Bakit Nilikha ng Diyos ang Sangkatauhan? (bahagi 3 ng 4): Buhay bilang Pagsamba
Paglalarawanˇ: Ang layunin para sa paglikha ng sangkatauhan ay pagsamba. Bahagi 3: Sa sistemang Islam, ang bawat pagkilos ng tao ay maaaring maging isang gawa ng pagsamba.
- Ni Dr. Bilal Philips
- Nailathala noong 24 Aug 2020
- Huling binago noong 04 Oct 2009
- Nag-print: 5
- Tumingin: 7,390 (araw-araw na pamantayan: 5)
- Nag-marka: 0
- Nag-email: 0
- Nag-komento: 0
Ang Bawat Gawa ay Pagsamba
Sa sistemang Islam, ang bawat kilos ng tao ay maaaring mabago sa isang gawaing pagsamba. Sa katunayan, iniutos ng Diyos sa mga naniniwala na italaga ang kanilang buong buhay sa Kanya. Sa Quran, sinabi ng Diyos:
“Sabihin, "Katotohanann, ang aking pagdarasal, ang aking ritwal (ng pag-aalay), ang aking buhay at ang aking kamatayan ay para sa Allah, ang Panginoon ng lahat ng nilikha.’” (Quran 6:162)
Gayunpaman, para maging katanggap-tanggap sa Diyos ang pagtatalagang iyong, sa bawat pagkilos ay dapat matupad ang dalawang pangunahing mga kondisyon:
1. Una, ang kilos ay dapat gawin nang taos-puso para sa kasiyahan ng Diyos at hindi para sa pagkilala at papuri ng mga tao. Ang mananampalataya ay dapat ding magkaroon ng kamalayan sa Diyos habang ginagawa ang gawain upang matiyak na hindi ito isang bagay na ipinagbabawal ng Diyos o ng huling Sugo, nawa ang awa at mga pagpapala ng Diyos ay sumakanya.
Upang mapadali ang pagbabagong ito ng mga likas na gawain sa pagsamba, inutusan ng Diyos ang huling Propeta, na mag-takda ng mga maiikling panalangin na sasabihin bago ang pinakasimpleng mga gawain. Ang pinakamaikling panalangin na maaaring magamit para sa anumang kalagayan ay: Bismillaah (Sa pangalan ng Diyos). Mayroong, gayunpaman, maraming iba pang mga panalangin na iniutos para sa mga tiyak na okasyon. Halimbawa, kapag ang isang bagong damit ay isinusuot, ang Propeta, ay nagturo sa kanyang mga tagasunod na sabihin:
“O Diyos, ang pasasalamat ay dahil sayo, sapagkat ikaw ang nagbihis sa akin. Hinihiling ko sa Iyo ang kapakinabangan nito at pakinabang na kung saan ito ginawa, at nagpapakupkop sa iyong mula sa kasamaan nito kung saan ito ay ginawa." (An-Nasa’i)
2. Ang pangalawang kondisyon ay ang gawa ay dapat gawin alinsunod sa mga paraan ng propeta, na tinawag sa Arabe na Sunnah. Inutusan ng lahat ng mga propeta ang kanilang mga tagasunod na sundin ang kanilang pamamaraan sapagkat sila ay ginagabayan ng Diyos.Ang itinuro nila ay inihayag ng banal na katotohanan, at ang mga sumusunod lamang sa kanilang daan at tinanggap ang mga katotohanan ay magmamana ng buhay na walang hanggan sa paraiso.Sa kontekstong ito ni Propeta Hesus, nawa ang kapayapaan at mga pagpapala ng Diyos ay sumakanya, iniulat sa Ebanghelyo ayon sa Juan 14: 6, na sinasabi:
“Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay: walang taong makakalapit sa Ama, maliban sa pamamagitan ko.”
Katulad nito, kaugnay kay Abdullaah ibn Mas ...
“Isang araw, Si Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala), ay gumuhit ng isang linya sa buhangin at sinabing, “Ito ang daan ng Diyos.” Muli siyang gumuhit ng ilang linya [na may mga sanga] sa kanan at sa kaliwa at sinabing, “Ito ang mga daan [ng pagliligaw] na sa bawat isa ay may diyablo na nag aanyaya na sumunod dito.” Pagkatapos ay kanyang binigkas ang taludtud: ‘Katotohanan, ito ang aking daan, nangunguna ng diretso, kaya sundan ito. At huwag susundan ang [ibang] daan sapagkat ililigaw ka mula sa landas ng Diyos. Iyan ang kanyang kautusan sa iyo nang sa gayon ay magkaroon ng kamalayan sa Diyos.’” (Ahmed)
Kaya, ang tanging katanggap-tanggap na paraan upang sumamba sa Diyos ay ayon sa paraan ng mga propeta. Dahil dito, ang pagbabago sa mga relihiyosong gawain ay ibibilang ng Diyos na pinakamasama sa lahat ng kasamaan. Si Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala), ay iniulat na nagsabi,
“Ang pinakamasama sa lahat ng mga gawain ay ang paggawa ng bago sa relihiyon, dahil ang bawat bagong gawain sa relihiyon ay isang sumpa, ang mula sa maling makabagong gawain sa relihiyon ay humahantong sa Impiyerno.” (An-Nasa’i)
Ang pagbabago sa relihiyon ay ipinagbabawal at hindi katanggap-tanggap sa Diyos. Ang Propeta ay iniulat din ng kanyang asawa, si Aa’ishah, na sinabi:
“Siya na gumawa ng isang bagay na bago sa aming relihiyon, na hindi mula rito, ay itatakwil ito.” (Saheeh Al-Bukhari)
Dahil sa mga pagbabagong ito ang mga mensahe ng naunang mga propeta ay nagulo (nadagdagan, nabawasan, napalitan) kaya naman maraming mga huwad na relihiyon ang umiiral ngayon. Ang pangkalahatang tuntunin na dapat sundin upang maiwasan ang pagbabago sa relihiyon ay ang lahat ng mga anyo ng pagsamba ay ipinagbabawal, maliban sa mga partikular na iniutos ng Diyos at ipinarating sa mga tao ng tunay na mga sugo ng Diyos.
Ang Pinakamagandang Paglikha
Ang mga naniniwala sa Isang Natatanging Diyos, nang walang pagtatambal, at gumagawa ng matuwid na gawa [ayon sa nabanggit na mga alituntunin] ay naging korona ng paglikha. Iyon ay, bagaman ang sangkatauhan ay hindi ang pinakadakilang nilikha ng Diyos, may potensyal silang maging pinakamahusay sa Kanyang nilikha. Sa panghuling paghahayag, sinabi ng Diyos ang katotohanang ito tulad ng sumusunod:
“Katotohanan, yaong mga naniwala at gumawa ng mga gawaing matuwid, sila yaong [itinuturing bilang] mga pinakamabuting nilikha.” (Quran 98:7)
Magdagdag ng komento