Ang Kuwento ni Abraham (bahagi 7 ng 7): Ang Pagtatayo ng isang Santuwaryo

Marka:
Sukat ng Font:
A- A A+

Paglalarawanˇ: Muling binisita ni Abraham ang kanyang anak na si Ismael, ngunit sa oras na ito upang maisakatuparan ang isang napakahalagang gawain, ang pagtatayo ng isang Bahay ng Pagsamba, isang santuwaryo para sa lahat ng sangkatauhan.

  • Ni IslamReligion.com
  • Nailathala noong 24 Aug 2020
  • Huling binago noong 04 Jan 2015
  • Nag-print: 12
  • Tumingin: 12,767 (araw-araw na pamantayan: 8)
  • Marka: Wala pa
  • Nag-marka: 0
  • Nag-email: 0
  • Nag-komento: 0
Mahina Pinakamagaling

Itinayo nina Abraham at Ismael ang Kaaba

Matapos ang pagkakahiwalay ng maraming taon, muling nagtagpo ang ama at anak na lalaki. Sa paglalakbay na ito ay binuo ng dalawa ang Kaaba sa utos ng Diyos bilang isang permanenteng santuwaryo; isang lugar na inilagay para sa pagsamba sa Diyos. Narito, sa parehong tigang na disyerto kung saan iniwan ni Abraham sina Hagar at Ismael, na kung saan siya ay humiling sa Diyos na gawin itong isang lugar kung saan itatatag nila ang pagsamba, na walang pagsamba sa idolo.

"O aking Panginoon! Gawin Ninyo ang lungsod na ito (Makkah) na maging isang lugar ng kapayapaan at katiwasayan, at Inyong iadya ako at ang aking mga anak sa pagsamba sa mga diyus-diyosan. O aking Panginoon! Katotohanang iniligaw nila ang karamihan sa sangkatauhan. Datapuwa’t sinumang sumunod sa akin, katotohanang siya ay aking kakampi. At sinumang sumuway sa akin, - tunay na Kayo pa rin (Allah) ang Lagi nang Nagpapatawad, ang Pinakamaawain. O aming Panginoon! Hinayaan ko ang iba sa aking mga anak na manirahan sa lambak na walang pananim, sa Iyong Sagradong Tahanan (ang Ka’ba sa Makkah), upang sa gayon, o aking Panginoon, na sila ay magsipag-alay ng panalangin nang mahinusay (Iqamat-as-Salat), kaya’t Inyong gawaran ang puso ng ibang tao na may pagmamahal tungo sa kanila, at (o Allah) Inyong pagkalooban sila ng mga bungangkahoy upang sila ay magbigay ng pasasalamat. O aming Panginoon! Katotohanang batid Ninyo kung ano ang aming ikinukubli at kung ano ang aming inilalantad. walang anuman sa mga kalangitan at kalupaan ang nalilingid kay Allah. Ang lahat ng pagpupuri at pasasalamat ay kay Allah, na nagkaloob sa akin sa panahon ng aking katandaan kay Ismail at Isaac. Katotohanan, ang aking Panginoon ang Lubos na Dumirinig ng lahat ng mga panalangin. O aking Panginoon, Inyong gawin ako na maging isa sa nag-aalay ng ganap na panalangin nang mahinusay (Iqamat-as-Salat) at gayundin ang aking mga anak, O aking Panginoon! At Inyong tanggapin ang aking panambitan. Aming Panginoon! Inyong patawarin ako at ang aking mga magulang at ang lahat ng mga sumasampalataya sa Araw na ang Pagtutuos ay isasagawa." (Quran 14:35-41)

At, pagkalipas ng mga taon, muling nagsama si Abraham at ang kanyang anak na si Ismael, upang itatag ang marangal na Bahay ng Diyos, ang sentro ng pagsamba, kung saan haharap ang mukha ng mga tao kapag naghahandog ng mga panalangin, at gawin itong lugar ng pilgrimahe. Maraming magagandang mga talata sa Quran na naglalarawan ng kabanalan ng Kaaba at ang layunin ng pagtatayo nito.

"At (alalahanin) nang Aming ipamalas kay Abraham ang lugar (ng Banal) na Tahanan (ang Ka’ba sa Makkah) na (nagsasabi): 'Huwag kayong magtambal ng anupaman sa pagsamba sa Akin, [La ilaha ill Allah] (Wala ng iba pang diyos na karapat-dapat pag-ukulan ng pagsamba maliban kay Allah), at pakabanalin ninyo ang Aking Tahanan tungo sa kanila na mga nagsisi-ikot dito, at sa mga nagsisitindig sa panalangin, at sa mga yumuyukod (sa kapakumbabaan at pagtalima), at nagpapatirapa (sa panalangin, atbp.).' At ipagbadya sa sangkatauhan ang Hajj (Pilgrimahe). Sila ay daratal sa iyo sa kanilang mga paa at (nakasakay) sa bawat balingkinitang kamelyo, sila ay manggagaling sa bawat kaibuturan at malalayong dako ng daang bulubundukin (upang mag-alay ng Hajj)." (Quran 22:26-27)

"At alalahanin nang Aming gawin ang Tahanan (ang Ka’ba sa Makkah) bilang isang lugar ng pagtitipon sa mga tao at isang lugar ng kaligtasan. At kayo ay Aming dinala sa Himpilan ni Abraham bilang isang lugar ng dalanginan at Aming ipinag-utos kay Abraham at Ismail na nararapat nilang dalisayin ang Aking Tahanan sa mga tao na pumapalibot dito, o namamalagi rito (sa pag-aalaala kay Allah), o sa mga yumuyuko at nagpapatirapa rito (sa panalangin)." (Quran 2:125)

Ang Kaaba ay ang unang lugar ng pagsamba na hinirang para sa lahat ng sangkatauhan para sa layunin ng gabay at pagpapala:

"Katotohanan, ang unang Tahanan (ng pagsamba) na itinalaga sa sangkatauhan ay yaong sa Bakkah (Makkah), puspos ng biyaya, at isang patnubay sa lahat ng mga nilalang. Sa loob nito ay may mga lantad na Tanda (bilang halimbawa), ang Maqam (ang bahagi na tinindigan) ni Abraham; sinuman ang pumasok dito, siya ay magkakamit ng kapanatagan. Ang Hajj (Pilgrimahe sa Makkah) sa Tahanan ay isang tungkulin na utang ng sangkatauhan kay Allah, sa mga may kakayahang gumugol." (Quran 3:96-97)

Si Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) ay nagsabi:

"Tunay na ang lugar na ito ay ginawang sagrado ng Diyos noong araw na nilikha Niya ang langit at ang lupa, at mananatili ito hanggang sa Araw ng Paghuhukom." (Saheeh Al-Bukhari, Saheeh Muslim)

Ang Mga Panalangin ni Abraham

Sa katunayan, ang pagtatayo ng isang santuwaryo na gagampanan ng lahat ng mga huling henerasyon ay isa sa mga pinakamainam na anyo ng pagsamba na maaaring magawa ng mga tao para sa Diyos. Nanawagan sila sa Diyos habang sila ay gumagawa:

" At alalahanin nang itindig ni Abraham at Ismail ang mga haligi ng Tahanan (na may panikluhod): 'Aming Panginoon! Tanggapin Ninyo (ang paglilingkod na ito) mula sa amin. Katotohanang Kayo ang Ganap na Nakakarinig, ang Tigib ng Kaalaman.' Aming Panginoon! Kami ay gawin Ninyong mga Muslim na tumatalima sa Inyong (Kalooban) at gayundin ang aming mga anak (lahi) na tumatalima sa Inyong (Kalooban) at Inyong ipakita sa amin ang mga lugar ng pagdiriwang ng ritwal (sa Hajj at Umrah, atbp.) at Inyong tanggapin ang aming pagsisisi. Katotohanang Kayo ang Tanging Isa na tumatanggap ng pagsisisi, ang Pinakamaawain!" (Quran 2:127-128)

"At alalahanin nang sabihin ni Abraham: “Aking Panginoon, gawin Ninyo na ang lungsod na ito (Makkah) ay maging isang lugar ng kaligtasan at Inyong biyayaan ang nagsisipanirahan dito ng mga bungangkahoy, sa mga katulad nila na sumasampalataya kay Allah at sa Huling Araw..." (Quran 2:126)

Ipinagdasal din ni Abraham na may propetang lumabas mula sa lahi ni Ismael, na magiging mga naninirahan sa lupain na ito, dahil ang lahi ni Isaac ay maninirahan sa mga lupain ng Canaan.

"Aming Panginoon! Isugo Ninyo sa kanila ang isang Tagapagbalita na mula sa kanila, na magpapahayag sa kanila ng Inyong mga Talata at magtuturo sa kanila ng Kasulatan (ang Quran) at Al-Hikma at Inyong dalisayin sila, sapagkat Kayo lamang ang Pinakamataas sa Kapangyarihan, ang Lubos na Maalam." (Quran 2:129)

The_Story_of_Abraham_(part_7_of_7)_001.jpg

Ang Kaabah na itinayo nina Abraham at Ismael at ang Tinayuan ni Abraham, kung saan naroroon ang yapak ni Propeta Abraham.

Ang panalangin ni Abraham para sa isang Sugo ay sinagot pagkatapos ng libu-libong taon nang hinirang ng Diyos si Propeta Muhammad sa pagitan ng mga Arabo, at dahil ang Mecca ay napili na maging isang santuwaryo at Bahay ng Pagsamba para sa lahat ng sangkatauhan, gayon din ang Propeta ng Mecca na ipinadala sa lahat ng sangkatauhan.

Ito ang pinaka tanyag na nakamit sa buhay ni Abraham sa pagkumpleto ng kanyang layunin: ang pagtatayo ng isang lugar ng pagsamba para sa lahat ng sangkatauhan, hindi para sa anumang piling lahi o kulay, para sa pagsamba sa Isang Tunay na Diyos. Sa pamamagitan ng pagtatatag ng bahay na ito ay sinisigurado na ang Diyos, ang Diyos na tinawag niya at ginawan ng mga walang katapusang mga sakripisyo, ay sasambahin magpakailanman, nang walang pagtatambal ng anumang diyos sa Kanya. Sa katunayan ito ay isa sa mga pinakadakilang pabor na ipinagkaloob sa sinumang tao.

Si Abraham at Ang Paglalakbay o Peregrinasyon ng Hajj

Taun-taon, ang mga Muslim mula sa buong mundo mula sa anumang kalagayan sa buhay ay nagtitipon, upang sumangguni sa panalangin ni Abraham at ang panawagan sa Peregrinasyon o paglalakbay. Ang ritwal na ito ay tinatawag na Hajj, at pinapaalala nito ang maraming mga kaganapan ng minamahal na lingkod ng Diyos na si Abraham at ang kanyang pamilya. Matapos ikutin ang Kaaba, ang isang Muslim ay nananalangin sa likod ng Pinagtayuan ni Abraham, ang bato kung saan umapak si Abraham upang maitayo ang Kaaba. Matapos ang mga pagdarasal, ang mga Muslim ay umiinom mula sa parehong balon, na tinatawag na Zamzam, na dumaloy bilang sagot sa Panalangin nina Abraham at Hagar, na nagbigay ng pagkain para kay Ismael at Hagar, at ang dahilan upang may manirahan sa lupain. Ang ritwal ng paglalakad sa pagitan ng Safaa at Marwah ay paggunita sa desperadong paghahanap ng tubig ni Hagar nang mag-isa siya at ang kanyang sanggol sa Mecca. Ang sakripisyo ng isang hayop sa Mina sa panahon ng Hajj, at ng mga Muslim sa buong mundo sa kanilang sariling mga lupain, ay ayon sa halimbawa ng pagpayag ni Abraham na isakripisyo ang kanyang anak para sa Diyos. Panghuli, ang pagbato sa mga haliging bato sa Mina ay sumisimbolo ng pagtanggi ni Abraham sa mga tukso ni satanas upang maiwasan niyang isakripisyo si Ismael.

Ang 'Minamahal na lingkod ng Diyos' na kung saan sinabi ng Diyos, "Gagawin kitang pinuno ng mga bansa,"[1] ay bumalik sa Palestine at namatay doon.



Talababa:

[1] Quran 2:125

Mahina Pinakamagaling

Mga bahagi ng mga artikulo na ito

Tingnan ng sama-sama ang lahat ng mga bahagi

Magdagdag ng komento

  • (Hindi nakikita sa publiko)

  • Ang iyong komento ay susuriin at dapat malathala sa loob ng 24 oras.

    Ang patlang na may markang asterisk (*) ay kailangan.

Ibang mga artikulo sa Parehong mga Kategorya

Pinakamaraming Tumingin

Araw-araw
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
Kabuuan
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Pinili ng Editor

(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Listahan ng Contento

Simula ng iyong huling pagbisita
Ang listahang ito ay kasalukuyang walang laman.
Lahat sa pamamagitan ng petsa
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Pinaka Sikat

Pinakamataas ang marka
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
Pinakamaraming nag-email
Pinakamaraming nag-print
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
Pinakamaraming nag-komento
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Ang iyong mga paborito

Your favorites list is empty. You may add articles to this list using the article tools.

Ang iyong History

Ang listahan ng iyong mga paborito ay walang laman. Maari kang magdagdag ng mga artikulo sa listahang ito gamit ang article tools.

Minimize chat