Nais kong maging isang Muslim ngunit... Mga Kuro-kuro sa Pagpasok sa Islam (bahagi 1 ng 3)
Paglalarawanˇ: Ginawa ng Diyos na madali ang pagpasok sa Islam, hindi mahirap.
- Ni Aisha Stacey (© 2011 IslamReligion.com)
- Nailathala noong 24 Aug 2020
- Huling binago noong 12 May 2014
- Nag-print: 4
- Tumingin: 9,003 (araw-araw na pamantayan: 6)
- Nag-marka: 0
- Nag-email: 0
- Nag-komento: 0
Ang pinaka-pangunahing paniniwala sa Islam ay 'walang ibang diyos kundi ang Natatanging Diyos'. Siya, ang Nag-iisa, ang Natatangi, ang Una na walang anumang nauna sa Kanya at ang Huli na walang katapusan, Siya ay walang katambal o anak na lalaki o anak na babae o tagapamagitan. Siya ay Nag-iisa sa Kanyang Paghahari at sa Kanyang walang hanggang Kapangyarihan. Ito ay napaka-simpleng konsepto, ito ang katotohanan. Gayunpaman, kung minsan, ang dalisay na paniniwala sa Diyos ay maaaring maging labis. Kadalasan, tayo ay nagugulat kapag tumawag tayo sa Diyos at Siya ay agad na tumutugon.
Ang relihiyon ng Islam ay sumasaklaw sa simpleng konsepto na iyon – na ang Diyos ay Nag-iisa at binabalot ito sa isang pakete na tinatawag na “pagsubmita“. Ang ibig sabihin ng Islam ay pagpapasakop sa kalooban ng Diyos.Ang salitang-ugat ng Islam (sa-la-ma) ay bahagi rin sa salitang Arabe na nangangahulugang kapayapaan at seguridad. Sa kakanyahan, ang kapayapaan at katiwasayan ay nagmumula sa pamumuhay ayon sa kalooban ng Diyos.Tulad ng isang pag-ikot ng buhaypalagi itong nagsisimula at nagtatapos sa parehong lugar – walang diyos kundi si Allah. Kapag sumuko tayo sa kalooban ng Diyos, tayo ay mga Muslimat upang ipakita ang ating katapatan, tayo ay nagpapatotoo na tayo ay Muslim sa pamamagitan ng pagsasabi, nag-iisa man o kasama ang ibang mga Muslim, ng mga salitang ''La ilaha illa Allah, Muhammad rasul Allah''. Na nangangahulugang 'walang ibang tunay na Diyos kundi si Allah, at si Muhammad, mapasakanya ang habag at pagpapala ng Tagapaglikha, ay Kanyang Sugo'.
Sa tuwing may mga taong nakakaranas at nakakaunawa sa habag ng Tagapaglikha, sinusubukan ni Satanas sa kanyang makakaya na makapinsala sa taong iyon.Ayaw ni Satanas na makaramdam tayo ng kaginhawaan at awa; nais niyang makaramdam tayo ng pagkabalisa at pagkalungkot. Nais niya tayong gumawa ng mga pagkakamali at gumawa ng mga kasalanan. Si Satanas ay nawalan ng pag-asa na maramdaman ang pag-ibig ng Tagapaglikha kaya't nais niyang masira ang maraming tao hangga't kaya niya.
[Si Iblis ay] nagsabi "...katiyakan na ako ay mauupo na nag-aabang para sa kanila [tao] sa Iyong matuwid na landas. Pagkatapos ako ay tutungo sa kanila, mula sa kanilang harapan at mula sa kanilang likuran, sa kanilang kanan at sa kanilang kaliwa...” (salin ng kahulugan ng Quran 7:16-17)
Sa tuwing napagtatanto ng isang tao ang katotohanan at nais na maging isang Muslim, ihinaharap ni Satanas ang salitang ‘ngunit’. Nais kong maging isang Muslim...NGUNIT! Ngunit hindi pa ako handa. Ngunit hindi ako nakakapagsalita ng wikang Arabe. Ngunit ako ay isang puti. Ngunit hindi ko talaga alam ang patungkol sa Islam.Binalaan tayo ng Tagapaglikha mula kay Satanas at sa kanyang tusong pamamaraan.
“O mga anak ni Adan, huwag ninyong hayaang kayo ay tuksuhin o linlangin ng Satanas.” (salin ng kahulugan ng Quran 7:27)
“Katotohanan, ang Satanas ay isang kaaway para sa inyo, kaya siya ay ituring ninyo bilang kaaway.” (salin ng kahulugan ng Quran 35:6)
Sinisikap ng mga bulong ni Satanas na pigilan tayo mula sa pagpasok sa Islam. Ang mga ideyang ito ay hindi dapat maging hadlang sa pagkonekta ng isang tao, o muling pagkonekta sa Pinaka Mahabaging Diyos.Sa seryeng ito o mga artikulo ay tatalakayin natin ang mga kilalang kuro-kuro, ilalantad ang mga ito upang suriin at makita na ang Diyos ay tunay na Ang Pinaka Mahabagin.Ginagawa Niyang madali ang pagyakap sa Islam, hindi mahirap. Walang pero-pero!
1.Nais kong maging isang Muslim ngunit hindi ko nais baguhin ang aking pangalan.
Ang isang taong yumakap sa Islam ay hindi kinakailangang baguhin ang kanyang pangalan. Si Propeta Muhammad, mapasakanya ang habag at pagpapala ng Tagapaglikha, ay nagsabi na ang bawat isa ay may karapatan sa isang mabuting pangalan, isang pangalan na may kahulugan o katangian. Para sa karamihan ng mga tao ito ay hindi isang usapin, gayunpaman kung matutuklasan mo na ang iyong pangalan ay may masamang kahulugano isang kaugnayan sa mga makasalanan o maniniil ay mas mainam na baguhin ito sa isang mas katanggap-tanggap.Kung ang pangalan ng tao ay isang pangalan ng isang idoloo sumasalamin sa pagkaalipin sa anuman o sinuman bukod sa Tagapaglikha, kung gayon ay dapat itong baguhin. Bagaman tandaan na ang Islam ay pinadali. Kung ang opisyal na pagbabago ng iyong pangalan ay magiging sanhi ng paghihirap, pagkabalisa o pinsala, sapat nang baguhin ito sa mga kaibigan at pamilya lamang.
2.Nais kong maging isang Muslim ngunit wala akong alam sa wikang Arabe.
Ang relihiyong Islam ay ipinahayag para sa lahat ng tao, sa lahat ng mga lugar, sa lahat ng oras. Ito ay hindi isang relihiyong eksklusibo para sa mga Arabo o mga nakakapagsalita ng wikang Arabe.Sa katunayan karamihan sa 1.4 bilyong Muslim sa mundo ay hindi mula sa lahi ng mga Arabo.Ang isang tao ay maaaring maging Muslim kahit walang alam na isang salitang Arabe; hindi ito nakakaapekto sa kanyang kakayahan na tanggapin ang Islam. Gayunpaman, ang lenggwahe na ginamit sa Quran ay Arabe at ang pang-araw-araw na espesyal na pagdarasal ay isinasagawa sa lenggwaheng Arabe, kaya't kahit hindi kinakailangang malaman ang buong lenggwaheng arabe, pagkatapos ng pagbabalik-loob ay kakailanganing matuto ng ilang mga salitang Arabe.
Kung ang isang tao ay hindi kayang matuto ng sapat na wikang Arabe upang maisagawa ang kanyang espesyal na pagdarasal dahil sa isang depekto sa pagsasalita o dahil hindi niya magagawang bigkasin ang salitang Arabe, kailangan niyang subukan hangga't maaari. Kung ang pag-aaral kahit ng ilang salitang Arabe ay hindi posible, kung gayon inalis sa kanya ang obligasyong ito, sapagkat ang Tagapaglikha ay hindi nagbibigay-pasanin sa mga tao ng higit pa sa kanilang kakayanan. Gayunpaman, sinabi din ng Tagapaglikha na ginawa Niyang madaling matutunan ang Quran, samakatuwid obligado para sa isang tao na gawin ang kanyang makakaya.
“Ang Allah ay hindi nagbibigay-pasanin sa isang kaluluwa maliban sa abot ng kakayahan nito.” (sain ng kahulugan ng Quran 2:286)
“At katiyakan, Aming ginawang madali ang Quran para maunawaan at maalaala, mayroon bang sinumang makakaala-ala?” (salin ng kahulugan ng Quran 54:17)
Isang lalaki ang lumapit sa Propeta at nagsabi: "O Sugo ng Diyos, ituro mo sa akin ang isang bagay ng Quran na sapat sa akin, sapagkat hindi ako marunong magbasa.” Sinabi ng Propeta, “Sabihin mo: Subhaan-Allaah wa’l-hamdu Lillaah wa laa ilaaha ill-Allaah wa Allaahu akbar wa laa hawla wa la quwwata illa Billaah (Malaya ang Diyos sa anumang kamalian, Purihin ang Panginoon, walang ibang diyos maliban sa Allahat ang Diyos ang Pinaka Dakila, walang ibang diyos maliban sa Allahat walang kapangyarihan o kalakasan maliban sa Diyos).” (salin ng kahulugan ng hadith)[1]
Ang pagpasok sa Islam ay madali. Ito ay isang simpleng proseso, malaya sa komplikasyon. Sa ikalawang bahagi ay tatalakayin natin ang patungkol sa pagtutuli, ang katotohanan na ang Islam ay walang restriksyon sa mga etniko o lahi at ang pagiging Muslim na wala masyadong nalalaman patungkol sa Islam.
Magdagdag ng komento