Ang Kuwento ni Abraham (bahagi 4 ng 7): Ang kanyang Pandarayuhan sa Canaan
Paglalarawanˇ: Ang pakikipagtalo ni Abraham sa isang hari, at utos ng Diyos na lumipat sa Canaan.
- Ni Imam Mufti
- Nailathala noong 24 Aug 2020
- Huling binago noong 28 Jan 2022
- Nag-print: 8
- Tumingin: 11,702 (araw-araw na pamantayan: 7)
- Nag-marka: 0
- Nag-email: 0
- Nag-komento: 0
Ang mga modernong natuklasang arkeolohiko ay nagmumungkahi na ang mataas na pari ay ang anak na babae ng emperador. Likas na, gagawa siya ng isang punto upang gumawa ng isang halimbawa sa lalaking nagdungis sa kanyang templo. Di nagtagal si Abraham, isang binata pa[1], ay natagpuan ang kanyang sarili sa isang pagsubok, na nakatayo nang mag-isa sa harap ng isang hari, marahil si Haring Nimrod. Na kahit ang kanyang ama ay wala sa kanyang panig. Ngunit ang Diyos ay, tulad ng ginagawa Niya dati.
Pakikipagtalo sa isang Hari
Habang ang mga tradisyunal na Hudyo-Kristyano ay malinaw na iginiit na si Abraham ay hinatulan ng apoy ng hari na si Nimrod, ang Quran ay hindi nagpapaliwanag sa bagay na ito. Gayunpaman, binabanggit nito ang pakikipagtalo ng isang hari kay Abraham, at iminumungkahi ng ilang mga iskolar na Muslim na ito rin ang parehong Nimrod, ngunit pagkatapos lamang ng isang pagtatangkang pagpatay na ginawa ng masa kay Abraham.[2]. Matapos mailigtas ng Diyos si Abraham mula sa apoy, ang kanyang kaso ay ipinaalam sa hari, na dahil sa kanyang kapalaluan, nakipagpaligsahan sa Diyos mismo dahil sa kanyang kaharian. Nakipagtalo siya sa binata, tulad ng sinabi sa atin ng Diyos:
"Hindi baga ninyo napag-iisipan siya na nakikipagtalo kay Abraham tungkol sa kanyang Panginoon (Allah), sapagkat si Allah ay nagkaloob sa kanya ng kaharian?" (Quran 2:258)
Hindi maikakaila ang lohika ni Abraham,
"‘Ang aking Panginoon (Allah) ay Siyang nagbibigay ng buhay at naggagawad ng kamatayan.’" (Quran 2:258)
Nagdala ang hari ng dalawang lalaki na hinatulan ng kamatayan. Pinalaya niya ang isa at hinatulan ang isa. Ang tugon na ito ng hari ay wala sa konteksto at lubos na hangal, kaya naglabas si Abraham ng isa pa, na tiyak na nagpatahimik sa kanya.
"Si Abraham ay nagsabi: “Katotohanan! Si Allah ang nagpapasikat ng araw mula sa silangan; ikaw baga ang nakakapangyari na mapasikat ito mula sa kanluran. Kaya’t siya na walang pananalig ay tunay na talunan. At si Allah ay hindi namamatnubay sa mga tao na Zalimun (mga tampalasan, mapaggawa ng kamalian, baluktot, atbp.)" (Quran 2:258)
Ang Pandarayuhan ni Abraham
Matapos ang mga taon ng walang tigil na panawagan, hinarap ang pagtanggi ng kanyang bayan, inutusan ng Diyos si Abraham na ihiwalay ang sarili mula sa kanyang pamilya at bayan.
"Katotohanang mayroon para sa inyo na mabuting halimbawa (upang inyong sundin ) ang makakamtan ninyo kay Abraham at sa kanyang mga kasama, nang sila ay mangusap sa kanilang mga tao: 'Kami ay hindi kasangkot sa inyo at sa anupamang inyong sinasamba maliban pa kay Allah, kami ay nagtakwil sa inyo, at dito ay nag-ugat, sa pagitan namin at ninyo, ang lubusang pagkamuhi at pagkagalit, maliban na kayo ay manampalataya kay Allah at sa Kanya lamang'" (Quran 60:4)
Dalawang tao lamang sa kanyang pamilya ang, kahit papaano, tumanggap sa kanyang pangaral - si Lot, ang kanyang pamangkin, at si Sarah, ang kanyang asawa. Sa gayon, lumipat si Abraham kasama ang iba pang mga mananampalataya.
"Kaya’t si Lut ay nanalig sa kanya (sa mensahe ni Abraham, ang Islam at Kaisahan ni Allah). Siya (Abraham) ay nagsabi: “Iiwan ko ang aking tahanan dahil sa kapakanan ng aking Panginoon (Allah). Katotohanang Siya ay Lubos na Makapangyarihan, ang Ganap na Maalam.’" (Quran 29:26)
Lumipat sila nang sama-sama sa isang mapagpalang lupain, ang lupain ng Canaan, o Greater Syria kung saan, ayon sa tradisyon ng Hudyo-Kristyano, hinati nina Abraham at Lot ang kanilang mga tao sa kanluran at silangan ng lupang kanilang nilipatan[3].
"At Aming iniligtas siya at si Lut sa lupain na Aming pinagpala para sa mundo." (Quran 21:71)
Narito, sa mapalad na lupain na ito, na pinili ng Diyos na pagpalain si Abraham ng mga anak.
"…At ipinagkaloob Namin sa kanila si Isaac, at ng dagdag na gantimpala (apong lalaki) na si Jacob. Ang bawat isa ay Aming ginawang matuwid." (Quran 21:72)
"At ito ang Aming Katibayan na Aming ibinigay kay Abraham laban sa kanyang pamayanan. Aming itinataas ang antas ng sinuman na Aming maibigan. Katotohanan, ang inyong Panginoon ang Ganap na Maalam, ang Tigib ng Karunungan. At iginawad Namin sa kanya si Isaac at Jacob, at ang bawat isa sa kanila ay Aming pinatnubayan, at noong una pa sa kanya, Aming pinatnubayan si Noe, at ang kanyang mga supling na sina David, Solomon, Job, Hosep, Moises at Aaron. Sa ganito Namin ginagantimpalaan ang mga mapaggawa ng kabutihan. At si Zakarias, at si Juan at Hesus at Elias, ang bawat isa sa kanila ay nasa lipon ng mga matutuwid. At Ismael at Elisha, at Jonas at Lut, at ang bawat isa sa kanila ay Aming kinasihan ng higit sa lahat ng mga nilalang (ng kanilang kapanahunan). At gayundin ang ilan sa kanilang mga ama at kanilang supling at kanilang mga kapatid, sila ay Aming hinirang at sila ay Aming pinatnubayan sa tuwid na landas. Ito ang Patnubay ni Allah, Kanyang ginagabayan ang sinumang Kanyang mapusuan sa Kanyang mga alipin. Datapuwa’t kung sila ay nagtambal ng iba pa sa pagsamba kay Allah, ang lahat ng kanilang mga ginawa ay walang maibibigay na kapakinabangan sa kanila. Sila ang Aming pinagkalooban ng Aklat, Al Hukm (pang-unawa sa batas ng pananampalataya), at ng Pagka-propeta…" (Quran 6:83-89)
Ang mga propeta, ay pinipili para sa pag-gabay ng kanyang nasyon:
"At sila ay ginawa Naming mga pinuno, na namamatnubay (sa sangkatauhan) sa pamamagitan ng Aming Pag-uutos, at itinanim Namin sa kanilang (puso) ang paggawa ng mga kabutihan, ang ganap na pag-aalay nang mahinusay na Salah (takdang pagdarasal), at ang pagbibigay ng Zakat (katungkulang kawanggawa), at tanging sa Amin lamang ang kanilang pagsamba." (Quran 21:73)
Mga talababa:
[1] Sinasabi ang tungkol sa kanya ng mga tradisyon ng Hudyo-Kristyano na siya ay nasa may limampung taong gulang. The Talmud: Selections, H. Polano. (http://www.sacred-texts.com/jud/pol/index.htm)
[2] Stories of the Prophets. Ibn Katheer. Darussalam Publications.
[3] Jewish Encyclopedia: Abraham
Magdagdag ng komento