Si Wilfried Hofmann, Siyentipikong Panlipunang Aleman at Diplomatiko (bahagi 1 ng 2)
Paglalarawanˇ: Ang kwento kung paano tinanggap ng isang diplomatikong Aleman at embahador sa Algeria ang Islam. Bahagi 1.
- Ni Wilfried Hofmann
- Nailathala noong 24 Aug 2020
- Huling binago noong 21 Dec 2008
- Nag-print: 3
- Tumingin: 5,306 (araw-araw na pamantayan: 3)
- Nag-marka: 0
- Nag-email: 0
- Nag-komento: 0
Ph.D (Law) Harvard. Siyentipikong Panlipunang Aleman at Diplomat. Yumakap sa Islam noong 1980.
Si Dr. Hofmann, na tinanggap ang Islam noong 1980, ay ipinanganak bilang isang Katoliko sa Alemanya noong 1931. Nagtapos siya mula sa Union College sa New York at nakumpleto ang kanyang ligal na pag-aaral sa Munich University kung saan natanggap niya ang isang titulo ng doktor sa jurisprudence noong 1957.
Siya ay naging katulong sa pananaliksik para sa reporma ng pamamaraan ng sibil na pederal, at noong 1960 ay nakatanggap ng isang LL.M. na titulo mula sa Harvard Law School. Direktor siya ng Impormasyon para sa NATO sa Brussels noong 1983 hanggang 1987. Siya ay naitalaga bilang embahador ng Aleman sa Algeria noong 1987 at pagkatapos ay sa Morocco noong 1990 kung saan naglingkod siya sa loob ng apat na taon. Nagsagawa siya ng umrah (mas maliit na Paglalakbay) noong 1982 at Hajj (Pilgrimage) noong 1992.
Maraming mga mahahalagang karanasan ang gumabay kay Dr. Hofmann sa Islam. Ang una sa mga ito ay nagsimula noong 1961 nang siya ay naitalaga sa Algeria bilang Embahador sa Embahada ng Aleman at natagpuan ang kanyang sarili sa gitna ng madugong digmaang gerilya sa pagitan ng tropa ng Pransya at ng Algerian National Front na nakikipaglaban para sa kalayaan ng Algeria sa nakaraang walong taon. Doon niya nasaksihan ang kalupitan at masaker na tiniis ng populasyon ng Algeria. Araw-araw, halos isang dosenang mga tao ang pinapatay - "malapitan, ang istilo ng pagpatay" - dahil lamang sa pagiging isang Arabo o para sa pagsasalita para sa kalayaan. "Nasaksihan ko ang pagtitiyaga at tibay ng mga Taga-Algeria sa harap ng matinding pagdurusa, ang labis na disiplina sa panahon ng Ramadan, kanilang tiwala sa tagumpay, pati na rin ang kanilang pagiging makatao sa gitna ng pagdurusa". Nadama niya na ang kanilang relihiyon ang gumawa sa kanila nito, at samakatuwid, sinimulan niyang pag-aralan ang kanilang relihiyosong aklat - ang Quran. "Hindi ako tumigil sa pagbabasa nito, hanggang sa araw na ito."
Ang sining ng Islam ay ang pangalawang karanasan para kay Dr. Hofmann sa kanyang paglalakbay sa Islam. Mula sa kanyang kabataan siya ay mahilig sa sining at kagandahan at pagsasayaw ng ballet. Ang lahat ng ito ay nasasaklaw nang makilala niya ang sining ng Islam, na nagbigay ng isang matalik na pag-apila sa kanya. Sa pagtukoy sa sining ng Islam, sinabi niya: "Ang lihim nito ay tila namamalagi sa kilalang-kilala at unibersal na pagkakaroon ng Islam bilang isang relihiyon sa lahat ng mga artistikong pagpapakita nito, kaligrapya, espasyo na puno ng mga burloloy ng arabesque, pattern ng karpet, arkitektura ng moske at bahay, pati na rin ang pagpaplano sa lunsod. Iniisip ko ang liwanag ng mga moske na nagbubura ng anumang mistisismo, ng demokratikong diwa ng kanilang kaayusan ng arkitektura."
"Iniisip ko rin ang mapanuring kalidad ng mga palasyo ng Muslim, ang kanilang pag-asang Paraiso sa mga hardin na puno ng lilim, mga bukal, at batis; ang masalimuot na istrukturang panlipunan ng mga dating sentro ng lungsod o bayan (madinahs), na nagtataguyod ng mga pagsasamahan ng pamayanan at katapatan ng merkado, pagtitimpi sa init at hangin, at tinitiyak ang pagsasama ng moske at katabing sentro ng kapakanan ng mga mahihirap, paaralan at mga bahay-tuluyan sa merkado at tirahan. Ang naranasan ko ay napakaligayang Islam sa napakaraming lugar … ay ang nasasalat na epekto kung saan ang pagkakasundo ng Islam, ang paraan ng pamumuhay ng Islam, at ang pagtrato nag-iwan ng puwang sa parehong puso at isipan."
Marahil higit sa lahat ng ito, ang nakagawa ng isang makabuluhang epekto sa kanyang paghahanap para sa katotohanan, ay ang kanyang masusing kaalaman sa kasaysayan ng Kristiyanismo at mga doktrina. Napagtanto niya na mayroong isang makabuluhang pagkakaiba sa pagitan ng pinaniniwalaan ng tapat na Kristiyano at kung ano ang itinuturo ng isang propesor ng kasaysayan sa unibersidad. Lalo siyang nabagabag sa pag-kupkop ng Simbahan sa mga doktrina na itinatag ni St. Paul sa halip ng sa makasaysayang Hesus."Siya, na hindi kailanman nakilala si Hesus, sa kanyang labis na kristolohiya ay pinalitan ang orihinal at tamang Hudeo-Kristyano pananaw tungkol kay Hesus!"
Nahirapan siyang tanggapin na ang sangkatauhan ay may pasaning "orihinal na kasalanan" at kailangang pahirapan at patayin ng Diyos ang Kanyang sariling anak upang mailigtas ang Kanyang mga nilikha. "Napagtanto ko kung gaano ito kakila-kilabot, at kalapastanganan na isipin na ang Diyos ay maaaring nabigo sa Kanyang paglikha; na maaring wala Siyang magawa tungkol sa sakuna na sinasabing sanhi nina Adan at Eba nang hindi nanganak ng isang anak na lalaki, upang isakripisyo lamang sa isang madugong pamamaraan; na ang Diyos ay magdudusa para sa sangkatauhan, ang Kanyang nilikha.”
Bumalik siya sa pinakapangunahing tanong ng pagkakaroon ng Diyos. Matapos suriin ang mga gawa ng mga pilosopo, tulad ng Wittgenstein, Pascal, Swinburn, at Kant, nakarating siya sa isang matalinong paniniwala sa pagkakaroon ng Diyos. Ang susunod na lohikal na tanong na kinakaharap niya ay kung paano nakikipag-usap ang Diyos sa mga tao upang sila ay magabayan. Dahil dito kinilala niya ang pangangailangan ng mga paghahayag. Ngunit ano ang naglalaman ng katotohanan - Hudeo-Kristiyano na mga banal na kasulatan o Islam?
Natagpuan niya ang sagot sa tanong na ito sa kanyang pangatlong mahalagang karanasan nang makita niya ang sumusunod na talata ng Quran. Binuksan ng talatang ito ang kanyang mga mata at nagbigay ng sagot sa kanyang dilema. Malinaw at walang kamali-mali para sa kanya, tinanggihan nito ang mga ideya ng pasanin ng "orihinal na kasalanan" at ang pag-asang "pamamagitan" ng mga banal. "Ang isang Muslim ay nabubuhay sa isang mundo na walang klero (gaya ng pari) at walang herarkiya ng relihiyon; kapag nagdarasal siya ay hindi siya nagdarasal sa pamamagitan ni Hesus, Maria, o iba pang namamagitan na mga banal, ngunit direkta sa Diyos - bilang isang ganap na mananampalataya - at ito ay isang relihiyon na walang hiwaga." Ayon kay Hofmann, "Ang isang Muslim ay ang napalaya na mananampalataya na walang kapares."
Magdagdag ng komento