Islam, isang Malalim na Kabihasnan (bahagi 1 ng 2): Panimula
Paglalarawanˇ: Mga pahayag ng iba't ibang mga di-Muslim na iskolar at intelektwal tungkol sa kalaliman ng relihiyong Islam bilang isang sibilisasyon. Bahagi 1: Panimula.
- Ni iiie.net
- Nailathala noong 24 Aug 2020
- Huling binago noong 16 Oct 2011
- Nag-print: 3
- Tumingin: 7,999 (araw-araw na pamantayan: 5)
- Nag-marka: 0
- Nag-email: 0
- Nag-komento: 0
Ang Islam na ipinahayag kay Muhammad, sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala ng Diyos, ay ang pagpapatuloy at pagtatapos ng lahat ng nauna nang ipinahayag na mga relihiyon, at samakatuwid ito ay para sa lahat ng oras at lahat ng mga tao. Ang katayuang ito ng Islam ay may kasama o sinupurtahan ng mga maliwanag na mga katotohanan. Una, walang ibang ipinahayag na libro na mayroong parehong anyo at nilalaman. Pangalawa, walang ibang ipinahayag na relihiyon ang mayroong kapani-paniwalang pag-aangkin na magbibigay ng gabay sa lahat ng antas ng buhay ng tao sa lahat ng oras. Ngunit ang Islam ay pinatutungkulan ang buong sangkatauhan at nag-aalok ng pangunahing gabay patungkol sa lahat ng mga problema ng tao. Bukod dito, napagtagumpayan nito ang mga pagsubok sa loob ng isang libo at apat na raang taon at mayroon itong lahat ng potensyal na makapagtatag ng isang perpektong lipunan tulad ng ginawa sa ilalim ng pamumuno ng huling Propetang si Muhammad, sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala.
Ito ay isang himala na nahikayat ni Propeta Muhammad, sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala, maging ang kanyang pinakamahigpit na mga kaaway sa kawan ng Islam kahit na walang sapat na materyal na mga mapagkukunan. Ang mga sumasamba sa mga idolo, mga bulag na tagasunod sa mga pamamaraan ng mga ninuno, mga tagatapagtaguyod ng mga kaguluhan sa tribo, at mga nang-aabuso ng dignidad at dugo o buhay ng tao ay naging pinaka disiplinadong bansa sa ilalim ng gabay ng Islam at Propeta nito. Binuksan sa kanila ng Islam ang mga kaisipang espiritwal at dignidad ng tao sa pamamagitan ng pagpapahayag na ang katuwiran ang nag-iisang pamantayan ng gantimpala at karangalan. Hinubog ng Islam ang kanilang panlipunan, kultura, moral at komersyal na buhay na may mga pangunahing batas at prinsipyo na naaayon sa kalikasan ng tao at naaangkop sa lahat ng oras dahil ang kalikasan ng tao ay hindi nagbabago.
Nakakalungkot lang na ang mga taga Kanlurang Kristiyano sa halip na taimtim na subukang maunawaan ang pambihirang tagumpay ng Islam sa maagang panahon, ay itinuring ito bilang isang karibal na relihiyon. Sa panahon ng mga siglo ng Krusada, ang kalakaran na ito ay nakakuha ng maraming puwersa't lakas at napakaraming mga literatura ang ginawa upang sirain ang imahe ng Islam. Ngunit sinimulan ng Islam na ibunyag ang katotohanan nito sa mga modernong iskolar na ang tapang at makatuwirang obserbasyon sa Islam ay pinasinungalingan ang lahat ng mga paratang na ikinabit laban dito ng tinatawag na walang pinapanigang dalubhasa sa Silangan.
Magbibigay kami rito ng ilang mga pagsusuri sa Islam ng mga kinikilalang mga iskolar ng modernong panahon na hindi Muslim. Ang katotohanan ay hindi nangangailangan ng mga tagapagtaguyod upang makaingganyo sa ngalan nito, ngunit ang matagal ng propaganda na may masamang hangarin laban sa Islam ay lumikha ng malaking kalituhan kahit na sa isipan ng malaya at walang kinikilingang mapanuring isipan.
Inaasahan namin na ang mga sumusunod na pagsusuri ay makakatulong sa pagsisimula ng isang walang kinikilingang pagsusuri sa Islam.
Canon Taylor, Ang papel na binasa sa harapan ng Church Congress sa Walverhamton, Oct. 7, 1887, Sinipi ni Arnond sa The Preaching of Islam, pp. 71-72:
“Pinalitan nito (Islam) ang kalokohan sa pagkamakatao. Nagbibigay ng pag-asa sa alipin, kapatiran sa sangkatauhan, at pagkilala sa mga pangunahing katotohanan ng kalikasan ng tao.”
Sarojini Naidu, Lektura sa “The Ideals of Islam”, tingnan ang Mga Talumpati at Pagsusulat ni Sarojini Naidu, Madras, 1918, p. 167:
“Ang pagiging makatarungan ay isa sa mga kahanga-hangang mithiin ng Islam, dahil habang binabasa ko ang Qur’an ay natagpuan ko ang mga dinamikong mga alituntuning ito ng buhay, hindi mahiwaga ngunit praktikal na etika para sa pang-araw-araw na kaasalan sa buhay na angkop sa buong mundo.”
De Lacy O’Leary, Islam at the Crossroads, London, 1923, p.8:
“Gayunpaman, nilinaw ng kasaysayan, na ang alamat ng panatiko na mga Muslim na kumakalat sa buong mundo at ipinagpipilitan ang Islam ng may dahas at puwersa sa pananakop ng lipi ay isa sa mga pinaka-hindi kapani-paniwalang mga alamat na inuulit-ulit ng mga tagapagsalaysay.”
H.A.R. Gibb, Whither Islam, London, 1932, p. 379:
“Ngunit ang Islam ay mayroon pang karagdagang serbisyo para sa kapakanan ng sangkatauhan. Pagkatapos ng lahat,nakatayo o nanatili ito ng malapit sa tunay na Silangan kaysa sa Europa, at nagtataglay ito ng isang kahanga-hangang tradisyon ng pag-unawa sa pagitan ng mga lahi at pakikipagtulungan. Walang ibang lipunan na may tulad na tala ng tagumpay sa pagkakaisa sa isang pagkakapantay-pantay ng katayuan, ng pagkakataon, at ng mga pagpupunyagi ng napakaraming lahi ng sangkatauhan ... ang Islam ay may kapangyarihan pa ring mapagkasundo ang tila hindi mapagkakasundo na mga elemento ng lahi at tradisyon. Kung sakaling ang pagsasalungatan ng mga dakilang lipunan ng Silangan at Kanluran ay mapapalitan ng kooperasyon, ang pamamagitan ng Islam ay isang kalagayan na kailangang-kailangan. Sa mga kamay nito ang solusyon sa problema kung saan ang Europa ay nahaharap sa kaugnayan nito sa Silangan. Kung magkakaisa sila, ang pag-asa ng isang mapayapang paglathala ay lubos na mapapahusay. Ngunit kung ang Europa, sa pamamagitan ng pagtanggi sa kooperasyon ng Islam, ay ipapaubaya ito sa mga kamay ng mga karibal nito, ang isyu ay maaaring makapinsala sa magkabilang panig.”
G.B. Shaw, The Genuine Islam, Vol. 1, No. 81936:
“Palagi kong pinanghahawakan ang relihiyon ni Muhammad, sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala, ng may mataas na pagpapahalaga dahil sa napakagandang katatagan nito. Ito lang ang nag-iisang relihiyon na nagpapakita sa akin ng taglay ng kapasidad sa pagbabago ng yugto na maaaring makaakit sa bawat panahon. Pinag-aralan ko siya - ang kahanga-hangang tao at sa palagay ko na malayo sa pagiging isang anti-Kristo, dapat siyang tawaging Tagapagligtas ng Sangkatauhan. Naniniwala ako na kung ang isang tao na katulad niya ay maluklok sa diktadura ng modernong mundo, magtatagumpay siya sa paglutas ng mga problema nito sa isang paraan na magdadala ng higit na kinakailangang kapayapaan at kaligayahan: Huhulaan ko ang tungkol sa pananampalataya ni Muhammad, sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala, na ito ay magiging katanggap-tanggap sa Europa sa darating na panahon gaya ng paggsisimula nitong maging katanggap-tanggap sa Europa ngayon.”
Magdagdag ng komento