Ang Pamilya sa Islam (bahagi 1 ng 3): Ang Pag-apela ng Islamikong Buhay Pampamilya
Paglalarawanˇ: Ang mga tao ng iba't ibang larangan sa buhay ay nagsalita ayon sa kanilang pananaw tungkol sa buhay pampamilya sa Islam.
- Ni AbdurRahman Mahdi (© 2006 IslamReligion.com)
- Nailathala noong 24 Aug 2020
- Huling binago noong 31 Aug 2024
- Nag-print: 4
- Tumingin: 9,731 (araw-araw na pamantayan: 6)
- Nag-marka: 0
- Nag-email: 0
- Nag-komento: 0
Sa Islam, ang pagsasaalang-alang sa kapakanan ng "iba" sa halip na "sarili" ay isang kabutihang labis na nakaugat sa relihiyon na ito ay maliwanag kahit na sa mga nasa labas nito. Ang makataong Briton at abogado ng karapatang sibil, na si Clive Stafford-Smith, isang di-Muslim, ay nagsabi: "Ang gusto ko tungkol sa Islam ay ang pagtuon nito sa grupo, na kabaligtaran sa Kanluraning pagtuon sa indibidwalidad."[1]
Ang mga indibidwal na bumubuo ng anumang lipunan ay pinagsama ng mga magkakaugnay na pangkat ng mga bukluran. Ang pinakamalakas sa lahat ng mga panlipunang bukluran ay yaong sa pamilya. At habang ito ay maaaring makatwirang pagtalunan na ang pangunahing yunit ng pamilya ay ang pundasyon ng anumang umiiral na lipunan ng tao, ito ay totoong pinanghahawakan ng mga Muslim. Sa katunayan, ang dakilang katayuan na ibinibigay ng Islam sa sistema ng pamilya ay ang siyang bagay na kadalasang nakakahalina sa maraming bagong mga nagbalik-loob sa Islam, lalo na ang mga kababaihan.
"Sa pagkakaroon ng mga batas sa halos lahat ng aspeto ng buhay, ang Islam ay kumakatawan sa kautusang batay sa pananampalataya na ang mga kababaihan ay maaaring makita na mahalaga sa paglikha ng mga matibay na pamilya at pamayanan, at pagwawasto sa pinsala na ginawa ng tanyag na sekular na palaturuangtao (humanism) sa nakaraang tatlumpu o higit pang mga taon, ayon sa mga dalubhasa. Bilang karagdagan, ang mga kababaihan mula sa mga nasirang tahanan ay lalong higit na naaakit sa relihiyon dahil sa pagpapahalagang binibigay nito sa pamilya, sinabi ni Marcia Hermansen, isang propesor sa Islamikong pag-aaral sa Pamantasan ng Loyola sa Chicago at isang Amerikanang nagbalik din sa Islam.[2]
Wala kahit saanman sa kalakarang ito ng mga tao na pinahahalagahan ang mga tradisyunal na kaugalian ng pamilya sa pagyakap nila sa Islam na mas laganap pa kaysa sa Latino o Hispanikong pamayanan ng Hilagang America. Bilang isa sa mga Muslim sa Florida: "Nakita ko ang pagtaas ng bilang sa mga Hispanikong nagbabalik sa Islam. Sa palagay ko ang Hispanikong kultura mismo ay napakayaman sa mga tuntunin ng mga pampamilyang kaugalian, at yaon ay isang bagay na napakakilala sa relihiyon ng Islam."
Kaya, ano ang mga natatanging kaugalian o katangian ng Islamikong pamumuhay na nakikita ng napakarami na kahali-halina?
Sa isang Islamikong kaganapan sa Pamantasan ng Columbia, si Hernan Guadalupe, isang Ekwadoryanong-Amerikano: "ay nagpahayag tungkol sa pagkakapareho sa pangkultura at pampamilyang kaugalian na likas sa mga Hispaniko at Muslim. Karaniwan, ang mga Hispanikong sambahayan ay mahigpit ang ugnayan at mataimtim o tapat, at ang mga bata ay pinalalaki sa isang mahigpit na kapaligiran - mga katangian na sumasalamin sa mga sambahayang Muslim.”[3]
At sa iba pang bagong ulat ng pahayagan, napansin din kung paano: "Ang mga pampamilyang kaugalian ay gumaganap ng mahalagang papel sa pagbuo ng isang pamayanang Muslim. Dahil sa mga pampamilyang kaugaliang yaon, mayroong marami pang ibang mga pamantayan na naaayon sa loob ng Hispanikong pamayanan at Islam; halimbawa, ang paggalang sa mga matatanda, buhay ng may-asawa at pagpapalaki ng mga anak, ang mga ito ay ilan sa mga tradisyon na ang Hispaniko at Islam ay magkatulad.”[4]
Ang ilang mga karaniwang Amerikanong nagbalik-islam ay mayroon ding sinasabi tungkol sa totoong buhay na karanasan, at ang ilan sa mga ito ay tinipon sa isang aklat ng ina ng naturang nagbalik-islam; sa Daughters of Another Path, ni Carol L. Anway. Isang babae, na sumipi sa aklat[5], ay nagsalita tungkol sa pagbabago ng kanyang pananaw sa pag-aasawa at buhay pampamilya matapos na magbalik sa Islam. "Ako ay naging mas malinis at mas tahimik habang lumalawig (ang kaalaman) sa relihiyon. Ako ay naging lubos na disiplinado. Ako ay hindi nagbalak mag-asawa noong hindi pa ako Muslim, gayunpaman agad akong naging isang may bahay at pagkatapos ay isang ina. Ang Islam ay nagbigay ng isang balangkas na nagpahintulot sa akin na maipahayag ang paniniwala, tulad sa kahinhinan, kabaitan at pagmamahal, na mayroon na ako. Ito rin ang nagdala sa akin sa kaligayahan sa pamamagitan ng pag-aasawa at ang pagkasilang ng dalawang anak. Bago ang Islam ay wala akong pagnanais na magkaroon ng sariling pamilya dahil hindi ko nagugustuhan (ang ideyang magkaroon) ng mga anak.”
Isa pang babae ang nagsalita tungkol sa kanyang pagtanggap sa kamag-anakan ng pamilya sa parehong aklat. "Kami ay kinatagpo sa paliparan ng karamihan sa kanyang pamilya, at ito ay labis na nakakaantig na sandali, na hindi ko malilimutan. Si Mama (ang kanyang biyenan) ay parang isang anghel... ako ay napaiyak ng maraming oras, dahil sa aking nakita dito. Ang sistema ng pamilya ay medyo natatangi na may pagkakalapit na di di maisasatinig o lampas sa mga salita.”[6]
Sa Apendiks C ng aklat, isang 35 taong gulang na nagbalik-islam na Amerikano, sa panahong yaon ay 14 taon nang Muslim, ay sumulat tungkol sa pamilya ng kanyang asawa at ang kanilang mga kaugalian na kaugnay sa kanyang sariling Amerikanong kaugalian. "Nakilala ko ang lahat ng mga malalapit na miyembro ng pamilya ng aking asawa at ilang mga miyembro ng kanyang napakalawak na kamag-anakan ng pamilya... marami akong natutunan mula sa aking mga byenan. Mayroon silang isang kahanga-hangang paraan ng pakikipag-ugnayan sa kanilang mga anak, isang paraan na nagdudulot ng paggalang sa iba at malaking sukat ng pagpapahalaga sa sarili. Kagiliw-giliw na makita kung paano gumagana ang kultura na may pagtuon sa bata at pagtuon sa relihiyon. Ang aking mga byenan, sa kabutihan ay kabaliktaran sa kulturang Amirekano, ay nagbigay sa akin ng isang malaking pagpapahalaga sa ilang mga natatanging bahagi ng aking Amerikanong pangkulturang pagkakakilanlan... Nakita ko na ang Islam ay tunay na tama sa sinasabi na ang pagka-katamtaman ay ang tamang landas."[7]
Mula sa mga siping ito, na ang isang mula sa di-Muslim na intelektwal, ang iba ay mula sa mga nagbalik-islam at tagapagbalita, at ang ilang mula sa karaniwang mga Amerikanang yumakap sa Islam, makikita natin na ang mga kaugaliang pampamilya sa Islam ay ang isa sa mga pangunahing pang-akit nito. Ang mga kaugaliang ito ay nagmula sa Diyos at sa Kanyang gabay, sa pamamagitan ng Quran at ang halimbawa at pagtuturo ng Kanyang Sugo na si Muhammad, nawa'y ang awa at mga pagpapala ng Diyos ay sumakanya, na siyang nagpahiwatig sa yunit ng pamilya bilang isa sa mga pangunahin ng relihiyon at Islamikong paraan ng pamumuhay. Ang kahalagahan ng pagbuo ng isang pamilya ay binibigyang diin ng isang salawikain ng banal na Propeta mismo, na siyang nagsabing:
“Kapag ang isang lalaki ay nag-asawa, kanyang natupad ang kalahati ng kanyang relihiyon, kaya hayaang matakot siya sa Diyos sa natitirang kalahati." [8] (al-Baihaqi)
Ang dalawang artikulo na susunod ay tatalakayin ang pamilya sa Islam sa mula sa liwanag ng Quran at Propetikong mga turo. Sa pamamagitan ng maikling pagsasaliksik sa panig ng Islam sa mga tema ng buhay ng pag-asawa, paggalang sa mga magulang at matatanda, at pagpapalaki ng mga anak, maaari nating simulang pahalagahan ang mga pakinabang ng pamilya sa Islam.
Mga talababa:
[1] Emel Magazine, ika-6 na labas - Hunyo/Hulyo 2004.
[2] “Islam’s Female Converts”; ni Priya Malhotra, Pebrero 16, 2002. (tingnan ang http://thetruereligion.org/modules/xfsection/article.php?articleid=167).
[3] “Some Latinos convert to Islam”; ni Marcela Rojas, The Journal News (http://www.thejournalnews.com/apps/pbcs.dll/article?AID=/20051030/NEWS02/510300319/1028/NEWS12)
[4] “Islam Gains Hispanic Converts”; ni Lisa Bolivar, Special Correspondent, Setyembre 30, 2005 (http://thetruereligion.org/modules/xfsection/article.php?articleid=405)
[5] Daughters of Another Path, ika-4 na paglimbag, Al-Attique Publishers, p.81.
[6] Daughters of Another Path, p.126.
[7] Daughters of Another Path, p.191.
[8] Isang salaysay mula sa Propeta, ni Anas b. Malik, ang kanyang pansariling tagapaglingkod; tinipon at nagbigay ng komento si Imam al-Baihaqi in Shu’ab al-Iman (Sanagay ng paniniwala).
Magdagdag ng komento