Ang Kuwento ni Abraham (bahagi 1 ng 7): Panimula

Marka:
Sukat ng Font:
A- A A+

Paglalarawanˇ: Isang pagpapakilala sa pagkatao ni Abraham at ang mataas na posisyon na hawak niya sa Hudaismo, Kristiyanismo, at Islam na magkakatulad.

  • Ni Imam Mufti
  • Nailathala noong 24 Aug 2020
  • Huling binago noong 30 Jul 2023
  • Nag-print: 9
  • Tumingin: 17,769
  • Marka: Wala pa
  • Nag-marka: 0
  • Nag-email: 0
  • Nag-komento: 0
Mahina Pinakamagaling

The_Story_of_Abraham_(part_1_of_7)_001.jpgAng isa sa mga propeta na binigyan ng pansin sa Quran ay ang propetang si Abraham. Ang Quran ay nagsasabi sa kanyang hindi matinag na paniniwala sa Diyos, una ay ang pagtawag sa kanya upang tanggihan ang kanyang mga tao at ang kanilang idolatriya (pagsamba sa mga diyus-diyosan), at kalaunan upang patunayan ang pagiging totoo sa iba't ibang mga pagsubok na inilalagay ng Diyos sa harap niya.

Sa Islam, si Abraham ay nakikita bilang isang mahigpit na monoteyistiko (Isang Diyos na sinasamba) na nag-anyaya sa kanyang mga tao sa pagsamba sa Diyos lamang. Dahil sa paniniwalang ito, nakaranas siya ng maraming paghihirap, at kahit paglayo rin sa kanyang pamilya at bayan sa pamamagitan ng paglipat sa iba't ibang lupain. Siya ay isang taong tumutupad ng iba't ibang mga utos ng Diyos kung saan, siya ay sinubukan, at nagpapatunay na totoo sa bawat isa rito.

Dahil sa lakas ng pananampalataya na ito, ang Quran ay nag-uugnay na ang nag-iisa at tanging tunay na relihiyon ay ang "Landas ni Abraham", kahit na ang mga propeta na nauna sa kanya, tulad ni Noah, ay tinawag sa parehong pananampalataya. Dahil sa kanyang walang pagod na pagkilos sa pagsunod sa Diyos, binigyan Niya siya ng tanging katawagan na "Khaleel", o minamahal na lingkod, na hindi ibinigay sa iba pang Propeta dati. Dahil sa kadakilaan ni Abraham, ginawa ng Diyos na ang mga propeta ay magmula sa kanyang lahi, mula sa kanila sina Ismael, Isaac, Jacob (Israel) at Moises, na gumagabay sa mga tao sa katotohanan.

Ang mataas na katayuan ni Abraham ay pare-pareho para sa mga Hudaismo, Kristiyanismo at Islam. Nakita siya ng mga Hudyo na halimbawa ng kabutihan habang tinutupad niya ang lahat ng mga utos bagaman bago pa man ipinahayag, at ang unang nakaintindi sa pagkakaroon ng Isang Tunay na Diyos. Siya ay tinuturing bilang ama ng napiling lahi, ang ama ng mga propeta na kung saan sinimulan ng Diyos ang kanyang sunod-sunod na mga kapahayagan. Sa Kristiyanismo, siya ay nakikita bilang ama ng lahat ng mga mananampalataya (Roma 4:11) at ang kanyang tiwala sa Diyos at sakripisyo ay kinuha bilang isang modelo para sa mga sumunod na mga santo (Hebreo 11).

Tulad ng pagbibigay ng kahalagahan kay Abraham, karapat-dapat na pag-aralan ng isang tao ang kanyang buhay at suriin ang mga aspeto na naglagay sa kanya sa antas na ibinigay sa kanya ng Diyos.

Bagaman hindi ibinigay ng Quran at Sunnah ang mga detalye ng buong buhay ni Abraham, binabanggit nila ang ilang mga katotohanang karapat-dapat tandaan. Tulad ng iba pang mga Quraniko at biblikal na mga pigura, ang Quran at Sunnah ay dinidetalye ang mga aspeto ng kanilang buhay bilang isang paglilinaw ng ilang mga maling paniniwala ng mga naunang isiniwalat na mga relihiyon, o ang mga aspeto na naglalaman ng ilang mga kasabihan at moral na karapat-dapat tandaan at pahalagahan.

Ang Kanyang Pangalan

Sa Quran, ang tanging pangalan na ibinigay kay Abraham ay "Ibraheem" ​​at "Ibrahaam", lahat ay tugma sa orihinal na ugat, b-r-h-m. Bagaman sa Bibliya si Abraham ay kilala bilang Abram sa una, at pagkatapos ay sinabi ng Diyos na baguhin ang kanyang pangalan bilang Abraham, ang Quran ay tahimik sa paksang ito, hindi nagpapatunay at hindi rin tinatanggi. Ang mga modernong iskolar ng Hudyo-Kristyano ay nagdududa, gayunpaman, sa kwento ng pagbabago ng kanyang mga pangalan at kani-kanilang kahulugan, na tinatawag itong "tanyag na paglalaro ng mundo". Inirerekomenda ng mga Asyriologist (mga nag-aaral sa kasaysayan ng Mesopotamia) na ang letrang Hebreo na Hê (h) sa diyalekto ng Minnean ay ang isinulat sa halip na isang mahabang 'a' (ā), at na ang pagkakaiba sa pagitan ng Abraham at Abram ay sa dayalekto lamang.[1] Ang kapareho ay maaaring sabihin para sa mga pangalang Sarai at Sarah, dahil ang kanilang mga kahulugan ay magkapareho.[2]

Kanyang Kinalakhang-bayan

Tinatayang ipinanganak si Abraham ng 2,166 taon bago si Jesus sa loob o sa paligid ng Mesopotamia[3] lungsod ng Ur[4], 200 milya sa timog-silangan ng kasalukuyang Baghdad [5]. Ang kanyang ama ay si 'Aazar', 'Terah' o 'Terakh' sa Bibliya, isang sumasamba sa idolo, na nagmula sa mga inapo ni Shem, na anak ni Noah. Ang ilang mga iskolar ng exegesis ay nagmumungkahi na maaaring siya ay tinawag na Azar dahil sa isang idolo na kung saan siya ay deboto.[6] Malamang siya ay Akkadian, isang Semitiko na tao mula sa Arabian Peninsula na nanirahan sa Mesopotamia sa kapanahunan ng ikatlong milenyo BCE.

Tila si Azar ay lumipat kasama ang ilan sa kanyang mga kamag-anakan sa lungsod ng Haran noong kabataan ni Abraham bago ang komprontasyon sa kanyang mga tao, bagama't ang ilang mga tradisyon ng Hudyo-Kristyano[7] ay sinasabing ito ay sa bandang hulihan ng kanyang buhay pagkatapos na siya ay tanggihan sa kanyang sariling lungsod. Sa Bibliya, si Haran, isa sa mga kapatid ni Abraham ay sinasabing namatay sa Ur, "sa lupain ng kanyang kapanganakan" (Genesis 11:28), ngunit mas matanda siya kaysa kay Abraham, habang ang isa naman na kapatid niya na si Nahor ay pinakasalan ang anak na babae ni Haran (Genesis 11:29). Hindi rin binanggit ng bibliya ang paglipat ni Abraham sa Haran, sa halip ang unang utos ay ang lumipat palabas ng Haran, na para bang sila ay naninirahan na doon (Genesis 12: 1-5). Kung kukunin natin ang unang utos at ipakahulugan nang paglipat mula sa Ur patungong Canaan, tila walang dahilan na si Abraham na tumira kasama ang kanyang pamilya sa Haran, iniwan ang kanyang ama at nagtungo sa Canaan pagkatapos, dagdag pa ang pagiging imposible nito sa heyograpiya [Tingnan ang mapa].

Ang Quran ay binabanggit ang paglipat ni Abraham, ngunit ginawa niya ito pagkatapos na ihiwalay ni Abraham ang kanyang sarili mula sa kanyang ama at mga tribo dahil sa kanilang pagtanggi sa paniniwala. Kung siya ay nasa Ur sa oras na iyon, tila malabong sasamahan siya ng kanyang ama sa Haran matapos na hindi maniwala at pahirapan siya kasama ang kanyang mga kababayan. Kung bakit pinili nilang lumipat, iminumungkahi ng arkeolohikal na katibayan na ang Ur ay isang mahusay na lungsod na nakita ang pag-angat at pagbagsak nito sa buhay o kapanahunan ni Abraham[8], kaya maaaring napilitan silang umalis dahil sa mga paghihirap sa kapaligiran. Maaaring pinili nila ang Haran dahil sa pagkakapareho nito ng relihiyon tulad ng Ur[9].

The_Story_of_Abraham_(part_1_of_7)_002.jpg

Ang Relihiyon ng Mesopotamia

Ang mga pagtuklas ng arkeolohiko mula sa panahon ni Abraham ay nagpinta ng isang matingkad na larawan ng relihiyosong buhay ng Mesopotamia. Ang mga naninirahan dito ay mga polytheist (maraming diyos na simasamba) na naniwala sa isang pantheon (simbahan ng romano), kung saan ang bawat diyos ay may isang kumpol ng impluwensya. Ang malaking templo na nakalaan para sa Akkadian[10]na diyos ng buwan, ang Sin, ang pangunahing sentro ng Ur. Ang Haran ay mayroon ding buwan bilang panguluhang diyos. Ang templo na ito ay pinaniniwalaang pisikal na tahanan ng Diyos. Ang punong diyos ng templo ay isang idolo na kahoy na may iba pang mga idolo, o 'mga diyos', upang maglingkod sa kanya.

The_Story_of_Abraham_(part_1_of_7)_003.jpg

Ang Dakilang Ziggurat ng Ur, ang templo ng diyos ng buwan na si Nanna, na kilala rin bilang Sin. Ang kuha ay noong 2004, ang litrato ay sa kagandahang-loob ni Lasse Jensen.

Kaalaman sa Diyos

Bagama't nagkakaiba-iba ang mga iskolar ng Hudyo-Kristyano sa kung kailan nakilala ni Abraham ang Diyos, sa edad na tatlo, sampu, o apatnapu't walo[11], ang Quran ay tahimik sa pagbanggit ng eksaktong edad kung saan natanggap ni Abraham ang kanyang unang kapahayagan. Gayunpaman, tila totoo nga, noong siya ay bata pa, tinawag siya ng Quran na isang binata nang sinubukan siyang patayin ng kanyang mga tao dahil sa pagtanggi sa kanilang mga idolo, at sinabi mismo ni Abraham na mayroon siyang kaalaman na wala sa kanyang ama nang tinawag niya ito upang sambahin ang Diyos lamang bago ang kanyang panawagan ay kumalat sa kanyang mga tao (19:43). Ang Quran ay malinaw, gayunpaman, sa pagsasabi na siya ay isa sa mga propeta kung kanino ipinahayag ang banal kasulatan :

"Katotohan! ito ay nasa mga Aklat ng unang kasulatan. Sa mga Kasulatan ni Abraham at Moises." (Quran 87:18-19)



Mga talababa:

[1] Abraham. The Catholic Encyclopedia, Volume I. Copyright © 1907 by Robert Appleton Company. Online Edition Copyright © 2003 by K. Knight Nihil Obstat, March 1, 1907. Remy Lafort, S.T.D., Censor. Imprimatur. +John Cardinal Farley, Archbishop of New York. (http://www.newadvent.org/cathen/01051a.htm)

[2] Sarah. The Catholic Encyclopedia, Volume I. Copyright © 1907 by Robert Appleton Company. Online Edition Copyright © 2003 by K. Knight Nihil Obstat, March 1, 1907. Remy Lafort, S.T.D., Censor. Imprimatur. +John Cardinal Farley, Archbishop of New York.) (Abraham. Charles J. Mendelsohn, Kaufmann Kohler, Richard Gottheil, Crawford Howell Toy. The Jewish Encyclopedia.

[3] Mesopotamia: "(Mes·o·po·ta·mi·a) Isang sinaunang rehiyon ng timog-kanlurang Asya sa pagitan ng mga ilog ng Tigris at Euphrates sa modernong-araw na Iraq. Marahil ay nagsimula bago ang 5000 B.C., ang lugar ay tahanan ng maraming maagang sibilisasyon, kabilang ang Sumer, Akkad, Babylonia, at Assyria." (The American Heritage® Dictionary of the English Language, Fourth Edition
Copyright © 2000 by Houghton Mifflin Company.
)

[4] Ang ninuno ng mga taong Hebreo, na si Abram, ay, tulad ng pagkakasabi sa atin, na ipinanganak sa "Ur ng mga Chaldees." Ang "Chaldees" ay isang maling pagkakasalin ng Hebreong Kasdim, ang Kasdim ay ang pangalan ng Lumang Tipan ng mga taga-Babelonia, samantalang ang mga Chaldees ay isang tribo na nanirahan sa baybayin ng Persian Gulf, at hindi naging isang bahagi ng populasyon ng Babilonya hanggang sa panahon ni Hezekiah. Ang Ur ay isa sa pinakaluma at pinaka sikat sa mga lungsod ng Babilonya. Ang lugar nito ay tinawag na Mugheir, o Mugayyar, sa kanluran ng Euphrates, sa Timog Babilonya. (Diksyunaryo ng 1897 ng Easton). Ang ilang mga iskolar ng Hudyo-Kristyano ay nagsasabi na ang "Ur-Kasdim" na binanggit sa Bibliya ay hindi rin Ur, ngunit talagang ang lungsod ng Ur-Kesh, na matatagpuan sa hilagang Mesopotamia at malapit sa Haran (From Abraham to Joseph - The historical reality of the Patriarchal age. Claus Fentz Krogh. (http://www.genesispatriarchs.dk/patriarchs/abraham/abraham_eng.htm).

[5] Si Ibn Asakir, isang sikat na iskolar na Muslim at mananalaysay, ay nagpatunay din sa opinyon na ito at sinabi na ipinanganak siya sa Babilonya. Tingnan "Qisas al-Anbiyaa" ibn Katheer.

[6] Stories of the Prophets, ibn Katheer. Darussalam Publications.

[7] Dahil kaunti ang detalye tungkol sa buhay ni Abraham sa bibliya, ang karamihan sa karaniwang pinaniniwalaan tungkol kay Abraham ay nabuo sa pamamagitan ng iba't ibang mga tradisyon ng Hudyo-Kristyano, na nakolekta sa Talmud at iba pang mga akdang rabbinical. Karamihan sa kung ano ang nabanggit sa bibliya pati na rin ang iba pang mga tradisyon ay itinuturing ng karamihan sa mga iskolar ng Hudyo-Kristyano bilang mga alamat, na karamihan sa mga ito ay hindi mapapatunayan. (Abraham. The Catholic Encyclopedia, Volume I. Copyright © 1907 by Robert Appleton Company. Online Edition Copyright © 2003 by K. Knight Nihil Obstat, March 1, 1907. Remy Lafort, S.T.D., Censor. Imprimatur. +John Cardinal Farley, Archbishop of New York.) (Abraham. Charles J. Mendelsohn, Kaufmann Kohler, Richard Gottheil, Crawford Howell Toy. The Jewish Encyclopedia. (http://www.jewishencyclopedia.com/view.jsp?artid=360&letter=A#881)

[8] (http://www.myfortress.org/archaeology.html)

[9] (http://www.myfortress.org/archaeology.html)

[10] Akkad: "(Ak·kad) Isang sinaunang rehiyon ng Mesopotamia na sumasakop sa hilagang bahagi ng Babilonia." (The American Heritage® Dictionary of the English Language, Fourth Edition
Copyright © 2000 by Houghton Mifflin Company.)

[11] Gen R. xxx. Abraham. Charles J. Mendelsohn, Kaufmann Kohler, Richard Gottheil, Crawford Howell Toy. The Jewish Encyclopedia. (http://www.jewishencyclopedia.com/view.jsp?artid=360&letter=A#881).

Mahina Pinakamagaling

Ang Kuwento ni Abraham (bahagi 2 ng 7): Isang Panawagan sa Kanyang mga Tao

Marka:
Sukat ng Font:
A- A A+

Paglalarawanˇ: Inanyayahan ni Abraham ang kanyang amang si Azar (Terah o Terakh sa Bibliya) at ang kanyang nasyon sa Katotohanan na ipinahayag sa kanya mula sa kanyang Panginoon.

  • Ni Imam Mufti
  • Nailathala noong 24 Aug 2020
  • Huling binago noong 28 Jan 2022
  • Nag-print: 8
  • Tumingin: 11,152
  • Marka: Wala pa
  • Nag-marka: 0
  • Nag-email: 0
  • Nag-komento: 0
Mahina Pinakamagaling

Si Abraham at ang Kanyang Ama

Tulad ng mga nasa paligid niya, ang ama ni Abraham na si Azar (Terah o Terakh sa Bibliya), ay isang sumasamba sa idolo. Ang tradisyon ng Bibliya[1] ay nagsasabi na siya ay talagang isang iskultor sa kanila,[2] kaya't ang unang panawagan ni Abraham ay nakadirekta sa kanya. Siya ay binigyan niya ng malinaw na lohika at pang-unawa, na naintindihan ng isang binatang tulad niya pati na rin ng marurunong.

"At nabanggit sa Aklat (ang Quran) si Abraham. Tunay ngang siya ay isang tao ng katotohanan, isang Propeta. Nang kanyang sabihin sa kanyang ama: “O aking ama! Bakit ninyo sinasamba yaong hindi nakakarinig, at hindi nakakakita, gayundin ay hindi makakapagbigay sa inyo ng anuman? O aking ama! Katotohanang may dumatal sa akin na karunungan na hindi sumapit sa inyo. Kaya’t ako ay inyong sundin, kayo ay aking gagabayan sa Matuwid na Landas." (Quran 19:41-43)

Ang sagot ng kanyang ama ay pagtanggi, isang malinaw na sagot ng sinumang tao na hinamon ng isa pang mas bata kaysa sa kanila, isang hamon na ginawa laban sa mga taon ng tradisyon at pamantayan.

"Siya (ang ama ni Abraham) ay nangusap: “Ikaw baga ay nagtatakwil sa aking mga diyos, O Abraham? Kung ikaw ay hindi titigil (dito), katotohanang ikaw ay aking babatuhin. Kaya’t lumayo ka sa akin habang ikaw ay ligtas, bago pa kita ay maparusahan.’" (Quran 19:46)

Si Abraham at ang Kanyang mga Tao

Matapos ang walang tigil na pagtatangka sa pag-aanyaya sa kanyang ama na iwanan ang pagsamba sa mga maling idolo, bumaling si Abraham sa kanyang mga tao na naghahangad na mabigyan ng babala ang iba, na kinausap sila sa parehong simpleng lohika.

"At isalaysay mo sa kanila ang kasaysayan ni Abraham. Nang sabihin niya sa kanyang ama at sa kanyang mga tao: “Ano baga ang inyong sinasamba?” Sila ay nagsabi: “Kami ay sumasamba sa mga imahen, at sa kanila kami ay lagi nang matimtiman.” Siya (Abraham) ay nagsabi: “Kayo ba ay naririnig nila, kung kayo ay tumatawag (sa kanila)? O sila ba ay nagbibigay ng kapakinabangan sa inyo o pinipinsala nila (kayo)?” Sila ay nagsabi: “Hindi, nguni’t nakagisnan na namin ang aming mga ninuno na gumagawa ng ganito.” Siya (Abraham) ay nagsabi: “Namamasdan ba ninyo ang mga bagay na inyong sinasamba, kayo, at ng inyong mga ninuno noon pa sa panahong sinauna?” Katotohanan! Sila ay aking mga kaaway, maliban sa Panginoon ng Aalamin (sangkatauhan, mga Jinn at lahat ng mga nilalang); Na lumikha sa akin, at Siya na Tanging namamatnubay sa akin; At Siya ang nagpapakain at nagbibigay sa akin ng inumin. At kung ako ay maysakit, Siya ang nagbibigay lunas sa akin; At Siya ang maggagawad sa akin ng kamatayan, at Siya rin ang magbabangon sa akin sa (muling) pagkabuhay." (Quran 26:69-81)

Sa pagpapalawak ng kanyang panawagan na ang tanging diyos na nararapat sambahin ay ang Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat, ay nagbigay siya ng isa pang halimbawa upang pag-isipan ng kanyang mga tao. Ang tradisyon ng Hudyo-Kristyano ay nagsasabi ng isang katulad na kuwento, ngunit inilalarawan ito sa konteksto na si Abraham mismo sa pagkakatanto sa Diyos sa pamamagitan ng pagsamba sa mga nilalang na ito[3], hindi yaong ginagamit niya ito bilang halimbawa para sa kanyang bayan. Sa Quran, wala sa mga Propeta ang sinasabing nagkaroon ng kaugnayan sa iba maliban sa Diyos, kahit na hindi pa sila napagsabihan ng wastong paraan bago pa sila maging propeta. Sinasabi ng Quran tungkol kay Abraham:

"Nang ang kadiliman ng gabi ay lumambong sa kanya, siya ay nakamalas ng isang bituin. Siya ay nagsabi: 'Ito ang aking Panginoon.' Datapuwa’t nang ito ay lumubog, siya ay nagturing: 'Hindi ko naiibigan yaong lumulubog.’" (Quran 6:76)

Ipinakita sa kanila ni Abraham ang halimbawa ng mga bituin, isang nilikha na tunay na hindi maintindihan ng mga tao dati, na nakikita bilang isang bagay na higit pa kaysa sa sangkatauhan, at maraming beses na mayroong iba't ibang mga kapangyarihan na naiugnay sa kanila. Ngunit sa pagkawala ng mga bituin (sa araw) nakita ni Abraham ang kanilang kawalan ng kakayahang lumitaw ayon sa nais nila, ngunit sa halip sa gabi lamang.

Pagkatapos ay nagbigay siya ng halimbawa ng isang bagay na mas malaki, isang nasa langit na nilikha na mas maganda, mas malaki, at maaari ring lumitaw sa araw din!

"Nang mapagmasdan niya ang buwan na sumisikat, siya ay nagsabi: 'Ito ang aking Panginoon.' Datapuwa’t nang ito ay lumubog, siya ay nagturing: 'Malibang ako ay patnubayan ng aking Panginoon, katiyakang ako ay mapapabilang sa lipon ng mga tao na naliligaw sa kamalian.’" (Quran 6:77)

Pagkatapos bilang kanyang pinakahuling halimbawa, ibinigay niya ang isa pang halimbawa ng isang bagay na mas malaki, isa sa pinakamalakas na nilikha, na kung wala ito ay imposibleng mabuhay.

"Nang mapagmalas niya ang araw na sumisikat, siya ay nagsabi: 'Ito ang aking Panginoon. Ito ay higit na dakila.' Datapuwa’t nang ito ay lumubog, siya ay nagturing: 'O aking pamayanan! Katotohanang ako ay malaya sa lahat ng mga iniaakibat ninyo na katambal sa pagsamba kay Allah.’" (Quran 6:78-79)

Pinatunayan sa kanila ni Abraham na ang Panginoon ng mga sanlibutan ay hindi matatagpuan sa mga nilikha na kinakatawan ng kanilang mga idolo, ngunit, sa halip, ang entidad na lumikha sa kanila at ang lahat ng kanilang nakikita at nadarama; na ang Panginoon ay hindi kinakailangang makita upang sambahin. Isa Siyang Diyos na kayang gawin ang lahat, hindi nakagapos sa mga limitasyon tulad ng mga nilikha na matatagpuan sa mundong ito. Ang kanyang mensahe ay simple:

"Pagsilbihan (sambahin) ninyo (lamang) si Allah at Siya ay inyong pangambahan; ito ay higit na mainam sa inyo, kung kayo ay nakakaunawa! Sapagkat kayo ay sumasamba sa mga diyus-diyosan maliban pa kay Allah, at kayo ay nagsisigawa ng mga kasinungalingan. Katotohanan, ang mga bagay na sinasamba ninyo bukod pa kay Allah ay walang kapangyarihan upang bigyan kayo ng ikabubuhay, kaya’t magsihanap kayo ng ikabubuhay mula kay Allah (lamang), at Siya (lamang) ang paglingkuran ninyo at magkaroon kayo ng utang na loob ng pasasalamat sa Kanya. (Tanging) Sa Kanya, kayong lahat ay magbabalik." (Quran 29:16-17)

Malinaw niyang tinanong ang kanilang pagsunod sa mga tradisyon lamang ng kanilang mga ninuno,

"Sinabi niya: 'Katotohanang ikaw at ang iyong mga ninuno ay nasa mali.’"

Ang landas ni Abraham ay mapupuno ng sakit, kahirapan, pagsubok, pagtutol, at pighati sa puso. Tinanggihan ng kanyang ama at mga tao ang kanyang mensahe. Ang kanyang panawagan ay napakinggan ng mga bingi; hindi na sila mapapakiusapan. Sa halip, hinamon siya at pinaglaruan,

"Sinabi nila: 'Dalhin mo sa amin ang katotohanan, o ikaw ba ay nag-papatawa?’"

Sa yugtong ito sa kanyang buhay, si Abraham, isang binata na may isang pag-asa na hinaharap, ay sumasalungat sa kanyang sariling pamilya at bansa upang maipahayag ang isang mensahe ng totoong monoteismo, paniniwala sa Isang Tunay na Diyos, at pagtanggi sa lahat ng iba pang maling diyos, sila man ay maging mga bituin at iba pang mga makalangit o makalupang nilikha, o paglalarawan ng mga diyos sa anyo ng mga idolo. Siya ay tinanggihan, pinalayas at pinarusahan para sa paniniwalang ito, ngunit nanindigan siya laban sa lahat ng kasamaan, handang harapin ang higit pa sa hinaharap.

"At alalahanin nang si Abraham ay sinubukan ng kanyang Panginoon sa natatanging Pag-uutos na kanyang tinupad..." (Quran 2:124)



Mga talababa:

[1] Gen r. xxxviii, Tanna debe Eliyahu. Ii. 25.

[2] Abraham. Charles J. Mendelsohn, Kaufmann Kohler, Richard Gottheil, Crawford Howell Toy. The Jewish Encyclopedia. (http://www.jewishencyclopedia.com/view.jsp?artid=360&letter=A#881)

[3] The Talmud: Selections, H. Polano. (http://www.sacred-texts.com/jud/pol/index.htm).

Mahina Pinakamagaling

Ang Kuwento ni Abraham (bahagi 3 ng 7): Ang Sumira ng Pagsamba sa mga Diyus-diyosan

Marka:
Sukat ng Font:
A- A A+

Paglalarawanˇ: Sinira ni Abraham ang mga idolo ng kanyang bayan upang mapatunayan sa kanila ang kawalang-saysay ng kanilang pagsamba.

  • Ni Imam Mufti
  • Nailathala noong 24 Aug 2020
  • Huling binago noong 25 Jun 2019
  • Nag-print: 8
  • Tumingin: 11,241
  • Marka: Wala pa
  • Nag-marka: 0
  • Nag-email: 0
  • Nag-komento: 0
Mahina Pinakamagaling

Pagkatapos ay dumating na ang oras na ang pangangaral ay dapat nang samahan ng pisikal na pagkilos. Pinlano ni Abraham ang isang matapang at desididong pagsira ng idolatriya. Ang kwento sa Quran ay bahagyang naiiba kaysa sa nabanggit sa mga tradisyon ng Hudyo-Kristyano, tulad ng sinasabi nila na sinira ni Abraham ang mga personal na idolo ng kanyang ama.[1] Sinasabi ng Quran na sinira niya ang mga idolo ng kanyang bayan, na pinananatili sa isang relihiyosong dambana. Ipinahiwatig ni Abraham ang isang plano na may kinalaman sa mga idolo:

"At sa pamamagitan ni Allah, ako ay magbabalak ng isang plano (upang wasakin) ang inyong mga diyus-diyosan (imahen) matapos na kayo ay umalis at magsitalikod." (Quran 21:57)

Sa panahon ito para sa isang pagdiriwang ng relihiyon, marahil para kay Sin, kung saan iniwan nila ang bayan. Inanyayahan si Abraham na dumalo sa mga pagdiriwang, ngunit nagdahilan siya,

"At sumulyap siya sa mga bituin. Pagkatapos ay sinabi: 'O! May sakit ako!’"

Kaya, nang umalis ang kanyang mga kapatid na hindi siya kasama, ito ay naging kanyang pagkakataon. Nang iwan ang templo, lumakad paroon si Abraham at lumapit sa mga pinatungan ng gintong mga kahoy na mga idolo, na may masasarap na pagkain na iniwan sa harap ng mga pari. Kinutya sila ni Abraham sa kawalan ng paniniwala:

"Pagkatapos ay lumingon siya sa kanilang mga diyos at sinabing: 'Hindi ka ba kakain? Ano ang sakit mo at hindi ka nagsasalita?’"

Pagkatapos ng lahat, ano ang maaaring maglinlang sa tao upang sumamba sa mga diyos ng kanyang sariling inukit?

"Pagkatapos ay sinalakay niya ang mga ito, gamit ang kanyang kanang kamay."

Sinasabi sa atin ng Quran:

"Ginawa niya ang mga ito na pira-piraso, lahat maliban sa pinuno ng mga ito."

Nang bumalik ang mga pari sa templo, nagulat sila nang makita ang kalapastanganan, ang pagkawasak ng templo. Nagtataka sila kung sino ang maaaring gumawa nito sa kanilang mga idolo nang may nagbanggit sa pangalan ni Abraham, na ipinaliwanag na siya ay nagsasalita ng masama sa kanila. Nang tinawag nila siya sa kanilang harapan, pagkakataon na ito ni Abraham para ipakita sa kanila ang kanilang kamangmangan:

"Sinabi niya: 'Sumasamba kayo sa kung saan kayo mismo ang umukit samantalang nilikha kayo ng Diyos at kung ano man ang iyong ginagawa?’"

Ang kanilang galit ay tumataas; hindi ito panahon ng pangangaral sa kanila, sila ay dumiretso sa puntong:

"Ikaw ba ang gumawa nito sa aming mga diyos, O Abraham?"

Ngunit iniwan ni Abraham ang pinakamalaking diyos na hindi nagalaw para sa isang kadahilanan:

"Sinabi niya: 'Marahil ito, ang kanilang pinuno ang gumawa nito. Kaya tanungin niyo siya, kung makakapagsalita siya!’"

Nang hinamon sila ni Abraham, sila ay nalito. Sinisi nila ang bawat isa sa hindi pag-iingat sa mga idolo at, tumanggi na matugunan ang kanyang hamon, sinabi:

"Tunay na alam mong hindi nagsasalita ang mga ito!"

Kaya iginiit ni Abraham ang kanyang dahilan.

"Sinabi niya: 'Sumasamba kayo diyan sa halip na sa Diyos na hindi niyo naman napapakinabangan, o makapagdudulot ng kasamaan sa inyo? Kasuklam-suklam sa inyo at sa lahat ng sinasamba ninyo maliban sa Diyos! Wala ba kayong pang-unawa?’"

Ang mga nag-aakusa ay naging mga akusado. Sila ay inakusahan ng lohikal na hindi pagkakapantay-pantay, at sa gayon ay walang sagot para kay Abraham. Dahil ang katuwiran ni Abraham ay hindi masasagot, ang kanilang tugon ay galit at bangis, at hinatulan nila si Abraham na masunog ng buhay,

"Bumuo para sa kanya ng isang gusali at ibato siya sa pulang mainit na apoy."

Ang mga mamamayan ng bayan ay tumulong sa pangangalap ng kahoy para sa pagsunog, hanggang sa ito ang pinakamalaking sunog na kanilang nakita. Ang batang si Abraham ay sumuko sa kapalaran na pinili para sa kanya ng Panginoon ng Mundo. Hindi niya pinakawalan ang pananampalataya, sa halip ang pagsubok ay nagpalakas sa kanya. Hindi kumurap si Abraham sa harap ng isang nagniningas na kamatayan kahit sa batang edad na ito; sa halip ang kanyang mga huling salita bago ipasok ay,

"Sapat na para sa akin ang Diyos at Siya ang pinakamahusay na tagapagtaguyod ng mga gawain." (Saheeh Al-Bukhari)

Narito muli ang isang halimbawa ni Abraham na nagpapatunay sa katunayan ng mga pagsubok na kanyang kinaharap. Ang kanyang paniniwala sa Tunay na Diyos ay nasubok dito, at napatunayan niya na handa pa siyang isuko ang kanyang pag-iral sa panawagan ng Diyos. Ang kanyang paniniwala ay napatunayan sa kanyang pagkilos.

Hindi ninais ng Diyos na ito ang magiging katapusan ni Abraham, sapagkat mayroon pa siyang isang dakilang misyon sa hinaharap. Siya ay magiging ama ng ilan sa mga pinakadakilang propeta na kilala sa sangkatauhan. Iniligtas ng Diyos si Abraham bilang isang tanda para sa kanya at sa kanyang mga tao.

"Kami (Diyos) ay nagsabi: 'O apoy, maging malamig at payapa para kay Abraham.' At nais nilang maglagay ng isang patibong para sa kanya, ngunit ginawa Namin silang higit na mga talunan."

Sa gayon ay nakatakas si Abraham sa apoy, na walang sugat. Sinubukan nilang maghiganti para sa kanilang mga diyos, ngunit sa huli sila at ang kanilang mga idolo ang napahiya.



Talababa:

[1] The Talmud: Selections, H. Polano. (http://www.sacred-texts.com/jud/pol/index.htm).

Mahina Pinakamagaling

Ang Kuwento ni Abraham (bahagi 4 ng 7): Ang kanyang Pandarayuhan sa Canaan

Marka:
Sukat ng Font:
A- A A+

Paglalarawanˇ: Ang pakikipagtalo ni Abraham sa isang hari, at utos ng Diyos na lumipat sa Canaan.

  • Ni Imam Mufti
  • Nailathala noong 24 Aug 2020
  • Huling binago noong 28 Jan 2022
  • Nag-print: 8
  • Tumingin: 11,703
  • Marka: Wala pa
  • Nag-marka: 0
  • Nag-email: 0
  • Nag-komento: 0
Mahina Pinakamagaling

Ang mga modernong natuklasang arkeolohiko ay nagmumungkahi na ang mataas na pari ay ang anak na babae ng emperador. Likas na, gagawa siya ng isang punto upang gumawa ng isang halimbawa sa lalaking nagdungis sa kanyang templo. Di nagtagal si Abraham, isang binata pa[1], ay natagpuan ang kanyang sarili sa isang pagsubok, na nakatayo nang mag-isa sa harap ng isang hari, marahil si Haring Nimrod. Na kahit ang kanyang ama ay wala sa kanyang panig. Ngunit ang Diyos ay, tulad ng ginagawa Niya dati.

Pakikipagtalo sa isang Hari

Habang ang mga tradisyunal na Hudyo-Kristyano ay malinaw na iginiit na si Abraham ay hinatulan ng apoy ng hari na si Nimrod, ang Quran ay hindi nagpapaliwanag sa bagay na ito. Gayunpaman, binabanggit nito ang pakikipagtalo ng isang hari kay Abraham, at iminumungkahi ng ilang mga iskolar na Muslim na ito rin ang parehong Nimrod, ngunit pagkatapos lamang ng isang pagtatangkang pagpatay na ginawa ng masa kay Abraham.[2]. Matapos mailigtas ng Diyos si Abraham mula sa apoy, ang kanyang kaso ay ipinaalam sa hari, na dahil sa kanyang kapalaluan, nakipagpaligsahan sa Diyos mismo dahil sa kanyang kaharian. Nakipagtalo siya sa binata, tulad ng sinabi sa atin ng Diyos:

"Hindi baga ninyo napag-iisipan siya na nakikipagtalo kay Abraham tungkol sa kanyang Panginoon (Allah), sapagkat si Allah ay nagkaloob sa kanya ng kaharian?" (Quran 2:258)

Hindi maikakaila ang lohika ni Abraham,

"‘Ang aking Panginoon (Allah) ay Siyang nagbibigay ng buhay at naggagawad ng kamatayan.’" (Quran 2:258)

Nagdala ang hari ng dalawang lalaki na hinatulan ng kamatayan. Pinalaya niya ang isa at hinatulan ang isa. Ang tugon na ito ng hari ay wala sa konteksto at lubos na hangal, kaya naglabas si Abraham ng isa pa, na tiyak na nagpatahimik sa kanya.

"Si Abraham ay nagsabi: “Katotohanan! Si Allah ang nagpapasikat ng araw mula sa silangan; ikaw baga ang nakakapangyari na mapasikat ito mula sa kanluran. Kaya’t siya na walang pananalig ay tunay na talunan. At si Allah ay hindi namamatnubay sa mga tao na Zalimun (mga tampalasan, mapaggawa ng kamalian, baluktot, atbp.)" (Quran 2:258)

Ang Pandarayuhan ni Abraham

Matapos ang mga taon ng walang tigil na panawagan, hinarap ang pagtanggi ng kanyang bayan, inutusan ng Diyos si Abraham na ihiwalay ang sarili mula sa kanyang pamilya at bayan.

"Katotohanang mayroon para sa inyo na mabuting halimbawa (upang inyong sundin ) ang makakamtan ninyo kay Abraham at sa kanyang mga kasama, nang sila ay mangusap sa kanilang mga tao: 'Kami ay hindi kasangkot sa inyo at sa anupamang inyong sinasamba maliban pa kay Allah, kami ay nagtakwil sa inyo, at dito ay nag-ugat, sa pagitan namin at ninyo, ang lubusang pagkamuhi at pagkagalit, maliban na kayo ay manampalataya kay Allah at sa Kanya lamang'" (Quran 60:4)

Dalawang tao lamang sa kanyang pamilya ang, kahit papaano, tumanggap sa kanyang pangaral - si Lot, ang kanyang pamangkin, at si Sarah, ang kanyang asawa. Sa gayon, lumipat si Abraham kasama ang iba pang mga mananampalataya.

"Kaya’t si Lut ay nanalig sa kanya (sa mensahe ni Abraham, ang Islam at Kaisahan ni Allah). Siya (Abraham) ay nagsabi: “Iiwan ko ang aking tahanan dahil sa kapakanan ng aking Panginoon (Allah). Katotohanang Siya ay Lubos na Makapangyarihan, ang Ganap na Maalam.’" (Quran 29:26)

Lumipat sila nang sama-sama sa isang mapagpalang lupain, ang lupain ng Canaan, o Greater Syria kung saan, ayon sa tradisyon ng Hudyo-Kristyano, hinati nina Abraham at Lot ang kanilang mga tao sa kanluran at silangan ng lupang kanilang nilipatan[3].

"At Aming iniligtas siya at si Lut sa lupain na Aming pinagpala para sa mundo." (Quran 21:71)

Narito, sa mapalad na lupain na ito, na pinili ng Diyos na pagpalain si Abraham ng mga anak.

"…At ipinagkaloob Namin sa kanila si Isaac, at ng dagdag na gantimpala (apong lalaki) na si Jacob. Ang bawat isa ay Aming ginawang matuwid." (Quran 21:72)

"At ito ang Aming Katibayan na Aming ibinigay kay Abraham laban sa kanyang pamayanan. Aming itinataas ang antas ng sinuman na Aming maibigan. Katotohanan, ang inyong Panginoon ang Ganap na Maalam, ang Tigib ng Karunungan. At iginawad Namin sa kanya si Isaac at Jacob, at ang bawat isa sa kanila ay Aming pinatnubayan, at noong una pa sa kanya, Aming pinatnubayan si Noe, at ang kanyang mga supling na sina David, Solomon, Job, Hosep, Moises at Aaron. Sa ganito Namin ginagantimpalaan ang mga mapaggawa ng kabutihan. At si Zakarias, at si Juan at Hesus at Elias, ang bawat isa sa kanila ay nasa lipon ng mga matutuwid. At Ismael at Elisha, at Jonas at Lut, at ang bawat isa sa kanila ay Aming kinasihan ng higit sa lahat ng mga nilalang (ng kanilang kapanahunan). At gayundin ang ilan sa kanilang mga ama at kanilang supling at kanilang mga kapatid, sila ay Aming hinirang at sila ay Aming pinatnubayan sa tuwid na landas. Ito ang Patnubay ni Allah, Kanyang ginagabayan ang sinumang Kanyang mapusuan sa Kanyang mga alipin. Datapuwa’t kung sila ay nagtambal ng iba pa sa pagsamba kay Allah, ang lahat ng kanilang mga ginawa ay walang maibibigay na kapakinabangan sa kanila. Sila ang Aming pinagkalooban ng Aklat, Al Hukm (pang-unawa sa batas ng pananampalataya), at ng Pagka-propeta…" (Quran 6:83-89)

Ang mga propeta, ay pinipili para sa pag-gabay ng kanyang nasyon:

"At sila ay ginawa Naming mga pinuno, na namamatnubay (sa sangkatauhan) sa pamamagitan ng Aming Pag-uutos, at itinanim Namin sa kanilang (puso) ang paggawa ng mga kabutihan, ang ganap na pag-aalay nang mahinusay na Salah (takdang pagdarasal), at ang pagbibigay ng Zakat (katungkulang kawanggawa), at tanging sa Amin lamang ang kanilang pagsamba." (Quran 21:73)



Mga talababa:

[1] Sinasabi ang tungkol sa kanya ng mga tradisyon ng Hudyo-Kristyano na siya ay nasa may limampung taong gulang. The Talmud: Selections, H. Polano. (http://www.sacred-texts.com/jud/pol/index.htm)

[2] Stories of the Prophets. Ibn Katheer. Darussalam Publications.

[3] Jewish Encyclopedia: Abraham

Mahina Pinakamagaling

Ang Kuwento ni Abraham (bahagi 5 ng 7): Ang Paghandog kay Hagar at ang Kanyang Suliranin

Marka:
Sukat ng Font:
A- A A+

Paglalarawanˇ: Ang ilang mga ulat tungkol sa paglalakbay ni Abraham patungong Ehipto, ang kapanganakan ni Ismael, at pakikipagsapalaran ni Hagar sa Paran.

  • Ni Imam Mufti
  • Nailathala noong 24 Aug 2020
  • Huling binago noong 25 Jun 2019
  • Nag-print: 8
  • Tumingin: 12,922
  • Marka: Wala pa
  • Nag-marka: 0
  • Nag-email: 0
  • Nag-komento: 0
Mahina Pinakamagaling

Si Abraham sa Canaan at Ehipto

The_Story_of_Abraham_(part_5_of_7_001.jpgNanatili si Abraham sa Canaan ng maraming taon na nagtutungo sa bawat lungsod na nangangaral at inaanyayahan ang mga tao sa Diyos hanggang sa isang taggutom na napilitan siya at si Sarah na lumipat sa Ehipto. Sa Ehipto ay may isang naghahari-hariang Paraon na may masidhing hangaring angkinin ang mga babaeng may asawa na.[1] Ang Islamikong kwento na ito ay kapansin-pansing naiiba kaysa sa mga tradisyon ng Hudyo-Kristyano, na kung saan sinasabi na inangkin ni Abraham na si Sarah[2] ay kanyang kapatid na babae upang mailigtas ang kanyang sarili sa Paraon[3]. Ginawa ng Paraon si Sarah na kabilang sa kanyang mga asawa at pinarangalan si Abraham para dito, ngunit nang ang kanyang bahay ay tinamaan ng matinding peste, nalaman niya na siya ay asawa ni Abraham at pinarusahan siya sa hindi pagsasabi sa kanya, kaya't pinalayas siya mula sa Ehipto.[4]

Alam ni Abraham na makukuha ni Sarah ang kanyang atensyon (ng hari), kaya sinabi niya sa kanya na kung tatanungin siya ng Paraon, dapat niyang sabihin na siya ay kapatid ni Abraham. Nang pumasok sila sa kanyang kaharian, tulad ng inaasahan, tinanong ng Paraon ang tungkol sa kanyang kaugnayan kay Sara, at sumagot si Abraham na siya ay kanyang kapatid na babae. Bagaman ang sagot ay nagpabawas sa ilan sa kanyang pagkahilig, binihag niya pa rin siya. Ngunit ang proteksyon ng Makapangyarihan sa lahat ang nagligtas kay Sarah mula sa kanyang masamang balak. Nang tinawag ni Paraon si Sarah para gawin ang kanyang masamang hangarin, bumaling si Sarah sa Diyos at nanalangin. Sa sandaling inaabot na ni Paraon si Sarah, nanigas ang itaas ng kanyang katawan. Sumigaw siya kay Sarah sa pagkabalisa, nangako na palalayain siya kung magdadasal siya para sa kanyang paggaling! Nanalangin siya para makalaya siya. Ngunit pagkatapos lamang ng nabigong ikatlong pagtatangka ay sa wakas tumigil na siya. Napagtanto ang kanilang natatanging kalikasan, pinalaya niya siya at ibinalik sa kanyang sinasabing kapatid.

Bumalik si Sara habang nagdarasal si Abraham, kasama ang mga regalo mula sa Paraon, dahil sa napagtanto niya ang kanilang natatanging kalikasan, kasama ang sariling anak na babae ng hari na si Hagar, ayon sa tradisyon ng Hudyo-Kristyano, bilang isang babaeng alipin[5]. Naghatid siya ng isang makapangyarihang mensahe sa Paraon at sa mga paganong taga-Ehipto.

Matapos silang bumalik sa Palestine, sina Sarah at Abraham ay nanatiling walang anak, sa kabila ng mga pangako ng Diyos na bibigyan siya ng isang anak. Dahil sa ang paghahandog ng isang aliping babae ng isang baog na babae sa kanyang asawa upang makabuo ng mga anak ay tila isang karaniwang kaugalian sa panahon na iyon [6], iminungkahi ni Sarah kay Abraham na kunin niya si Hagar bilang kanyang babae. Ang ilang mga Kristiyanong iskolar ay nagsabi tungkol sa kaganapang ito na inasawa talaga siya ni Abraham[7]. Alinmang kaso ito, sa tradisyon ng Hudyo at Babilonya, ang anumang supling na ipinanganak sa isang aliping babae, ay aangkinin ng amo ng aliping babae at ituturing na katulad ng isang batang ipinanganak mula sa kanya[8], kasama na ang mga usapin ng mana. Habang nasa Palestine, ipinanganak ni Hagar ang isang anak na lalaki, si Ismael.

Si Abraham sa Mecca

Nang pinapasuso pa si Ismael, pinili pa rin ng Diyos na subukan ang pananampalataya ng kanyang minamahal na si Abraham at inutusan siyang dalhin sina Hagar at Ismael sa isang tigang na lambak ng Bakka 700 milya sa timog-silangan ng Hebron. Sa kalaunan tinawag itong Mecca. Sa katunayan ito ay isang mahusay na pagsubok, sapagkat siya at ang kanyang pamilya ay nananabik ng gayong panahon sa mga anak, at nang ang kanilang mga mata ay napuno ng kagalakan ng isang tagapagmana, ang utos ay ipinatupad na dalhin siya sa isang malayong lupain, na kilala sa kawalan at kahirapan.

Habang ang Quran ay nagpapatunay na ito ay isa pang pagsubok para kay Abraham habang si Ismael ay isang sanggol pa, ang Bibliya at mga tradisyon ng Hudyo-Kristyano ay iginiit na ito ay bunga ng galit ni Sarah, na humiling kay Abraham na palayasin si Hagar at ang kanyang anak nang makita niyang "Kinukutya" ni Ishmael[9] si Isaac[10] pagkatapos siyang awatin sa pagpapasuso sa ina. Dahil ang tipikal na edad para sa pag-tigil sa pagpapasuso, ay hindi bababa sa tradisyon ng mga Hudyo, ay 3 taon[11], iminumungkahi na si Ismael ay humigit-kumulang 17 taong gulang[12] nang mangyari ang kaganapang ito. Tila napaka imposible, na kargahin ni Hagar ang isang binata sa kanyang balikat at dalhin siya ng daan-daang milya hanggang sa makarating siya sa Paran, pagkatapos tsaka lamang siya inilapag, tulad ng sabi ng Bibliya, sa ilalim ng isang halamanan[13]. Sa mga talatang ito si Ismael ay tinutukoy sa ibang salita kaysa sa ginamit na paglalarawan sa pagpapalayas sa kanya. Ang salitang ito ay nagpapahiwatig na siya ay napakabata, marahil isang sanggol, imbis na binata.

Kaya't si Abraham, matapos na manirahan kasama sina Hagar at Ismael, ay iniwan sila roon na may isang balat (lalagyan) ng tubig at bag na puno ng mga datiles. Nang magsimulang maglakad si Abraham upang iwanan sila, nag-aalala si Hagar tungkol sa nangyayari. Hindi lumingon si Abraham. Hinabol siya ni Hagar, ‘O Abraham, saan ka pupunta, iiwan mo kami sa lugar na ito kung saan walang tao na makakasama para maging masaya, ni kahit ano wala din dito?’

Nagmadali sa paglalakad si Abraham. Sa wakas, itinanong ni Hagar, 'Hiniling ba ng Diyos na gawin ito?'

Bigla, tumigil si Abraham, tumalikod at sinabi, 'Oo!'

Nakaramdam ng kasiyahan sa sagot na ito, tinanong ni Hagar, 'O Abraham, kanino mo kami iiwan?'

'Iiwan ko kayo sa pangangalaga ng Diyos,' sagot ni Abraham.

Sumuko si Hagar sa kanyang Panginoon, 'ako ay kuntento makasama ang Diyos!'[14]

Habang pabalik na siya kay maliit na Ismael, si Abraham naman ay nagpatuloy hanggang sa makarating siya sa isang makitid na daanan sa bundok kung saan hindi na nila siya makita. Huminto siya roon at hiniling sa Diyos sa panalangin na:

"O aming Panginoon! Hinayaan ko ang iba sa aking mga anak na manirahan sa lambak na walang pananim, sa iyong Sagradong Tahanan (ang Ka’ba sa Makkah), upang sa gayon, o aking Panginoon, na sila ay magsipag-alay ng panalangin nang mahinusay (Iqamat-as-Salat), kaya’t Inyong gawaran ang puso ng ibang tao na may pagmamahal tungo sa kanila, at (o Allah) Inyong pagkalooban sila ng mga bungangkahoy upang sila ay magbigay ng pasasalamat." (Quran 14:37)

Di-nagtagal, naubos ang tubig at mga datiles at nadagdagan ang desperasyon ni Hagar. Dahil hindi maalis ang kanyang pagkauhaw o di makapagpasuso sa kanyang maliit na sanggol, si Hagar ay nagsimulang maghanap ng tubig. Iniwan si Ismael sa ilalim ng isang puno, sinimulan niyang akyatin ang mabatong bulubundukin sa isang malapit na burol. 'Baka mayroong isang karawahe na dumaraan,' naisip niya sa kanyang sarili. Tumakbo siya sa pagitan ng dalawang burol ng Safa at Marwa ng pitong beses na naghahanap ng mga palatandaan ng tubig o tulong, na kalaunan ay ginagawa ng lahat ng mga Muslim sa Hajj. Nanghihina at nababagabag, narinig niya ang isang tinig, ngunit hindi niya mahanap ang pinagmumulan nito. Pagkatapos, nang tumingin sa lambak, nakita niya ang isang anghel, na kinilala bilang si Gabriel sa Islam[15], nakatayo sa tabi ni Ismael. Ang anghel ay naghukay sa lupa gamit ang kanyang sakong sa tabi ng sanggol, at ang tubig ay umagos. Ito ay isang himala! Sinubukan ni Hagar na gumawa ng isang palanggana o tipunan sa paligid nito upang maiwasan itong dumaloy, at punan ang kanyang balat (lalagyan ng tubig).[16] 'Huwag matakot na mapabayaan,' sabi ng anghel, 'sapagkat ito ang Bahay ng Diyos na itatayo ng batang ito at ng kanyang ama, at hindi pinapabayaan ng Diyos ang kanyang mga tao.'[17] Ang balon na ito, na tinawag na Zamzam, ay dumadaloy hanggang sa araw na ito sa lungsod ng Mecca sa Arabian Peninsula.

Hindi nagtagal pagkatapos nito ang tribo ng Jurham, na naglilipat mula sa timog ng Arabya, ay tumigil sa tabi ng lambak ng Mecca matapos makita ang hindi pangkaraniwang tanawin ng isang ibon na lumilipad sa direksyon nito, na maaari lamang mangahulugan ng pagkakaroon ng tubig. Kalaunan ay nanirahan sila sa Mecca at si Ismael na lumaki sa kanila.

Ang isang katulad na ulat tungkol sa balon na ito ay mababasa sa Bibliya sa Genesis 21. Sa ulat na ito, ang dahilan ng paglayo niya sa sanggol ay sa pag-iwas na makita siyang mamatay sa halip na maghanap ng tulong. Pagkatapos, matapos na magsimulang mag-iiyak ng sanggol sa uhaw, hiniling niya sa Diyos na pahupain siya na makita siyang mamatay. Ang paglitaw ng balon ay sinabi na bilang tugon sa pag-iyak ni Ismael, sa halip na sa kanyang pagsusumamo, at walang pagsisikap mula kay Hagar upang makahanap ng tulong ang naiulat doon. Gayundin, sinasabi ng Bibliya na ang balon ay nasa desyerto ng Paran, kung saan sila nanirahan pagkatapos. Kadalasang binabanggit ng mga iskolar ng Hudyo-Kristyano na ang Paran ay nasa isang lugar sa hilaga ng Peninsula ng Sinai, dahil sa pagbanggit ng Bundok ng Sinai sa Deuteronomio 33: 2. Gayunman, ang mga modernong arkeologo sa bibliya, ay nagsasabi na ang Bundok ng Sinai ay talagang nasa modernong o kasalukuyang Saudi Arabia, na kailangang pati rin ang Paran ay naroroon.[18]



Mga talababa:

[1] Fath al-Bari.

[2] Bagaman si Sarah ay ang kanyang kapatid sa ama o ina na babae (kalahating kapatid) ayon sa Genesis 20:12, na lumalabas na ang kanyang kasal ay incestual (sa loob ng pamilya), ang mga mapagkukunan ng Islam tulad ng al-Bukhari, ay iginiit na ito ay isa sa tatlong beses kung saan nakagawa si Abraham ng isang mapanlinlang na pahayag, dahil si Sarah ang kanyang kapatid na babae sa pananampalataya at pagiging-tao, upang maiwasan ang isang mas malaking kasamaan.

[3] Bilang karagdagan sa mga tradisyon, ang isang mas detalyadong kuwento ay binanggit din sa Bibliya, Genesis.12.11-20.

[4] Sarah. Emil G. Hirsch, Wilhelm Bacher, Jacob Zallel Lauterbach, Joseph Jacobs and Mary W. Montgomery. (http://www.jewishencyclopedia.com/view.jsp?artid=245&letter=S). Abraham. Charles J. Mendelsohn, Kaufmann Kohler, Richard Gottheil, Crawford Howell Toy. The Jewish Encyclopedia. See also Genesis: 12:14-20.

[5] Sarah. Emil G. Hirsch, Wilhelm Bacher, Jacob Zallel Lauterbach, Joseph Jacobs and Mary W. Montgomery. (http://www.jewishencyclopedia.com/view.jsp?artid=245&letter=S). Abraham. Charles J. Mendelsohn, Kaufmann Kohler, Richard Gottheil, Crawford Howell Toy. The Jewish Encyclopedia.

[6] Pilegesh. Emil G. Hirsch and Schulim Ochser. The Jewish Encyclopedia. (http://www.jewishencyclopedia.com/view.jsp?artid=313&letter=P&search=pilegesh).

[7] (http://whosoeverwill.ca/womenscripturehagar.htm, http://www.1timothy4-13.com/files/proverbs/art15.html).

[8] (http://www.studylight.org/com/acc/view.cgi?book=ge&chapter=016).

[9] Genesis 21:9.

[10] Ishmael. Isidore Singer, M. Seligsohn, Richard Gottheil and Hartwig Hirschfeld. The Jewish Encyclopedia. (http://www.jewishencyclopedia.com/view.jsp?artid=277&letter=I).

[11] 2Mac 7:27, 2 Chronicles 31:16.

[12] Si Abraham ay 86 gulang sa kapanganakan ni Ismael (Genesis: 16: 16), at 100 sa kapanganakan ni Isaac (Genesis 21:5).

[13] Genesis 21:15.

[14] Saheeh Al-Bukhari.

[15] Musnad Ahmad

[16] Ang isang katulad na kwento ay binanggit sa Bibliya, ngunit ang mga detalye nito ay naiiba. Tingnan ang Genesis 21:16-19

[17] Saheeh Al-Bukhari

[18]Is Mount SINAI in the SINAI? B.A.S.E. Institute. (http://www.baseinstitute.org/Sinai_1.html).

Mahina Pinakamagaling

Ang Kuwento ni Abraham (bahagi 6 ng 7): Ang Pinakadakilang Pag-alay

Marka:
Sukat ng Font:
A- A A+

Paglalarawanˇ: Ang pagsubok sa kanyang buhay, nakita ni Abraham sa isang panaginip na dapat niyang ialay ang kanyang "nag-iisang anak", ngunit ito ba si Isaac o si Ismael?

  • Ni Imam Mufti
  • Nailathala noong 24 Aug 2020
  • Huling binago noong 25 Jun 2019
  • Nag-print: 8
  • Tumingin: 14,415
  • Marka: Wala pa
  • Nag-marka: 0
  • Nag-email: 0
  • Nag-komento: 0
Mahina Pinakamagaling

Inialay ni Abraham ang Kanyang Anak

Malapit nang mag sampung taon mula nang iwan ni Abraham ang kanyang asawa at sanggol sa Mecca sa pangangalaga ng Diyos. Matapos ang isang dalawang buwang paglalakbay, nagulat siya nang makitang naiba ang Mecca sa kung paano niya ito iniwan. Ang kagalakan ng muling pagsasama ay agad na nagambala ng isang pangitain na siyang magiging panghuling pagsubok sa kanyang pananampalataya. Inutusan ng Diyos si Abraham sa pamamagitan ng isang panaginip na ialay ang kanyang anak, ang anak na lalaki na mayroon siya pagkatapos ng maraming taon ng mga panalangin at nakatagpo lamang pagkatapos ng isang dekada ng pagkakawalay.

Alam natin mula sa Quran na ang bata na dapat iaalay ay si Ismael, habang ang Diyos, ay nagbibigay ng maligayang balita sa pagsilang ni Isaac kina Abraham at Sara, ay nagbigay din ng maligayang balita ng isang apo, si Jacob (Israel):

"…Ngunit binigyan namin siya ng magandang balita tungkol kay Isaac, at pagkatapos niya, si Jacob." (Quran 11:71)

Katulad nito, sa talatang nasa bibliya sa Genesis 17:19, ipinangako kay Abraham:

"Ang iyong asawa na si Sarah ay magbibigay sa iyo ng isang anak na ang pangalan ay magiging Isaac. Itatatag ko ang aking pangako sa kanya bilang isang walang hanggang pangako [at] sa kanyang binhi na kasunod niya."

Sapagkat ipinangako ng Diyos na bigyan si Sarah ng isang anak mula kay Abraham at mga apo mula sa anak na iyon, hindi ito lohikal o praktikal na posible para sa Diyos na utusan si Abraham na ialay si Isaac, dahil ang Diyos ay hindi sinisira ang Kanyang pangako, o Siya ang "may-akda ng pagkakalito."

Bagaman ang pangalan ni Isaac ay malinaw na binanggit bilang isa na dapat iaalay sa Genesis 22: 2, nalaman natin mula sa iba pang mga konteksto ng Bibliya na ito ay malinaw na interpolasyon (dagdag sa orihinal), at ang tunay na dapat na kakatayin o isasakripisyo ay si Ismael.

"Aking Nag-iisang Anak"

Sa mga bersikulo ng Genesis 22, inutusan ng Diyos si Abraham na ialay ang kanyang nag-iisang anak na lalaki. Lahat ng mga iskolar ng Islam, Hudaismo at Kristiyanismo ay sumasang-ayon, na ipinanganak si Ismael bago si Isaac. Mula rito, hindi angkop na tawagin na si Isaac lang ang nag-iisang anak ni Abraham.

Totoo na ang Hudyo-Kristyano na mga iskolar ay madalas na nagtatalo na dahil si Ismael ay ipinanganak sa isang aliping babae, hindi siya isang lehitimong anak. Gayunpaman, nabanggit na natin kumakailan na ayon sa Hudaismo mismo, ang paghahandog ng mga aliping-babae mula sa mga baog na asawang babae para sa kanilang mga asawa upang makabuo ng mga supling ay isang pangkaraniwan, may bisa at katanggap-tanggap na pangyayari, at ang bata na mula sa aliping-babae ay aangkinin ng asawa ng ama[1], tinatangkilik ang lahat ng karapatan bilang kanya, ang sa asawa, sariling anak, kabilang ang mana. Bukod dito, makakatanggap sila ng dobleng bahagi kaysa sa iba pang mga bata, kahit na sila ay "kinamumuhian"[2].

Bilang karagdagan dito, ipinahiwatig sa Bibliya na kikilalanin mismo ni Sarah ang isang anak na mula kay Hagar bilang isang wastong tagapagmana. Dahil sa pagkakaalam na ipinangako kay Abraham na ang kanyang binhi ay pupunuin ang lupain sa pagitan ng Nile at Euphrates (Genesis 15:18) mula sa kanyang sariling katawan (Genesis 15: 4), inalok niya si Hagar kay Abraham upang siya ang maging daan upang matupad ang propesiya na ito. Sabi niya,

"Masdan ngayon, ako'y hinadlangan ng Panginoon na magka-anak; ipinamamanhik ko sa iyong sumiping ka sa aking alilang babae; marahil ay magkakaanak ako sa pamamagitan niya." (Genesis 16:2)

Ito rin ay katulad nina Lea at Raquel, ang mga asawa ni Jacob na anak ni Isaac, na ibinibigay ang kanilang mga aliping babae kay Jacob upang makabuo ng mga anak (Genesis 30: 3, 6. 7, 9-13). Ang kanilang mga anak ay sina Dan, Nepthali, Gad at Asher, na mula sa labindalawang anak ni Jacob, ang mga magulang ng labindalawang tribo ng mga Israelita, at samakatuwid ay mga wastong tagapagmana[3].

Mula rito, naiintindihan natin na si Sarah ay naniniwala na ang isang batang ipapanganak ni Hagar ay isang katuparan ng propesiya na ibinigay kay Abraham, at magiging parang siya mismo ang nanganak sa kanya. Kaya, ayon sa katotohanang ito lamang, si Ismael ay hindi anak sa labas, ngunit isang karapat-dapat na tagapagmana.

Ang Diyos mismo ang nagturing kay Ismael bilang isang wastong tagapagmana, sapagkat, sa maraming lugar, binabanggit ng Bibliya na si Ismael ay isang "binhi" ni Abraham. Halimbawa, sa Genesis 21:13:

"At gayon din sa anak ng alipin ay gagawin ko ang isang bansa, sapagkat siya ang iyong binhi."

Maraming iba pang mga kadahilanan na nagpapatunay na si Ismael at hindi si Isaac ang dapat iaalay, at nais ng Diyos, isang hiwalay na artikulo ang itatalaga sa paksa na ito.

Upang magpatuloy sa pag-uulat, kumunsulta si Abraham sa kanyang anak upang malaman kung naunawaan niya ang iniutos ng Diyos,

"Kaya’t ibinigay Namin sa kanya ang magandang balita ng matimtimang anak (na lalaki, si Ismail). At nang ang (anak na) lalaki ay sumapit na sa hustong gulang para tumulong sa mga pang araw-araw na gawain, siya (Abraham) ay nagsabi: “O aking anak! Ako ay nanaginip na iaalay kita bilang sakripisyo (kay Allah); iyong sabihin kung ano ang iyong nasasaloob!” (Ang anak) ay nagsabi: “o aking ama! Inyong sundin kung ano ang sa inyo ay ipinag-utos. Insha Allah (Kung pahihintulutan ni Allah), matatagpuan ninyo ako (kung ito ang kalooban ni Allah) na isang matiisin." (Quran 37:101-102)

Sa katunayan kung ang isang tao ay sinabihan ng kanilang ama na sila ay papatayin dahil sa isang panaginip, hindi ito tatanggapin ng madali. Maaaring mag-alinlangan ang isang tao sa panaginip pati na rin sa katinuan ng tao, ngunit alam ni Ismael ang katayuan ng kanyang ama. Ang maka-diyos na anak ng isang maka-diyos na ama ay desidido sa pagsumite sa Diyos. Dinala ni Abraham ang kanyang anak sa lugar kung saan siya dapat iaalay at inihiga siya nang nakadapa. Para sa kadahilanang ito, inilarawan sila ng Diyos sa pinakamagagandang mga salita, pagpapakita ng isang larawan sa diwa ng pagsusumite; isa na nagdadala ng luha sa mga mata:

"At nang sila ay kapwa nagsuko ng kanilang sarili (sa pagsunod kay Allah), at kanyang inihiga na siya na nakapatirapa sa kanyang noo (upang isakripisyo)." (Quran 37:103)

Habang ang kutsilyo ni Abraham ay nakapwesto na, isang tinig ang nagpahinto sa kanya

"Amin (Allah) siyang tinawag: o Abraham! Iyo nang natupad nang ganap ang panaginip!” Katotohanang sa ganito Namin ginagantimpalaan ang mabubuti, Katotohanang ito ay isang tunay na lantad na pagsubok." (Quran 37:104-106)

Sa katunayan, ito ang pinakadakilang pagsubok sa lahat, ang pagsasakripisyo ng kanyang nag-iisang anak, isang ipinanganak sa kanya pagkatapos na umabot na siya sa katandaan at mga taong pananabik para sa mga supling. Dito, ipinakita ni Abraham ang kanyang pagpayag na isakripisyo ang lahat ng kanyang mga pag-aari para sa Diyos, at sa kadahilanang ito, siya ay hinirang na pinuno ng lahat ng sangkatauhan, na pinagpala ng Diyos ng supling na mga Propeta.

"At alalahanin nang si Abraham ay sinubukan ng kanyang Panginoon sa natatanging Pag-uutos na kanyang tinupad. Siya (Allah) ay nagwika sa kanya: “Katotohanan, ikaw ay Aking gagawin na isang pinuno (Propeta) ng sangkatauhan.” (Si Abraham) ay nanikluhod: “Gayundin ang aking mga anak (lahi)." (Quran 2:124)

Si Ismael ay tinubos gamit ang isang tupa,

‘… At siya ay tinubos (iniligtas) Namin sa isang malaking sakripisyo (ipinalit sa kanya ang isang hayop, alalaong baga, isang lalaking tupa).’ (Quran 37:107)

Ito ang huwaran ng pagsumite at tiwala sa Diyos na daan-daang milyong mga Muslim ang gumagaya o nagsasagawa bawat taon sa panahon ng Hajj, isang araw na tinatawag na Yawm-un-Nahr - Ang Araw ng Pag-alay, o Eid-ul-Adhaa - o ang Pagdiriwang ng Pag-alay.

Si Abraham ay bumalik sa Palestine, at sa paggawa nito, dinalaw siya ng mga anghel na nagbigay sa kanya at kay Sarah ng mabuting balita ng isang anak na si Isaac,

"Kami ay nagbibigay sa iyo ng magandang balita ng isang batang lalaki (anak) na nagtataglay ng maraming kaalaman at karunungan" (Quran 15:53)

Sa oras na ito ay sinabihan din siya tungkol sa pagkawasak ng mga tao ni Lot.


Mga talababa:

[1] Pilegesh. Emil G. Hirsch and Schulim Ochser. The Jewish Encyclopedia. (http://www.jewishencyclopedia.com/view.jsp?artid=313&letter=P).

[2] Deuteronomy 21:15-17. Tingnan din: Primogeniture. Emil G. Hirsch and I. M. Casanowicz. The Jewish Encyclopedia. (http://www.jewishencyclopedia.com/view.jsp?artid=527&letter=P).

[3] Jacob. Emil G. Hirsch, M. Seligsohn, Solomon Schechter and Julius H. Greenstone. The Jewish Encyclopedia. (http://www.jewishencyclopedia.com/view.jsp?artid=19&letter=J).

Mahina Pinakamagaling

Ang Kuwento ni Abraham (bahagi 7 ng 7): Ang Pagtatayo ng isang Santuwaryo

Marka:
Sukat ng Font:
A- A A+

Paglalarawanˇ: Muling binisita ni Abraham ang kanyang anak na si Ismael, ngunit sa oras na ito upang maisakatuparan ang isang napakahalagang gawain, ang pagtatayo ng isang Bahay ng Pagsamba, isang santuwaryo para sa lahat ng sangkatauhan.

  • Ni IslamReligion.com
  • Nailathala noong 24 Aug 2020
  • Huling binago noong 04 Jan 2015
  • Nag-print: 12
  • Tumingin: 12,628
  • Marka: Wala pa
  • Nag-marka: 0
  • Nag-email: 0
  • Nag-komento: 0
Mahina Pinakamagaling

Itinayo nina Abraham at Ismael ang Kaaba

Matapos ang pagkakahiwalay ng maraming taon, muling nagtagpo ang ama at anak na lalaki. Sa paglalakbay na ito ay binuo ng dalawa ang Kaaba sa utos ng Diyos bilang isang permanenteng santuwaryo; isang lugar na inilagay para sa pagsamba sa Diyos. Narito, sa parehong tigang na disyerto kung saan iniwan ni Abraham sina Hagar at Ismael, na kung saan siya ay humiling sa Diyos na gawin itong isang lugar kung saan itatatag nila ang pagsamba, na walang pagsamba sa idolo.

"O aking Panginoon! Gawin Ninyo ang lungsod na ito (Makkah) na maging isang lugar ng kapayapaan at katiwasayan, at Inyong iadya ako at ang aking mga anak sa pagsamba sa mga diyus-diyosan. O aking Panginoon! Katotohanang iniligaw nila ang karamihan sa sangkatauhan. Datapuwa’t sinumang sumunod sa akin, katotohanang siya ay aking kakampi. At sinumang sumuway sa akin, - tunay na Kayo pa rin (Allah) ang Lagi nang Nagpapatawad, ang Pinakamaawain. O aming Panginoon! Hinayaan ko ang iba sa aking mga anak na manirahan sa lambak na walang pananim, sa Iyong Sagradong Tahanan (ang Ka’ba sa Makkah), upang sa gayon, o aking Panginoon, na sila ay magsipag-alay ng panalangin nang mahinusay (Iqamat-as-Salat), kaya’t Inyong gawaran ang puso ng ibang tao na may pagmamahal tungo sa kanila, at (o Allah) Inyong pagkalooban sila ng mga bungangkahoy upang sila ay magbigay ng pasasalamat. O aming Panginoon! Katotohanang batid Ninyo kung ano ang aming ikinukubli at kung ano ang aming inilalantad. walang anuman sa mga kalangitan at kalupaan ang nalilingid kay Allah. Ang lahat ng pagpupuri at pasasalamat ay kay Allah, na nagkaloob sa akin sa panahon ng aking katandaan kay Ismail at Isaac. Katotohanan, ang aking Panginoon ang Lubos na Dumirinig ng lahat ng mga panalangin. O aking Panginoon, Inyong gawin ako na maging isa sa nag-aalay ng ganap na panalangin nang mahinusay (Iqamat-as-Salat) at gayundin ang aking mga anak, O aking Panginoon! At Inyong tanggapin ang aking panambitan. Aming Panginoon! Inyong patawarin ako at ang aking mga magulang at ang lahat ng mga sumasampalataya sa Araw na ang Pagtutuos ay isasagawa." (Quran 14:35-41)

At, pagkalipas ng mga taon, muling nagsama si Abraham at ang kanyang anak na si Ismael, upang itatag ang marangal na Bahay ng Diyos, ang sentro ng pagsamba, kung saan haharap ang mukha ng mga tao kapag naghahandog ng mga panalangin, at gawin itong lugar ng pilgrimahe. Maraming magagandang mga talata sa Quran na naglalarawan ng kabanalan ng Kaaba at ang layunin ng pagtatayo nito.

"At (alalahanin) nang Aming ipamalas kay Abraham ang lugar (ng Banal) na Tahanan (ang Ka’ba sa Makkah) na (nagsasabi): 'Huwag kayong magtambal ng anupaman sa pagsamba sa Akin, [La ilaha ill Allah] (Wala ng iba pang diyos na karapat-dapat pag-ukulan ng pagsamba maliban kay Allah), at pakabanalin ninyo ang Aking Tahanan tungo sa kanila na mga nagsisi-ikot dito, at sa mga nagsisitindig sa panalangin, at sa mga yumuyukod (sa kapakumbabaan at pagtalima), at nagpapatirapa (sa panalangin, atbp.).' At ipagbadya sa sangkatauhan ang Hajj (Pilgrimahe). Sila ay daratal sa iyo sa kanilang mga paa at (nakasakay) sa bawat balingkinitang kamelyo, sila ay manggagaling sa bawat kaibuturan at malalayong dako ng daang bulubundukin (upang mag-alay ng Hajj)." (Quran 22:26-27)

"At alalahanin nang Aming gawin ang Tahanan (ang Ka’ba sa Makkah) bilang isang lugar ng pagtitipon sa mga tao at isang lugar ng kaligtasan. At kayo ay Aming dinala sa Himpilan ni Abraham bilang isang lugar ng dalanginan at Aming ipinag-utos kay Abraham at Ismail na nararapat nilang dalisayin ang Aking Tahanan sa mga tao na pumapalibot dito, o namamalagi rito (sa pag-aalaala kay Allah), o sa mga yumuyuko at nagpapatirapa rito (sa panalangin)." (Quran 2:125)

Ang Kaaba ay ang unang lugar ng pagsamba na hinirang para sa lahat ng sangkatauhan para sa layunin ng gabay at pagpapala:

"Katotohanan, ang unang Tahanan (ng pagsamba) na itinalaga sa sangkatauhan ay yaong sa Bakkah (Makkah), puspos ng biyaya, at isang patnubay sa lahat ng mga nilalang. Sa loob nito ay may mga lantad na Tanda (bilang halimbawa), ang Maqam (ang bahagi na tinindigan) ni Abraham; sinuman ang pumasok dito, siya ay magkakamit ng kapanatagan. Ang Hajj (Pilgrimahe sa Makkah) sa Tahanan ay isang tungkulin na utang ng sangkatauhan kay Allah, sa mga may kakayahang gumugol." (Quran 3:96-97)

Si Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) ay nagsabi:

"Tunay na ang lugar na ito ay ginawang sagrado ng Diyos noong araw na nilikha Niya ang langit at ang lupa, at mananatili ito hanggang sa Araw ng Paghuhukom." (Saheeh Al-Bukhari, Saheeh Muslim)

Ang Mga Panalangin ni Abraham

Sa katunayan, ang pagtatayo ng isang santuwaryo na gagampanan ng lahat ng mga huling henerasyon ay isa sa mga pinakamainam na anyo ng pagsamba na maaaring magawa ng mga tao para sa Diyos. Nanawagan sila sa Diyos habang sila ay gumagawa:

" At alalahanin nang itindig ni Abraham at Ismail ang mga haligi ng Tahanan (na may panikluhod): 'Aming Panginoon! Tanggapin Ninyo (ang paglilingkod na ito) mula sa amin. Katotohanang Kayo ang Ganap na Nakakarinig, ang Tigib ng Kaalaman.' Aming Panginoon! Kami ay gawin Ninyong mga Muslim na tumatalima sa Inyong (Kalooban) at gayundin ang aming mga anak (lahi) na tumatalima sa Inyong (Kalooban) at Inyong ipakita sa amin ang mga lugar ng pagdiriwang ng ritwal (sa Hajj at Umrah, atbp.) at Inyong tanggapin ang aming pagsisisi. Katotohanang Kayo ang Tanging Isa na tumatanggap ng pagsisisi, ang Pinakamaawain!" (Quran 2:127-128)

"At alalahanin nang sabihin ni Abraham: “Aking Panginoon, gawin Ninyo na ang lungsod na ito (Makkah) ay maging isang lugar ng kaligtasan at Inyong biyayaan ang nagsisipanirahan dito ng mga bungangkahoy, sa mga katulad nila na sumasampalataya kay Allah at sa Huling Araw..." (Quran 2:126)

Ipinagdasal din ni Abraham na may propetang lumabas mula sa lahi ni Ismael, na magiging mga naninirahan sa lupain na ito, dahil ang lahi ni Isaac ay maninirahan sa mga lupain ng Canaan.

"Aming Panginoon! Isugo Ninyo sa kanila ang isang Tagapagbalita na mula sa kanila, na magpapahayag sa kanila ng Inyong mga Talata at magtuturo sa kanila ng Kasulatan (ang Quran) at Al-Hikma at Inyong dalisayin sila, sapagkat Kayo lamang ang Pinakamataas sa Kapangyarihan, ang Lubos na Maalam." (Quran 2:129)

The_Story_of_Abraham_(part_7_of_7)_001.jpg

Ang Kaabah na itinayo nina Abraham at Ismael at ang Tinayuan ni Abraham, kung saan naroroon ang yapak ni Propeta Abraham.

Ang panalangin ni Abraham para sa isang Sugo ay sinagot pagkatapos ng libu-libong taon nang hinirang ng Diyos si Propeta Muhammad sa pagitan ng mga Arabo, at dahil ang Mecca ay napili na maging isang santuwaryo at Bahay ng Pagsamba para sa lahat ng sangkatauhan, gayon din ang Propeta ng Mecca na ipinadala sa lahat ng sangkatauhan.

Ito ang pinaka tanyag na nakamit sa buhay ni Abraham sa pagkumpleto ng kanyang layunin: ang pagtatayo ng isang lugar ng pagsamba para sa lahat ng sangkatauhan, hindi para sa anumang piling lahi o kulay, para sa pagsamba sa Isang Tunay na Diyos. Sa pamamagitan ng pagtatatag ng bahay na ito ay sinisigurado na ang Diyos, ang Diyos na tinawag niya at ginawan ng mga walang katapusang mga sakripisyo, ay sasambahin magpakailanman, nang walang pagtatambal ng anumang diyos sa Kanya. Sa katunayan ito ay isa sa mga pinakadakilang pabor na ipinagkaloob sa sinumang tao.

Si Abraham at Ang Paglalakbay o Peregrinasyon ng Hajj

Taun-taon, ang mga Muslim mula sa buong mundo mula sa anumang kalagayan sa buhay ay nagtitipon, upang sumangguni sa panalangin ni Abraham at ang panawagan sa Peregrinasyon o paglalakbay. Ang ritwal na ito ay tinatawag na Hajj, at pinapaalala nito ang maraming mga kaganapan ng minamahal na lingkod ng Diyos na si Abraham at ang kanyang pamilya. Matapos ikutin ang Kaaba, ang isang Muslim ay nananalangin sa likod ng Pinagtayuan ni Abraham, ang bato kung saan umapak si Abraham upang maitayo ang Kaaba. Matapos ang mga pagdarasal, ang mga Muslim ay umiinom mula sa parehong balon, na tinatawag na Zamzam, na dumaloy bilang sagot sa Panalangin nina Abraham at Hagar, na nagbigay ng pagkain para kay Ismael at Hagar, at ang dahilan upang may manirahan sa lupain. Ang ritwal ng paglalakad sa pagitan ng Safaa at Marwah ay paggunita sa desperadong paghahanap ng tubig ni Hagar nang mag-isa siya at ang kanyang sanggol sa Mecca. Ang sakripisyo ng isang hayop sa Mina sa panahon ng Hajj, at ng mga Muslim sa buong mundo sa kanilang sariling mga lupain, ay ayon sa halimbawa ng pagpayag ni Abraham na isakripisyo ang kanyang anak para sa Diyos. Panghuli, ang pagbato sa mga haliging bato sa Mina ay sumisimbolo ng pagtanggi ni Abraham sa mga tukso ni satanas upang maiwasan niyang isakripisyo si Ismael.

Ang 'Minamahal na lingkod ng Diyos' na kung saan sinabi ng Diyos, "Gagawin kitang pinuno ng mga bansa,"[1] ay bumalik sa Palestine at namatay doon.



Talababa:

[1] Quran 2:125

Mahina Pinakamagaling

Mga bahagi ng mga artikulo na ito

Magdagdag ng komento

  • (Hindi nakikita sa publiko)

  • Ang iyong komento ay susuriin at dapat malathala sa loob ng 24 oras.

    Ang patlang na may markang asterisk (*) ay kailangan.

Pinakamaraming Tumingin

Araw-araw
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
Kabuuan
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Pinili ng Editor

(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Listahan ng Contento

Simula ng iyong huling pagbisita
Ang listahang ito ay kasalukuyang walang laman.
Lahat sa pamamagitan ng petsa
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Pinaka Sikat

Pinakamataas ang marka
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
Pinakamaraming nag-email
Pinakamaraming nag-print
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
Pinakamaraming nag-komento
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Ang iyong mga paborito

Your favorites list is empty. You may add articles to this list using the article tools.

Ang iyong History

(Magbasa pa...) Alisin
Minimize chat