Ano ang Naguudyok sa mga Tao na Pumasok sa Islam? (bahagi 1 ng 2)
Paglalarawanˇ: Ang iba't ibang mga aspeto ng Islam na nagtutulak sa mga tao na magbalik-loob sa kabila ng mga negatibong paglalarawan nito sa midya.
- Ni Based on an article at iqrasense.com
- Nailathala noong 24 Aug 2020
- Huling binago noong 13 May 2011
- Nag-print: 3
- Tumingin: 5,463 (araw-araw na pamantayan: 3)
- Nag-marka: 0
- Nag-email: 0
- Nag-komento: 0
Ang kalikasan ng relihiyosong pananampalataya ay sadyang misteryoso. Bilang bahagi ng kanilang mga paniniwala sa relihiyon, naniniwala ang mga tao sa iba't ibang mga diyos. Mayroong mga tao na may relihiyosong paniniwala sa hindi nakikitang kataas-taasang walang kapares na kapangyarihan, at pagkatapos ay may iba na naniniwala sa ilang mga tao bilang mga Diyos, o mga hayop (hal. unggoy), apoy, mga idolo na gawa sa bato, at maraming iba pa.
Marami ang nauugnay sa pagkakaroon ng isang "pananampalataya". Bahagi nito ay may kinalaman sa mga paniniwala na naipasa sa mga henerasyon. Samakatuwid ang pagkakakilanlan ng mga tao ay nakatali rito. Malimit, ang mga paniniwala na itoat damdaming kaakibat ay hindi ganap na maipapakita sa pamamagitan ng pangangatwiran o anumang mga makatwiran na mga argumento. Walang tama o mali rito, ngunit ganyan lang ang kalikasan ng relihiyosong paniniwala nagsimula.
Halos lahat ay iniisip na tama sila sa kanilang pananampalataya at paniniwala. Ang pakikipag-ugnay sa mga tao at grupo na may katulad na pananampalataya ay lalong nagpapatibay sa pananampalataya ng mga tao, at nakikita nila ito nang tama, kahit na ang lohikal na pangangatwiran at pagtatalo kung minsan ay hindi maipaliwanag ang lahat. Ito ay simpleng sikolohiya ng tao.
Ang mga argumento ng Islam batay sa intelektwal na pangangatwiran
Gayunpaman, naniniwala ang mga Muslim, na ang relihiyong Islam ay naiiba sa kontekstong ito. Ang ilan ay maaaring magtalo na katulad sa iba pang mga pananampalataya, mayroong mga aspeto nito na hindi ganap na maipapakita sa pamamagitan ng pangangatwiran, ngunit sa kabilang banda ang teksto ng Quran, na siyang mga salita ng Diyos na tumutukoy sa buong sangkatauhan, ay gumagamit ng matalinong pangangatwiran, mapanuring kaisipan, at ang proseso ng pagmumuni-muni bilang isang paraan hindi lamang upang mapalakas ang pananampalataya ng mga naniniwala, ngunit upang hikayatin din ang mga di-mananampalataya upang pag-isipan ang pagiging totoo ng Islam bilang pamamaraan ng buhay para sa buong sangkatauhan. Bagama't walang pangrelihiyosong paniniwala na maaaring ganap na batay sa lohika at pangangatwiran, ang Islam at Quran ay nagbibigay nang higit sa sapat na mga halimbawa at isang pagkakataon upang suriin ang katotohanan at ang pagiging maayos ng mensahe nito sa sariling pananaw base sa aktuwal na mga ebidensya at kaalaman.
Walang sinuman (Muslim o hindi) ang makikipagtalo na ang mapanuring pag-iisip at pagninilay ay maaaring maging isang pangunahing pagmulan para sa pagbabago ng buhay ng isang tao. Ang mapanuring pag-iisip ay ginagamit ng marami upang mapabuti ang kanilang buhay dahil ang isang mapanuring isip ay masusing nagtatanong ng mga katanungan tungkol sa isang sitwasyon, nangongolekta ng mas maraming impormasyon hangga't maaari, nagninilay sa mga ideyang naiponat nabuo sa konteksto ng mga impormasyon na makukuha, nananatiling bukas at walang pinapanigan na kaisipan, at maingat na sinusuri ang mga pagpapalagay at naghahanap ng mga kahalili.
Samakatuwid, ito ang dahilan, na ang mga bagong Muslim ay maiuugnay ang paggamit ng matalinong pangangatuwiran,pagmumuni-muni at mapanuring pag-iisip kapag ipinapaliwanag ang kanilang paglalakbay sa Islam.Ang ganitong mga tao ay iniwasan ang isterya na nilikha ng midya upang makita ang Islam mula sa isang mapanuring lente at ang pagsunod sa katotohanan kung sa gayon ay natural na dumating sa kanila bilang bahagi ng prosesong ito.Paano maipapaliwanag ng isang tao ang pagdami ng nagbabalik-loob sa Islam sa kabila ng pagtaas ng mga paninira kontra-Islam? Paano ito maipapaliwanag na mas maraming mangangaral na di-Muslim na nagsipasok sa Islam kaysa dati?Bagaman, bilang mga Muslim, naniniwala tayo na ang patnubay ay nagmumula lamang kay Allah,ang paggamit ng tao sa regalo ng Diyos na matalinong pangangatwiran ay may napakalaking papel na ginagampanan sa mga pagbabago ng desisyon na nauuwi sa pagbabalik-loob sa Islam.At kapag sila ay pumasok sa Islam,bihira silang bumalik sa kanilang mga dating paniniwala, sa kadahilanang angisang pananampalataya na ang mga pundasyon ay base sa katwiran at rason ay mas matatag at di basta basta mabubuway kaysa sa isa na naitayo sa isang hanay ng mga ritwal at mga sakramento.
Ang mga dahilan na iniuugnay ng mga bagong Muslim
Ang ilan sa mga kadahilanan na ibinibigay kung bakit ang mga tao ay nagbabalik sa Islam ay ang kahusayan ng wika ng Quran, ang napakaraming mga ebidensiya na pang-agham at mga patunay nito, mga argumento na nagmumula sa intelektwal na pangangatwiran, at ang Banal na karunungan sa likod ng iba't ibang mga isyu sa lipunan.Ang pagiging natatangi at kagandahan ng teksto ng Quran ay kinamanghaan ng pinakamahuhusay sa mga Arabong linggwistiko at iskolar,kapwa Muslim at hindi Muslim, mula sa araw na ito ay ipinahayag hanggang ngayon.Ang mas may kaalamang mga tao sa lenggwahe, ay mas pinahahalagahan nila ang mga kamangha-manghang tekstuwal na kahusayan ng Quran. Ipinahayag higit sa 1400 taon na ang nakalilipas, ang Quran ay mayroon ding maraming mga pang-agham na katotohanan na napatunayan lamang ng agham sa panahong ito. Bukod dito, ito lang ang tanging kilalang teksto ng relihiyon na naghahamon sa sangkatauhan na isipin, magbulay-bulay at pagnilay-nilayan ang paglikha sa kabuuan, mga isyung panlipunan, pag-iral ng Diyos, at marami pa.Ang Quran, sa maraming pagkakataon, ay hinahamon ang mga tao na magmuni-muni at mag-isip sa kanilang sarili, sa halip na makinig sa walang saysay na mga usapan na ang pambabatikos ay walang nagmula sa walang basehang pundasyon.Sa huli, ang Quran ay nagbibigay ng solusyon sa maraming mga isyu sa lipunan,paglayo mula sa mga kilalang sanhi ng kaguluhan ng lipunan sa lahat ng antas.
Ang Quran ay tahasang inaangkin ng Kataas-taasang Maykapal; Ang tanging kilalang aklat na pang-relihiyon na may tahasang pag-aangkin ng Kataas-taasang Maykapal sa lahat ng mga isyu na mula sa paglikha ng uniberso hanggang sa pinaka partikular na mga bahagi ng panlipunang kapaligiran. Bukod dito, ang Banal na Teksto nito - ang wika at prosa ng Quran - ay ibang-iba sa lenggwahe ng mga kasabihan ng Propeta, na nagpapakita na ang Quran ay hindi mula sa malikhaing imahinasyon o kinasihang mga salita ni Propeta Muhammad (sumakanya ang kapayapaan at pagpapala), gaya sa binibentang ng mga nag-aalinlangan sa nakaraan, at patuloy na ginagawa magpahanggang ngayon.
Makikita natin na ang karamihan sa mga kadahilanang ito ay maiuugnay lamang sa proseso ng mapanuring pag-iisip at intelektuwal na pagmuni-muni. Gayunpaman, hindi sapat ang malamig na pangangatwiran na ito.Ang puso ay dapat na kasali sa paghahanap: isang paghahanap na ang layunin ay upang maabot ang katotohanan at sa kaibuturan nito. Hindi kataka-taka, kung gayon, na kapag ang mga taong taimtim ay nakarinig ng Quran sa kauna-unahang pagkakataon, at naunawaan ito, sinasabi nila:
“Kami ay naniniwala rito. Katunayan, ito ay katotohanang nagmula sa aming Panginoon.Tunay nga na kahit noon pa man kami ay nabibilang sa mga Muslim [na tumatalima sa Kanya]!” (Quran 28:53)
Magdagdag ng komento