Pitong Karaniwang mga Tanong tungkol sa Islam (bahagi 1 ng 2)
Paglalarawanˇ: Ang ilan sa mga pinakakaraniwang mga katanungang itinatanong tungkol sa Islam. 1 bahagi: Ano ang Islam? Sino ang mga Muslim? Sino si Allah? Sino si Muhammad?
- Ni Daniel Masters, Isma'il Kaka and Robert Squires
- Nailathala noong 24 Aug 2020
- Huling binago noong 18 Jan 2009
- Nag-print: 3
- Tumingin: 18,438 (araw-araw na pamantayan: 11)
- Nag-marka: 0
- Nag-email: 0
- Nag-komento: 0
1. Ano ang Islam?
Ang Islam ay ang pangalan ng relihiyon, o sa mas angkop ang 'pamamaraan ng buhay', na ipinahayag ng Diyos (Allah) at isinabuhay ng lahat ng mga Propeta at Sugo ng Diyos na Kanyang ipinadala sa sangkatauhan. Maging ang pangalan ay tumatayong natatangi sa iba pang mga relihiyon na dito ay nangangahulugang isang katayuan ng pag-iral; ito ay hindi tumutukoy sa anumang natatanging tao, tulad ng Kristiyanismo, Budismo o Zoroastrianismo; isang tribo tulad ng Hudaismo; o isang bansang tulad ng Hinduismo. Ang ugat na salitang Arabe kung saan ang Islam ay hinango ay nagpapahiwatig ng kapayapaan, kaligtasan, pagbati, pangangalaga, kawalang pamimintang, kabutihan, pagpapasakop, pagtanggap, pagsuko, at kaligtasan. Ang Islam ay partikular na nangangahulugang nasa kalagayan ng pagpapasakop sa Diyos, pagsamba sa Kanya Lamang, at magalang na pagtanggap at pagsunod sa Kanyang Kautusan. Sa pamamagitan ng pagpapasakop na ito, ang kapayapaan, seguridad, at mabuting kagalingan na isinasaad sa literal na kahulugan nito ay natatamo. Samakatuwid, ang isang Muslim o Muslimah ay isang tao (lalaki o babae) sa katayuan ng pagpapasakop. Ang Islam ng isang tao ay humihina sa pamamagitan ng mga kasalanan, kamangmangan, at maling gawain, at nagiging walang saysay sa kabuuan sa pamamagitan ng pag-uugnay ng mga katambal sa Diyos o sa kawalang paniniwala sa Kanya.
2. Sino ang mga Muslim?
Ang Arabeng salitang "Muslim" ay literal na nangangahulugang "sinumang nasa katayuang Islam (pagpapasakop sa kalooban at batas ng Diyos)". Ang mensahe ng Islam ay sinadya para sa buong mundo, at ang sinumang tumanggap ng mensaheng ito ay nagiging isang Muslim. Ang ilang mga tao ay nagkakamali sa paniniwalang ang Islam ay isang relihiyon lamang para sa mga Arabo, ngunit wala nang maaaring hihigit pa mula sa katotohanan. Sa katunayan, mahigit sa 80% ng mga Muslim sa mundo ay hindi mga Arabo! Kahit na ang karamihan sa mga Arabo ay Muslim, mayroong mga Arabo na mga Kristiyano, Hudyo at ateyista. Kung ang isang tao ay titingnan lamang ang iba't ibang mga tao na nakatira sa Mundo ng Muslim - mula sa Nigeria hanggang sa Bosnia at mula sa Morocco hanggang Indonesia - madali nang makikita na ang mga Muslim ay nagmula sa lahat ng iba't ibang lahi, pangkat etniko, kultura at nasyonalidad. Ang Islam noon pa man ay isang unibersal na mensahe para sa lahat ng mga tao. Ito ay makikita sa katotohanang ang ilan sa mga unang kasamahan ng Propetang si Muhammad (nawa'y ang awa at mga pagpapala ng Diyos ay sumakanya) ay hindi lamang mga Arabo, kundi pati na rin mga Persiyano, Aprikano at mga Bisantinong Romano. Ang pagiging isang Muslim ay sinusundan ng ganap na pagtanggap at masugid na pagsunod sa ipinahayag na mga turo at batas ng Diyos na Kataas-taasan. Ang isang Muslim ay isang tao na malayang tinatanggap ang batay sa kanyang mga paniniwala, pagpapahalaga at pananampalataya sa kalooban ng Diyos na Makapangyarihan sa lahat. Sa nakaraan, kahit na hindi mo ito nakikita ng madalas ngayon, ang salitang "Mohammedans" ay madalas na ginagamit bilang isang katawagan para sa mga Muslim. Ang bansag na ito ay isang maling katawagan, at ang bunga ng alinman sa sinasadyang pagbaluktot o labis na kamangmangan. Ang isa sa mga dahilan sa maling haka-haka ay ang mga Europeo ay itinuro sa loob ng maraming siglo na ang mga Muslim ay sumasamba sa Propeta Muhammad (nawa'y ang awa at mga pagpapala ng Diyos ay sumakanya) sa parehong paraan na sinasamba ng mga Kristiyano si Hesus. Ito ay ganap na hindi totoo, dahil siya ay hindi itinuturing na isang Muslim kung siya ay sumasamba sa sinuman o anuman bukod sa Diyos na Kataas-taasan.
3. Sino si Allah?
Kadalasan ang isang tao ay nakakarinig ng Arabeng salitang "Allah" na ginagamit sa mga talakayan tungkol sa Islam. Ang salitang "Allah" ay ang simpleng Arabeng salita para sa Diyos na Makapangyarihan sa lahat, at ang parehong salita na ginamit ng mga nagsasalita ng Arabeng mga Kristiyano at Hudyo. Sa katunayan, ang salitang Allah ay ginagamit na bago pa man ang salitang Diyos ay dumating sa pag-iral, dahil ang Ingles ay medyo bagong wika. Kung ang isang tao ay kukuha ng isang Arabeng salin ng Bibliya, siya ay makakakita ng salitang "Allah" na ginagamit kung saan ang salitang "Diyos" ay ginagamit sa tagalog. Halimbawa, ang mga nagsasalitang Arabeng Kristiyano ay nagsasabi na si Hesus ay, ayon sa kanilang paniniwala sa kanon, ang Anak ni Allah. Bilang karagdagan, ang salitang Arabe para sa Diyos na Makapangyarihan sa lahat, na "Allah", ay medyo katulad sa salita para sa Diyos sa iba pang Semitikong mga wika. Halimbawa, ang salitang Hebreo para sa Diyos ay "Elah". Sa iba't ibang kadahilanan, ang ilang mga di-Muslim ay nag-aakalang ang mga Muslim ay sumasamba sa ibang Diyos kaysa sa Diyos nina Moises at Abraham at Hesus. Ito ay hindi ang talagang usapin, dahil ang Dalisay na Monoteismo ng Islam ay inaanyayahan ang lahat ng mga tao sa pagsamba sa Diyos ni Noe, Abraham, Moises, Hesus at lahat ng iba pang mga propeta, ang kapayapaan ay sumakanila.
4. Sino si Muhammad?
Ang huli at pangwakas na propeta na ipinadala ng Diyos sa sangkatauhan ay ang Propeta Muhammad, nawa'y ang awa at mga pagpapala ng Diyos ay sumakanya. Sa edad na apatnapu, natanggap niya ang kapahayagan mula sa Diyos. Pagkatapos ay ginugol niya ang natitirang bahagi ng kanyang buhay na ipinapaliwanag, at ipinamumuhay ang mga turo ng Islam, ang relihiyon na ipinahayag ng Diyos sa kanya. Ang Propeta Muhammad (nawa'y ang awa at mga pagpapala ng Diyos ay sumakanya) ay ang pinakadakila sa lahat ng mga propeta sa maraming kadahilanan, ngunit una ay dahil siya ang pinili ng Diyos na maging huling propeta - na ang misyon na gabayan ang sangkatauhan ay magpapatuloy hanggang sa Huling Araw - at dahil siya ay ipinadala bilang isang awa sa buong sangkatauhan. Ang bunga ng kanyang misyon ay nagdala sa maraming tao sa dalisay na paniniwala sa Nag-iisang Diyos kaysa sa iba pang mga propeta. Mula pa sa simula ng panahon, ang Diyos ay nagpadala ng mga propeta sa mundo, ang bawat isa sa kanyang sariling natatanging bansa. Ang Propeta Muhammad (nawa'y ang awa at mga pagpapala ng Diyos ay sumakanya), gayunpaman, ay ipinadala bilang panghuling Sugo sa buong sangkatauhan.
Kahit na ang ibang mga relihiyosong pamayanan ay nag-aangking naniniwala sa Nag-iisang Diyos, sa paglipas ng panahon, may ilang mga tiwaling ideya ang pumasok sa kanilang mga paniniwala at kasanayan na humantong sa kanila papalayo mula sa dalisay na tapat na monoteismo ng mga propeta. Ang ilan ay itinuring ang kanilang mga propeta at santo bilang tagapamagitan sa Diyos na Makapangyarihan sa lahat. Ang ilan pa ay naniniwala na ang kanilang mga propeta ay ang mga pagpapakita ng Diyos, o "Diyos na nagkatawang-tao" o ang "Anak ng Diyos". Ang lahat ng mga maling haka-hakang ito ay humantong sa pagsamba sa mga nilikhang bagay sa halip na sa Tagapaglikha, at nag-ambag sa idolatriyang kasanayan sa paniniwalang ang Diyos na Makapangyarihan sa lahat ay maaaring malapitan sa pamamagitan ng mga tagapamagitan. Upang mabantayan laban sa mga maling kasinungalingang ito, ang Propeta Muhammad (nawa'y ang awa at mga pagpapala ng Diyos ay sumakanya) ay laging binibigyang diin na siya ay isang tao lamang na may misyon ng pangangaral at pagsunod sa mensahe ng Diyos. Tinuruan niya ang mga Muslim na tukuyin siya bilang "ang Sugo ng Diyos at ang Kanyang Alipin". Sa kanyang buong buhay at mga turo, ang Diyos ay ginawa si Muhammad (nawa'y ang awa at mga pagpapala ng Diyos ay sumakanya) na perpektong halimbawa para sa lahat ng tao - siya ang huwarang propeta, estador, pinuno ng militar, pinuno, guro, kapit-bahay, asawa, ama at kaibigan. Hindi tulad ng ibang mga propeta at sugo, ang Propeta Muhammad (nawa'y ang awa at mga pagpapala ng Diyos ay sumakanya) ay nabuhay sa buong liwanag ng kasaysayan, at ang lahat ng kanyang mga sinabi at kinilos ay maingat na naitala at natipon. Ang mga Muslim ay hindi kailangang magkaroon lamang ng 'pananampalataya' na siya ay umiral, o na ang kanyang mga turo ay napanatili - alam nila na ito ay isang katotohanan. Pinangatawanan ito ng Diyos upang maingatan ang mensaheng ipinahayag kay Muhammad (nawa'y ang awa at mga pagpapala ng Diyos ay sumakanya) mula sa pagkabaluktot o mula sa pagkalimot o pagkawala. Ito ay kinakailangan sapagkat ang Diyos ay nangakong si Muhammad (nawa'y ang awa at mga pagpapala ng Diyos ay sumakanya) ay magiging pangwakas na Sugo sa sangkatauhan. Ang lahat ng mga Sugo ng Diyos ay ipinangangaral ang mensahe ng Islam - ito ay ang pagpapasakop sa batas ng Diyos at ang pagsamba sa Diyos lamang - ngunit si Muhammad (nawa'y ang awa at mga pagpapala ng Diyos ay sumakanya) ay ang huling propeta ng Islam na nagdala ng pangwakas at buong mensahe na hindi kailanman mababago hanggang sa Huling Araw.
Magdagdag ng komento