Si Koronel Donald S. Rockwell, Makata at Kritiko, USA
Paglalarawanˇ: Makata, kritiko ng panitikan, may-akda, punong patnugot ng Radio Personalities, at may-akda ng mga libro na “Beyond the Brim” at “Bazar of Dreams” na nagsasabi ng mga kadahilanan na niyakap niya ang Islam.
- Ni Colonel Donald S. Rockwell
- Nailathala noong 24 Aug 2020
- Huling binago noong 17 Feb 2015
- Nag-print: 1
- Tumingin: 2,225 (araw-araw na pamantayan: 1)
- Nag-marka: 0
- Nag-email: 0
- Nag-komento: 0
Ang pagiging simple ng Islam, ang malakas na apila at ang nakakaakit na kapaligiran ng mga moske nito, ang sigasig ng mga tapat na tagasunod nito, ang kumpiyansa na nagbibigay inspirasyon sa pagkilala ng milyun-milyon sa buong mundo na sumasagot sa limang pang-araw-araw na tawag sa pagdarasal - ang mga salik na ito ang umakit sa akin mula sa una. Ngunit matapos kong mapagpasyahan na maging isang tagasunod ng Islam, Natagpuan ko ang maraming mga mas malalalim na dahilan para kumpirmahin ang aking desisyon. Ang mahinahon na konsepto ng buhay - ang bunga ng pinagsamang landas ng pagkilos at pagninilay ng Propeta - ang may karungang payo, ang mga paalala sa kawanggawa at awa, ang malawak na pagiging makatao, ang pangunahing pagdeklara ng mga karapatan sa pag-aari ng babae - ito at iba pang mga kadahilanan ng mga turo ng tao ng Mecca ay sa akin sa gitna ng mga pinaka-halatang katibayan ng isang praktikal na relihiyon na makahulugan at napakahusay na ehemplo sa mga misteryosong salita ni Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) "Magtiwala sa Diyos at itali ang iyong kamelyo." Binigyan Niya tayo ng isang relihiyosong sistema ng karaniwang pagkilos,hindi bulag na pananalig sa pangangalaga ng isang hindi nakikitang puwersa sa kabila ng ating sariling pagpapabaya,ngunit ang pagtitiwala na kung gagawin natin nang tama ang lahat ng mga bagay sa abot ng ating makakaya, maaari tayong magtiwala sa kung ano ang darating bilang kalooban ng Diyos.
Ang malawak na pagpaparaya ng Islam para sa ibang mga relihiyon ay inirerekomenda ito sa lahat ng mga mahilig sa kalayaan. Pinayuhan ni Muhammad ang kanyang mga tagasunod na tratuhin nang mabuti ang mga naniniwala sa Luma at Bagong Tipan; Sina Abraham, Moises at Jesus ay kinikilala bilang mga propeta ng iisang Diyos. Tiyak na ito ay mapagbigay at mas makabago sa saloobin ng ibang mga relihiyon.
Ang kabuuang kalayaan mula sa idolatriya... ay isang tanda ng nakagagaling na lakas at kadalisayan ng paniniwala ng Muslim.
Ang mga orihinal na turo ng Propeta ng Diyos ay hindi nababalot sa kalituhan ng mga pagbabago at pagdaragdag ng mga doktrina. Ang Quran ay nananatili hanggang makarating sa mga tiwaling pagano na mga tao sa panahon ni Muhammad, walang pagbabago bilang banal na puso ng Islam.
Ang katamtaman at pagtitimpi sa lahat ng mga bagay, ang mga batayan ng Islam, ay nanaig sa aking hindi kwalipikadong pagpayag. Ang kalusugan ng kanyang mga tao ay minamahal ng Propeta, na nag-utos sa kanila na obserbahan ang mahigpit na kalinisan at tinukoy na mga pag-aayuno at upang talunin ang mga pangkatawang kaganahan... nang tumayo ako sa nakasisiglang mga moske ng Istanbul, Damasco, Jerusalem, Cairo, Algiers, Tangier, Fez at iba pang mga lungsod, may kamalayan ako sa isang malakas na reaksyon [sa] makapangyarihang pagtaas ng simpleng pag-apela ng Islam sa kahulugan ng mas mataas na mga bagay, hindi natutulungan sa pamamagitan ng detalyadong gayak, palamuti, pigura, larawan, musika at seremonyal na ritwal.Ang moske ay isang lugar ng tahimik na pagninilay-nilay at pagpapabuti sa sarili sa higit na katotohanan ng Isang Diyos.
Ang demokrasya ng Islam ay palaging umaapela sa akin. Ang may kakayahan at pulubi ay may parehong mga karapatan sa sahig ng moske, sa kanilang [mga noo] sa mapagpakumbabang pagsamba. Walang mga inuupahan na mga bangko o mga espesyal na nakareserbang upuan.
Ang Muslim ay hindi tumatanggap ng sinumang tao bilang tagapamagitan sa pagitan niya at ng kanyang Diyos. Dumidirekta siya sa hindi nakikitang mapagkukunan ng pagkalikha at buhay, ang Diyos, nang hindi umaasa sa pormula ng pagsisisi ng mga kasalanan at paniniwala sa kapangyarihan ng isang guro upang mabigyan siya ng kaligtasan.
Ang unibersal na kapatiran ng Islam, anuman ang lahi, politika, kulay o bansa, ay pumasok sa akin nang masigasig nang maraming beses sa aking buhay at ito ay isa pang tampok na naghila sa akin patungo sa Pananampalataya.
Magdagdag ng komento