Paano Nakaapekto ang Paglaganap ng Islam sa Pag-unlad ng Agham?
Paglalarawanˇ: Sa pakikiisa sa diwa ng Islam tungkol sa paghahanap ng kaalaman, ang mga Muslim at ang Islamikong sibilisasyon ay may mahalagang papel na ginampanan sa pagsulong ng agham at teknolohiya sa mundong alam natin ngayon.
- Ni islam-guide.com
- Nailathala noong 24 Aug 2020
- Huling binago noong 26 Jul 2020
- Nag-print: 2
- Tumingin: 5,311 (araw-araw na pamantayan: 3)
- Nag-marka: 0
- Nag-email: 0
- Nag-komento: 0
Ang Islam ay nagtuturo sa tao na gamitin ang kanyang angking katalinuhan at pagmamasid. Sa loob lamang ng ilang taon ng paglaganap ng Islam, ang mahuhusay na mga sibilisasyon at mga unibersidad ay yumabong. Ang pagsasanib ng mga ideya ng Silangan at Kanluran, at ang pinagsamang makabago at makalumang pag-iisip, ay nagdulot ng mahusay na pagsulong sa medisina, matematika, pisiko, astronomo, heograpiya, arkitektura, sining, panitikan, at kasaysayan. Maraming mga mahahalagang sistema, tulad ng sa algebra, mga numerong Arabe, at ang konsepto ng sero (na mahalaga sa pagsulong ng matematika), ay nakarating sa medieval Europe mula sa mundo ng mga Muslim. Ang mga sopistikadong instrumento na nagbigay daan na maisakatuparan ang mga paglalakbay ng mga taga Europa para sa pagtuklas, tulad ng astrolabe (instrumentong pangsukat), ang kuwadrante, at mahusay na mga mapang pang nabigasyon, ay binuo o ginawa din ng mga Muslim.
Magdagdag ng komento