Si Diane Charles Breslin, Dating Katoliko, Estados Unidos (bahagi 1 ng 3)

Marka:
Sukat ng Font:
A- A A+

Paglalarawanˇ: Isang mahigpit na Katoliko (deboto) ang nawalan ng paniniwala matapos magbasa ng Bibliya, ngunit ang kanyang patuloy na paniniwala sa Diyos ang naghatid sa kanya na saliksikin ang ibang relihiyon.

  • Ni Diane Charles Breslin
  • Nailathala noong 24 Aug 2020
  • Huling binago noong 16 Oct 2011
  • Nag-print: 4
  • Tumingin: 7,578
  • Marka: Wala pa
  • Nag-marka: 0
  • Nag-email: 0
  • Nag-komento: 0
Mahina Pinakamagaling

Kapag ako ay tinatanong kung paano ako naging isang Muslim, palagi kong isinasagot na dati nang ramdam ko sa sarili ko na ako’y naniniwala sa NAG-IISA AT NATATANGI, gayunpaman, una kong napagtanto kung ano ang ibig sabihin nito noong marinig ko ang patungkol sa relihiyon na tinawag na Islam, at sa aklat na tinatawag na Quran.

Ngunit hayaan niyo muna akong mag-umpisa sa maikling buod ng aking pinagmulan bilang isang Amerikanong mapusposang tradisyunal na Irlandes na katolikong pinagmulan.

Tunay nga, dati akong Katoliko

Iniwan ng aking ama ang seminaryo matapos ang tatlong-taong panahon para magsanay bilang misyonaryo. Siya ang pinakamatanda sa labing-tatlong magkakapatid, lahat ay isinilang at lumaki sa Boston. Dalawa sa kanyang mga kapatid na babae ay naging madre, gayundin ang tiyahin niya sa kanyang ina. Ang nakababatang kapatid na lalaki ng aking ama ay nasa seminaryo rin at tumigil matapos ang 9 na taon, iyon ay bago ang kanyang huling panunumpa. Ang aking lola ay gigising sa madaling araw at aakyat ng burol tungo sa lokal na simbahan para sa unang simba sa umaga habang ang buong kabahayan ay natutulog pa. Naaalala ko na siya ay istrikto, mabait, maganda, at matapang na babae, at medyo matalinghaga - hindi pangkaraniwan noong mga araw na 'yon. Nakatitiyak ako na hindi kailanman siya nakarinig ng patungkol sa Islam, at nawa'y husgahan siya ng Tagapaglikha base sa paniniwala na pinanghawakan ng puso niya. Marami sa mga hindi kailanman nakarinig ng patungkol sa Islam ang nagdarasal sa Nag-iisa sa pamamagitan ng kalikasan sa kanilang kalooban, bagaman mayroon silang minanang mga katawagan ng iba't-ibang denominasyon mula sa kanilang mga ninuno.

Ipinasok ako sa isang Katolikong eskwelahang pangbata sa edad na apat at ginugol ang sumunod na 12 taon ng buhay na napapalibutan ng mabibigat na dosis ng pangangaral sa doktrinang trinidad. Ang mga krus ay nasa bawat lugar, buong araw - sa mga madre mismo, sa mga pader ng silid-paaralan, sa simbahan na aming pinupuntahan halos araw-araw, at sa halos lahat ng kwarto ng aming tahanan. Bukod pa sa mga rebulto at mga sagradong larawan - saan ka man tumingin ay mayroong sanggol na Hesus at kanyang inang si Maria - minsa'y masaya, minsa'y malungkot, gayunpama'y laging klasikong puti at lahing anglo ang hitsura. Iba-iba at sari-saring mga anghel at larawan ng mga santo ang makikita, depende sa paparating na mahal na araw.

Mayroon akong malinaw na mga alaala habang nagpipitas ng mga bulaklak ng lilac at lily sa lambak mula sa aming bakuran upang gumawa ng mga palumpon na inilalagay ko sa paso at sa ibaba ng pinakamalaking rebulto ni Inang Maria sa daanan sa taas kasunod ng aking kwarto. Doon ako luluhod at magdarasal, ninanamnam ang mabining halimuyak ng bagong pitas na mga bulaklak at payapang pagmamasdang mabuti kung gaano kaganda ang mahabang kulay kastanyas na buhok ni Maria. Walang duda kong masasabi na hindi ako kailanman nagdasal SA KANYA o nakaramdam na mayroon siyang anumang kapangyarihan para tumulong sa akin. Gayundin ang totoo kapag hawak ko ang mga butil ng rosaryo sa gabi. Inuulit ko ang ritwal na mga panalangin ng 'Ama Namin' at ang 'Aba Ginoong Maria, at ang 'Luwalhati sa Ama sa Anak at sa Espiritu Santo', habang nakatingala sa taas at binabanggit ng bukal sa puso—alam kong tanging Ikaw lamang, Nag-iisang Makapangyarihang Ikaw—sinasabi ko lamang ang mga salitang ito dahil ito lamang ang tangi kong natutunan.

Sa ikalabing-dalawang kaarawan ko, binigyan ako ng aking ina ng isang Bibliya. Bilang mga Katoliko hindi kami hinihimok na magbasa ng anuman liban sa aming Baltimore Catechism, na pinagtibay ng Vatican. Anumang paghahambing at sariling pagsisiyasat ay itinatanggi at hinahamak. Gayunpaman, taimtim akong nagbasa, naghahangad na malaman ang inaasahan kung isang kwento mula dito na patungkol sa aking Tagapaglikha. Mas lalo akong nalito. Ang aklat na ito ay malinaw na gawa ng mga tao, magulo at mahirap intindihin. Gayunpaman, muli, ito lamang ang meron

Ang dati kong tapat na pagpunta palagi sa simbahan ay nawala sa kalagitnaan ng aking pagdadalaga, dahil ito ang pamantayan ng aking henerasyon, at ng ako ay tumuntong na ng dalawampu, wala na akong pormal na relihiyon. Nagbabasa ako ng marami patungkol sa Budismo, Hinduismo at sumubok rin sa lokal na simbahang pang-Baptist ng ilang buwan. Hindi sila naging sapat para kunin ang aking atensyon, ang nauna ay masyadong kakaiba at ang huli ay masyadong makitid. Ngunit sa mga taon na walang pormal na pagsasanay, walang lumipas na araw na hindi ako “nakikipag-usap sa Diyos” lalo na sa pagtulog, palagi akong nagpapasalamat sa mga biyaya at humihingi ng tulong sa anumang problema na aking kinakaharap. Palaging walang pagbabago na ang tiyak na NAG-IISA AT NATATANGI ang Siyang tinatawag ko, sigurado na Siya ay nakikinig at nagtitiwala sa Kanyang pagmamahal at pangangalaga. Walang sinuman na nagturo nito sa akin; ito ay purong kapasyahang likas sa kalooban.

Mahina Pinakamagaling

Si Diane Charles Breslin, Dating Katoliko, Estados Unidos (bahagi 2 ng 3)

Marka:
Sukat ng Font:
A- A A+

Paglalarawanˇ: Ang mga ginawang pagbabasa ni Diane patungkol sa Islam ay naging dahilan para muli niyang mahalin si Hesus at Maria, ngunit isang tunay na pagmamahal sa bagong kahulugan.

  • Ni Diane Charles Breslin
  • Nailathala noong 24 Aug 2020
  • Huling binago noong 04 Oct 2009
  • Nag-print: 4
  • Tumingin: 6,293
  • Marka: Wala pa
  • Nag-marka: 0
  • Nag-email: 0
  • Nag-komento: 0
Mahina Pinakamagaling

Ang Iba Pa

Yaon ay panahon na ako ay nasa paghahanda para sa aking masteral degree nang unang beses akong makarinig ng patungkol sa Quran. Hanggang sa panahong yaon, gaya ng karamihan sa mga Amerikano, ang tanging alam ko patungkol sa mga “Arabo” ay ang pagiging misteryoso, mga maninila na nariyan upang salakayin ang ating kabihasnan. Ang Islam ay hindi kailanman nabanggit – tanging ang masasama, maruruming mga Arabo, mga kamelyo at mga tolda sa disyerto. Bilang isang bata na nasa pag-aaral ng relihiyon, madalas akong mapaisip kung sino ang ibang mga tao? Si Hesus ay naglakad sa Caana at Galilee at Nazareth, ngunit mayroon siyang bughaw na mga mata — sino pa ang ibang mga tao? Naunawaan ko na mayroong nawawalang kaugnayan sa ibang lugar. Noong 1967, sa panahon ng sigalot sa pagitan ng mga Arabo at Israelita, nagkaroon kaming lahat ng unang sulyap sa ibang mga tao, at sila ay malinaw na itinuturing ng marami bilang kaaway. Ngunit para sa akin, gusto ko sila, at yan ay sa walang malinaw na dahilan. Hindi ko ito maipaliwanag, liban na lamang na maunawaan ngayon na sila ay aking mga kapatid na Muslim.

Ako ay nasa edad na 35 nang mabasa ko ang unang pahina ng Quran. Binuksan ko ito sa layunin ng simpleng pagsasaliksik para maging pamilyar sa relihiyon ng mga nananahan sa rehiyon kung saan ako nag-aaral ng aking masteral degree. Ipinangyari ng Diyos na mabuksan ko ang aklat sa Surat al-Mu'minun (Ang Tunay na Naniniwala), sa ika-52 hanggang 54 na talata:

“Katotohanan, itong inyong relihiyon ay isang relihiyon, at Ako ang inyong Panginoon, kaya matakot kayo sa Akin. Subalit, kanilang pinaghati-hati ang kanilang relihiyon sa iba't-ibang bahagi - bawat pangkat ay nangagdiriwang sa anumang nasa kanila. Kaya, hayaan sila sa kanilang kalituhan hanggang sa takdang panahon.” (Quran 23:52-54)

Mula sa unang pagbabasa, batid ko na ito ay tiyak na katotohanan - malinaw at malakas na pwersa, na naglalantad ng katangian ng sangkatauhan at kinukumpirma ang lahat ng aking mga napag-aralan bilang isang major sa Kasaysayan. Ang kalunos-lunos na pagtanggi ng sangkatauhan sa katotohanan, ang kanilang walang tigil na walang kabuluhang pagpapaligsahan na maging espesyal at ang kanilang kapabayaan sa layunin ng kanilang buhay, lahat ay ipinahayag sa ilang mga salita. Ang mga estado ng nasyon, mga nasyonalidad, mga kultura, mga lenggwahe - lahat ay nag-aakalang mas nakahihigit, gayung sa katunayan, lahat ng mga pagkakakilanlang ito ay nagtatakip lamang sa realidad na dapat nating pagsaluhang ikagalak - yan ay ang maglingkod sa iisang Panginoon, ANG NAG-IISA NA SIYANG Lumikha ng lahat ng bagay at Siya na Nagmamay-ari ng lahat ng bagay.

Si Hesus at Maria ay Mahal ko pa rin

Noong ako ay bata pa, nakasanayan kong sabihin ang pariralang “Santa Maria, ina ng Diyos, ipanalangin mo kaming mga makasalanan, ngayon at kung kami'y mamamatay, Amen,” na matatagpuan sa panalangin na “Aba Ginoong Maria”. Nakita ko na ngayon kung gaano siniraan ng puri si Maria sa pamamagitan ng maling pagpapakahulugan sa kanya bilang ina ng Diyos. Sapat nang ituring siya bilang pinili sa lahat ng mga kababaihan upang magdala sa kahanga-hangang propetang si Hesus sa pamamagitan ng panganganak na birhen. Ang aking ina ay madalas na ipaglaban ang kanyang patuloy na pagsamo sa tulong ni Maria sa pamamagitan ng pagpapaliwanag na siya rin ay isang ina at nauunawaan niya ang lumbay ng isang ina. Mas magiging kapaki-pakinabang para sa aking ina at sa iba pa na pagbulay-bulayan kung gaanong ang pinaka dalisay na si Maria ay siniraang-puri ng mga Hudyo sa kanyang kapanahunan at pinaratangan ng isang kasuklam-suklam na kasalanan, ang pakikipag-talik nang hindi kasal. Dinala itong lahat ni Maria, sa kaalaman na ipagtatanggol siya ng Pinaka-Makapangyarihang Diyos, at na siya ay bibigyan ng lakas na makayanan ang lahat ng kanilang paninirang-puri.

Ang pagkilalang ito sa panananampalataya at paniniwala ni Maria sa habag ng Diyos ay magpapahintulot sa isang tao na kilalanin siya sa kanyang mataas na posisyon sa mga kababaihan, at gayun din na tanggalin ang paninirang-puri sa pagtawag sa kanyang 'ina ng Diyos', na isang napakasamang paratang kaysa sa ginawa ng mga Hudyo sa kanyang kapanahunan. Bilang isang Muslim, maaring mong mahalin si Maria at Hesus, ngunit ang higit na pagmamahal sa Diyos ay magdadala sayo sa Paraiso, dahil Siya ang Nag-iisa na dapat mong sundin ang mga kautusan. Siya ang huhusga sayo sa araw na walang sinumang makakatulong sa iyo. Siya ang Lumikha sayo, kay Hesus at sa kanyang inang si Maria, katulad ng Kanyang pagkakalikha kay Propeta Muhammad. Lahat ay namatay at mamamatay - Ang Diyos ay hindi kailanman mamamatay.

Si Hesus ('Isa sa lenggwaheng Arabe) ay hindi kailanman nag-angkin na siya ay Diyos. Sa halip, paulit-ulit niyang tinukoy ang kanyang sarili bilang 'isinugo'. Sa aking pagbabalik-tanaw sa pagkalitong naranasan ko sa aking kabataan, ito ay nag-ugat sa pag-aangkin ng simbahan na si Hesus ay higit pa sa kanyang sinabi. Ang mga pinuno ng simbahan ay bumuo ng doktrina para imbentuhin ang konsepto ng Trinity (tatlong persona). Ito ay ang magulong pagsasalin ng orihinal na Torah at Injil (ang mga kapahayagan na ibinigay kay Moises at Hesus) na siyang nasa sentro ng usapin sa Trinity.

Sa matapat na katotohanan, sapat nang sabihin na si Hesus ay isang propeta, oo tama, isang sugo na dumating na may dala-dalang salita ng Nag-iisa na Siyang Nagsugo sa kanya. Kung ating titingnan si Hesus, mapasakanya ang habag at pagpapala ng Tagapaglikha, sa kanyang tamang kahalagahan, magiging madali ang pagtanggap kay Muhammad, mapasakanya ang habag at pagpapala ng Tagapaglikha, bilang kanyang nakababatang kapatid na dumating para sa parehong misyon - ang anyayahan ang lahat tungo sa pagsamba sa Nag-iisang Pinaka-Makapangyarihan sa lahat, na Siyang Lumikha ng lahat at sa Kanya na tayong lahat ay magbabalik. Walang kahihinatnan o ano pa man ang pagtalunan ang kanilang pisikal na kaanyuan. Ang mga Arabo, Hudyo, Caucasian, asul o kulay-tsokolateng mga mata, mahaba o maiksing buhok - lahat ay walang kaugnayan sa kanilang kahalagahan bilang tagapaghatid ng mensahe. Sa tuwing iniisip ko si Hesus ngayon, matapos kong malaman ang Islam, naramdaman ko ang koneksyon ng pagiging malapit katulad ng pakiramdam ng isang tao sa isang masayang pamilya - pamilya ng mga mananampalataya. Nakita mo, si Hesus ay isang “Muslim”, isang tao na nagpapasakop sa Kanyang Panginoong nasa Kaitaas-taasan.

Ang una sa “Sampung Kautusan” ay nagsasaad:

1. Ako ang Panginoon mong Diyos, huwag kang magkaroon ng ibang Diyos maliban sa Akin.

2. Huwag mong gamitin sa walang kabuluhan ang pangalan ng Diyos.

Sinumang nakababatid sa tamang kahulugan ng “la ilaha ila-llah” (walang ibang Diyos maliban sa Natatanging Diyos) ay agad na mapapansin ang pagkakapareho sa testimonyang ito. Pagkatapos ay maari na nating umpisahan na pagsamahin ang tunay na kwento ng lahat ng mga propeta at bigyang wakas ang mga kabaluktutan.

“At sila ay nagsasabi: “Ang Natatanging Tagapaglikha na Pinakamahabagin ay nagkaroon ng anak na lalaki!” Katiyakan, nakagawa kayo, O kayo na mga nagsasabi nito, ng napakalaking kalapastanganan. Na halos mawarak ang mga kalangitan dahil sa napakasidhing kalapastanganang ito, at ang kalupaan ay magkabiyak-biyak mula sa ilalim, at ang kabundukan ay malansag sa pagkaguho.” (Salin ng kahulugan ng Quran 19:88-90)

Mahina Pinakamagaling

Si Diane Charles Breslin, Dating Katoliko, Estados Unidos (bahagi 3 ng 3)

Marka:
Sukat ng Font:
A- A A+

Paglalarawanˇ: Si Diane ay tinalakay ang kanyang pagtanggap sa Islam, ang kanyang bagong buhay, at isang panalangin para sa Amerika.

  • Ni Diane Charles Breslin
  • Nailathala noong 24 Aug 2020
  • Huling binago noong 04 Oct 2009
  • Nag-print: 4
  • Tumingin: 5,702
  • Marka: Wala pa
  • Nag-marka: 0
  • Nag-email: 0
  • Nag-komento: 0
Mahina Pinakamagaling

Ang Aking Paglalakbay sa Islam

Tumagal ng tatlong buong taon ng aking paghahanap at pag-aaral ng Quran bago ako naging handang ipahayag na nais kong maging isang Muslim. Siyempre ako ay natakot sa mga pagbabago sa pananamit at mga gawi, tulad ng pakikipag-deyt at pag-inom kung saan ako nasanay. Ang musika at pagsasayaw ay isang malaking bahagi ng aking buhay, at ang mga tupis at babong (mini skirts) ay ang aking naging daan sa katanyagan. Samantala, hindi ako nagkaroon ng pagkakataong makatagpo ng sinumang mga Muslim, dahil wala sa aking lugar maliban sa ilang mga dayuhang hindi halos nakakapagsalita ng Ingles na ilang oras na pagmamaneho ang layo sa tanging moske sa estado sa panahong yaon. Kapag ako ay nagpupunta sa pagdarasal ng Biyernes upang subukan at suriin kung ano ang aking isasaalang-alang, nakakatanggap ako ng mga nakaw na sulyap dahil ako marahil ay pinaghihinalaang isang espiya tulad ng naging usapin, at nananatili pa rin, sa karamihan ng mga Islamikong pagtitipon. Wala ni isa mang Muslim na Amerikano ang naroroon upang tulungan ako at, tulad ng aking sinabi, ang lahat ng mga populasyon ng mga dayuhan sa halip ay nanlalamig para magsalita nang kahit kaunti.

Sa Kalagitnaan ng yugtong ito ng aking buhay, ang aking ama ay pumanaw sa kanser. Ako ay nasa tabi ng kanyang kama at literal na nasaksihan ang anghel ng kamatayang ng tanggalin ang kanyang kaluluwa. Siya ay kinapitan ng takot habang ang mga luha ay gumugulong sa kanyang mga pisngi. Isang maluhong buhay, yate, samahang pampamayanan, mamahaling sasakyan ... para sa kanya at sa aking ina, lahat ay bunga ng kita sa pagpapatubo, at ngayon itong lahat ay nagwakas na.

Ako ay nakaramdam ng isang biglaang paghahangad na pasukin ang Islam nang agaran, habang may oras pa, at baguhin ang aking mga pamamaraan at hindi na magpatuloy sa bulag na hangarin kung saan ako pinalaking maniwala kung ano ang mabuting buhay. Hindi nagtagal pagkatapos ay nagpunta ako sa Ehipto, at sumama sa isang mahabang mabagal na paglalakbay sa pamamagitan ng himala ng wikang Arabe at ang pagkatuklas sa malinaw na katotohanang - ang Diyos ay Nag-iisa, ang Walang-katapusang Walang Hanggan; Na Siyang hindi kailanman ipinanganak o nagka-anak at wala sa lahat ang anumang katulad Niya.

Ang bunga ng pagkakapantay-pantay sa pagitan ng mga tao ang nakaakit sa akin ng lubos sa relihiyong yaon. Ang Propeta Muhammad, nawa'y ang awa at mga pagpapala ng Diyos ay sumakanya, ay nagsabing ang mga tao ay katulad ng mga ngipin ng isang suklay - lahat ay pantay, ang pinakamainam ay ang naging pinakamatuwid. Sa Quran, tayo ay sinabihan na ang pinakamainam ay ang siyang pinakamatuwid. Ang pagiging matuwid ay kinabibilangan ng pagmamahal at pagkatakot sa Diyos lamang. Ngunit bago ka maaari talagang maging matuwid, dapat mong makilala kung sino ang Diyos. At ang makilala Siya ay ang mahalin Siya. Sinimulan kong mag-aral ng Arabe upang mabasa ang salita ni Allah sa Arabe kung papaano ito ipinahayag.

Ang pag-aaral sa Quran ang nagpabago sa bawat bahagi ng aking buhay. Hindi na ako naghahangad na magkaroon ng anumang makamundong karangyaan; alinman sa mga sasakyan o damit o mga paglalakbay na maaaring makaakit sa akin sa sapot ng walang kabuluhang pagnanasa na kung saan ako nahumaling noon. Ako ay nasisiyahan sa isang katamtamang kagandahan ng buhay ng isang mananampalataya; ngunit tulad ng sinasabi nila... ito ay hindi na nakabaon sa puso... nasa kamay na lamang. Ako ay hindi nababahala sa pagkawala ng aking mga dating kaibigan o kamag-anak - kung ang Diyos ay loloobin na sila ay mapalapit, magkagayon ay mangyayari ito, ngunit alam kong ang Diyos ay bibigyan ako ng tiyak na aking kailangan, walang labis - walang kulang. Hindi na ako nakakaramdam ng pagkabalisa o pagkalungkot, ni hindi rin ako nakakaramdam ng panghihinayang sa anumang nagdaan sa akin, dahil ako ay ligtas sa pangangalaga ng Diyos - ANG NAG_IISA AT NATATANGI na Siya kong palaging nakikilala ngunit hindi nalalaman ang Kanyang pangalan.

Isang Panalangin para sa Amerika

Aking ipinagdarasal sa Diyos na Makapangyarihan sa lahat na mabigyan ng pagkakataong makatanggap ng mensahe ng kaisahan ng Diyos sa isang payak, tahasang pamamaraan ang bawat Amerikano... Ang mga Amerikano ay, sa malaking bahagi, ay higit na hindi nasabihan patungkol sa wastong Islamikong teolohiya. Ang diin ay halos palaging sa politika, na nakatuon sa mga gawa ng tao. Napapanahon nang pagtuunan ng pansin ang mga gawa ng mga propeta na lahat ay dumating upang akayin tayo palabas mula sa kadiliman at patungo sa liwanag. Walang alinlangan na ang kadiliman ay nananatili sa karamdamang nakakaapekto sa Amerika ngayon. Ang liwanag ng katotohanan ay magsisilbi sa ating lahat, at piliin man o hindi ng sinuman na sundin ang Islamikong landas, walang duda na ang pagharang dito o ang paghadlang ng iba mula sa pagsunod dito ay tiyak na hahantong sa karagdagang pagdurusa. Ako ay labis na nagmamalasakit para sa mahusay na kinabukasan ng aking bansa, at ako ay nakatitiyak na ang pag-aaral ng higit pa tungkol sa Islam ay mapapalaki ang mga pagkakataong ang aking pag-asa ay matupad.


Mahina Pinakamagaling

Mga bahagi ng mga artikulo na ito

Magdagdag ng komento

  • (Hindi nakikita sa publiko)

  • Ang iyong komento ay susuriin at dapat malathala sa loob ng 24 oras.

    Ang patlang na may markang asterisk (*) ay kailangan.

Pinakamaraming Tumingin

Araw-araw
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
Kabuuan
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Pinili ng Editor

(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Listahan ng Contento

Simula ng iyong huling pagbisita
Ang listahang ito ay kasalukuyang walang laman.
Lahat sa pamamagitan ng petsa
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Pinaka Sikat

Pinakamataas ang marka
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
Pinakamaraming nag-email
Pinakamaraming nag-print
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
Pinakamaraming nag-komento
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Ang iyong mga paborito

Your favorites list is empty. You may add articles to this list using the article tools.

Ang iyong History

(Magbasa pa...) Alisin
Minimize chat