Ang Banal na Awa ng Diyos (bahagi 2 ng 3): Ang Mainit nitong Yakap
Paglalarawanˇ: Ang Awa, tulad ng nakikita sa buhay na ito at sa Kabilang Buhay.
- Ni Imam Mufti
- Nailathala noong 24 Aug 2020
- Huling binago noong 25 Jun 2019
- Nag-print: 4
- Tumingin: 6,085 (araw-araw na pamantayan: 4)
- Nag-marka: 0
- Nag-email: 0
- Nag-komento: 0
Ang banal na awa ay bumabalot sa lahat ng umiiral sa kawan nito, mananatili magpakailanman. Ang mapagmahal na Panginoon ng sangkatauhan ay maawain sa kanila, na puno ng pagkahabag. Ang pangalan ng Diyos, Ar-Rahman, ay nagmumungkahi na ang Kanyang Mapagmahal na Awa ay isang pagtukoy ng aspeto ng Kanyang pagka Diyos; ang kabuuan ng Kanyang awa ay walang hanggan; sa ilalim ng karagatan na walang dalampasigan. Si Ar-Razi, isa sa mga klasikal na iskolar ng Islam ay sumulat, 'Hindi mailarawan para sa isang nilikha na maging mas maawain kaysa sa Kanyang sariling Diyos!' Tunay na itinuturo ng Islam na ang Diyos ay mas maawain sa isang tao kaysa sa kanyang sarili nitong ina.
Sa malawak na awa ng Diyos, Siya'y nagpaulan upang makabuo ng mga bunga mula sa mga halamanan para magbigay ng pagkain sa katawan ng tao. Ang kaluluwa rin ay nangangailangan ng matinding espirituwal na pagkain sa parehong paraan ng katawan na nangangailangan ng pagkain. At sa Kanyang malawak na awa, nagpadala ang Diyos ng mga propeta at mensahero sa mga tao at nagpahayag ng mga banal na kasulatan sa kanila upang mapanatili ang espiritu ng tao. Ang Banal na Awa ay makikita mismo sa Torah ni Moises:
"…naririto sa mga inskripsyon nito, ang patnubay at habag para sa [mga taong] kinasisindakan ang kanilang Panginoon." (Quran 7:154)
At ang paghahayag ng Quran:
"…Ito [ang Quran] ay liwanag mula sa inyong Panginoon, at patnubay at habag para sa mga taong naniniwala." (Quran 7:203)
Ang Awa ay hindi ipinagkakaloob bilang biyaya ng dahil sa kanilang mga ninuno. Ang Banal na Awa ay ipinagkaloob para sa pagkilos sa Salita ng Diyos at pakikinig sa pagbigkas nito:
"At ito ang pinagpalang Aklat [ang Quran] na Aming ipinahayag. Kaya ito ay inyong sundin at inyong katakutan [ang pagsuway sa Allah] upang sakali kayo ay magtamo ng [Kanyang] habag." (Quran 6:155)
"At kapag ang Qur’an ay binibigkas, kayo ay makinig dito at manatiling tahimik [at magninilay-nilay] upang sakali kayo ay kahabagan." (Quran 7:204)
Ang awa ay bunga ng pagsunod:
"At magsagawa kayo ng pagdarasal at magbigay ng Zakaah [kawanggawa] at sumunod sa Sugo upang sakali kayo ay tumanggap ng habag." (Quran 24:56)
Ang awa ng Diyos ay pag-asa ng tao. Dahil dito, ang mga mananampalataya ay humihiling sa Diyos para sa Kanyang awa:
"Katotohanan, ang karamdaman ay dumapo sa akin, at Ikaw [O Allah] ang Mahabagin sa lahat ng mahabagin." (Quran 21:83)
Humihingi sila ng awa ng Diyos para sa mga tapat na mananampalataya:
"Aming Panginoon, huwag Mo pong tulutang ang aming mga puso ay lumihis [sa katotohanan] pagkaraan na kami ay Iyong patnubayan, at igawad Mo po sa amin mula sa Iyong Sarili ang habag. Tunay na Ikaw ang Tagapaggawad [ng habag]." (Quran 3:8)
At humihingi sila ng awa ng Diyos para sa kanilang mga magulang:
"…: “O aking Panginoon, kahabagan Mo po silang dalawa tulad ng kanilang pag-aruga sa akin [nang ako ay] musmos pa.”" (Quran 17:24)
Paglalaan ng Banal na Awa
Ang banal na awa ay nakakabit sa mga bisig ng matapat at walang pananampalataya, masunurin at mapaghimagsik, ngunit sa buhay na darating ay ilalaan ito para sa mga tapat. ang Ar-Rahman ay maawain sa lahat ng Kanyang nilikha sa mundo, ngunit ang Kanyang awa ay nakalaan para sa mga tapat sa darating na buhay.Ibibigay ng Ar-Raheem ang Kanyang awa sa mga tapat sa Araw ng Paghuhukom:
"…Ang Aking kaparusahan – ito ay Aking ipapataw sa sinumang Aking nais subali't ang Aking habag ay laganap sa lahat ng bagay. Kaya, Aking itatakda ito para sa mga natatakot [sa Akin], at sa mga nagbibigay ng Zakaah; at yaong mga naniniwala sa Aming mga ayaat [kapahayagan]-Yaong mga sumunod sa sugo, sa huling Propeta na hindi nakapag-aral [o di-makabasa at di-makasulat], [siya ay] kanilang matatagpuang nakasulat [o binanggit] sa anumang nasa kanila sa Torah at sa Ebanghelyo…." (Quran 7:156-157)
Ang banal na bahagi ng awa ay inilarawan ng Propeta ng Islam:
"Lumikha ang Diyos ng isang daang bahagi ng awa. Inilagay niya ang isang bahagi sa pagitan ng Kanyang mga nilikha kung saan mayroon silang pagkahabag sa bawat isa. Inimbak ng Diyos ang natitirang siyamnapu't siyam na bahagi para sa Araw ng Paghuhukom upang ibigay ang biyaya sa Kanyang mga alipin." (Saheeh Al-Bukhari, Saheeh Muslim, Al-Tirmidhi, at iba pa.)
Ang isang kaunting bahagi ng banal na awa ay pinupuno ang kalangitan at kalupaan, ang mga tao ay nagmamahal sa isa't isa, ang mga hayop at mga ibon ay umiinom ng tubig.
Gayundin, ang banal na awa na ipapakita sa Araw ng Paghuhukom ay mas malinaw kaysa sa nakikita natin sa buhay na ito, tulad ng parusa ng Diyos ay mas matindi kaysa sa nararanasan natin dito. Ipinaliwanag ng Propeta ng Islam ang dalawang matinding mga banal na katangian na ito:
"Kung ang isang mananampalataya ay malalaman kung ano ang parusa na iniimbak ng Diyos, mawawalan siya ng pag-asa at walang isang tao na aasa na makakapasok sa Paraiso. Kung ang isang hindi naniniwala ay malalaman ang napakalawak na awa ng Diyos, walang isang taong mawawalan ng pag-asa na makarating o makapasok sa Paraiso." (Saheeh Al-Bukhari, Saheeh Muslim, Al-Tirmidhi)
Gayunpaman, sa Doktrina ng Islam, ang banal na awa ay nakahihigit sa galit ng Diyos:
"Sa katunayan, ang Aking awa ay higit sa aking parusa." (Saheeh Al-Bukhari, Saheeh Muslim)
Magdagdag ng komento