Kuwento ng Paglikha (bahagi 2 ng 2)
Paglalarawanˇ: Ang artikulo ay tumatalakay tungkol sa Tablet, paglikha ng langit, lupa, dagat, ilog, ulan, araw, buwan, anghel, jinn, at tao.
- Ni Imam Mufti (© 2016 IslamReligion.com)
- Nailathala noong 24 Aug 2020
- Huling binago noong 25 Jun 2019
- Nag-print: 8
- Tumingin: 7,083 (araw-araw na pamantayan: 5)
- Nag-marka: 0
- Nag-email: 0
- Nag-komento: 0
Ang Napreserbang Tablet (Al-Lawh Al-Mahfuz)
Ang Panulat, na nilikha 50,000 taon bago ang kalangitan at kalupaan, naisulat sa kilalang al-Lawh al-Mahfuz, ang Nakapreserbang Tablet. Tinawag ito ng Diyos al-Lawh Al-Mahfuz dahil protektado ito mula sa anumang mga pagbabago at protektado din mula sa paggamit nito. Ang lahat ay nasa loob ng Aklat na iyon, kahit na, ayon sa sinabi sa atin ng Diyos, isang dahon na nahuhulog mula sa puno. Lahat ng mga maaaring mangyari, nangyari, at mangyayari ay nakasulat dito.
Ang ginawa nito ay nagtatatag ng tiwala ng isang mananampalataya sa Diyos na ang isinulat Niya ay para sa ating kabutihan, at ang lahat ay nangyayari para sa isang karunungan. Minsan atin itong malalaman, ngunit sa ibang pagakakataon tayo may kaginhawan at kapanatagan dahil alam natin na alam ng Diyos ang kanyang ginagawa.
Kalangitan at Kalupaan
Tumutukoy sa tinatawag ng mga siyentipiko na Big Bang ngayon, sabi ng Quran, "Hindi ba nakikita niyaong mga di-naniniwala na ang mga kalangitan at kalupaan ay dating magkadikit, pagkaraan ito ay Aming pinaghiwalay (pinagbukod)? At Aming ginawa mula sa tubig ang bawat nabubuhay na bagay. Sila ba, sa kabila nito, ay hindi pa rin maniniwala?" (Quran 21:30)
Base sa mga sumusunod na taludtud, ang ibang mga iskolar ay nagsabi na nilikha ng Diyos ang kalangitan bago ang kalupaan, " Kayo ba (tao) ay higit na mahirap likhain o ang kalangitan na Kanyang itinayo? Kanyang itinayo ang itaas (na bahagi ng langit) nito at Kanyang binigyan ng tamang kaayusan ito. At Kanyang pinadilim ang gabi nito at inilabas ang liwanag nito. At pagkatapos ay Kanyang inilatag ang kalupaan. At pinasibol mula dito ang tubig at mga pastulan. At ang mga kabundukan ay Kanyang itinirik ng matatag, bilang biyayang maging kapakinabangan niyo at nang inyong mga alagang hayop." (Quran 79:27-30)
Sinabi ng Diyos sa Quran,
"Katiyakan, ang iyong Panginoon ay si Allah, na Siyang lumikha ng kalangitan at kalupaan sa loob ng anim na araw." (Quran 7:54)
Hindi talaga kailangan ng Diyos ng anim na araw, Maaaring sabihin lamang nga Diyos na ,"Maging", at ito ay mapaparito o mangyayari. Bakit lilikha ng Diyos sa anim na araw kumpara sa isang segundo o mas kaunti? Marahil, nais ng Diyos na turuan tayo ng isa sa mga minamahal na katangian para sa Kanya, na gawin itong marahan at pinaplano nang mabuti.
Dagat, Ilog at Ulan
Sinasabi sa atin ng Diyos na Siya ang lumikha sa langit at ng mundo,nagpadala ng ulan mula sa kalangitan, na gumagawa ng mga prutas at kabuhayan para mabuhay tayo. Ang Diyos ay naglaan para sa atin ng dagat at barko upang makapaglayag. Inilagay ng Diyos ang mga ilog sa ating kapakinabangan at inilagay ang araw at buwan sa paligid nito. At itinalaga ng Diyos ang araw at ang buwan para sa ating kapakinabangan. At sinabi Niyang ipagkakaloob Niya sa atin ang lahat ng ating mga pangangailangan upang mabuhay. At kung ating bibilangin ang mga biyaya sa atin nga Dioys, hindi natin ito magagawa. (Quran 14:32-34).
"At Siya ang nagtalaga sa dagat upang kayo ay makakain mula roon ng malalambot na laman at upang kayo ay makahango mula roon ng mga palamuti na inyong maisusuot. At inyong nakikita ang sasakyang-pandagat na naglalayag sa pamamagitan nito, at (ito ay Kanyang itinalaga) upang inyong hanapin ang Kanyang biyaya at upang sakali kayo ay (matutong) magpasalamat. At Kanyang itinirik sa lupa ang mga matatag na bundok upang di-gumalaw na kasama ninyo; at (Kanyang ginawa) ang mga ilog at mga daraanan upang sakali kayo ay mapatnubayan (sa inyong pook na nais patunguhan). Lumikha din Siya rito sa kalupaan ng mga tanda upang gabay ninyo sa inyong paglalakbay sa araw, na katulad ng paglikha Niya sa mga bituin bilang gabay ninyo sa paglalakbay sa gabi. Kaya, Siya ba na lumilikha ay katulad ng isang hindi lumilikha? Hindi ba kayo kung gayon mapapaalalahanan? At kung inyong bibilangin ang mga pagpapaalala ng Allah, hindi ninyo magagawang isa-isahin ang mga ito. Katotohanan, ang Allah ay Mapagpatawad, Maawain." (Quran 16:14-18)
Tayo ay nakikinabang sa mundong ito sa hindi mabilang na kaparaanan. Kung iyong titingnan ang ibabaw ng mundo, sinabi ng Diyos na ginawa Niya itong espesyal para sa atin, nangangahulugan na madali ang pamamalakad nito. Isipin ngayon kung ang ibabaw ng lupa ay tulad ng mga bundok at lahat tayo ay nanirahan sa mga rehiyon na magaspang at mahirap lakaran. Ginawa Niya ang ibabaw na malambot upang maaari tayong maghukay dito at magtanim. Ngunit sa parehong pagkakataon, ginawa Niyang matibay at matatag ang lupa upang payagan ang pagtatayo ng gusali mula sa mga materyales nito. Lumikha din Siya ng bigat sa mga bagay (gravity) upang hindi tayo nagpapalutang-lutang sa kapaligiran.
Araw at Buwan
Ang araw ay isang kamangha-manghang nilikha ng Diyos at makikita mo na ang Diyos ay sumumpa sa araw sa Kabanata Ash-Shams upang mabigyan ng higit na pagpapahalaga sa regalong ibinigay Niya sa atin. Maraming mga relihiyon sa nakaraan ang nagtalaga ng mga espesyal na katangian sa araw; maraming tao ang sumamba sa araw. Sabi ng Diyos,
"At kabilang sa Kanyang katibayan ay ang gabi at araw at ang araw at ang buwan. Huwang kayong magpataripa sa araw at sa buwan, ngunit magpataripa sa Diyos, na Siyang lumikha sa mga ito, kung inyo (talaga) Siyang sinasamba." (Quran 41:37)
Sa araw, buwan, at mga bituin ay nagkakaroon ng mga pamahiin at maging ang makatuwiran na mga tao ay mayroong mga kakaibang mga pamahiin sa mga ito. Sinasawalang bahala ng mga tao ang lohika pagdating sa mga pamahiing ito. Mayroong astrolohiya, horoscope at ibang bagay na parehas nito na siguradong mga walang saysay, ngunit nagbibigay sila sa mga tao ng pag-asa na wala naman talaga o nagbibigay sila ng dahilan sa mga tao na mahibang. Lubos na ipinagbabawal ng Islam ang pagpunta sa mga manghuhula o paniniwala sa mga ito.
Paglikha ng mga Anghel
Pagkatapos, nilikha ng Diyos ang mga anghel mula sa liwanag. Hindi nila kayang sumuway sa Kanya at gawin nila ng ganap ang iniutos sa kanila . Sila ay responsable na isinasagawa ang maraming magkakaibang tungkulin. Halimbawa, Si Gabriel ay responsable na ihatid ang paghahayag mula sa Diyos sa mga sugo. Ang Diyos sa pamamagitan ng pagtuturo sa atin tungkol sa mga anghel, ay nilinaw sa atin ang integridad ng mensahe habang ito ay pinapadala sa mga sugo, bukod sa maraming iba pang mga bagay.
Isang bagay na natatangi tungkol sa paniniwala ng Islam sa mga anghel ay ang hindi paniniwala sa mga nahulog na anghel at ang diyablo na isang anghel.
Bukod dito, ang mga anghel ay hindi mga robot. May mga iba't iba din silang katangian; nagmamahal at namumuhi sila, nananalangin, at nakikipag-ugnayan sila sa ilang mga bagay, ngunit ang lahat ng ito ay nasa loob ng saklaw ng pagsunod sa Diyos.
Paglikha sa mga Jinn
Sila ay nilikha mula sa apoy, ngunit hindi lamang sila nilikha mula sa anumang anyo ng apoy, ngunit mula sa isang walang usok na apoy.[1] Sila ay nilikha ng Diyos na katulad natin. Ang kanilang hangarin ay pareho sa pangunahing layunin ng mga tao: ang sambahin at paglingkuran ang Diyos lamang.
Paglikha ng Sangkatauhan
Ang unang taong nilikha ay si Adan. Ang kwento ng paglikha at mga sumunod na pangyayari ay detalyadong sakop sa isa pang serye ng artikulo sa aming site.[2]
Mga talababa:
[1] Upang malaman ang higit pa tungkol sa mga ito, mangyaring tingnan ang: https://www.islamreligion.com/articles/669/viewall/world-of-jinn/
[2] Upang makita ang serye ng artikulong ito, mangyaring mag-click dito: https://www.islamreligion.com/tl/articles/1190/viewall/ang-kuwento-ni-adan-bahagi-1-ng-5/
Magdagdag ng komento