Ang Layunin ng Buhay (bahagi 1 ng 3): Dahilan at Rebelasyon
Paglalarawanˇ: Ang "Dahilan" ba ay isang sapat na mapagkukunan sa paghahanap sa layunin ng buhay?
- Ni Imam Mufti
- Nailathala noong 24 Aug 2020
- Huling binago noong 25 Jun 2019
- Nag-print: 6
- Tumingin: 8,384 (araw-araw na pamantayan: 5)
- Nag-marka: 0
- Nag-email: 0
- Nag-komento: 0
Panimula
‘Ano ang kahulugan at layunin ng buhay?’ Ito, marahil, ang pinakamahalagang tanong na ating naitanong. Sa lahat ng panahon, itinuturing ito ng mga pilosopo bilang isang pinaka pangunahing katanungan. Ang mga siyentipiko, mananalaysay, pilosopo, manunulat, sikologo at pangkaraniwang tao lahat ay nakikibahagi sa tanong sa ilang punto ng kanilang buhay.
Ang Kadahilanan ba ay isang Sapat na Patnubay?
‘Bakit tayo kumakain?’ ‘Bakit tayo natutulog?’ ‘Bakit tayo naghahanap-buhay?’ Ang mga sagot na ating makukuha sa katanungang ito ay pare-pareho. ‘Kumakain ako para mabuhay.’ ‘Natutulog ako para magpahinga.’ ‘Naghahanap buhay ako para matustusan ang aking sarili at ang aking pamilya.’ Ngunit pagdating sa kung ano ang layunin ng buhay, nalilito ang mga tao. Nakikita natin ang kanilang kalituhan base sa mga sagot na ating natatanggap. Maaring sabihin ng mga kabataan na, "Nabubuhay ako para sa alak at bikini." Maaring sabihin ng mga nasa katamtamang gulang na, "Nabubuhay ako para mag-ipon para sa maginhawang pagreretiro." Maaring sabihin ng isang matanda na, "Nagtatanong ako sa buong buhay ko kung bakit ako naririto. Kung may layunin man, wala na akong pakialam." At marahil, ang pinaka-karaniwang kasagutan ay, "Hindi ko talaga alam!"
Paano sa gayon matutuklasan ang layunin ng buhay? Mayroon tayong dalawang karaniwang pagpipilian. Ang una ay hayaan ang 'katwiran ng tao' - ang ipinagbunying nakamit na Kaliwanagan - ay gabayan tayo. Pagkatapos ng lahat, ang pagpapaliwanag ay nagbigay sa atin ng modernong agham na base sa mabusising obserbasyon ng pisikal na mundo. Ngunit nalaman ba ng mga sinaunang pilosopo ang mga paliwanag na ito? Ipinaliwanag ni Camus na ang buhay ay "hindi makatwiran"; Nagsalita si Sartre ukol sa "paghihirap, pag-abanduna at kawalan ng pag-asa." Para sa mga Eksistensialista, ang buhay ay walang kahulugan. Naisip ng mga tagasuporta ni Darwin na ang kahulugan ng buhay ay magparami. Isinulat ni Will Durant base sa kanyang nakuhang kalagayan mula sa mga sinaunang tao na, "Ang paniniwala at pag-asa ay mawawala; ang pagdududa at kawalan ng pag-asa ay ang kaayusan ng araw… hindi ang ating mga tahanan at ari-arian ang walang laman, kundi ang ating mga 'puso'." Pagdating sa kung ano ang kahulugan ng buhay, pati ang mga pinakamagaling na pilosopo ay nanghuhula lamang. Si Will Durant, ang pinaka-kilalang pilosopo ng huling siglo, at si Dr. Hugh Moorhead, isang propesor sa pilosopiya sa Northeastern Illinois University, ay sumulat ng librong pinamagatang ‘Ang Kahulugan ng Buhay.’[1] Sila ay sumulat at nagtanong sa mga pinakakilalang pilosopo, siyentipiko, manunulat, pulitiko, at intelektwal ng kanilang oras sa mundo sa kung"Ano ang kahulugan ng buhay?" At kanilang inilathala ang kanilang mga kasagutan. Ang iba sa kanila ay nagbigay ng kanilang pinakamahusay na hula, ang iba sa kanila ay umamin na gumawa lamang sila ng kanilang layunin sa buhay, at ang iba ay nagsabi ng totoo na wala silang ideya. Sa katunayan, marami sa mga kilalang intelektuwal ang nagsabi sa mga may akda na sumulat silang muli at sabihan sila kung natuklasan na ang layunin sa buhay.
Hayaan ang mga Langit na "Magsalita"
Kung ang pilosopo ay walang tiyak na kasagutan, marahil ang sagot ay matatagpuan sa ating puso't isipan. Natanaw mo na ba ang kalangitan sa isang malinaw na gabi? Makakakita ka ng hindi mabilang na mga bituin. Tumingin ka sa pamamagitan ng isang teleskopyo at makikita mo ang napakalaking kalawakan, napakagandang nebula kung saan nabuo ang mga bagong bituin, ang mga bahagi ng sumabog ang sinaunang supernova na naging dahilan ng huling pagkasawi ng mga bituin, ang mga kamangha-manghang mga singsing ng Saturn at buwan ng Jupiter. Posible bang hindi mailipat ang paningin sa mga hindi mabilang na mga bituin sa kalangitan ng gabi na kumikinang tulad ng alikabok ng diamante sa isang kama ng itim na pelus? Maramihang mga bituin na lampas sa mga bituin, na lumalawak; nagiging napakasiksik na lumilitaw at nagsasama sama sa isang pinong nagniningning na mga wisik. Ang karingalan ay nagpapakumbaba sa atin, nagpapagalak sa atin, nagbibigay inspirasyon sa isang labis na pananabik para sa pagsisiyasat, at nanawagan para sa ating pagninilay-nilay. Paano ito naparito? Paano tayo nauugnay dito, at ano ang lugar natin dito? Naririnig ba natin ang langit na "nagsasalita" sa atin?
"Katotohanan, sa pagkakalikha ng mga kalangitan at kalupaan, at sa pagsasalit-salitan ng gabi at araw, naririto ang ayaat (mga palatandaan, babala, aral) para sa mga (taong) nagtataglay ng tamang pang-unawa. Yaong mga nag-aalaala sa Allah nang nakatindig, nakaupo, at nakatagilid sa kanilang pagkahiga, at nagmumuni-muni sa pagkalikha ng mga kalangitan at ng kalupaan, (at nagsabing):"Aming Panginoon, hindi Mo po nilikha ito sa kabulaanan (o nang walang makabuluhang layunin). Luwalhati sa Iyo..." (Quran 3:190-191)
Kapag tayo ay nagbasa ng libro, tinatanggap natin na mayroong isang may-akda. Kapag tayo ay nakakita ng bahay ,tinatanggap natin na mayroong nagpatayo dito. Parehas ang mga itong ginawa ng may layunin ng mga gumawa ng mga ito. Ang disenyo, ayos, at pagiging kumplikado ng daigdig pati na rin ang mundo sa ating kapaligiran ay katibayan ng pagkakaroon ng dakilang katalinuhan, isang perpektong taga-disenyo. Lahat ng mga nasa kalangitan ay kinokontrol ng tumpak na tuntunin ng pisika. Maaari bang magkaroon ng mga batas na walang mambabatas? Sinabi ng siyentipiko sa rocket na si Dr. Von Braun na: "Ang mga likas na batas ng daigdig ay talagang tumpak at hindi na tayo mahihirapan sa pagbuo ng isang sasakyang pangkalawakan na ating magagamit patungo sa buwan at maaaring orasan ang paglipad na may eksaktong isang bahagi ng isang segundo. Ang mga batas na ito ay dapat na itinakda ng isang tao." Napagtanto ni Paul Davies, isang propesor ng pisika, na ang pagkakaroon ng tao ay hindi lamang isang biro ng kapalaran (nagkataon). Kanyang isinaad: "Nakatadhana tayong maparito." At ang kanyang isinaad patungkol sa daigdig ay: "Sa pamamagitan ng aking gawaing pang-agham, lalo akong mas napaniwala na ang pisikal na daigdaig ay pinagsama ng may katalinuhan at nakakamangha na hindi ko matatanggap ito bilang isang matalas na katotohanan. Mayroon marahil, sa aking palagay, mas malalim na antas ng paliwanag." Ang daigdig, ang lupa, at mga bagay na nabubuhay sa mundo lahat ay nagbibigay ng tahimik na patotoo sa isang matalino, makapangyarihan na Lumikha.
Kung tayo ay ginawa ng isang Tagapaglikha, siguradong Siya ay mga dahilan, isang layunin sa paglikha sa atin. Sa gayon, mahalaga na ating hangaring malaman ang layunin ng Diyos sa ating pagkaparito. Pagkatapos nating pagnilay-nilayan ang layuning ito, mapipili natin kung nais nating mabuhay nang naaayon dito. Ngunit posible bang malaman kung ano ang inaasahan mula sa atin na naiwan sa ating sariling mga aparato nang walang anumang komunikasyon mula sa Lumikha? Ito ay likha na ang Panginoon mismo ang Siyang magpapaalam sa atin sa layuning ito, lalo na kung inaasahan na atin itong maisasakatuparan.
Alternatibo sa Haka-haka: Magtanong sa Diyos
Dinadala tayo nito sa pangalawang pagpipilian: ang kahalili sa haka-haka patungkol sa kahulugan at layunin ng buhay ay paghahayag. Ang pinakamadaling paraan upang matuklasan ang layunin ng isang imbensyon ay upang tanungin ang imbentor. Upang matuklasan ang layunin ng iyong buhay, tanungin ang Diyos.
Talababa:
[1] "On the Meaning of Life" ni Will Durant. Pub: Ray Long & Richard R. Smith, Inc. New York 1932 at "The Meaning of Life" ni Hugh S. Moorhead (ed.). Pub: Chicago Review Press, 1988.
Magdagdag ng komento