Si Brandon Toropov, Dating Kristiyano, USA (bahagi 1 ng 2)

Marka:
Sukat ng Font:
A- A A+

Paglalarawanˇ: Ang personal na pakikipagsapalaran ng isang tao upang pag-aralan ang pinaka-tunay na mga talata sa Bibliya, ang mga talatang Q, na umakay sa kanya patungo sa Islam. Unang bahagi: Isang suliranin sa pangkaraniwang Kristiyanismo.

  • Ni Brandon Toropov
  • Nailathala noong 24 Aug 2020
  • Huling binago noong 02 May 2010
  • Nag-print: 3
  • Tumingin: 5,608 (araw-araw na pamantayan: 4)
  • Marka: Wala pa
  • Nag-marka: 0
  • Nag-email: 0
  • Nag-komento: 0
Mahina Pinakamagaling

Ang Dumaraming Nagbabalik-loob

Kung ikaw ay isang Kristiyano, ang ideya na si Hesus, sumakanya nawa ang habag at mga pagpapala ng Diyos, ay nagsagawa ng parehong pananampalataya na ginagawa ng kasalukuyang binabalita na responsable sa napakaraming mga problema ng mundo ay maaaring di kapani-paniwala para sa iyo. Ito ay mahirap paniwalaan para sa akin nang una ko itong makatagpo, bago ako kumonsulta nang mabuti sa mga Ebanghelyo. Gayunpaman dapat mong malaman na napakaraming mga kontemporaryong Kristiyano ang nakarating sa pansariling pagpapasiyang pagbabago sa buhay tungkol sa mensahe ng Ebanghelyo at ang kaugnayan nito sa Islam.

“Mayroong nakapupukaw na anekdotang katibayan sa isang biglaang pag-akyat ng nagbabalik-loob sa Islam mula noong Setyembre, hindi lamang sa Britanya, bagkus sa buong Europa at Amerika. Ang isang Dutch na Islamic center ay nagpahayag ng malaking pagtaas ng sampung beses, habang ang New Muslims Project, na nakabase sa Leicester at pinamamahalaan ng isang dating Irish na Romanong Katolikong maybahay, ay nag-ulat ng isang sunod-sunod na hanay ng bagong mga nagbabalik-loob.” (London Times, Enero 7, 2002.)

Tayo ay Binalewala ng Pangunahing mga Media

Ang Kanluraning mga pagbabalita ay bihira lamang magbahagi ng mga kwento ng mga taong ito na nagbalik-loob sa Islam sa buong mundo, subali't masidhi kong pinaghihinalaan na ang karamihan sa mga taong ito -- kung sila ay katulad ko -- napag-alaman sa kanilang mga sarili, sa dulo napagtanto, na nababahala tungkol sa mga kahihinatnan ng pagtawag kay Hesus na “Panginoon” nang walang pagsunod sa kanyang mga tagubilin ... napag-alaman na ang kanilang mga sarili ay higit na nababahala tungkol dito, sa katunayan, kaysa sa anumang saklaw ng media sa geopolitikal na mga isyu.

Ang ganitong uri ng pagkabahala ay nagiging sanhi sa mga tao na baguhin ang kanilang pamumuhay.

Ang hamon ng Q

Sa personal na pagsasalita, binago ko ang aking sariling buhay dahil hindi ko kaya na ipagsawalang-bahala ang ipinahihiwatig ng tunay, naninindigan mag-isang Ebanghelyo na mga talata na pinaniniwalaan ng mga kasalukuyang pinakatanyag na (hindi Muslim na!) mga iskolar na mula sa pinaka-sinaunang panahon na mayroon.

Ang mga kasabihan na ito, na bumubuo ng isang muling inayos na teksto na kilala bilang Q, ay maaaring matagpuan sa Bagong Tipan. Ang mga ito ay halos walang dudang pinakamalapit na maaari nating marating sa isang tunay na oral (salita) na tradisyon na sumasalamin sa aktwal na mga kasabihan ni Hesus, sumakanya nawa ang habag at mga pagpapala ng Diyos.

Kinukumpirma ng Q ang Islam

Kung bago para sa iyo ang Q, dapat mong malaman kung ano ang nalalaman ngayon ng pinakamagaling na mga iskolar ng Bagong Tipan, lalo na ang kasalukuyang mga kaalaman ay kinikilala ang ilang mga sipi ng Ebanghelyo bilang hindi lamang nagtuturo, bagkus ayon sa kasaysayan ay higit na may kaugnayan kaysa sa ibang mga sipi. Ang kaalaman na ito ay humantong sa ilang kamangha-manghang mga talakayan sa pagitan ng mga iskolar (at sapat na ilang karaniwang mga mambabasa).

Naniniwala ako na ang Q na mga talata ay nagsisilbi upang pagtibayin ang paglalarawan ng Islam kay Hesus bilang isang taong Propeta na may isang Banal na kautusan na tunay na walang pinagkaiba mula kay Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan ay pagpapala ng Diyos).

Ang Isang Taong Propeta

Hindi ko binuo ang teorya ng Q, Ito ay matagal na sa loob ng maraming taon. Ang “tradisyunalistang” Kristiyanong mga pastor/pari at teologo ay kalimitang laban dito. Sinasabi nila na ang mga disipulo ng Q ay kahit paano ay sabik na paliitin ang katayuan ni Hesus, sumakanya nawa ang kapayapaan. Sa totoo lang, sabik kaming malaman kung ano talaga ang talagang sinabi niya.

Ang Q ay kumakatawan sa isang malaking hamon para sa kontemporaryong Kristiyanismo, hindi dahil sa mariing ipinapahiwatig nito na ang paglalarawan ng Islam kay Hesus ay tama ayon sa kasaysayan. Ang katotohanang tunay na pinagtibay ng Q na ang paglalarawan ng Islam kay Hesus bilang isang malinaw na taong Propeta ay hindi pa, sa palagay ko, napapansin ng karamihang kasalukuyang Kristiyano. At ito ay dapat mangyari. Sapagka't ang isang maingat na pagsusuri sa mga banal na kasulatan ay nagpapakita na si Hesus ay sa katunayan tumatawag sa kanyang mga tao patungo sa Islam.

Dinala ako ni Hesus sa Islam!

Dumating ako sa Islam, Alhamdulillah [ang lahat ng papuri ay para sa Diyos], pagkalipas ng tatlong dekadang walang tigil na pagkayamot sa tradisyonal na Kristiyanismo. Bagaman marami na akong nabasang mga kwento ng pagbabalik-loob mula nang yakapin ko ang Islam noong Marso ng 2003, wala akong maraming nakita na nagbanggit sa mga Ebanghelyo bilang isang dahilan ng pagpasok sa Banal na Quran. Ganito ang nangyari sa akin.

Ako ay naakit ng mga Ebanghelyo sa murang edad -- labing-isa -- at binasa ko sila nang may pananabik sa aking sarili, sa kabila ng katotohanang hindi ako lumaki sa isang Kristiyanong pamilya. Di-nagtagal ay natutunan kong panatilihin ang mga relihiyong bagay sa aking sarili.

Maagang Mga Katanungan

Karamihan sa aking kabataan ay ginugol ko sa pag-aaral ng mga banal na kasulatan ng Kristiyano sa sarili kong pagsisikap. Nasa akin parin ang pulang Bibliya ni haring James na binili ko noong ako'y bata pa; ang aking sariling sulat-kamay na tala sa unang pahina ay nagpapahayag ng Hunyo 26, 1974, bilang araw ng pagtanggap ko kay Hesus bilang aking personal na Tagapagligtas.

Kapag sinabi kong binasa ko ang mga banal na kasulatan nang may pananabik, ibig kong sabihin ay naakit ako sa mga Ebanghelyo ni Mateo, Marcos, Lukas, at Juan tulad ng isang magnet. Napakaraming mga nota at mga minarkahan sa aking lumang bibliyang iyon sa mga Salmo, sa mga Ecclesiastes, sa mga salawikainin -- ngunit ang karamihan sa mga nota at mga salungguhit ay nasa mga Ebanghelyo. Subali't naunawaan ko, kahit sa murang edad, na mayroong ilang mga panloob na problema sa mga tekstong mahal na mahal ko.

Sino ang Nakialam sa mga Ebanghelyo?

Malinaw kong naaalala ang pagbabasa ng kuwento sa ika-22 kabanata ng Lucas kung saan lumayo si Hesus mula sa mga disipulo, nanalangin, at bumalik na natagpuan silang mahimbing na natutulog. Sino, naisip ko, marahil ang maaaring makakita sa kanya habang nananalangin ... at pagkatapos ay iniugnay ang pangyayari upang sa kalaunan ay maipasok sa Ebanghelyo ni Lucas? May isa pang sipi sa mga Ebanghelyo na kung saan marahil isinama ni Hesus ang mga salitang “hayaan mo siyang nagbabasa ang umunawa” sa isa sa kanyang mga sinasabing matalinhaga, na tila kakaiba para sa akin. At may isa pang dako na kung saan tiniyak ng may-akda ng Bagong Tipan sa mga Kristiyano noong unang siglo na makikita ng kanilang henerasyon ang pangalawang pagdating ng Mesiyas -- isang siping nahihirapan akong pagtugmain sa makabagong doktrina ng Kristiyano. Ang mga ito at iba pang mga katanungan tungkol sa Bagong Tipan ay lumitaw habang ako ay medyo bata pa, ng may katiyakan bago pa lamang ako mag labing-lima. May nagmanipula ba sa mga Ebanghelyo? Kung totoo man, sino? At bakit?

“Tinipon” ko ang aking mga katanungan para sa kalaunan, at napagpasyahan na ang tunay na problema ay yaong hindi ako bahagi ng isang masiglang pananampalataya ng Kristiyanong pamayanan.

Katoliko

Sa ikalabing-walo, nagtungo ako sa silangan para sa kolehiyo at pinasok ang Simbahang Romano Katoliko. Sa kolehiyo, nakilala ko ang isang maganda at mahabagin na babaeng Katoliko na magiging pinakamamahal at suporta ng aking buhay; hindi siya lubusang relihiyosa, subali't hinahangaan niya kung gaano kahalaga sa akin ang mga bagay na ito, at gayon din suportado niya ako sa aking mga paniniwala. Tila bagang gumagawa ako ng isang malaking kawalan ng katarungan sa kanya, sa kanyang pagiging walang hanggang mapagkukunan ng lakas, suporta, at pagmamahal, sa pamamagitan ng pagpapaikli ng panimula ng aming relasyon sa ilang mga pangungusap rito.

Ang isang Engkwentro kasama ang isang Pari

Tinanong ko ang pari ng kampus -- isang malambing at maka-diyos na tao -- tungkol sa iilang materyal ng Ebanghelyo na nagbigay sa akin ng kaguluhan, subali't siya ay naging balisa at binago ang paksa. Sa isa pang pangyayari, naaalala kong sinabi ko sa kanya na nakatuon ako ng mabuti sa Ebanghelyo ni Juan sapagkat ang Ebanghelyong iyon ay (tulad ng naisip ko noon) ang first-person (mismong nakasaksi) sa mga kaganapan na aking tinatanong.

Muli, siya ay napautal at binago ang paksa at ayaw niyang talakayin ang mga bagay ng isang Ebanghelyo sa iba; iginiit lamang niya na ang apat ay mahahalaga at dapat pag-aralan ko silang lahat. Ito ay isang pag-uusap na may kinahantungan, at isang mapalad na bagay pala ang kinalabasan.

Kristiyanismo o Paulismo?

Ngayon, hindi ito kwento ng aking buhay, ngunit sa halip ay ang pagpapaliwanag sa aking pagbabalik-loob, kaya dadako ako ng mabilisan sa maraming mahahalagang pangyayari. Ang malambing na pari ng kampus na iyon sa kalaunan ay ikinasal ako at ang aking kasintahan, at namalagi kami sa isang suburban (lugar sa labas ng syudad) ng Massachusetts. Kami ay maayos na nagpatuloy at tumanda. Nagkaroon kami ng tatlong magagandang anak. At patuloy kong binabasa ang Bibliya. Ako ay nadadala, tulad ng dati, sa mga kasabihan tungkol sa ang lampara at ang paningin, ang alibughang anak, ang mga pagpapala, ang kahalagahan ng pagdarasal, at marami pang iba -- subali't ako ay may patuloy na malubhang mga pangkaisipan na problema na nakapalibot sa “arkitektura” ng Bagong Tipan, lalo na kay Apostol Pablo. Ang katotohanan na si Pablo ay hindi kailanman gumawa ng isang teolohikal na argumento sa anumang bagay na tunay na sinabi ni Hesus ay isang napakalaking tanong para sa akin.

Sa kalagitnaan ng 1990, Ako at ang aking asawa ay parehong lubusang nasiraan na ng loob sa Simbahang Katoliko, sa kadahilanang tunay na kakila-kilabot na ang pari na nagbigay ng napaka kaunting pansin sa mga espirituwal na pangangailangan ng kanyang komunidad ay sa bandang huli napag-alaman namin na siya ay nagtatago bilang isang nang-aabuso ng bata!

Protestante

Para sa akin, kinakailangan kong ipasok ang aking sarili sa isang pamayanan ng pananampalataya. Ako ay sumali, at naging aktibo sa, lokal na denominasyon ng Protestante, isang kapulungang Simbahan.

Kaya pinangunahan ko ang mga lingguhang pag-aaral para sa mga bata, at dagliang nakapagturo ng isang klase patungkol sa mga parabula ng Ebanghelyo para sa mga matatanda. Sa lingguhang pag-aaral para sa mga bata ay sinusunod ko lamang ang kurikulum na ibinigay sa akin; ngunit sa klase na para sa mga matatanda, sinubukan kong hamunin ang mga kalahok na harapin ang ilang mga parabula nang direkta, nang walang pamamagitan ni Apostol Pablo. Nagkaroon kami ng kawili-wiling talakayan, subali't naramdaman ko ang ilang pagtutol, at hindi ko na sinubukang muling magturo sa isang klase na para sa mga matatanda. Kalaunan ay sumali ang aking asawa sa aking simbahan. (siya ay isang miyembro doon ngayon.)

Sa puntong ito, labis akong naapektuhan sa maliwanag na interseksyon ng mahiwagang tradisyon ng Kristiyano at ng mga Sufi at ng mga Budistang Zen. At may naisulat pa ako tungkol sa mga bagay na ito. Ngunit tila walang sinuman mula sa aking simbahan ang nagbahagi ng aking pagsisikap para sa mga isyung ito.

Mahina Pinakamagaling

Mga bahagi ng mga artikulo na ito

Tingnan ng sama-sama ang lahat ng mga bahagi

Magdagdag ng komento

  • (Hindi nakikita sa publiko)

  • Ang iyong komento ay susuriin at dapat malathala sa loob ng 24 oras.

    Ang patlang na may markang asterisk (*) ay kailangan.

Ibang mga artikulo sa Parehong mga Kategorya

Pinakamaraming Tumingin

Araw-araw
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
Kabuuan
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Pinili ng Editor

(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Listahan ng Contento

Simula ng iyong huling pagbisita
Ang listahang ito ay kasalukuyang walang laman.
Lahat sa pamamagitan ng petsa
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Pinaka Sikat

Pinakamataas ang marka
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
Pinakamaraming nag-email
Pinakamaraming nag-print
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
Pinakamaraming nag-komento
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Ang iyong mga paborito

Your favorites list is empty. You may add articles to this list using the article tools.

Ang iyong History

Ang listahan ng iyong mga paborito ay walang laman. Maari kang magdagdag ng mga artikulo sa listahang ito gamit ang article tools.

Minimize chat