Nais kong maging isang Muslim ngunit... Mga Kuro-kuro sa Pagpasok sa Islam (bahagi 3 ng 3)
Paglalarawanˇ: Ang mga kasalanan, pagkatakot sa reaksyon ng iba, o walang kakilalang sa mga Muslim ay hindi dapat pumigil sa isang tao na yakapin ang Islam.
- Ni Aisha Stacey (© 2011 IslamReligion.com)
- Nailathala noong 24 Aug 2020
- Huling binago noong 06 May 2014
- Nag-print: 4
- Tumingin: 7,828 (araw-araw na pamantayan: 5)
- Nag-marka: 0
- Nag-email: 0
- Nag-komento: 0
Natapos natin ang ikalawang bahagi sa pamamagitan ng pagbanggit na kapag ang isang tao ay nagbalik-loob sa Islam, ang lahat ng kanyang naunang kasalanan, gaano man kalaki o kaliit, ay nabubura. Malinis ang talaan ng gawa, malaya sa kasalanan, makintab at maputi; ito ay isang bagong simula.Gayunpaman, may ilang mga tao na maaaring mag-atubiling tanggapin ang Islam dahil natatakot sila na hindi makakaiwas sa kasalanan. Sisimulan natin ang ikatlong bahagi sa pagtalakay ng paksang ito.
7. Nais kong maging Muslim ngunit alam kong may ilang mga kasalanan na hindi ko mapipigilang gawin.
Kung ang isang tao ay tunay na naniniwala na walang Diyos kundi si Allah, dapat niyang tanggapin ang Islam nang walang pag-aantala, kahit na naniniwala sila na magpapatuloy silang magkasala. Kung nakasanayan ng isang tao na mamuhay sa pamumuhay na walang pag-iisip sa anumang hanay ng mga alituntuning moral, ang Islam ay maaaring magmistulang isang hanay ng mga patakaran at regulasyon na halos imposible na matupad sa umpisa.Ang mga Muslim ay hindi umiinom ng alak, ang mga Muslim ay hindi kumakain ng baboy, ang mga babaeng Muslim ay dapat magsuot ng belo, ang mga Muslim ay dapat manalangin ng limang beses bawat araw.Ang mga kalalakihan at kababaihan ay nahanap ang kanilang mga sarili na nagsasabi ng mga bagay-bagay tulad, “Hindi ko mapigilan ang pag-inom”, o “Mahihirapan akong magdasal araw-araw higit lalo kung limang beses”.
Gayunpaman, ang katotohanan ay, sa sandaling tinanggap ng isang tao na walang diyos na karapat-dapat sambahin maliban sa Allah, at nakabuo ng isang relasyon sa Kanya, ang mga patakaran at regulasyon ay naanod sa kawalan ng halaga. Ito ay isang mabagal na proseso ng pagnanais na kalugdan ng Diyos. Para sa ilan, ang pagtanggap ng mga alituntunin para sa isang maligayang buhay ay aabutin ng ilang araw, o kahit na oras, para sa iba maaari itong mga linggo, ilang buwan, o maging mga taon. Ang bawat paglalakbay ng bawat tao tungo sa Islam ay magkakaiba. Mahalagang tandaan na ang Diyos ay nagpapatawad ng lahat ng mga kasalanan.Ang isang tunay na mananampalataya ay maaari, sa pamamagitan ng habag ng Diyos, na mapasok sa paraiso anuman ang mga kasalanan na nagawa niya. Sa kabilang dako, Ang isang hindi naniniwala, taong sumasamba sa anuman o sinuman na maliban sa Nag-iisang Tunay na Diyos, ay dadalhin sa walang hanggang apoy ng Impiyerno.Samakatuwid binigyan ang isang tao ng pagpipilian sa pagitan ng hindi pagtanggap sa Islam ng lubos o bilang isang Muslim na nagkakasala, ang ikalawa sa pagpipilian ay tiyak na mas mainam.
8. Nais kong maging isang Muslim ngunit takot akong ipaalam sa iba.
Tulad ng ating paulit-ulit na binibigyang diin na walang anuman sa mundo na dapat maging hadlang sa pagyakap ng isang tao sa Islam. Kung ang isang tao ay takot sa reaksyon ng iba, tulad ng kanyang mga magulang, kapatid o kaibigan, at pakiramdam na hindi sila handa na ipaalam sa kanila, dapat pa rin silang magbalik-loob at subukang isabuhay ang Islam nang lingid hangga't kaya nila. Sa paglipas ng panahon, at ang koneksyon sa Diyos ay naitatag na, ang pananampalataya ng isang tao ay lumalakas at malalaman nila kung paano dadalhin ang sitwasyon ng mas maayos.Sa katunayan ang bagong Muslim ay makaramdam ng halos ganap na kalayaan at magsisimulang maramdaman ang pangangailangan na ipaalam sa buong mundo ang kagandahan ng Islam.
Pansamantala, magandang ideya na dahan-dahan at maayos na ihanda ang iyong mga kaibigan at pamilya para sa mga pagbabago na malinaw na magaganap.Marahil ay maaaring magsimulang hayagan na makipag-usap patungkol sa Diyos at relihiyon bilang pangkalahatan, magpahayag ng interes sa iba pang mga paniniwala o Islam sa partikular. Kapag nagsimula ang isang tao na isabuhay ang Islam, na sa katunayan ay isang paraan ng pamamahala ng buhay, ang mga malalapit sa kanila ay madalas na mapansin ang pagkakaiba. Makakakita sila ng bagong paggalang para sa kanila, ang pamilya at lipunan bilang pangkalahatan; makakakita rin sila ng pagbabago sa kilos na madalas mula sa pagkabalisa at hindi pagkasiya tungo sa kapanatagan at pagkakuntento.
Ang Islam ay paraan ng pamamahala ng buhay at mahirap itong itago nang matagal. Mahalagang tandaan na kapag nalaman ng mga tao ang iyong pagpasok sa Islam ay magkakaroon ng reaksyon. Aabot ito mula sa mga natutuwa at tumatanggap, hangang sa mga hindi nasiyahan at nadismaya. Kadalasan, yaong mga nalungkot, ay makakalimot din sa paglipas ng oras at magsisimula na tanggapin ang pagbabago. At kapag nakakakita sila ng maraming positibong pagbabago sa iyo, maaari talaga nilang magustuhan ang iyong pagbabalik-loob.Ang isang tao ay kailangan na manatiling matatag, determinado at alamin na ang Diyos ay kasama niya.Ang iyong mga salita at karanasan ay maaaring magdala sa iba na sundin ang iyong halimbawa. Magtiwala sa Diyos, alamin ang lahat ng iyong makakaya tungkol sa iyong bagong nahanap na pananampalataya at hayaan ang liwanag ng Islam na kuminang sa iyong mga mata.
9. Nais kong maging isang Muslim ngunit wala akong kilalang mga Muslim
Ang ilang mga tao ay natutunan ang patungkol sa Islam mula sa pagbabasa, ang iba ay mula sa pagmamasid ng pag-uugali ng mga Muslim na nakikita nila sa kanilang mga lungsod at bayan, maging ang ilan ay nalalaman ang patungkol sa Islam mula sa mga programa sa TV at para sa iba, ito ang tunog ng 'athan' o tawag para sa pagdarasal. Kadalasan hinahanap at nahahanap ng mga tao ang kagandahan ng Islam nang walang nasasalubong na isang Muslim. Sadyang hindi kinakailangan na kilalanin ang mga Muslim bago tanggapin at magbalik-loob sa Islam.
Ang pagbabalik-loob sa Islam ay kasing dali ng pagbanggit ng mga salita na, Ako ay sumasaksi na walang diyos maliban sa Natatanging Diyos at ako ay sumasaksi na si Muhammad ay Kanyang sugo. Ang pagbabalik loob ay hindi kinakailangan na isagawa sa isang Moske (o Islamic Center) at hindi rin kinakailangang may mga saksi sa pagbabalik loob. Gayunpaman, ang mga bagay na ito,ay pagpapakita ng kapatiran sa Islam at tanda nang simula ng isang bagong pananampalatayakasama ang moral at espirituwal na suporta ng iba.Kung walang Islamic Center sa malapit o mga Muslim na makakatulong, ay maaaring sundin lamang ng isang tao ang pamamaraan na ipinaliwanag sa arktikulong: “Paano Pumasok sa Islam at Maging Muslim?”.
Kaya pagkatapos ng pagpasok sa Islam lubos na makakatulong para sa bagong Muslim na makipag-ugnayan sa ibang mga Muslim. Ang mga kasapi ng iyong bagong espirituwal na pamilya ay matatagpuan sa pamamagitan ng paglapit sa mga lokal na moske at mga Islamic Center, o pagpapakilala sa iyong sarili sa mga Muslim na nakatira sa lugar, nakasama sa parehong bus, o katrabaho sa parehong kumpanya.Gayunpaman, kahit ang isang bagong Muslim ay ganap na nag-iisa, siya ay konektado sa 1.5 bilyong iba pang mga Muslim.
Bago o pagkatapos ng pagpasok sa Islam, ang website na ito ay narito upang tulungan ang mga bagong Muslim o yaong mga nag-iisip na yakapin ang Islam. Mayroong literal na daan-daang madaling maunawaan na mga artikulo patungkol sa Islam.Matapos ang iyong pagbabalik-loob, ang website na ito ay tutulong sayo na magsimula bilang isang bagong Muslimsa pamamagitan ng pagbibigay sa iyo ng mga kapaki-pakinabang na sanggunian at suporta online sa pamamagitan ng Live-Chat.
Magdagdag ng komento