Si Leopold Weiss, Estadista at Mamamahayag, Austria (bahagi 1 ng 2)
Paglalarawanˇ: Isang Mamamahayag sa Franfurter Zeitung, isa sa mga pinaka-prestihiyosong pahayagan para sa Alemanya at Europa, ay naging isang Muslim at kalaunan isinalin ang mga kahulugan ng Quran sa englis. Bahagi 1.
- Ni Ebrahim A. Bawany
- Nailathala noong 24 Aug 2020
- Huling binago noong 08 May 2006
- Nag-print: 3
- Tumingin: 5,157 (araw-araw na pamantayan: 3)
- Nag-marka: 0
- Nag-email: 0
- Nag-komento: 0
Si Muhammad Asad ay ipinanganak bilang Leopold Weiss noong Hulyo 1900 sa lungsod ng Lvov (Aleman ng Lemberg), ngayon sa Poland, pagkatapos ay bahagi ng Imperyong Austria.Siya ay supling ng isang mahabang linya ng mga rabbi, isang linya na nasira ng kanyang ama, na naging isang abugado.Si Asad ay nakatanggap ng puspusang edukasyon na siya ay naging kuwalipikado upang panatilihing buhay ang tradisyon ng pamilyang rabbi.
Noong 1922, umalis si Weiss ng Europa patungo sa Gitnang Silangan para dapat sa maikling pagdalaw sa isang tiyuhin sa Jerusalem. Sa yugtong ito, si Weiss, tulad ng marami sa kanyang henerasyon, ay ibinilang ang kanyang sarili na isang agnostiko, na nalayo sa kanyang lugar na pagpupugal ng mga Hudyo sa kabila ng kanyang pag-aaral sa relihiyon. Doon, sa Gitnang Silangan ay nakilala at nagustuhan niya ang mga Arabo at namangha kung paano nahaluan ng Islam ang kanilang pang-araw-araw na buhay na may umiiral na kahulugan, espirituwal na lakas at kapayapaan sa loob.
Sa murang edad na 22, si Weiss ay naging isang mamamahayag para sa Franfurter Zeitung, isa sa mga pinaka-prestihiyosong pahayagan para sa Alemanya at Europa. Bilang isang mamamahayag, siya ay naglakbay nang malawakan, nakihalobilo sa mga ordinaryong tao, nakipagtalakayan sa mga intelektwal na Muslim, at nakilala ang mga pinuno ng estado sa Palestine, Egypt, Transjordan, Syria, Iraq, Iran at Afghanistan.
Sa kanyang paglalakbay at sa pamamagitan ng kanyang pagbabasa, nadagdagan ang interes ni Weiss sa Islam habang ang kanyang pag-unawa sa banal na kasulatan, kasaysayan at mga tao nito ay lumalawak. Sa isang bahagi, ang pagkamausisa ang nagtulak.
Si Muhammad Asad, Leopold Weiss, ay ipinanganak sa Livow, Austria (kalaunan ay Poland) noong 1900, at sa edad na 22 ay bumisita sa Gitnang Silangan. Nang maglaon, siya ay naging isang tanyag na dayuhang mamamahayag para sa Franfurtur Zeitung, at pagkatapos ng kanyang pagbabalik sa Islam ay naglakbay at nagtrabaho sa mundo ng mga Muslim, mula sa Hilagang Africa hanggang sa Silangan ng Afghanistan.Matapos ang mga taon ng pagtutuon sa pag-aaral siya ay naging isa sa nangungunang mga iskolar ng Muslim sa ating panahon.Matapos maitatag ang Pakistan, siya ay hinirang na Direktor ng Department of Islamic Reconstruction, West Punjab at kalaunan ay naging kahalinhinang Kinatawan ng Pakistan sa United Nations.Ang dalawang mahahalagang aklat ni Muhammad Asad ay: Islam at the Crossroads at Road to Mecca. Gumawa din siya ng buwanang talaarawan ng Arafat at isang pagsasalin sa Ingles ng Banal na Quran.
Magtungo tayo ngayon sa sariling mga salita ni Asad sa kanyang pagbabalik-loob:
Magdagdag ng komento