Ang Pamilya sa Islam (bahagi 1 ng 3): Ang Pag-apela ng Islamikong Buhay Pampamilya
Paglalarawanˇ: Ang mga tao ng iba't ibang larangan sa buhay ay nagsalita ayon sa kanilang pananaw tungkol sa buhay pampamilya sa Islam.
- Ni AbdurRahman Mahdi (© 2006 IslamReligion.com)
- Nailathala noong 24 Aug 2020
- Huling binago noong 31 Aug 2024
- Nag-print: 4
- Tumingin: 8,575
- Nag-marka: 0
- Nag-email: 0
- Nag-komento: 0
Sa Islam, ang pagsasaalang-alang sa kapakanan ng "iba" sa halip na "sarili" ay isang kabutihang labis na nakaugat sa relihiyon na ito ay maliwanag kahit na sa mga nasa labas nito. Ang makataong Briton at abogado ng karapatang sibil, na si Clive Stafford-Smith, isang di-Muslim, ay nagsabi: "Ang gusto ko tungkol sa Islam ay ang pagtuon nito sa grupo, na kabaligtaran sa Kanluraning pagtuon sa indibidwalidad."[1]
Ang mga indibidwal na bumubuo ng anumang lipunan ay pinagsama ng mga magkakaugnay na pangkat ng mga bukluran. Ang pinakamalakas sa lahat ng mga panlipunang bukluran ay yaong sa pamilya. At habang ito ay maaaring makatwirang pagtalunan na ang pangunahing yunit ng pamilya ay ang pundasyon ng anumang umiiral na lipunan ng tao, ito ay totoong pinanghahawakan ng mga Muslim. Sa katunayan, ang dakilang katayuan na ibinibigay ng Islam sa sistema ng pamilya ay ang siyang bagay na kadalasang nakakahalina sa maraming bagong mga nagbalik-loob sa Islam, lalo na ang mga kababaihan.
"Sa pagkakaroon ng mga batas sa halos lahat ng aspeto ng buhay, ang Islam ay kumakatawan sa kautusang batay sa pananampalataya na ang mga kababaihan ay maaaring makita na mahalaga sa paglikha ng mga matibay na pamilya at pamayanan, at pagwawasto sa pinsala na ginawa ng tanyag na sekular na palaturuangtao (humanism) sa nakaraang tatlumpu o higit pang mga taon, ayon sa mga dalubhasa. Bilang karagdagan, ang mga kababaihan mula sa mga nasirang tahanan ay lalong higit na naaakit sa relihiyon dahil sa pagpapahalagang binibigay nito sa pamilya, sinabi ni Marcia Hermansen, isang propesor sa Islamikong pag-aaral sa Pamantasan ng Loyola sa Chicago at isang Amerikanang nagbalik din sa Islam.[2]
Wala kahit saanman sa kalakarang ito ng mga tao na pinahahalagahan ang mga tradisyunal na kaugalian ng pamilya sa pagyakap nila sa Islam na mas laganap pa kaysa sa Latino o Hispanikong pamayanan ng Hilagang America. Bilang isa sa mga Muslim sa Florida: "Nakita ko ang pagtaas ng bilang sa mga Hispanikong nagbabalik sa Islam. Sa palagay ko ang Hispanikong kultura mismo ay napakayaman sa mga tuntunin ng mga pampamilyang kaugalian, at yaon ay isang bagay na napakakilala sa relihiyon ng Islam."
Kaya, ano ang mga natatanging kaugalian o katangian ng Islamikong pamumuhay na nakikita ng napakarami na kahali-halina?
Sa isang Islamikong kaganapan sa Pamantasan ng Columbia, si Hernan Guadalupe, isang Ekwadoryanong-Amerikano: "ay nagpahayag tungkol sa pagkakapareho sa pangkultura at pampamilyang kaugalian na likas sa mga Hispaniko at Muslim. Karaniwan, ang mga Hispanikong sambahayan ay mahigpit ang ugnayan at mataimtim o tapat, at ang mga bata ay pinalalaki sa isang mahigpit na kapaligiran - mga katangian na sumasalamin sa mga sambahayang Muslim.”[3]
At sa iba pang bagong ulat ng pahayagan, napansin din kung paano: "Ang mga pampamilyang kaugalian ay gumaganap ng mahalagang papel sa pagbuo ng isang pamayanang Muslim. Dahil sa mga pampamilyang kaugaliang yaon, mayroong marami pang ibang mga pamantayan na naaayon sa loob ng Hispanikong pamayanan at Islam; halimbawa, ang paggalang sa mga matatanda, buhay ng may-asawa at pagpapalaki ng mga anak, ang mga ito ay ilan sa mga tradisyon na ang Hispaniko at Islam ay magkatulad.”[4]
Ang ilang mga karaniwang Amerikanong nagbalik-islam ay mayroon ding sinasabi tungkol sa totoong buhay na karanasan, at ang ilan sa mga ito ay tinipon sa isang aklat ng ina ng naturang nagbalik-islam; sa Daughters of Another Path, ni Carol L. Anway. Isang babae, na sumipi sa aklat[5], ay nagsalita tungkol sa pagbabago ng kanyang pananaw sa pag-aasawa at buhay pampamilya matapos na magbalik sa Islam. "Ako ay naging mas malinis at mas tahimik habang lumalawig (ang kaalaman) sa relihiyon. Ako ay naging lubos na disiplinado. Ako ay hindi nagbalak mag-asawa noong hindi pa ako Muslim, gayunpaman agad akong naging isang may bahay at pagkatapos ay isang ina. Ang Islam ay nagbigay ng isang balangkas na nagpahintulot sa akin na maipahayag ang paniniwala, tulad sa kahinhinan, kabaitan at pagmamahal, na mayroon na ako. Ito rin ang nagdala sa akin sa kaligayahan sa pamamagitan ng pag-aasawa at ang pagkasilang ng dalawang anak. Bago ang Islam ay wala akong pagnanais na magkaroon ng sariling pamilya dahil hindi ko nagugustuhan (ang ideyang magkaroon) ng mga anak.”
Isa pang babae ang nagsalita tungkol sa kanyang pagtanggap sa kamag-anakan ng pamilya sa parehong aklat. "Kami ay kinatagpo sa paliparan ng karamihan sa kanyang pamilya, at ito ay labis na nakakaantig na sandali, na hindi ko malilimutan. Si Mama (ang kanyang biyenan) ay parang isang anghel... ako ay napaiyak ng maraming oras, dahil sa aking nakita dito. Ang sistema ng pamilya ay medyo natatangi na may pagkakalapit na di di maisasatinig o lampas sa mga salita.”[6]
Sa Apendiks C ng aklat, isang 35 taong gulang na nagbalik-islam na Amerikano, sa panahong yaon ay 14 taon nang Muslim, ay sumulat tungkol sa pamilya ng kanyang asawa at ang kanilang mga kaugalian na kaugnay sa kanyang sariling Amerikanong kaugalian. "Nakilala ko ang lahat ng mga malalapit na miyembro ng pamilya ng aking asawa at ilang mga miyembro ng kanyang napakalawak na kamag-anakan ng pamilya... marami akong natutunan mula sa aking mga byenan. Mayroon silang isang kahanga-hangang paraan ng pakikipag-ugnayan sa kanilang mga anak, isang paraan na nagdudulot ng paggalang sa iba at malaking sukat ng pagpapahalaga sa sarili. Kagiliw-giliw na makita kung paano gumagana ang kultura na may pagtuon sa bata at pagtuon sa relihiyon. Ang aking mga byenan, sa kabutihan ay kabaliktaran sa kulturang Amirekano, ay nagbigay sa akin ng isang malaking pagpapahalaga sa ilang mga natatanging bahagi ng aking Amerikanong pangkulturang pagkakakilanlan... Nakita ko na ang Islam ay tunay na tama sa sinasabi na ang pagka-katamtaman ay ang tamang landas."[7]
Mula sa mga siping ito, na ang isang mula sa di-Muslim na intelektwal, ang iba ay mula sa mga nagbalik-islam at tagapagbalita, at ang ilang mula sa karaniwang mga Amerikanang yumakap sa Islam, makikita natin na ang mga kaugaliang pampamilya sa Islam ay ang isa sa mga pangunahing pang-akit nito. Ang mga kaugaliang ito ay nagmula sa Diyos at sa Kanyang gabay, sa pamamagitan ng Quran at ang halimbawa at pagtuturo ng Kanyang Sugo na si Muhammad, nawa'y ang awa at mga pagpapala ng Diyos ay sumakanya, na siyang nagpahiwatig sa yunit ng pamilya bilang isa sa mga pangunahin ng relihiyon at Islamikong paraan ng pamumuhay. Ang kahalagahan ng pagbuo ng isang pamilya ay binibigyang diin ng isang salawikain ng banal na Propeta mismo, na siyang nagsabing:
“Kapag ang isang lalaki ay nag-asawa, kanyang natupad ang kalahati ng kanyang relihiyon, kaya hayaang matakot siya sa Diyos sa natitirang kalahati." [8] (al-Baihaqi)
Ang dalawang artikulo na susunod ay tatalakayin ang pamilya sa Islam sa mula sa liwanag ng Quran at Propetikong mga turo. Sa pamamagitan ng maikling pagsasaliksik sa panig ng Islam sa mga tema ng buhay ng pag-asawa, paggalang sa mga magulang at matatanda, at pagpapalaki ng mga anak, maaari nating simulang pahalagahan ang mga pakinabang ng pamilya sa Islam.
Mga talababa:
[1] Emel Magazine, ika-6 na labas - Hunyo/Hulyo 2004.
[2] “Islam’s Female Converts”; ni Priya Malhotra, Pebrero 16, 2002. (tingnan ang http://thetruereligion.org/modules/xfsection/article.php?articleid=167).
[3] “Some Latinos convert to Islam”; ni Marcela Rojas, The Journal News (http://www.thejournalnews.com/apps/pbcs.dll/article?AID=/20051030/NEWS02/510300319/1028/NEWS12)
[4] “Islam Gains Hispanic Converts”; ni Lisa Bolivar, Special Correspondent, Setyembre 30, 2005 (http://thetruereligion.org/modules/xfsection/article.php?articleid=405)
[5] Daughters of Another Path, ika-4 na paglimbag, Al-Attique Publishers, p.81.
[6] Daughters of Another Path, p.126.
[7] Daughters of Another Path, p.191.
[8] Isang salaysay mula sa Propeta, ni Anas b. Malik, ang kanyang pansariling tagapaglingkod; tinipon at nagbigay ng komento si Imam al-Baihaqi in Shu’ab al-Iman (Sanagay ng paniniwala).
Ang Pamilya sa Islam (bahagi 2 ng 3): Pag-aasawa
Paglalarawanˇ: Kung paano ang pag-aasawa ay nauugnay sa pananampalataya, etika at moralidad, na may katibayan mula sa Islamikong kapahayagan.
- Ni AbdurRahman Mahdi (© 2006 IslamReligion.com)
- Nailathala noong 24 Aug 2020
- Huling binago noong 06 May 2014
- Nag-print: 4
- Tumingin: 9,160
- Nag-marka: 0
- Nag-email: 0
- Nag-komento: 0
Pag-aasawa
"At kabilang sa Kanyang mga palatandaan ay Kanyang nilikha para sa inyo ang mga asawang nagmula rin sa inyong mga sarili upang inyong matagpuan sa kanila ang kapanatagan at katiwasayan. At Kanyang inilagay ang pagmamahal at habag sa pagitan ng inyong mga puso. Katotohanan, naririto ang mga palatandaan para sa mga taong nag-iisip."(Quran 30:21)
Ang pag-aasawa ay ang pinaka-sinaunang mga institusyong panlipunan ng tao. Ang pag-aasawa ay umiral sa pagkalikha ng unang lalaki at babae: sina Adan at Eba. Ang lahat ng mga Propeta mula noon ay ipinadala bilang mga halimbawa para sa kanilang mga pamayanan, at bawat Propeta, mula una hanggang sa huli, ay pinangalagaan ang institusyon ng pag-aasawa bilang pagpapahayag ng banal na pakikipag-ugnay sa kabaliktarang kasarian.[1] Kahit ngayon, itinuturing pa rin na mas tama at wasto na ipakilala ng mga mag-asawa ang isa't isa bilang: "aking misis" o "aking mister" sa halip na: "aking kasintahan" o "aking kinakasama". Sapagkat sa pamamagitan ng pag-aasawa na ang mga kalalakihan at kababaihan ay ligal na tinutupad ang kanilang mga pagnanasang katawan, ang kanilang kalikasan sa pag-ibig, pangangailangan, pakikisama, pakikipag-niig, at iba pa.
"...Sila (ang inyong mga asawa, O mga kalalakihan) ay isang saplot para sa inyo at kayo (mga kalalakihan) ay isang saplot para sa kanila..." (Quran 2:187)
Sa paglipas ng panahon, ang ilang mga grupo ay pinanghawakan ang kalabisang paniniwala tungkol sa kasalungat na kasarian at sekswalidad. Ang mga kababaihan, sa partikular, ay itinuturing na masama ng maraming mga relihiyosong kalalakihan, at sa gayon ang pakikipag-ugnayan sa kanila ay dapat na manatiling madalang. Kung kaya, ang monastisismo, kasama ang panghabambuhay na pag-iwas at selibasya, ay naimbento ng mga nagnanais ng anumang kanilang itinuturing na isang banal na kahalili sa pag-aasawa at isang buhay na higit na maka-diyos.
"Pagkaraan, Aming ipinadala para kanila, ang Aming mga Sugo, at Aming ipinadala si Hesus ang anak ni Maria, at ipinagkaloob sa kanya ang Ebanghelyo. At Aming itinanim sa mga puso niyaong mga sumunod sa kanya, ang habag at awa. Subalit ang Monastisismong kanilang iminungkahi sa kanilang mga sarili; Hindi Namin ito itinagubilin para sa kanila, malibang (ito ay kanilang kusang ginawa) upang pasiyahin ang Diyos kaugnay nito, subalit ito ay hindi nila nagawang tuparin sa paraang dapat tuparin. Gayunpaman, Aming ipinagkaloob sa mga naniwalang kabilang sa kanila ang kanilang (takdang) gantimpala, subalit karamihan sa kanila ay mga suwail na makasalanan." (Quran 57:27)
Ang tanging pamilya na nakikilala ng mga monghe (Kristiyano, Budista, o iba pa man) ay ang kanilang mga kapwa monghe sa monasteryo o templo. Sa kaso ng Kristiyanismo, hindi lamang mga kalalakihan, kundi pati na rin ang mga kababaihan, ay maaaring makamit ang mga banal na ranggo sa pamamagitan ng pagiging mga madre, o "mga ikinasal kay Kristo". Itong kakaibang sitwasyong ito ay madalas na humahantong sa isang malaking bilang ng mga panlipunang katiwalian, tulad ng pang-aabuso sa bata, homoseksuwalidad at iligal na sekswal na pakikipag-ugnayan na mismong nagaganap sa pagitan ng mga nagpakailang (sa mga kumbento) - na ang lahat ng ito ay itinuturing na tunay na mga kasalanang kriminal. Ang mga ereheng Muslim na sumunod sa di-Islamikong kasanayan ng pagpipigil at pagpapakailang, o siyang kahit papaanong inaangking kumuha ng isang higit na mas relihiyosong landas sa Diyos kaysa sa mga Propeta mismo, ay katulad din na nahulog na gaya ng mga katiwaliang ito at sa isang parehong antas ng kahihiyan.
Ang Propeta Muhammad (pbuh) sa kanyang sariling buong buhay ay nilinaw ang kanyang damdamin sa mungkahi na ang pag-aasawa ay maaaring maging isang balakid sa pagiging malapit sa Diyos. Minsan, ang isang lalaki ay nanumpa sa Propeta na siya ay walang magiging kinalaman sa mga kababaihan, iyon ay, hindi kailanman mag-aasawa. Ang Propeta ay tumugon sa pamamagitan ng mahigpit na pagpapahayag:
"Sa pamamagitan ng Diyos! Ako ang pinaka-may takot sa Diyos sa inyo! Gayunpaman ... ako ay nag-asawa! Ang sinumang tumalikod sa aking sunnah (kinasihang paraan) ay hindi mula sa akin (ay hindi isang tunay na mananampalataya)."
"Sabihin mo (sa mga tao O Muhammad): 'Kung kayo ay nagmamahal sa Diyos magkagayon ako ay inyong sundin, ang Diyos (magkagayon) ay mamahalin kayo at Kanyang patatawarin ang inyong mga kasalanan. At ang Diyos ay Laging-Nagpapatawad, ang Pinakamaawain." (Quran 3:31)
Sa katotohanan, malayo sa pagtingin na ang pag-aasawa ay masama para sa pananampalataya, ang mga Muslim ay pinanghahawakan ang pag-aasawa bilang isang mahalagang bahagi ng kanilang relihiyosong debosyon. Tulad ng nabanggit dati, ang Propeta Muhammad (pbuh) ay malinaw na sinabi na ang pag-aasawa ay kalahati ng Relihiyon (ng Islam). Sa madaling salita, marahil kalahati ng lahat ng mga Islamikong kabutihan, tulad ng katapatan, kalinisang-puri, kawanggawa, pagkamapagbigay, pagpaparaya, kabaitan, pagsusumikap, pagtitiis, pag-ibig, empatiya, pagkahabag, pag-aalaga, pag-aaral, pagtuturo, pagkamaa-asahan, katapangan, awa, pagtitimpi, kapatawaran, atbp., ay matatagpuan ang likas na pagpapahayag nito sa pamamagitan ng buhay may-asawa. Samakatuwid, sa Islam, ang kamalayan sa Diyos at mabuting pag-uugali ay siyang dapat na maging pangunahing pamantayan na hinahanap ng isa sa kanyang napupusuang katuwang sa pag-aasawa. Ang Propeta Muhammad (pbuh) ay nagsabi:
"Ang isang babae ay pinakakasalan sa (isa sa) apat na mga kadahilanan: kanyang kayamanan, kanyang katayuan, kanyang kagandahan at kanyang relihiyosong debosyon. Kaya pakasalan ang relihiyosong babae, kung hindi ikaw ay magiging lugi." (Saheeh Al-Bukhari)
Walang alinlangan, na ang karamdaman at pagkabulok ng lipunang laganap sa maraming bahagi ng di-Islamikong mundo ay makikita din ang pahiwatig sa ilang bahagi ng mundo ng mga Muslim. Gayunpaman, ang kahalayan, pakikiapid, at pangangalunya ay pangkalahatan pa ring kinokondena sa buong Islamikong mga lipunan at hindi pa inaalis bilang isang kriminalidad at maging isa na lamang "pagbibiro", o "paglalaro sa larangang ito" o iba pang mga ganitong walang saysay na paghahangad. Katotohanan, ang mga Muslim ay tinuturing at kinikilala pa rin ang malaking kapahamakang dulot na kaakibat sa mga pagsasama bago ang kasal at ugnayang labas sa basbas ng kasal na mayroon sa mga pamayanan. Sa katunayan ang Quran ay nilinaw na ang simpleng pagpaparatang nang walang pakundangan ay nagdadala ng napakalubhang mga kahihinatnan sa buhay na ito at sa susunod.
"At yaong mga nagparatang sa mga malilinis na babae at hindi makapagpakita ng apat na saksi (upang patunayan ang kanilang paratang), ay hagupitin sila ng walumpung haplit, at huwag ninyong tanggapin mula sa kanila ang pagsaksi kahit kailan. Sapagkat sila ay tunay na mga suwail." (Quran 24:4)
"Katotohanan, yaong mga nagparatang sa mga malilinis, walang kasalanan, walang kamalayan, mananampalatayang mga babae: sila ay isinumpa sa mundong ito at sa kabilang buhay. At sa kanila ay isang malaking parusa." (Quran 24:23)
Samantala, habang ang mga babaeng walang asawa marahil ang nagdurusa ng higit sa mga kahihinatnan ng mga mahalay na pakikipagrelasyon, ang ilan sa mga mas radikal na tinig ng kilusang pangkababaihan ay nanawagan para sa pag-aalis ng institusyon ng kasal. Si Sheila Cronin ng kilusang, NOW, na nagsalita mula sa makitid na pananaw ng isang nagmalabis na peminista na ang lipunan ay tumatakbo mula sa kabiguan ng tradisyunal na kasal sa kanluran upang magbigay sa kababaihan ng seguridad, pangangalaga mula sa mga sakit na nakukuha sa sekswal na pakikipagtalik, at maraming iba pang mga problema at pang-aabuso, na nagpalagay: "Yamang ang kasal ay nagiging daan sa pang-aalipin sa mga kababaihan, malinaw na ang kilusan ng kababaihan ay dapat na tumutok sa pagsalakay sa institusyong ito. Ang kalayaan para sa mga kababaihan ay hindi maaaring makamit kung hindi maalis ang kasal.
Ang pag-aasawa sa Islam, gayunpaman, o sa halip, ang pag-aasawa ayon sa Islam, ay nasa at ito mismo ang isang sasakyan o daan para makuha ang kalayaan ng mga kababaihan. Walang mas dakilang halimbawa ng perpektong Islamikong pag-aasawa na umiiral kaysa yaong sa Propeta Muhammad (pbuh), na nagsabi sa kanyang mga tagasunod: “Ang pinakamainam sa inyo ay silang pinakamabuti ang pakikitungo sa kanilang mga kababaihan. At ako ang pinakamabuti sa mga tao sa aking mga kababaihan.”[2]Ang pinakamamahal na asawa ng Propeta, na si A'isha, ay nagpatunay sa kalayaan na ipinagkaloob sa kanya ng kanyang asawa nang sinabi niya:
"Palagi siyang nakikisama sa mga gawaing bahay at kung minsan ay tinatahi ang kanyang mga damit, inaayos ang kanyang sapatos at nagwawalis ng sahig. Kanyang ginagatasan, tinatalian, at pinapakain ang kanyang mga hayop at gumagawa ng mga gawaing bahay." (Saheeh Al-Bukhari)
"Katiyakan sa Sugo ng Diyos ay mayroon kayong isang mahusay na halimbawa para sundin para sa sinumang umaasa sa Diyos at sa Huling Araw, at umaalala sa Diyos nang higit." (Quran 33:21)
Mga talababa:
[1] Kahit nag-asawa o hindi yaong mga Propeta mismo: Si Hesus, halimbawa, ay pumaitaas sa kalangitan bilang isang walang asawa. Gayunpaman, naniniwala ang mga Muslim na babalik siya sa lupa bago ang Katapusan ng Panahon sa pangalawang pagdating kung saan siya maghahari ng kataas-taasan, isang asawa at ama na tulad ng ibang pamilyadong tao. Kaya, ang kamakailan lamang na kontrobersya tungkol sa De Vinci Code na kathang-isip na nag-asawa si Hesus at nagkaroon ng mga anak ay hindi kasinungalingan sa katotohanang nagmumungkahi ito na ang isang Mesiyas ay maaaring maging isang pamilyadong tao, na napaaga nga lang.
[2] Isinalaysay sa Al-Tirmidhi.
Ang Pamilya sa Islam (bahagi 3 ng 3): Pagiging Magulang.
Paglalarawanˇ: Isang maikling paglalakbay sa pamamagitan ng komprehensibong gabay sa pagiging mabuting magulang na itinuro ng Diyos at Kanyang Propeta, na pahapyaw na tinalakay dito, na may mga kadahilanan kung bakit ang mga Muslim ay sinusunod ang ganitong patnubay.
- Ni AbdurRahman Mahdi (© 2006 IslamReligion.com)
- Nailathala noong 24 Aug 2020
- Huling binago noong 22 Jun 2010
- Nag-print: 4
- Tumingin: 9,651
- Nag-marka: 0
- Nag-email: 0
- Nag-komento: 0
Pagiging magulang
Ang isa sa mga kadahilanan na gumagana ang Islamikong pamilya ay dahil sa malinaw na tukoy nitong istraktura, kung saan ang bawat miyembro ng sambahayan ay nalalaman ang kanilang tungkulin. Ang Propeta Muhammad, nawa'y ang awa at mga pagpapala ng Diyos ay sumakanya, ay nagsabi:
"Bawat isa sa inyo ay pastol, at lahat kayo ay may pananagutan sa inyong mga kawan."(Saheeh Al-Bukhari, Saheeh Muslim)
Ang ama ay ang pastol ng kanyang pamilya, nangangalaga sa kanila, nagtutustos para sa kanila, at nagsisikap na maging ulirang huwaran at gabay sa kanyang kakayahan bilang pinuno ng sambahayan. Ang ina ay ang pastol ng tahanan, nagbabantay nito at nagdudulot dito ng mabuti, mapagmahal na kapaligiran na kinakailangan para sa isang maligaya at malusog na buhay pamilya. Siya rin ang pangunahing responsable para sa gabay at edukasyon ng mga anak. Kung hindi dahil sa katotohanan na ang isa sa mga magulang ay tumanggap ng papel sa pamumuno, kung magkagayon hindi maiiwasang magkaroon ng walang tigil na pagtatalo at pag-aaway, na hahantong sa pagkasira ng pamilya - tulad ng pagkakaroon ng anumang samahan na kulang sa iisang hirarkiyang awtoridad.
"Ang Diyos ay naglahad ng isang paghahalintulad: isang (alipin) taong pag-aari ng maraming magkasosyo, na nagtatalo sa bawat isa at ang isa namang tao na pag-aari lamang ng isang tao. Sila bang dalawa ay magkatulad sa paghahambing? Ang lahat ng papuri at pasasalamat ay ukol sa Diyos! Ngunit karamihan sa kanila ay hindi nakaaalam." (Quran 39:29)
Makatarungan lamang na ang likas na pisikal at emosyonal na mas malakas sa dalawang magulang ang siyang ginawang pinuno ng sambahayan: ang lalaki.
"...At sila (mga babae) ay may mga karapatan (sa kanilang mga asawa) katulad (sa mga karapatan ng kanilang asawa) sa kanila - ayon sa paraang matwid. Ngunit ang mga kalalakihan ay nakahihigit (sa tungkulin, atbp.) sa kanila..." (Quran 2:228)
Para naman sa mga anak, ang mga bunga ng pagmamahalan ng kanilang mga magulang, ang Islam ay nagbigay ng komprehensibong mga moral na nag-uutos sa responsibilidad ng magulang at ang pagganting tungkulin ng anak sa mga magulang nito.
"At pakitunguhan ang inyong mga magulang ng may kabaitan. Kapag ang isa o silang dalawa ay umabot na sa katandaang gulang sa iyong piling, huwag mangusap sa kanila ng salitang (nagsasabi ng) kawalang-galang, ni hiyawan sila, bagkus mangusap sa kanila ng salitang kapita-pitagan. At ibaba ang iyong sarili sa awa para sa kanilang dalawa at manalangin ng 'Aking Panginoon! Maging maawain sa kanila tulad ng pag-aaruga nila sa akin nang ako ay maliit pa.'" (Quran 17:23-4)
Malinaw na, kung ang mga magulang ay nabigong itanim ang pagkatakot sa Diyos sa kalooban ng kanilang mga anak mula sa murang edad dahil sila mismo ay nagpabaya, kung gayon hindi nila maaaring asahan na makita ang matuwid na pasasalamat na bumalik sa kanila. Kung kaya, ang matinding babala ng Diyos sa Kanyang Aklat:
"O kayong mga mananampalataya! Pangalagaan ang inyong mga sarili at ang inyong mga mag-anak laban sa Apoy (Impiyerno) na ang panggatong ay mga tao at bato." (Quran 66:6)
Kung ang mga magulang ay talagang nagsikap na palakihin ang kanilang mga anak sa katuwiran, kung gayon, tulad ng sinabi ng Propeta:
"Kapag ang anak ni Adan ay namatay, ang lahat ng kanyang mga gawa ay natatapos maliban sa [tatlo, isang patuloy na kawanggawa, kapaki-pakinabang na kaalaman at] isang matuwid na anak na nananalangin para sa kanyang mga magulang." (Saheeh Al-Bukhari, Saheeh Muslim)
Kahit ano ang paraan ng pagpapalaki ng mga magulang sa kanilang mga anak, at maging anuman ang kanilang sariling relihiyon (o kakulangan nito), ang pagsunod at paggalang ng isang anak na lalaki o babaeng Muslim na kailangang ipakita sa kanila ay pangalawa lamang sa pagsunod na ukol sa Tagapaglikha mismo. Kaya ang Kanyang paalala:
"At (alalahanin) nang Aming tanggapin ang kasunduan mula sa mga Anak ni Israel, (na nagtatagubiling): 'Huwag kayong sumamba maliban sa Diyos at maging masunurin at mabuti sa inyong mga magulang, at sa mga kamag-anakan, at sa mga ulila at sa mga dukha, at mangusap ng mabuti sa mga tao, at magsagawa ng pagdarasal, at magbigay ng kawanggawa.'" (Quran 2:83)
Sa katunayan, ito ay pangkaraniwang maririnig sa mga matatandang di-Muslim na nagbabalik sa Islam na ito ay bunga ng ibayo pang pangangalaga at pagsunod na ibinibigay ng kanilang mga anak sa kanila kasunod ng kanilang (ito ay ang mga anak) pagiging mga Muslim.
"Sabihin (O Muhammad): 'Halina, aking bibigkasin sa inyo kung ano ang ipinagbabawal ng inyong Panginoon sa inyo: Huwag kayong magbigay-katambal ng anupaman sa pagsamba sa Kanya; kayo ay maging mabuti at masunurin sa inyong mga magulang; huwag ninyong patayin ang inyong mga anak sanhi ng kahirapan - Aming ipagkakaloob ang panustos para sa inyo at para sa kanila..." (Quran 6:151)
Habang ang anak ay obligadong ipakita ang pagsunod sa dalawang magulang, ang Islam ay itinatangi ang ina bilang siyang karapat-dapat sa dakilang bahagi ng pagmamahal na pasasalamat at kabaitan. Nang ang Propeta Muhammad (pbuh) ay tinanong, "O Sugo ng Diyos! Sino ang mula sa sangkatauhan ang karapat-dapat ng pinakamahusay na pakikisama mula sa akin?" Siya ay sumagot: "Ang iyong ina." Ang lalaki ay nagtanong: "Pagkatapos ay sino?" Ang Propeta ay nagsabi: "Ang iyong ina." Ang lalaki ay nagtanong: "Pagkatapos ay sino?" Ang Propeta ay inulit: "Ang iyong ina." Muli, ang lalaki ay nagtanong: 'Pagkatapos ay sino?' Ang Propeta sa huli ay sinabi: "(Pagkatapos) ang iyong ama."[1]
At Aming itinagubilin sa tao na maging masunurin at mabait sa kanilang mga magulang. Ang kanyang ina ay pinasan siya ng may pagdurusa at siya ay isinilang ng may pagdurusa, at ang pagdadalang-tao sa kanya at ang pagpapasuso sa kanya ay (30) buwan, hanggang nang matamo ang buong lakas at umabot sa apatnapung taon, kanyang sinabi: “O aking Panginoon! Bigyan Mo po ako ng lakas at kakayahang maging mapagpasalamat sa pagpapala na Iyong ibinigay akin at sa aking mga magulang, upang ako ay makagawa ng mga gawaing matwid na Iyong ikalulugod at gawin Mong matwid ang aking mga anak. Katotohanan, ako ay nagbabalik-loob sa Iyo sa pagsisisi at katotohanan, ako ay kabilang sa mga Muslim ( tumatalima sa Iyong Kalooban)." (Quran 46:15)
Konklusyon
Mayroong isang umiiral sa Islam na pangkalahatang prinsipyo na nagsasabing ang mabuti para sa isa ay mabuti para sa iba. O, sa mga salita ng Propeta:
“Wala sa inyo ang tunay na mananampalataya hangga't kanyang mahalin para sa kanyang (mananampalatayang) kapatid ang anumang minamahal para sa kanyang sarili." (Saheeh Al-Bukhari, Saheeh Muslim)
Tulad ng maaaring asahan, ang prinsipyong ito ay natagpuan ang pinakadakilang pagpapahayag nito sa isang pamilyang Muslim, ang diwa ng Islamikong lipunan. Gayunpaman, ang pagka-masunurin ng anak sa kanyang mga magulang ay, sa katotohanan, umaabot hanggang sa lahat ng mga matatanda ng pamayanan. Ang awa at pagmamalasakit na mayroon ang mga magulang para sa kanilang mga anak ay katulad din na para sa lahat ng mga kabataan. Sa katotohanan, ito ay hindi tulad na ang Muslim ay may pagpipilian sa ganitong mga bagay. Pagkatapos ng lahat, ang Propeta ay nagsabi:
"Siyang hindi nagpakita ng awa sa ating mga nakababata, ni paggalang sa ating mga nakakatanda, ay hindi kabilang sa atin." (Abu Dawood, Al-Tirmidhi)
Nakapagtataka ba, kung gayon, na napakaraming tao, na pinalaki bilang mga di-Muslim, ay natagpuan ang kanilang hinahanap, kung ano ang lagi nilang pinaniniwalaan na mabuti at totoo, sa relihiyon ng Islam? Isang relihiyon kung saan sila ay kaagad at maligayang tinatanggap bilang mga miyembro ng isang mapagmahal na pamilya.
"Ang pagiging matuwid ay hindi ang ibaling ang inyong mga mukha sa dakong silangan at kanluran. Bagkus, ang pagkamatwid ay ang siyang naniniwala sa Diyos, sa Huling Araw, sa mga Anghel, sa Aklat, at sa mga propeta; na namamahagi ng yaman, sa kabila ng pagmamahal dito, sa mga kamag-anakan, sa mga ulila, sa mga dukha, sa mga manlalakbay, sa mga humihingi at ang nagpapalaya ng mga alipin. At (ang pagkamatwid ay) silang nagdarasal, nagbibigay ng kawanggawa, tinutupad ang kanilang mga kasunduan at ang nagtitiis (sa oras) ng pagdarahop, karamdaman at sa panahon ng pakikipaglaban. Sila yaong mga tao sa katotohanan at sila yaong mga may Takot sa Diyos.'' (Quran 2:177)
Magdagdag ng komento