Ang Banal na Awa ng Diyos (bahagi 3 ng 3): Ang Makasalanan

Marka:
Sukat ng Font:
A- A A+

Paglalarawanˇ: Paano napapaloob sa Awa ng Diyos ang mga nahuhulog sa kasalanan.

  • Ni Imam Mufti
  • Nailathala noong 24 Aug 2020
  • Huling binago noong 25 Jun 2019
  • Nag-print: 4
  • Tumingin: 6,095 (araw-araw na pamantayan: 4)
  • Marka: Wala pa
  • Nag-marka: 0
  • Nag-email: 0
  • Nag-komento: 0
Mahina Pinakamagaling

The_Divine_Mercy_of_God_(part_3_of_3)_001.jpgAng awa ng Diyos ay napalapit sa ating lahat, naghihintay na yakapin kapag handa na tayo. Kinikilala ng Islam na likas sa tao ang makagawa ng kasalanan, sapagkat nilikha ng Diyos na mahina ang tao. Sinabi ng Propeta:

"Ang lahat ng mga anak ni Adan ay patuloy na magkakamali…"

Kasabay nito, ipinaalam sa atin ng Diyos na pinapatawad niya ang mga kasalanan. Pagpapatuloy ng parehong hadeeth:

"…ngunit ang pinakamaganda sa mga patuloy na nagkakamali ay yaong patuloy na nagsisisi." (Al-Tirmidhi, Ibn Majah, Ahmad, Hakim)

Sinabi ng Diyos:

"Sabihin: “O Aking mga alipin na nagmalabis [sa paggawa ng mga kasalanan] laban sa kanilang mga sarili, huwag kayong mawalan ng pag- asa mula sa habag ng Diyos. Katotohanan, pinatatawad ng Diyos ang lahat ng kasalanan. Katiyakan Siya ang Lagi nang Mapagpatawad, ang Maawain.’" (Quran 39:53)

Si Muhammad, ang Propeta ng Awa, ay inatasan na iparating ang mabuting balita sa lahat ng tao:

"Ibalita mo [O Muhammad] sa Aking mga alipin na Ako ang Mapagpatawad, ang Maawain." (Quran 15:49)

Ang pagsisisi ay nakakakuha ng Banal na Awa:

"…Bakit hindi ninyo hingin ang kapatawaran ng Diyos upang sakali kayo ay tumanggap ng habag?" (Quran 27:46)

"…Katiyakan, ang habag ng Diyos ay [lagi] nang malapit sa mga mapaggawa ng kabutihan!" (Quran 7:56)

Mula noong sinaunang panahon, ang awa ng Diyos ay nagligtas sa mga mananampalataya mula sa paparating na delubyo:

"Aming iniligtas si Hud at yaong mga naniwala na kasama niya sa pamamagitan ng habag mula sa Amin. At sila ay Aming iniligtas mula sa mahigpit na parusa.…." (Quran 11:58)

" At nang ang Aming kautusan ay dumating, Aming iniligtas si Shu'aib at yaong mga naniwala na kasama niya sa pamamagitan ng habag mula sa Amin.…." (Quran 11:94)

Ang kabuuan ng awa ng Diyos sa makasalanan ay makikita sa mga sumusunod:

1. Tinatanggap ng Diyos ang Pagsisisi

"At ang Allah ay naghahangad na tanggapin ang inyong pagsisisi. Subali’t yaong mga sumusunod sa [kanilang masasamang] pagnanasa ay naghahangad na kayo ay mailayo [tungo] sa malaking paglihis." (Quran 4:27)

"Hindi ba nila nalalaman na ang Allah ang Siyang tumatanggap ng pagsisisi mula sa Kanyang mga alipin at tumatanggap ng kawanggawa; na ang Allah ang Siyang tanging nagpapatawad [at tumatanggap ng pagsisisi], Maawain?" (Quran 9:104)

2. Mahal ng Diyos ang taong Makasalanan na Nagsisisi

"…Katotohanan, ang Allah ay nagmamahal sa [sinumang] lagi nang nagbabalik-loob sa Kanya [sa pagsisisi] …." (Quran 2:222)

Sinabi ng Propeta:

"Kung ang tao ay hindi gumawa ng mga kasalanan, lilikha ang Diyos ng iba pang mga nilalang na magkakasala, kung gayon ay patatawarin Niya sila, sapagkat Siya ay lubos na Mapagpatawad, lubos na Maawain." (Al-Tirmidhi, Ibn Majah, Musnad Ahmed)

3. Natutuwa ang Diyos Kapag Nagsisisi ang Taong Makasalanan dahil Napagtatanto niyang May Isang Panginoong Nagpapatawad sa Mga Kasalanan!

Sinabi ng Propeta:

"Mas natutuwa ang Diyos sa pagsisisi ng Kanyang alipin kapag nagsisi siya, kaysa sa alinman sa inyo na siyang (natagpuan niya ang kanyang) kamelyo, na kung saan siya ay nakasakay sa isang hindi masaganang disyerto, matapos itong makatakas mula sa kanya na nagdadala ng kanyang pagkain at inumin. Matapos niyang mawalan ng pag-asa, lumapit siya sa isang puno at nahiga sa lilim nito. Pagkatapos habang nawawalan siya ng pag-asa dito, dumating ang kamelyo at tumayo sa tabi niya, at hinawakan niya ang mga renda nito at sumigaw sa tuwa. 'O Diyos, Ikaw ang aking lingkod at ako ang Iyong Panginoon!' – nagawa ang pagkakamaling ito (sa pagsasalita) dahil sa labis na kagalakan." (Saheeh Muslim)

4. Ang Tarangkahan ng Pagsisisi ay Bukas Araw at Gabi

Ang banal na awa ay pinapalawak ang kapatawaran sa araw-araw at bawat gabi ng taon. Sinabi ng Propeta:

"Ang Diyos ay iniaabot ang Kanyang Kamay sa gabi upang tanggapin ang pagsisisi ng isang nagkasala sa araw, at iniaabot Niya ang Kanyang Kamay sa maghapon upang tanggapin ang pagsisisi ng isang nagkasala sa gabi– hanggang sa [dumating ang araw na] sumikat ang araw mula sa Kanluran (isa sa mga pangunahing palatandaan ng Araw ng Paghuhukom)." (Saheeh Muslim)

5. Tinatanggap ng Diyos ang pagsisisi Kahit na ang mga Kasalanan ay Nauulit.

Paulit-ulit na ipinakikita ng Diyos ang Kanyang awa sa makasalanan. Ang maibiging-kabaitan ng Diyos sa mga Anak ng Israel ay makikita bago pa nagawa ang kasalanan ng gintong baka, ang Pakikitungo ng Diyos sa Israel ayon sa Kanyang pagkahabag, kahit na matapos silang magkasala, Siya ay nakitungo ng awa sa kanila. sinabi ng lubos na Maawin (Ar-Rahman):

"…At [inyong alalahanin] nang Kami ay nakipagtipan kay Moises ng apatnapung gabi, pagkaraan [sa kanyang paglisan], kayo ay kumuha ng guya [biserong baka upang sambahin], at kayo ay naging mga [taong] mapaggawa ng kamalian. Pagkaraan, Kami ay nagpatawad sa inyo sa kabila niyan, upang sakali kayo ay [matutong] magpasalamat [sa mga biyayang inyong tinatamasa]." (Quran 2:51-52)

Sinabi ng Propeta:

"Ang isang tao na nakagawa ng isang kasalanan, at pagkatapos ay sinabi, 'O Panginoon, patawarin mo ang aking kasalanan,' kaya sinabi ng Diyos, "Ang Aking alipin ay nagkasala, pagkatapos ay napagtanto niya na mayroon siyang isang Panginoon na maaaring magpatawad ng mga kasalanan at maaaring parusahan siya para dito. ’Pagkatapos ay inulit ng tao ang kasalanan, pagkatapos ay sinabi, 'O Panginoon, patawarin mo ang Aking kasalanan.' Sinabi ng Diyos, 'Ang Aking alipin ay nagkasala, pagkatapos ay napagtanto niya na mayroon siyang isang Diyos na maaaring magpatawad ng mga kasalanan at maaaring parusahan siya para dito.' Inulit ng tao ang kasalanan (sa pangatlong beses), pagkatapos ay sinabi niya, 'O aking Panginoon, patawarin ang aking kasalanan,' at sinabi ng Diyos, 'Ang Aking alipin ay nagkasala, pagkatapos ay napagtanto niya na mayroon siyang isang Diyos na maaaring magpatawad ng mga kasalanan at maaaring parusahan siya dahil dito. Gawin ang nais mo, sapagkat pinatawad na kita.’" (Saheeh Muslim)

6. Sa Pagpasok sa Islam Binubura ang Lahat ng Nakaraang mga Kasalanan

Ipinaliwanag ng Propeta na ang pagtanggap sa Islam ay nagbubura sa lahat ng nakaraang mga kasalanan ng bagong Muslim, kahit gaano sila kaseryoso sa isang kondisyono kalala ang kasalanan: tinatanggap ng bagong Muslim ang Islam na puro para sa Diyos. Ang ilang mga tao ay nagtanong sa Sugo ng Diyos, 'O Sugo ng Diyos! Mananagot ba tayo sa ating nagawa noong mga araw ng kamangmangan bago tanggapin ang Islam? 'Sumagot siya:

"Ang sinumang tumanggap ng Islam na alang-alang sa Diyos ay hindi mananagot, ngunit ang isang gumagawa nito para sa ibang kadahilanan ay mananagot sa oras bago ang Islam at pagkatapos." (Saheeh Al-Bukhari, Saheeh Muslim)

Bagaman sapat ang awa ng Diyos upang masakop ang anumang kasalanan, hindi nito pinalalaya ang tao sa kanyang responsibilidad na kumilos nang wasto. Ang disiplina at pagsisikap ay kinakailangan sa daan patungo sa kaligtasan. Ang Batas ng Kaligtasan sa Islam ay isinasaalang-alang ang pananampalataya at pagsunod sa Batas, hindi lamang sa paniniwala sa Diyos. Tayo ay hindi perpekto at mahina at nilikha tayo ng Diyos sa ganitong paraan. Kapag nabigo tayo sa pagsunod sa sagradong Kautusan, ang mapagmahal na Diyos ay handang magpatawad. Ang kapatawaran ay natatanggap lamang sa pamamagitan ng pagkumpisal ng mga kasalanan at sa Diyos lamang humingi ng Kanyang awa, pagkakaroon ng isang matatag na layunin na huwag bumalik dito.. Ngunit dapat tandaan na ang Paraiso ay hindi natatamo sa pamamagitan ng kabutihan ng isang gawa lamang, ngunit iginawad sa pamamagitan ng banal na awa. Ang Propeta ng Awa ay nagpaliwanag ng katotohanang ito:

"Walang isa man sa inyo ang makakapasok sa Paraiso sa pamamagitan ng kanyang mga gawa lamang.’ Tinanong nila, 'kahit ikaw, O Sugo ng Diyos?' Sinabi niya, 'kahit ako, maliban kung pinagkalooban ako ng Diyos ng Kanyang biyaya at Awa." (Saheeh Muslim)

Ang paniniwala sa Diyos, pagsunod sa Kanyang Kautusan, at mabubuting gawa, ay itinuturing na dahilan, hindi ang premyo para sa pagpasok sa Paraiso.

Mahina Pinakamagaling

Mga bahagi ng mga artikulo na ito

Tingnan ng sama-sama ang lahat ng mga bahagi

Magdagdag ng komento

  • (Hindi nakikita sa publiko)

  • Ang iyong komento ay susuriin at dapat malathala sa loob ng 24 oras.

    Ang patlang na may markang asterisk (*) ay kailangan.

Ibang mga artikulo sa Parehong mga Kategorya

Pinakamaraming Tumingin

Araw-araw
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
Kabuuan
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Pinili ng Editor

(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Listahan ng Contento

Simula ng iyong huling pagbisita
Ang listahang ito ay kasalukuyang walang laman.
Lahat sa pamamagitan ng petsa
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Pinaka Sikat

Pinakamataas ang marka
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
Pinakamaraming nag-email
Pinakamaraming nag-print
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
Pinakamaraming nag-komento
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Ang iyong mga paborito

Your favorites list is empty. You may add articles to this list using the article tools.

Ang iyong History

Ang listahan ng iyong mga paborito ay walang laman. Maari kang magdagdag ng mga artikulo sa listahang ito gamit ang article tools.

Minimize chat