Ano ang Naguudyok sa mga Tao na Pumasok sa Islam? (bahagi 2 ng 2)
Paglalarawanˇ: Ang hamon ng Quran sa isipan.
- Ni Based on an article at iqrasense.com
- Nailathala noong 24 Aug 2020
- Huling binago noong 13 May 2011
- Nag-print: 3
- Tumingin: 5,401 (araw-araw na pamantayan: 3)
- Nag-marka: 0
- Nag-email: 0
- Nag-komento: 0
Ang Quran ay nagbibigay hamon sa sangkatauhan na mag-isip, magnilay-nilay at magbulay-bulay sa kanilang mga gawain sa maraming okasyon. Ito ang ilan sa sinasabi sa Quran:
·Ganyan Namin ipinaliliwanag nang masusi ang mga palatandaan para sa mga taong nag-iisip. (salin ng kahulugan ng Quran [Propeta Yunus]10:24)
·Hindi ba sila nag-iisip nang malalim hinggil sa kanilang mga sarili? Hindi nilikha ng Allah ang mga kalangitan at kalupaan, at ang anumang nasa mga pagitan nito maliban sa katotohanan at para sa isang takdang panahon. At tunay na karamihan sa sangkatauhan ay hindi naniniwala sa Araw ng Pakikipagharap sa kanilang Panginoon. (salin ng kahulugan ng Quran [Ang mga Romano]30:8)
·Siya ang gumawa para sa inyo ng gabi upang kayo ay magpahinga roon, at ng araw upang kayo ay bigyan ng magandang pananaw [o makakita]. Katotohanan, naririto ang mga ayaat [palatandaan] para sa mga taong nakikinig [o nag-iisip nang malalim]. (salin ng kahulugan ng Quran [Propeta Yunus]10:67).
·Inaakala ba ng tao na siya ay pababayaan na lamang [na walang nakaatang na pananagutan]? (salin ng kahulugan ng Quran [Ang Muling Pagkabuhay]75:36)
·Kaya inakala ba ninyo na kayo ay Aming nilikha nang walang kabuluhan [walang mahalagang layunin], at kayo ay hindi ibabalik muli sa Amin? (salin ng kahulugan ng Quran [Ang mga Naniniwala]23:115)
·O inaakala mo ba na ang karamihan sa kanila ay nakaririnig o nakauunawa? Katotohanang hindi, bagkus sila ay tulad ng mga hayop; sa halip, sila ay higit [pang] nangaligaw ng landas [kaysa sa mga hayop]. (salin ng kahulugan ng Quran [Ang Pamantayan]25:44)
·Sila ba kung gayon ay hindi man lamang nag-iisip? Ang kanilang kasamahan [si Muhammad] ay walang [taglay na] kabaliwan. [Bagkus] siya ay isa lamang malinaw na tagapagbabala. (salin ng kahulugan ng Quran [Ang Bakod sa Pagitan ng Paraiso at Impiyerno]7:184)
·Kung Aming ibinaba itong Quran sa [ibabaw ng] isang bundok, marahil ito ay iyong nakitang nagpakumbaba, [at] nagkasabug-sabog nang dahil sa kanyang takot sa Allah. Ito ay mga paghahalintulad [o mga halimbawa] na Aming inilahad para sa sangkatauhan upang sakali sila ay [matutong] makapag-isip [at magbigay ng pagpapahalaga sa mensahe ng Allah]. (salin ng kahulugan ng Quran [Ang Pagtitipon]59:21)
Kapag pinag-aaralan ang maraming kaso ng mga bagong yakap na Muslim, nakikita natin na ang pagpasok sa kritikal na pag-iisip at intelektuwal na pangangatuwiran ay naghahatid sa mga tao na baguhin ang kanilang mga paniniwalang hindi naayon sa Islam - ang parehong mga pananampalataya na makakapagpagalaw ng mga kabundukan, ngunit natunaw ng boses ng pangangatwiran na madaling naririnig sa mga ugat ng Islam.Ang simpleng proseso ng pag-iisip at pagmuni-muni ay nagdadala ng labis sa liwanag na kung hindi man ay mananatiling natatakpan ng mga nakagagambala at pwersa ng mga kritikong sumasalungat sa Islam.Yaong sila na mga desidido sa pagtingin lamang sa mga negatibo ay nabibigo na makita ang liwanag ng katotohanan. Sa halip, pumapasok sila sa walang katapusang mababaw na pagsusuri upang hindi matagumpay na patunayan ang kanilang naligaw na mga pilosopiya.
Maraming mga istatistika sa medya na nagtatampok ng hindi pangkaraniwang bilang kung saan ang mga tao ay pumasok sa Islam. Bagaman, ang awtentisidad ng lahat ng mga mapagkukunang ito ay hindi beripikado para sa layunin ng artikulong ito, kasama ang ilan sa mga sumusunod:
·Naiulat sa TV: 4,000 mga Alemanya NAGBABALIK-LOOB Sa ISLAM kada taon
·Nasa 25,000 katao ang nagbabalik-loob sa Islam kada taon sa UK palang
·…marami pang mga halimbawa ang umiiral.
Ano ang patungkol sa mga Muslim?
Kung ang mga boses ng pangangatwiran na nakatatag sa mga katuruan ng Islam ay ang nagiging sanhi para magbalik-loob sa Islam ang marami sa mga di-Muslim, bakit maraming mga Muslim na ipinanganak sa relihiyon ang karaniwang nabibigo sa ganap na pagsunod, at sa gayon tamasahin, ang mga katuruan ng relihiyon? Ang katotohanan ay maaaring ang kakulangan sa kritikal na pag-iisip at pagninilay sa parte ng ilang mga Muslimna pumipilit sa mundo ng mga Muslimna magkaroon ng mas mababang uri ng pamumuhay bilang kabuuan. Ang Islam at ang mga katuruan nito ay pinanghahawakan ang pangako ng isang ganap at mapayapang buhay para sa lahat. Gayon pa man, ang mga Muslim ay patuloy sa hindi pagpansin sa mga pangunahing kaalaman at naguguluhan sa mga isyu sa lipunan at moralidad na nagdudulot ng hindi kinakailangang sakit at pagdurusa sa kanilang sarili at kanilang pamilya.Ang katotohanan ay kung mag-iisip lamang sila at magninilay sa mga katuruan ng kanilang sariling relihiyon, makakatakas sila sa maraming mga problema at mga hamon na kinakaharap nila.
Ang Mensahe
Para sa mga hindi Muslim na mababaw pa lamang ang kaalaman sa Islam at naguguluhan sa mga maling nagdadala (mga walang alam sa Islam) sa relihiyon na ito at hindi patas na boses ng medya, ang mensahe ay simple – subukang tingnan ang mga katuruan ng Islam nang may kritikal na lente. Maaaring makakita ka ng mas maraming dahilan kaysa sa una mong naisip na wala roon.Sa mga Muslim, ang mensahe ay kung minsan hindi natin pinapahalagahan ang mga katuruan ng ating sariling relihiyon dahil lamang hindi tayo nag-iisip at nagpaunlad sa ating sarili nang higit sa kaunting mga gawi sa relihiyon na ginagawa natin sa ating pamumuhay. Ang isang nakatuon na pagsisikap upang malaman, mag-isip at mas magnilay pa ay makakatulong sa atin na mapalapit sa mga katuruan ng relihiyon sa mga pamamaraan na maaaring magpabuti sa ating buhay.
Magdagdag ng komento