Ang Sapot ng Gagamba Ayon sa Quran (bahagi 1 of 2)
Paglalarawanˇ: Ang talata sa Quran ay makatuwirang binabanggit ang pagiging mahinang klase ng bahay ng mga gagamba na nagsisimula pa lamang nating matuklasan kamakailan lamang.
- Ni IslamReligion.com
- Nailathala noong 24 Aug 2020
- Huling binago noong 28 May 2018
- Nag-print: 3
- Tumingin: 8,313 (araw-araw na pamantayan: 5)
- Nag-marka: 0
- Nag-email: 0
- Nag-komento: 0
"Ang kahalintulad niyaong mga nagtuturing ng ibang awliyah [tagapangalaga] bukod sa Allah ay katulad ng isang gagamba na gumawa ng isang [guwang] bahay; nguni’t katotohanan, ang pinakamarupok [mabuway] sa lahat ng bahay ay ang bahay ng isang gagamba - kung ito ay kanilang nababatid lamang." (Quran 29:41)
Ang talatang ito ng Quran ay nagmula sa kabanata 29, ang Gagamba. Ang bahaging nakakapukaw ng interes dito ay binabanggit ng Diyos na ang pinakamahina sa lahat ng mga tahanan ay ang tahanan ng isang gagamba. Sa malawak na kahulugan ng wikang Arabe, ang salitang "Awhan" ay isinalin sa (pinakamahina); at sa isang mas malalim na pagsuri sa kahulugan nito ay nagmumungkahi na nangangahulugan ito ng sobrang kahinaan at walang magawa sa pisikal at mental.
Sa pamamagitan ng pagpapalawak ng pag-aaral ng kalikasan at wildlife sa ika-20 at ika-21 siglo ang mga naturalista at siyentista ay nakatuklas, nagdokumento at nag video sa tunay na kakaibang obserbasyon sa buhay ng mga gagamba.
Sekswal na Kanibalismo
Sa higit sa 45,000 kilalang mga uri ng gagamba, pangkaraniwan na sa mga lalaki na gagamba ang pinatay at kinakain ng kanilang mga babaeng kapares[1]; isang terminolohiya na kilala bilang sekswal na kanibalismo. Hindi alam kung bakit nangyayari ito, gayunpaman, ang isang teorya na iminungkahi ng mga siyentipiko ay ang katawan ng lalaki ay nagbibigay sa babae ng mga kinakailangang nutrisyon na nagbibigay-daan sa kanya upang magluwal ng malulusog na mga itlog. Ang isang pag-aaral ng Experimental Station ng Arid Zone ng Spain ay nagsiwalat na karamihan sa mga uri ng gagamba, ay pinapatay ng mga agresibong babae ang kanilang mga kapares nang walang pasubali kahit na ang lalaki ay itinuturing na mas mababa o hindi.[2]Sa maraming mga uri, ang mga babaeng gagamba ay pumapatay ng mga potensyal na kapareha na hindi sila interesado na makasama.[3]
Sa ilang mga uri ng mga gagamba, tulad ng dark fishing spider, ang lalaki na gagamba ay awtomatikong namamatay pagkatapos ng pagpapares dahil sa mga panloob na kadahilanan; at pagkatapos ay malupit siyang kinakain ng kanyang kapares.[4]Ang iba pang mga uri ng lalaking gagamba ay awtomatikong namamatay pagkatapos ng pagpapares ng ilang besesat karamihan ng mga uri ng mga babaeng gagamba ay nabubuhay ng mas matagal kaysa sa lalaki; na ang mga kalalakihan ay nabubuhay sa loob lamang ng ilang buwan at ang mga kababaihan ng ilang taon.
Kapag naging maswerte sa pagpapares at makaligtas sa paghihirap, ang maliit na lalaking gagamba, na alam ang kanibalismong kalikasan ng kanilang asawa, ay agad-agad na tatakbo para sa kanilang buhay.[5]Iniiwan ang babae upang alagaan kahit saan ang mula sa ilang dosena hanggang sa libu-libong mga itlog ng nag-iisa. Ganito ang kaso sa Brazilian Wandering Spider.
Sa isang karagdagang pag-aaral sa nakamamatay na kaugalian sa pagpapares ng mga gagamba; isang pag-aaral na inilabas ng mga mananaliksik na sina Lenka Sentenska at Stano Pekar, mula sa Masaryk University ng Czech Republic taong 2013, napag alaman na sa Micaria Sociabilis species ng "black widow spiders" ang parehong babae at lalaki na gagamba ay karaniwang nagpapatayan at kinakain ang bawat isa pagkatapos ng pag-papares; at sa tinukoy na uring ito, salungat sa pinaniniwalaan, ang mga lalaki na gagamba ay karaniwang pinapatay at kinakain ang kanilang babaeng kapares kaysa sa ang mga babaeng pumatay ng mga lalaki.[6]
Buhay ng Supling na Gagamba
Sa karamihan ng mga uri, ang mga bagong ipinanganak na gagamba ay mayroon lamang kanilang ina upang pakainin at protektahan sila. Kapag naging mahirap sa ina ang paghahanap nang pagkain, ang ina ay napipilitang pakainin ang kanyang mga supling ng mga itlog na hindi pa na pipisa; samakatuwid ang isang batang gagamba ay dapat dumaan sa trauma ng pagkain ng kanilang sariling mga kapatid na hindi pa isinisilang upang mapanatili ang kanilang buhay.[7]
At kapag wala nang itlog na hindi pa napipisa at walang sapat na insekto na nahuhulog sa sapot o huli ng nanay, ang isa pang karaniwang naobserbahan ay ang mga batang gagamba, sa kawalan ng pag-asa, ay kakainin nila ang bawat isa at ang maliit at masikip na sapot na iyon ay nagiging isang kulungan ng pang mamasaker. Dahil sa walang maitutulong, ang nanay na gagamba ay karaniwang nakikibahagi sa pagpatay at pagkain ng kanyang sariling supling para lamang mabuhay sa mga susunod na araw.
Mga talababa:
[1]Pappas, Stephanie. June 2016. Ang lakaking Orb-Web Spiders Ay Mapili Tungkol sa Kanilang Kanibal na pares. Live Science. Retrieved from http://www.livescience.com/54944-male-orb-web-spiders-choosy-about-cannibal-mate.html
[2]Gannon, Megan. April 2014. Pagkain o Pakikipagtalik: Bakit ang Ibang Babaeng Gagamba Ay Kumakain Muna ng Lalaki Bago Makipagpares. Live Science. Nakuha mula sa http://www.livescience.com/45066-virgin-female-spiders-eat-males.html
[3]Gannon, Megan. April 2014. Pagkain o Pakikipagtalik: Bakit ang Ibang Babaeng Gagamba Ay Kumakain Muna ng Lalaki Bago Makipagpares. Live Science. Nakuha Mula sa http://www.livescience.com/45066-virgin-female-spiders-eat-males.html
[4]Lewis, Tanya. June 2013. Tough Love: Ang Mga Lalaking Gagamba ay Namamatay Dahil sa Pakikipagtalik. Live Science. Nakuha mula sa http://www.livescience.com/37536-spiders-die-for-sex.html
[5]Szalay, Jessie. December 2014. Ang katotohanan sa mga Tarantula. Live Science. Nakuha Mula sa http://www.livescience.com/39963-tarantula.html
[6]Cadieux-Shaw, Lillianne. May 2013. Study: Ang Lalaking Black Widow Spiders ay Kumakain Din ng Kanilang Kapares. Canadian Geographic. Nakuha Mula sa http://www.canadiangeographic.ca/article/study-male-black-widow-spiders-eat-their-mates-too
[7]Englehaupt, Erika. February 2014. Ilang Mga Hayop …katotohanan. Science News. Nakuha Mula sa https://www.sciencenews.org/blog/gory-details/some-animals-eat-their-moms-and-other-cannibalism-facts
Magdagdag ng komento