagpapakasakit). Hindi nito hinihiling sa tao na iwasan ang mga materyal na bagay. Pinanghahawakan nito na ang espirituwal na pag-angat ay makakamit sa pamamagitan ng pamumuhay na matuwid sa kahirapan at pagbulusok ng buhay, hindi sa pamamagitan ng pagtalikod sa mundo. Ang Quran ay pinapayuhan tayong manalangin tulad ng mga sumusunod:
“Aming Panginoon! Pagkalooban Mo kami ng anumang mabuti sa mundong ito gayundin ng anumang mabuti sa Kabilang buhay.” (Quran 2:201)
Ngunit sa paggamit sa mga luho ng buhay, ang Islam ay nagpapayo sa tao na maging katamtaman at umiwas sa kalabisan, ang Diyos ay nagsabi:
“…at kumain at uminom at huwag maging mapagmalabis; tunay na Kanyang hindi minamahal ang mapagmalabis.” (Quran 7:31)
Sa aspetong ito ng pagkakatamtaman, nagsabi ang Propeta:
“Tuparin ang pag-aayuno at itigil ito (sa tamang oras) at tumayo sa pagdarasal at debosyon (sa gabi) at matulog ka, sapagkat ang iyong katawan ay may karapatan sa iyo, at ang iyong mga mata ay may karapatan sa iyo, at ang iyong asawa ay may pag-angkin sa iyo, at ang taong dumadalaw sa iyo ay may pag-angkin sa iyo.”
Kaya, ang Islam ay hindi tinatanggap ang anumang paghihiwalay sa pagitan ng "materyal" at "moral," "makamundo" at "espirituwal" na buhay, at inuutusan ang tao na ilaan ang lahat ng kanyang lakas sa muling pagtatayo ng buhay o sa malusog na moral na mga pundasyon. Ito ay nagtuturo sa kanya na ang moral at materyal na mga kapangyarihan ay dapat na nakahinang nang magkasama at ang espirituwal na kaligtasan ay maaaring makamit sa pamamagitan ng paggamit ng mga materyal na mapagkukunan para sa ikabubuti ng tao sa paglilingkod ng mga makatarungang katapusan at hindi ang pamumuhay ng buhay na asetisismo o ng pagtakas mula sa mga hamon ng buhay.
Ang mundo ay nagdusa sa mga kamay ng mga may kinikilingan na maraming iba pang mga relihiyon at ideolohiya. Ang ilan ay nagbigay diin sa espirituwal na panig ng buhay ngunit ipinagwalang-bahala ang materyal at makamundong mga aspeto nito. Kanilang tinitingnan ang mundo bilang isang ilusyon, panlilinlang, at isang patibong. Sa kabilang dako, ang materyalistikong mga ideolohiya ay lubusang ipinagwawalang-bahala ang espirituwal at moral na panig ng buhay at itinuring ito bilang kathang-isip at haka-haka. Ang dalawang mga saloobing ito ay nagdulot sa kapahamakan, sapagkat inagawan nila ang sangkatauhan ng kapayapaan, kakuntentuhan, at katahimikan.
Kahit ngayon, ang di pagiging balanse ay makikita sa isa o sa iba pang direksyon. Ang siyentipikong Pranses na si Dr. De Brogbi ay makatarungang nagsabi:
“Ang panganib na kalakip sa labis na makamundong sibilisasyon ay ang mismong sibilisasyon; ang kawalang balanse na magbubunga kung ang magkatulad na pag-unlad ng espirituwal na buhay ay mabigong ibigay ang kinakailangang balanse."
Ang Kristiyanismo ay nagkamali sa isang kalabisan, samantalang ang makabagong kanluraning sibilisasyon, sa pareho nitong mga pagkakaiba-iba ng sekular na kapitalistikong demokrasya at Marxistang sosyalismo ay nagkamali sa iba pa. Ayon kay Lord Snell:
“Nakapagtayo tayo ng isang marangal na bilang sa panlabas na istraktura, ngunit ipinagwalang-bahala natin ang mahahalagang pangangailangan ng isang panloob na kaayusan; ating maingat na hinubog, pinalamutian at nilinis ang labas ng kopa; ngunit ang loob ay puno ng pang-aapi at kalabisan; ginamit natin ang ating karagdagang kaalaman at kapangyarihan upang mangasiwa para sa mga kaginhawahan ng katawan, ngunit iniwan natin ang kaluluwang mahina."
Ang Islam ay naglalayong magtatag ng balanse sa pagitan ng dalawang aspeto ng buhay - ang materyal at ang espirituwal. Sinasabing ang lahat ng bagay sa mundo ay para sa tao, ngunit ang tao ay nilikha upang maglingkod ng mas mataas na layunin: ang pagtatatag ng isang moral at makatarungang kaayusan na tutupad sa kalooban ng Diyos. Ang mga turo nito ay nangangalaga para sa espirituwal pati na rin sa temporal (pangkasalukuyan) na pangangailangan ng tao. Ang Islam ay inuutusan ang taong linisin ang kanyang kaluluwa at baguhin ang kanyang pang-araw-araw na buhay - kapwa indibidwal at pangkabuuan - at upang maitatag ang pananaig ng kawastuhan sa kapangyarihan at ng kabutihan sa kasamaan. Kaya ang Islam ay naninindigan para sa gitnang landas at layuning makagawa o magbunga ng isang taong may magandang asal para sa paglilingkod ng isang makatarungang lipunan.
Islam, isang Ganap na Pamamaraan ng Buhay
Ang Islam ay hindi isang relihiyon sa pangkaraniwan at balikong kahulugan, sapagkat hindi nito nilimitahan ang saklaw nito sa pribadong buhay ng isang tao. Ito ay isang ganap na pamamaraan ng buhay at naroroon sa bawat larangan ng pag-iral ng tao. Ang Islam ay nagbibigay ng patnubay para sa lahat ng aspeto ng buhay - indibidwal at panlipunan, materyal at moral, pang-ekonomiya at pampulitika, ligal at pangkultura, at pambansa at pandaigdigan. Ang Quran ay inuutusan ang tao na yakapin ang Islam nang walang anumang pasubali at sundin ang patnubay ng Diyos sa lahat ng bahagi ng buhay.
"Sa katunayan, isang nakalulungkot na araw o pangyayari nang ang saklaw ng relihiyon ay nilimitahan sa pribadong buhay ng tao at ang ginagampanan sa panlipunan at kultura nito ay binawasan sa kawalang saysay, tulad ng nangyari sa siglong ito. Walang ibang kadahilanan, marahil, na mas mahalagang sanhi sa pagbagsak ng relihiyon sa makabagong panahon kaysa sa pag-urong nito sa dako ng pribadong buhay. Sa mga salita ng isang makabagong pilosopo: "Ang Relihiyon ay hinihiling sa atin na paghiwalayin ang mga bagay na para sa Diyos mula sa mga bagay na para kay Cesar. Ang ganitong hudisyal na paghihiwalay sa pagitan ng dalawa ay nangangahulugan ng paghina sa parehong sekular at sagrado ... Na ang relihiyon ay maliit ang halaga kung ang budhi ng mga tagasunod nito ay hindi nababagabag kapag ang mga ulap ng digmaan ay nakabitin sa ating lahat at ang pang-industriyang mga salungatan ay nagbabanta sa kapayapaang panlipunan. Ang relihiyon ay nagpahina sa panlipunang budhi at moral na kaselanan ng tao sa pamamagitan ng paghihiwalay sa mga bagay ng Diyos mula sa mga bagay na para kay Cesar."
Ang Islam ay ganap na itinatakwil ang konseptong ito ng relihiyon at malinaw na nagpapahayag na ang mga layunin nito ay ang paglilinis ng kaluluwa at ang reporma at muling pagtatayo ng lipunan. Tulad ng mababasa natin sa Quran:
“Katiyakan, Aming ipinadala ang Aming mga sugo na may malinaw na mga katibayan, at Aming ipinahayag sa kanila ang Kasulatan at ang Timbangan, nang ang tao ay mapanatili ang tamang sukatan; At Aming ibinaba ang bakal, na kung saan ito ay isang makapangyarihang lakas at (maraming) mga pakinabang para sa tao, at upang ang Diyos ay malaman kung sino ang siyang tatangkilik sa Kanya at sa Kanyang mga sugo, kahit hindi nakikita. Pagmasdan! Ang Diyos ay Malakas, Makapangyarihan sa lahat.” (Quran 57:25)
Ang Diyos din ay nagsabi:
“Ang pagpapasya ay para lamang sa Diyos, na Siyang nag-uutos sa inyo na wala kayong dapat sambahin kundi Siya lamang. Ito ang tamang relihiyon, subalit karamihan sa mga tao ay hindi nalalaman.” (Quran 12: 40)
Kaya kahit sa isang mabilis na pag-aaral sa mga turo ng Islam ay nagpapakita na ito ay sakop-lahat ang pamamaraan ng buhay at hindi nag-iiwan ng anumang larangan ng pag-iral ng tao upang maging isang palaruan para sa mga lakas ng kasamaan.
Papaano Naiiba ang Islam mula sa ibang mga Pananampalataya? (bahagi 2 ng 2)
Paglalarawanˇ: Ang ilan sa mga natatanging tampok ng Islam na hindi matatagpuan sa iba pang mga sistema ng paniniwala at pamamaraan ng buhay. Ikalawang bahagi.
- Ni Khurshid Ahmad
- Nailathala noong 24 Aug 2020
- Huling binago noong 04 Oct 2009
- Nag-print: 3
- Tumingin: 6,194
- Nag-marka: 0
- Nag-email: 0
- Nag-komento: 0
Balanse sa pagitan ng Indibidwal at Lipunan
Ang isa pang natatanging tampok ng Islam ay itinataguyod nito ang isang balanse sa pagitan ng pagkamasarili at kolektibismo (kumunismo). Ito ay naniniwala sa indibidwal na katangian ng tao at pinanghahawakan ang bawat isa na may pananagutan sa Diyos. Ang Propeta, nawa'y ang awa at mga pagpapala ng Diyos ay sumakanya, ay nagsabi:
“Ang bawat isa sa inyo ay isang tagapangalaga, at may pananagutan sa kung ano ang nasa kanyang pag-iingat. Ang pinuno ay isang tagapangalaga ng kanyang mga nasasakupan at mananagot para sa kanila; ang lalaki ay isang tagapangalaga ng kanyang pamilya at mananagot para dito; ang isang ginang ay isang tagapangalaga ng tahanan ng kanyang asawa at mananagot para dito, at ang alipin ay isang tagapangalaga ng pag-aari ng kanyang panginoon at mananagot para dito.”
Narinig ko yaon mula sa Apostol ng Diyos at sa palagay ko ang Propeta ay nagsabi din, "Ang isang tao ay tagapangalaga ng pag-aari ng kanyang ama at mananagot para dito, kaya lahat kayo ay mga tagapangalaga at mananagot para sa iyong mga nasasakupan at mga bagay sa ilalim ng inyong pangangalaga." (Saheeh Al-Bukhari, Saheeh Muslim)
Ang Islam ay tinitiyak din ang pangunahing mga karapatan ng indibidwal at hindi pinapayagan ang sinuman na manghimasok sa kanila. Binubuo nito ang wastong pag-unlad ng katangian ng tao na isa sa mga pangunahing layunin ng patakarang pang-edukasyon nito. Ito ay hindi sumasang-ayon sa pananaw na ang tao ay dapat alisin ang kanyang pagkatao sa lipunan o sa estado.
Sa Islam, lahat ng tao ay pantay, anuman ang kulay, wika, lahi, o nasyonalidad. Ito ay itinutuon ang sarili sa budhi ng sangkatauhan at inaalis ang lahat ng maling mga hadlang sa lahi, katayuan, at kayamanan. Hindi maaaring itanggi ang katotohanan na ang ganitong mga hadlang ay palaging umiiral at patuloy na umiiral ngayon sa tinatawag na naliwanagang panahon. Ang Islam ay inaalis ang lahat ng mga hadlang na ito at inihahayag ang huwaran ng buong sangkatauhan sa pagiging isang pamilya ng Diyos.
Ang Islam ay may pandaigdigang pananaw at pamamaraan at hindi tinatanggap ang mga hadlang at pagkakaiba batay sa kulay, lipi, dugo, o teritoryo, tulad ng kalagayan bago ang pagdating ni Muhammad (pbuh). Sa kasamaang palad, ang mga pagtatanging ito ay nananatiling laganap sa iba't ibang anyo kahit sa makabagong panahong ito. Ang Islam ay nagnanais na pag-isahin ang buong lahi ng tao sa ilalim ng isang pamantayan. Sa isang daigdig na sinira ng mga pambansang alitan at kaguluhan, ito ay naghahatid ng isang mensahe ng buhay at pag-asa at ng isang maluwalhating hinaharap.
Ang mananalaysay, na si A. J. Toynbee, ay may ilang mga kagiliw-giliw na mga pagmamasid na ginawa tungkol dito. Sa Civilization on Trial, kanyang isinulat: "Dalawang lantad na pinagmumulan ng panganib - isang sikolohikal at ang isa ay materyal - sa kasalukuyang mga ugnayan ng kosmopolitang proletaryong ito, ibig sabihin, [kanluraning sangkatauhan] sa nangingibabaw na bahagi ng ating makabagong Kanluraning lipunan ay kamalayan sa lahi at alkohol; at sa pakikibaka sa bawat isa dito ang Islamikong diwa ay may paglilingkod na maibibigay na maaaring patunayan, kung ito ay tatanggapin, na magkaroon ng mataas na moral at panlipunang kahalagahan.
Ang pagkawala ng kamalayan sa lahi sa pagitan ng mga Muslim ay isa sa mga pambihirang moral na tagumpay ng Islam, na sa kontemporaryong mundo ay mayroon, habang ito ay nagaganap, isang matinding pangangailangan para sa pagpapalaganap ng Islamikong kabutihang ito ... Ito ay maituturing na ang diwa ng Islam ay maaaring ang napapanahong pagpapatibay na magpapasya sa usaping ito na pabor sa pagpaparaya at kapayapaan.
Tungkol naman sa kasamaan ng alkohol, ito ay nasa pinaka-kasamaan sa mga sinaunang mga populasyon sa mga tropikal na rehiyon na 'binuksan' ng Kanluraning negosyo. Ang katotohanan ay nananatiling kahit na ang pinaka-dalubhasang pag-iwas na mga hakbang na ipinataw ng panlabas na awtoridad ay hindi makayang palayain ang isang pamayanan mula sa isang panlipunang bisyo maliban na lamang kung ang pagnanais para sa kalayaan at ang hangaring ipatupad ng kusa ay magising sa mga puso ng mga taong may kinalaman dito. Ngayon ang mga Kanluraning tagapangasiwa, gayun paman yaong nagmula sa 'Anglo-Saxon', ay espirituwal na nakahiwalay mula sa kanilang mga 'katutubong' bilangguan sa pamamagitan ng pisikal na 'panlahing paghihiwalay' na naitatag dahil sa kanilang kamalayan sa lahi; ang pagpapabagong-loob ng mga kaluluwa ng mga katutubo ay isang gawain na ang kanilang kakayahan ay hindi maaaring asahan na mapalawak; at sa puntong ito na ang Islam ay maaaring magkaroon ng isang bahagi upang gampanan.
Kamakailan lamang at sa mabilis na 'pagbubukas' ng mga tropikal na teritoryo, ang Kanluraning sibilisasyon ay nakagawa ng isang pang-ekonomiya at pampulitikang pagpupulong at, sa parehong diwa, isang panlipunan at espirituwal lamang na kawalan o kahungkagan.
Dito, kung gayon, sa nalalapit na hinaharap, maaari nating mabanggit ang dalawang mahahalagang impluwensya na maaring isagawa ng Islam sa kosmopolitang proletaryo ng isang Kanluraning lipunan na naghagis ng lambat nito sa buong mundo at yumakap sa buong sangkatauhan; habang sa mas malayong hinaharap maaari nating isipin ang mga posibleng maiaambag ng Islam sa ilang bagong pagpapakita ng relihiyon."
Pagpapanatili at Pagbabago
Ang mga elemento ng pagpapanatili at pagbabago ay magkasama sa lipunan at kultura ng tao at nakatakda itong manatili. Ang iba't ibang mga ideolohiya at sistemang pangkultura ay nagkamali sa pagsandal nang higit sa isa o iba pang mga dulo ng pagsasaalang-alang. Ang labis na pagpapahalaga sa pagpapanatili ay nagdudulot sa sistemang maging mahigpit at mawalan ito ng kaluwagan at pag-unlad, habang ang kakulangan ng pangmatagalang mga pagpapahalaga at hindi nagbabagong mga elemento ay bumubuo ng moral na pagkakanya-kanya, kawalang paghuhubog, at anarkiya.
Ang kinakailangan ay isang balanse sa pagitan ng dalawa - isang sistema na maaaring sabay na magsilbi para sa mga pangangailangan ng pagpapanatili at pagbabago. Ang isang Amerikanong hukom na si Ginoong Justice Cardozo, tamang nagsabing "ang pinakamahalagang pangangailangan ng ating panahon ay isang pilosopiya na siyang papagitan sa gitna ng magkakasalungat na pag-aangkin ng katatagan at pag-unlad at magtutustos ng isang prinsipyo ng paglago." Ang Islam ay naglalahad ng isang ideolohiya, na nakasasapat sa mga hinihingi ng katatagan pati na rin ng pagbabago.
Ang mas malalim na pagmuni-muni ay naghahayag na ang buhay ay napapaloob dito ang mga elemento ng pagpapanatili at pagbabago - ito ay hindi masyadong mahigpit at walang kaluwagan na hindi nito tatanggapin ang anumang pagbabago kahit na sa mga bagay na detalyado, ni ito ay masyadong maluwag at sunud-sunuran na kahit na ang natatanging kaugalian nito ay walang nananatiling katangian sa sarili nito. Ito ay nagiging malinaw mula sa pagmamasid sa proseso ng pisyolohikal na pagbabago sa katawan ng tao, dahil ang bawat tisyu ng katawan ay nagbabago nang maraming beses sa tanang buhay ng isang tao kahit na ang tao ay nananatiling pareho. Ang mga dahon, mga bulaklak, at mga prutas ay nagbabago ngunit ang katangian nito ay nananatiling hindi nagbabago. Ito ay isang batas ng buhay na ang mga elemento ng pagpapanatili at pagbabago ay dapat na magkasama sa isang maayos na pagsasaalang-alang.
Tanging ang ganitong sistema lamang ng buhay ang maaaring makapagbigay para sa parehong mga elementong ito na maaaring matugunan ang lahat ng mga paghahangad ng kalikasan ng tao at lahat ng mga pangangailangan ng lipunan ng tao. Ang mga pangunahing suliranin sa buhay ay nananatiling pareho sa lahat ng kapanahunan at panahon, ngunit ang mga paraan at pagmumulan upang malutas ang mga ito pati na rin ang mga pamamaraan ng paghawak sa kababalaghan ay sumailalim sa pagbabago sa paglipas ng panahon. Ang Islam ay nagdadala ng pag-tuon sa isang bagong pananaw sa suliraning ito at sinisikap na malutas ito sa makatotohanang pamamaraan.
Ang Quran at Sunnah ay naglalaman ng walang hanggang gabay na ibinigay ng Panginoon ng sansinukob. Ang patnubay na ito ay nagmula sa Diyos, na malaya sa mga limitasyon ng espasyo at oras at, kung kaya, ang mga alituntunin ng pag-uugali ng indibidwal at lipunan na Kanyang ipinahayag ay batay sa katotohanan at ang mga ito ay walang hanggan. Ngunit ang Diyos ay nagpahayag lamang ng malawak na mga prinsipyo at pinagkalooban ang tao ng kalayaan na ilapat ang mga ito sa bawat edad sa paraang naaangkop sa diwa at mga kondisyon ng edad na yaon. Sa pamamagitan ng ijtihad (matalinong pagsisikap na marating ang katotohanan) na ang mga tao sa bawat edad ay sinisikap na ipatupad at ilapat ang banal na patnubay sa mga suliranin ng kanilang mga panahon. Kaya ang pangunahing patnubay ay nasa isang nananatiling kalikasan, habang ang pamamaraan ng paglalapat nito ay maaaring magbago alinsunod sa mga kakaibang pangangailangan ng bawat panahon. Kung kaya ang Islam ay palaging nananatiling sariwa at makabago sa bawat umaga ng kinabukasan.
Buong Tala ng mga Turo ay Napanatili
Panghuli, ngunit hindi pinakahuli, ay ang katotohanan na ang mga turo ng Islam ay napanatili sa orihinal na anyo nito. Dahil dito, ang patnubay ng Diyos ay magagamit nang walang pagbabanto ng anumang uri. Ang Quran ay ang ipinahayag na aklat at salita ng Diyos, na kung saan ito ay nasa pag-iral na nitong huling labing apat na daang taon. Ito ay magagamit pa rin sa orihinal na anyo nito. Ang mga detalyadong ulat sa buhay ng Propeta at ng kanyang mga turo ay magagamit sa wagas na kadalisayan nito. Wala pang ni isang pagbabago ang ginawa sa natatanging talaan ng kasaysayang ito. Ang mga kasabihan at buong talaan ng buhay ng Propeta ay naipasa sa atin ng wala pang nakatumbas sa kawastuan at pagiging mapapanaligan sa mga gawa ng Hadith at Sirah (ang Talambuhay ng Propeta). Kahit na ang ilang bilang ng mga di-Muslim na kritiko ay umamin sa malinaw na katotohanang ito.
Ang mga ito ang ilan sa mga natatanging tampok ng Islam na nagtatag ng mga pag-kakakilanlan nito bilang relihiyon ng tao ang relihiyon ngayon at ang relihiyon ng bukas. Ang mga aspetong ito ay naka-akit sa milyun-milyong tao sa nakaraan at kasalukuyan at pinatunayan nila na ang Islam ay ang relihiyon ng katotohanan at ang tamang landas para sa sangkatauhan. Walang alinlangan na ang mga aspetong ito ay patuloy na makaka-akit sa mas maraming mga tao sa hinaharap. Ang mga taong may dalisay na mga puso at may matapat na pananabik sa katotohanan ay palaging patuloy na sasabihin:
“Ako ay nagpapatotoo na walang karapat-dapat sa pagsamba maliban sa Diyos, na Siya ay Nag-iisa, na hindi nagbabahagi ng Kanyang awtoridad kaninuman, at ako ay nagpapatotoo na si Muhammad ay Kanyang Lingkod at Kanyang Propeta."
Dito, ay nais naming pagtibayin sa mga sumusunod na salita na si George Bernard Shaw ay naiulat na sinabi:
Palagi kong pinanghahawakan ang relihiyon ni Muhammad sa mataas na pagtatangi dahil sa kahanga-hangang lakas nito. Ito lang ang nag-iisang relihiyon, na lumilitaw sa akin na nagtataglay ng yaong maliwanag na kakayahan sa pagbabago ng mga yugto ng pag-iral, na maaari itong maka-akit sa bawat panahon. Pinag-aralan ko siya - ang kahanga-hangang tao - at sa aking opinyon ay malayo siya sa pagiging isang Antikristo, dapat siyang tawaging Tagapagligtas ng Sangkatauhan. Naniniwala ako na kung ang isang taong katulad niya ang ilalagay sa diktadura ng makabagong mundo, siya ay magtatagumpay sa paglutas ng mga suliranin nito sa isang paraan na maaaring magdala dito sa higit na kinakailangang kapayapaan at kaligayahan. Aking huhulaan ang tungkol sa pananampalataya ni Muhammad na magiging katanggap-tanggap sa Europa ng kinabukasan gaya na nagsisimula na itong maging katanggap-tanggap sa Europa sa ngayon.
Magdagdag ng komento