Mga Anghel (bahagi 1 ng 3): Nilikha upang Sumamba at Sumunod sa Diyos

Marka:
Sukat ng Font:
A- A A+
  • Ni Aisha Stacey (© 2009 IslamReligion.com)
  • Nailathala noong 24 Aug 2020
  • Huling binago noong 11 Mar 2024
  • Nag-print: 4
  • Tumingin: 10,869
  • Marka: Wala pa
  • Nag-marka: 0
  • Nag-email: 0
  • Nag-komento: 0
Mahina Pinakamagaling

Angels_(part_1_of_3)_001.jpg Ang mga Muslim ay naniniwala sa pag-iral ng mga anghel. Sa Islam ay mayroong anim na haligi ng pananampalataya; paniniwala sa Diyos, ang Nag-iisa at Natatangi, ang Tagapaglikha at Tagapagtustos sa lahat ng mga umiiral, paniniwala sa Kanyang mga anghel, sa Kanyang mga Aklat, sa Kanyang mga propeta, ang Huling Araw at ang banal na kahihinatnan.

Ang mga anghel ay kabilang sa mga nilalang na hindi nakikita, nguni’t ang mga Muslim ay naniniwala sa kanilang pag-iral nang may buong katiyakan sapagka’t ang Diyos at Kanyang sugo, na si Muhammad, ay nagbigay sa atin ng impormasyon patungkol sa kanila. Ang mga anghel ay nilikha ng Diyos upang sumamba at sumunod sa Kanya. Mababasa sa Quran:

“Sila, (ang mga anghel) ay hindi sumusuway , sa mga Kautusang kanilang natatanggap mula sa Diyos, at ipinatutupad nila ang anumang ipinag-utos sa kanila.” (Quran 66:6)

Nilikha ng Diyos ang mga anghel mula sa liwanag. Ang Propeta Muhammad, nawa ang habag at mga pagpapala ng Diyos ay mapasakanya, ay nagsabi, “Ang mga anghel ay nilikha mula sa liwanag,”[1] Wala tayong kaalaman kung kailan nilikha ang mga anghel, gayunpaman, ang alam natin na iyon ay bago pa ang paglalang sa sangkatauhan. Ipinaliliwanag sa Quran na ang Diyos ay nagsabi sa mga anghel ng Kanyang balak na lumikha ng tagapamahala sa mundo. (2:30)

Alam ng mga Muslim na ang mga anghel ay magagandang nilalang. Ayon sa Quran 53:6 inilalarawan ng Diyos ang mga anghel bilang dhoo mirrah, ito ay katagang Arabe na kung saan ang mga bantog na pantas ay binigyan-kahulugan bilang, matangkad at marikit sa anyo. Inilalarawan din sa Quran (12:31) na ang Propetang si Yusuf (Joseph) bilang marikit, tulad ng isang marangal na anghel.

Ang mga anghel ay may mga pakpak, at marahil ito’y napakalaki. Walang anumang nakasulat alinman sa Quran, o sa mga tradisyon ng Propeta Muhammad na nagpapahiwatig na ang mga anghel ay may pakpak na mga sanggol o anumang anyo ng kasarian.[3]Ang alam lang natin magkagayunpaman, na ang mga anghel ay mayroong pakpak at ang iba ay talagang napakalaki. Mula sa mga tradisyon ng Propeta Muhammad batid natin na ang laki ng sukat ng anghel na si Gabriel na napupunan ang espasyo sa pagitan ng langit at lupa[4]at siya ay may anim na daang pakpak[5].

“...Ginawa Niya ang mga anghel, bilang mga sugong mayroong mga pakpak – dalawa, o tatlo, o apat (na pares)...” (Quran 35:1)

Mayroon ding pagkakaiba-iba ng katayuan ang mga anghel. Yaong mga anghel na naroroon sa unang digmaan, Ang Digmaan sa Badr, ay kinilala bilang mga “pinakamainam” na mga anghel.

“Ang anghel Gabriel ay nagtungo sa Propeta Muhammad at nagtanong, ‘Paano mo uuriin ang mga taong kasama mo na kung saan ay kasalukuyang naroon sa Badr?’ Si Muhammad, nawa ang habag at mga pagpapala ng Diyos ay mapasakaniya, ay sumagot, ‘Sila ang mga pinakamainam sa mga Muslim,’ o iba pang katulad nito. Si Gabriel ay nagsabi: ‘Kung gayon sila ay kasama ng mga anghel na kasalukuyang naroon sa Badr.’”[6]

Naniniwala ang mga Muslim na ang mga anghel ay hindi nangangailangan ng pagkain o inumin. Ang kanilang panustos ay ang pagluluwalhati sa Diyos at paulit-ulit na mga salitang, walang ibang Diyos kundi si Allah. (Quran 21:20).

“. . . Yaong mga [mga anghel na] malalapit sa iyong Panginoon ay nagluluwalhati sa Kanya sa gabi at sa maghapon, at sila ay walang [anumang nararamadamang kapaguran].” (Quran 41:38)

Ang kuwento ng Propeta na si Abraham sa Quran ay nagpapahiwatig din na ang mga anghel ay walang pangangailangan sa pagkain at paginom. Noong ang mga anghel, ay nasa anyong mga kalalakihan, kanilang binisita ang Propeta Abraham upang dalhin sa kanya ang mabuting balita sa pagsilang ng anak na lalaki, siya’y naghandog para sa kanila ng isang guya sa kanilang karangalan. Sila’y tumanggi sa pagkain at siya ay nangilabot, nang isiniwalat nila ang kanilang sarili bilang mga anghel. (Quran 51:26-28)

Marami ang mga anghel, subali’t tanging Diyos lamang ang nakaaalam ng eksaktong bilang. Noong kanyang pag-akyat sa langit, ang Propeta Muhammad ay dumalaw sa isang Bahay-Panalanginan na kilala bilang “Ang Bahay na Madalas Bisitahin”, o, sa wikang Arabe al Bayt al-Mamoor, ang makalangit na katumbas ng Kaaba.[7]

Pagkatapos ako ay iniangat patungo sa “Ang Bahay na Madalas Bisitahin”: araw-araw ay pitong libong mga anghel ang bumibisita dito at umaalis, hindi na muling bumabalik rito, at ibang (grupo) naman ang sumusunod pagkatapos nila.”[8]

Ang Propeta Muhammad ay nagbigay din impormasyon sa atin na sa Araw ng Paghuhukom, ang Impyerno ay dadalhin at ipakikita sa mga tao. Kanyang sinabi, “Ang Impyerno ay dadalhin sa araw na iyon sa pamamagitan ng pitong libong mga lubid, bawat isa nito’y hahatakin ng pitong libong mga anghel.”[9]

Ang mga anghel ay may taglay na matinding kapangayarihan. Mayroon silang kakayahan na gumanap ng iba’t ibang anyo. Sila’y nagpakita noon sa kanilang dalawa kina Propeta Abraham at Propeta Lot bilang mga lalaki. Ang anghel na si Gabriel ay nagpakita noon kay Maria ang ina ni Hesus bilang isang lalaki, (Quran 19:17) at siya ay nagpakita noon sa Propeta Muhammad bilang isang lalaki, na kung saan ang damit ay may labis na kaputian, at kung saan ang buhok ay labis ang kaitiman.[10]

Ang mga anghel ay malalakas. Apat na anghel ang nagdadala ng Trono ng Diyos, at sa Araw ng Paghuhukom ang kanilang bilang ay madadagdagan sa walo. Kabilang sa mga tradisyon ng Propeta Muhammad ay ang pagsasalaysay sa paglalarawan ng isa sa mga anghel na nagdadala ng Trono ng Diyos. “Ang distansya sa pagitan ng kanyang pingol ng tainga at ng kanyang mga balikat ay katumbas ng pitong-daang taon ng paglalakbay.”[11]

Ang mga anghel ay isinasakatuparan ang iba’t ibang mga tungkulin at mga responsibilidad. Ang iba ay responsable sa mga bagay ng sansinukob. Ang iba ay responsable sa mga karagatan, o sa mga bundok o ang hangin. Minsa’y, matapos ang pagbisita sa siyudad ng Ta’if, isang bayan na malapit sa Mecca, ang Propeta Muhammad ay pinaulanan ng mga bato. Ang anghel na si Gabriel at ang anghel ng kabundukan ay dumalaw sa kanya.

Ang anghel ng kabundukan nag-alok sa kanya upang puksain ang mga suwail na tao sa pamamagitan ng paglibing sa kanila sa ilalim ng bunton ng dalawang magkalapit na mga bundok. Tinanggihan ng Propeta Muhammad ang alok sa kanya sapagka’t siya’y naniniwala na kung sila ay may pagkakataon na huminahon at pagmasdan ang Islam, kanilang tatanggapin ang pagmamahal na ito sa Diyos.[12]

Ang mga anghel ay nagdadala ng mga utos ng Diyos nang walang pag-urong at pag-aalinlangan. Bawat anghel ay may tungkulin o gawain. Ang ilan sa mga anghel ay nagbabantay at kasama ng mga tao, ang iba ay mga mensahero. Sa ikalawang bahagi ating susuriin itong mga tungkulin at matututunan ang mga pangalan ng ilan sa mga anghel na nagsasagawa ng mga ito.



Talababa:

[1] Saheeh Muslim.

[2] Ibn Abbas & Qutadah.

[3] Ang paggamit ng katagang he o siya (panlalaki) ay para sa pagpadali ng baralila at hindi sa pagpahiwatig na ang mga anghel ay mga kalalakihan.

[4] Saheeh Muslim

[5] Ang Musnad ni Imam Ahmad.

[6] Saheeh Al-Bukhari

[7] Ang hugis kubikong gusali, sa gitna ng banal na Masjid, sa siyudad ng Mecca, Saudi Arabia

[8] Saheeh Al-Bukhari

[9] Saheeh Muslim

[10] Ibid

[11] Sunan Abu Dawood

[12] Saheeh Al-Bukhari, Saheeh Muslim

Mahina Pinakamagaling

Mga Anghel (bahagi 2 ng 3): Ipinagkaloob ng Diyos ang kalakasan at kapangyarihan sa mga anghel

Marka:
Sukat ng Font:
A- A A+
  • Ni Aisha Stacey (© 2009 IslamReligion.com)
  • Nailathala noong 24 Aug 2020
  • Huling binago noong 25 Apr 2020
  • Nag-print: 4
  • Tumingin: 9,352
  • Marka: Wala pa
  • Nag-marka: 0
  • Nag-email: 0
  • Nag-komento: 0
Mahina Pinakamagaling

Angels_(part_2_of_3)_001.jpgAng mga anghel ay mga nilalang na nilikha ng Diyos, mula sa liwanag. Hindi nila kayang suwayin ang Diyos at isinasagawa nila ang mga tungkuling itinakda para sa kanila nang hindi nagdadalawang isip o nag-aatubili. Ang mga Muslim ay nakuha ang kanilang pang-unawa tungkol sa mga anghel mula sa Quran at sa tunay na mga tradisyon ni Propeta Muhammad. Sa unang bahagi ating pinagtibay na ang mga anghel ay magagandang nilalang na may pakpak, na may iba't-ibang laki at sa pamamagitan ng pahintulot ng Diyos, ay kayang baguhin ang kanilang mga anyo. Ang mga anghel ay may mga pangalan at tungkulin na kailangan nilang isagawa.

Ang pangalang lubos na pamilyar sa mga Muslim at mga di-Muslim ay kay Gabriel (Jibreel). Ang anghel na si Gabriel ay tinutukoy sa mga tradisyong Hudeo at Kristiyano bilang isang arkanghel at sugo ng Diyos, at siya[1] ay may malaking katayuan sa lahat ng tatlong monoteyismong relihiyon.

“Katotohanan, ito (ang Quran ay ipinararating ng) kagalang-galang na Sugo (Gabriel), mula sa Diyos para kay Propeta Muhammad. Na nagtataglay ng lakas, kapangyarihan, at mataas ang ranggo sa (Allah, nagmamay-ari ng Dakilang Trono). Siya ay sinusunod (ng mga anghel), na pinagkakatiwalaan sa kalangitan.” (Quran 81:19-21)

Dinala ni Gabriel ang mga salita ng Diyos – ang Quran – kay Propeta Muhammad.

“...Si Jibreel- siya ang nagpahayag nito [Quran] sa iyong puso sa kapahintulutan ni Allah, isang pagpapatunay ng anumang nauna rito at patnubay at magandang balita para sa mga naniniwala”. (Quran 2:97)

Si Michael (Mikaeel) ay ang anghel na responsable para sa ulan at si Israfeel ay ang anghel na iihip ng trumpeta sa Araw ng Paghuhukom. Ang tatlong ito ay mula sa pinakadakilang mga anghel ng dahil sa laki ng kahalagahan ng kanilang mga tungkulin. Bawat isa sa kanilang mga tungkulin ay may kaugnayan sa aspeto ng buhay. Si anghel Gabriel ang nagdala ng Quran mula sa Diyos patungo kay Propeta Muhammad, at ang Quran ang nagpapalakas sa puso at sa kaluluwa. Ang anghel na si Michael ay responsable para sa ulan, at nililinang nito ang lupa at gayon din ang ating mga pisikal na katawan, ang Anghel na si Israfeel ay responsable para sa pag-ihip ng trumpeta at ito ay senyales na simula na ng buhay na walang hanggan, alinman sa Paraiso o Impiyerno.

Kapag si Propeta Muhammad ay bumangon sa gabi upang manalangin, sinisimulan niya ang kanyang panalangin sa mga salitang, "O aking Diyos, na Panginoon ni Gabriel, Mikaeel at Israfeel, ang Maylalang ng langit at lupa, ang Ganap na Nakababatid sa mga hindi nakikita at nakikita. Ikaw ang Tagahatol sa mga bagay na ipinagkakaiba-iba ng Iyong mga alipin. Gabayan Mo ako hinggil sa Katotohanan sa pamamagitan ng Iyong kapahintulutan, sapagka't Iyong ginagabayan ang sinumang Iyong naisin sa Tuwid na Landas.”[2]

Alam din natin ang mga pangalan ng ilan pang mga anghel. Si Malik, ang anghel na kilala bilang bantay ng pintuang-daan ng Impiyerno. "Sila [ang mga tao sa Impiyerno] ay dadaing: ' O Malik! Maaari bang ang iyong Panginoon ay wakasan na ito para sa amin! . . ." (Quran 43:77) Sina Munkar at Nakeer ay ang mga anghel na responsable sa pagtatanong sa mga tao sa kanilang libingan. Kilala natin ang mga pangalang ito at nauunawaan natin na tayo ay tatanungin ng mga anghel sa libingan tulad ng binanggit sa mga tradisyon ni Propeta Muhammad.

“Kapag ang pumanaw ay inilibing na, darating sa kaniya ang dalawang itim-bughaw na mga anghel, isa sa kanila ay tinatawag na Munkar at ang isa ay Nakeer. Sila 'y magtatanong sa kaniya, 'Ano ang iyong madalas sabihin tungkol sa lalaking ito? 'at kaniyang sasabihin kung ano ang madalas niyang sabihin: 'Siya ang alipin at sugo ng Diyos: Katotohanan ako ay sumasaksi na walang Diyos maliban kay Allah at si Muhammad ay alipin at sugo ng Diyos. Kanilang sasabihin, 'Sa simula palamang batid na namin na madalas mo na itong sabihin.' Pagkatapos ang kaniyang libingan ay paluluwagin para sa kanya sa sukat na pitumpung siko sa pitumpung siko at iyon ay magbibigay liwanag para sa kaniya. Pagkatapos ay kanilang sasabihin, 'Ika'y matulog.' Kaniyang sasabihin, 'bumalik ka sa pamilya ko at sabihin mo sa kanila. 'Sasabihin nila sa kaniya, 'Ika'y matulog tulad ng isang bagong kasal na walang sinuman na gigising maliban sa kanyang pinakamamahal, 'hanggang sa siya ay ibabangon ng Diyos...[3]

Sa Quran ating makikita ang kuwento tungkol sa dalawang anghel na nagngangalang Haroot at Maroot, na ipinadala sa Babilonia upang turuan ang mga tao ng mahika. Ang paggamit ng mahika ay ipinagbabawal sa Islam ngunit ang mga anghel na ito ay ipinadala bilang isang pagsubok para sa mga tao. Bago ang paghahayag o pagtuturo ng mahika sina Haroot at Maroot ay malinaw na nagbabala sa mga naninirahan sa Babilonia na sila ay ipinadala bilang isang pagsubok, at ang mga magsasagawa ng mahika ay walang bahagi sa kabilang buhay, i.e. sila'y mapupunta sa Impiyerno. (Quran 2:102)

Bagama't kung minsan ay ipinapalagay na ang Anghel ng Kamatayan ay pinangalanang Azraeel, walang anuman sa Quran o sa mapapanaligang mga tradisyon ni Propeta Muhammad ang nagpapahiwatig nito. Hindi natin alam ang pangalan ng Anghel ng Kamatayan ngunit alam natin ang kanyang tungkulin at siya ay may mga kawani.

“Sabihin: "Kayo ay kukunin ng Anghel ng Kamatayan, na itinalagang mangangasiwa sa inyo. Pagkaraan, kayo ay ibabalik sa inyong Panginoon.” (Quran 32:11)

Hanggang kapag ang kamatayan ay dumating sa isa sa inyo, siya ay kukunin ng Aming mga sugo at kanyang mga kawani [na anghel]. At kailanman sila ay hindi nagpapabaya [sa kanilang mga tungkulin]. Pagkaraan sila ay babalik kay Allah, ang kanilang Panginoon, ang Makatarungang Panginoon.” (Quran 6:61-62)

May isang grupo ng mga anghel na naglalakbay sa buong mundo, na hinahanap ang mga taong inaalala ang Diyos. Mula sa mga tradisyon ni Propeta Muhammad alam natin na, "ang Diyos ay mayroong mga anghel na naglalakbay sa lansangang-bayan upang maghanap ng mga taong umaalala. Kapag nakakita sila ng mga tao na inaalala ang Diyos, tinatawag nila ang isa't isa, "Pumarito ka sa kung anong iyong inaasam!" at kanila silang babalutin nang kanilang mga pakpak, na nakaunat hanggang sa pinakamababang langit. Ang kanilang Panginoon ay magtatanong, at mas batid Niya ang mga ito kaysa sa kanila, "Ano ang sinasabi ng Aking mga alipin?" Kanilang sasabihin: "Sila ay nagluluwalhati, dumadakila, pumupuri at nagbubunyi sa Iyo." Tanong Niya, "nakita na ba nila Ako?" Kanilang sasabihin, "Hindi pa, sumpa man sa Diyos, Ikaw ay hindi pa nila nakita." Tanong niya, "at ano ang mangyayari kung Ako'y makikita nila?" Kanilang sasabihin, "Mas magsisigasig at mas magiging tapat sila sa kanilang papuri at pagsamba." Tanong Niya, "Ano ang hinihiling nila sa Akin?" Kanilang sinabi, "hinihiling nila sa Iyo ang Paraiso." Tanong Niya, "At nakita na ba nila iyon?" Kanilang sasabihin, "hindi, sumpa man sa Diyos, O Panginoon, hindi nila ito nakita." Tanong Niya, "at ano ang mangyayari kung ito'y kanilang makikita?"Kanilang sasabihin: "Sila'y lalo pang magiging masigasig para dito at lalo silang magsusumamo sa Iyo." Tanong Niya, "At ano naman ang hinahanap nila mula sa Aking proteksyon?" Kanilang sasabihin, "Mula sa Apoy ng Impiyerno." Tanong Niya, "Nakita na ba nila iyon?" Kanilang sasabihin, "Hindi, sumpa man sa Diyos, hindi pa nila ito nakita." Tanong Niya, "at ano ang mangyayari kung ito'y kanilang makikita?" Kanilang sasabihin: "Sila'y lalo pang matatakot at sabik na takasan ito." Sasabihin ng Diyos: "Kayo ang Aking mga saksi na sila'y Aking pinatawad." Isa sa mga anghel ay magsasabi: "Si Ganoo't ganito ay talagang hindi isa sa kanila; dumating siya (sa pagtitipon) para sa iba pang dahilan. "Sasabihin ni Allah, "Lahat sila ay nasa pagtitipon, at kahit isa sa kanila ay hindi maibubukod (mula sa kapatawaran).”[4]

Ang mga Muslim ay naniniwala na ang mga anghel ay may natatanging tungkulin na magsagawa ng nauukol sa mga tao. Kanila silang binabantayan at pinoprotektahan, at ang dalawang anghel ay sumusulat ng mabuti at masasamang gawa. Sumasaksi sila ng mga panalangin at pati ang isa sa kanila ay responsable sa mga sanggol sa loob ng bahay-bata. Sa ikatlong bahagi, ay mas maraming detalye at ilalarawan namin ang mga ugnayan ng anghel sa tao.


Mga talababa:

[1] Ang salitang siya (panlalaki) ay para sa pagpapagaan ng balarila at hindi sa paraang pagpapahiwatig na ang mga anghel ay mga lalaki.

[2] Saheeh Muslim

[3] Sunan At Tirmidhi. Si Abu Isa ay nagsabi: Iyon ay ghareeb hasan hadeeth. Iyon ay hinatulan nang hasan sa Saheeh al-Jaami’, no. 724.

[4] Saheeh Al-Bukhari

Mahina Pinakamagaling

Mga Anghel (bahagi 3 ng 3): Binabantayan ng mga Anghel

Marka:
Sukat ng Font:
A- A A+

Paglalarawanˇ: Ang kaugnayan sa pagitan ng mga anghel at sangkatauhan.

  • Ni Aisha Stacey (© 2009 IslamReligion.com)
  • Nailathala noong 24 Aug 2020
  • Huling binago noong 25 Apr 2020
  • Nag-print: 4
  • Tumingin: 8,027
  • Marka: Wala pa
  • Nag-marka: 0
  • Nag-email: 0
  • Nag-komento: 0
Mahina Pinakamagaling

Angels_(part_3_of_3)_001.jpgAng mga Muslim ay naniniwala na ang mga anghel ay gumaganap bilang aktibong bahagi sa buhay ng tao. Ito ay nagsisimula agad pagkatapos ng paglilihi at magpapatuloy hanggang sa sandali ng kamatayan. Ang mga anghel at tao ay makikipag-ugnayan pa rin sa kabilang-buhay. Ang mga anghel ang maghahatid sa tao tungo sa Paraiso at nagbabantay sa pintuan ng Impiyerno. Ang paniniwala sa mga anghel ay isa sa mga pangunahing paniniwala ng Islam.

Mula sa mga tradisyon ng Propeta Muhammad, ating nauunawaan na ilang buwan matapos ang paglilihi, ang buhay ay iniihip dito sa pamamagitan ng kapahintulutan ng Diyos. Pagkatapos ay isusulat ng isang anghel ang sagot sa apat na tanong sa Aklat ng mga gawa ng taong ito. Ito ba ay lalaki o babae? Magiging masaya o malungkot ba ang taong ito? Gaano katagal ang kanyang buhay, at ang taong ito ba ay gagawa ng mabuti o masasamang gawa?[1]

May mga anghel na responsable sa pagbabantay sa mga tao sa buong buhay nila.

“Sa bawat (tao), ay mayroong mga anghel na nagsasalit-salitan sa pagmamatyag, mula sa kaniyang harapan at likuran. Siya'y kanilang binabantayan sa pamamagitan ng Pag-aatas ng Diyos.” (Quran 13:11)

Bawat tao ay binigyan ng dalawang nagtatalang mga anghel. Ang mga anghel na ito ay mga mararangal na eskriba at ang kanilang tungkulin ay isulat ang lahat ng mabubuti at masasamang gawa.

“. . . at Siya ay nagpadala ng mga tagapagbantay (mga anghel na nagbabantay at nagsusulat sa lahat nang gawaing mabuti at masama ng isang tao) sa iyo . . .” (Quran 6:61)

“O sila ba ay nag-aakala na hindi Namin naririnig ang kanilang mga lihim at ang kanilang mga sariling usapan? (Tunay na Kami) at nang Aming mga Sugo (mga anghel na naatasan sa sangkatauhan) ay nasa kanila, upang magtala.” (Quran 43:80)

“(Alalahanin!) na ang dalawang tagatanggap (nagtatalang mga anghel) ay tumanggap (sa bawat tao pagkatapos niyang marating ang edad ng pagbibinata/pagdadalaga), ang isa ay nakaupo sa kanan at ang isa ay nakaupo sa kaliwa (upang isulat ang kaniyang mga gawain). Walang namumutawing isa mang salita mula sa kanya, subalit may isang nagmamatyag kasama nito na handang (magtala ng kaniyang mga gawa).” (Quran 50:17-18)

“Subali't katotohanan, itinilaga sa inyo (ang mga naatasang mga anghel na nakatalaga sa sangkatuahan) upang kayo'y bantayan; Kiramaan (mararangal) kaatibeen - isinusulat (ang inyong mga gawain) .” (Quran 82:10-11)

Ang mga anghel ay nagtatala sa isang marangal ngunit sa mahigpit na paraan. Wala kahit isang salita ang hindi naitatala. Gayunman, tulad ng dati, ang habag ng Diyos ay malinaw. Ang Propetang si Muhammad, sumakanya nawa ang habag at mga pagpapala ng Diyos, ay ipinaliwanag na ang Diyos ay naglarawan at nagbigay ng mga detalye tungkol sa pamamaraan ng pagtatala ng mabubuti at masasamang gawa. “Sinuman ang gustong gumawa ng mabuting gawa, ngunit hindi ito ginawa, isinusulat ito para sa kanya bilang isang ganap na mabuting gawa. Kapag kanya talagang ginawa ang mabuting gawa kung gayon ito ay isusulat bilang sampung mabubuting gawa, o hanggang pitong daang beses o higit pa. Kung ang isang tao ay nilayon na gumawa ng masamang gawa, ngunit hindi ito ginawa, ito ay isinusulat bilang isang mabuting gawa, samantalang kapag ito'y sumagi sa kaniyang isipan at ito'y ginawa, ito ay isinusulat bilang isang masamang gawa.”[2]

Ang kilalang pantas ng Islam na si Ibn Kathir ay nagpaliwanag sa Quran 13:10-11 sa pagsasabing, "bawat tao ay may mga anghel na nagsasalitan sa pagbabantay sa kaniya sa gabi at araw, na nangangalaga sa kanya mula sa kasamaan at sa mga aksidente, tulad ng iba pang mga anghel na humahalili sa pagtatala ng kanyang mga gawa, mabuti at masama, sa gabi at sa araw."

“Dalawang anghel, sa kanan at sa kaliwa, ang nagtatala ng kanyang mga gawa. Ang nasa kanan ay itinatala ang mabubuting gawa at ang isa na nasa kaniyang kaliwa ay isinusulat ang masasamang gawa. Dalawa pang anghel ang nagbabantay sa kanya at pinangangalagaan siya, isa mula sa likuran, at isa mula sa harapan. Kaya mayroong apat na anghel sa araw at apat na iba pa sa gabi.”

Bukod sa apat na anghel na palaging kasama ng tao, na nagbabantay, at nagtatala, patuloy namang binibisita ng ibang mga anghel ang mga tao. Sa kanyang mga tradisyon, ipinaalala ng Propeta Muhammad sa kanyang mga kasamahan na lagi silang binibisita ng mga anghel. Kaniyang sinabi, "Dumarating sa inyo ang mga anghel sa paglipas ng gabi at araw at silang lahat ay magkakasama sa oras ng Fajr (madaling-araw) at Asr (hapon) na panalangin. Doon sa mga nadaanan ng gabing iyon (o nanatili sa inyo) ay umaakyat (sa Langit) at ang Diyos ay nagtatanong sa kanila, bagama't batid Niya ang lahat ng tungkol sa iyo, "Saang estado ninyo iniwan ang Aking mga alipin?" Sasagot ang mga anghel: "Nang iwanan namin sila ay nagdarasal at nang makarating kami sa kanila, sila'y nagdarasal.”[3]Sila'y nagtitipon upang saksihan ang panalangin at makinig sa pagbigkas na mga talata ng Quran.

Samakatuwid ay ating mauunawaan na ang mga anghel ay lubhang sangkot sa buhay ng mga tao at ang pakikihalubilo na ito ay hindi magwawakas kapag inalis na ng anghel ng kamatayan ang kaluluwa, ni hindi ito magwawakas matapos tanungin ng mga anghel ang yumaong tao sa kanyang libingan [4]. Ang mga anghel ay ang tagapagbantay ng pintuan ng Paraiso.

“At yaong mga natatakot sa kanilang Panginoon ay dadalhin patungo sa Paraiso nang pangkat-pangkat, hanggang, kapag sila ay makarating dito at ang mga pinto nito ay magbubukas at ang mga tagapagbantay nito ay magsasabi sa kanila: Assalamu alaikum! (Ang kapayapaan ng Diyos ay mapasa inyo!). Kayo ay naging dalisay, kaya magsipasok kayo rito upang kayo ay manatili [rito] nang walang hanggan.” (Quran 39:73)

“At ang mga anghel ay papasok sa kanila mula sa bawat pintuan na nagsasabing, "Assalamu Alaikum (Nawa ang kapayapaan ng Diyos ay sumainyo) sapagka't kayo ay naging matiyaga sa pagtitiis! Sadyang napakaganda ng huling tahanan!” (Quran 13:23-24)

Ang mga anghel ay tagapagbantay rin ng Impiyerno.

“At ano nga ba ang makapagpapaliwanag sa iyo kung ano ang Impiyernong-Apoy na ito? Wala itong kinaliligtaan (na sinumang nagkasala), at walang iniiwan (na anumang bagay na hindi sinusunog)! Sinusunog ang mga balat! Naroroon ang labing siyam (na mga anghel bilang tagapangalaga at tagapagbantay ng Impiyerno). At wala Kaming ginawang tagapagbantay ng Apoy maliban sa mga anghel, at Aming itinakda lamang ang kanilang dami bilang isang pagsubok sa mga di nananampalataya - nang sa gayon ang mga Angkan ng Kasulatan ay mapagtanto nila nang may katiyakan at upang magagdagan ang Paniniwala ng mga mananampalataya.” (Quran74:27-31)

Nilikha ng Diyos ang mga anghel mula sa liwanag. Hindi nila kayang suwayin ang Diyos at sinusunod nila ang Kanyang mga utos nang hindi nagdadalawang isip o nag-aatubili. Sinasamba ng mga anghel ang Diyos. Ito ang kanilang ikinabubuhay. Ang mararangal na nilalang na ito ay may mahalagang papel sa buhay ng mga tao. Sila ay nagbabantay at nagpoprotekta, nagtatala at nag-uulat, at nakikipagtipon sa mga taong umaalala sa Diyos.



Mga talababa:

[1] Saheeh Al-Bukhari

[2] Saheeh Al-Bukhari, Saheeh Muslim

[3] Ibid.

[4] Tingnan ang pangalawang bahagi

Mahina Pinakamagaling

Mga bahagi ng mga artikulo na ito

Magdagdag ng komento

  • (Hindi nakikita sa publiko)

  • Ang iyong komento ay susuriin at dapat malathala sa loob ng 24 oras.

    Ang patlang na may markang asterisk (*) ay kailangan.

Pinakamaraming Tumingin

Araw-araw
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
Kabuuan
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Pinili ng Editor

(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Listahan ng Contento

Simula ng iyong huling pagbisita
Ang listahang ito ay kasalukuyang walang laman.
Lahat sa pamamagitan ng petsa
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Pinaka Sikat

Pinakamataas ang marka
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
Pinakamaraming nag-email
Pinakamaraming nag-print
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
Pinakamaraming nag-komento
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Ang iyong mga paborito

Your favorites list is empty. You may add articles to this list using the article tools.

Ang iyong History

Ang listahan ng iyong mga paborito ay walang laman. Maari kang magdagdag ng mga artikulo sa listahang ito gamit ang article tools.

Minimize chat