Kapatawaran para sa Lahat ng mga Nakaraang Kasalanan
Paglalarawanˇ: Ang tao ay hindi dapat mawalan ng pag-asa mula sa awa ng Diyos patungkol sa mga kasalanan na kanilang nagawa sa kanilang buhay, sapagkat tunay na ang Diyos, Ang Pinaka-Mapagpatawad at Maawain, ay nagagawang magpatawad ng lahat ng mga kasalanan.
- Ni islam-guide.com
- Nailathala noong 24 Aug 2020
- Huling binago noong 29 Mar 2011
- Nag-print: 5
- Tumingin: 4,798 (araw-araw na pamantayan: 3)
- Nag-marka: 131
- Nag-email: 0
- Nag-komento: 0
Kapag ang isang tao ay yumakap sa Islam, pinatatawad ng Diyos ang lahat ng kanyang mga nakaraang kasalanan at masasamang ginawa. May isang lalaki na ang pangalan ay Amr na lumapit kay Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) at nagsabi, “Ibigay mo sa akin ang iyong kanang kamay upang sa gayon ay maibigay ko sa iyo ang aking pangako ng katapatan.” Iniabot ng Propeta ang kanyang kanang kamay. Ngunit binawi ni Amr ang kanyang kamay. Ang Propeta ay nagtanong: “Ano ang nangyari sa iyo, O Amr?” Siya ay sumagot, “Nais kong maghayag ng kasunduan.” Ang Propeta ay nagtanong: “Anong kasunduan ang nais mong ihayag?” Sumagot si Amr, “Na patawarin ng Diyos ang aking mga kasalanan.” Ang Propeta (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) ay nagsabi: “Hindi mo ba alam na sa pagyakap sa Islam ay binubura ang lahat ng mga nakaraang kasalanan?”[1]
Pagkatapos yumakap sa Islam, ang isang tao ay bibigyan ng gantimpala ayon sa kanyang mga mabubuti at masasamang gawa alinsunod sa mga sumusunod na kasabihan ng Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala): “Ang iyong Panginoon, na Siyang pinagpala at nasa kaitaas-taasan, ay pinaka-maawain. Sinuman ang magnais na gumawa ng mabuting gawa ngunit hindi niya ito nagawa, ay katumbas ng isang mabuting gawa ang maitatala sa kanya. At kung ito ay kanyang nagawa, (gagantimpalaan ng) sampu hanggang pitong daan o makailang ulit pa (na gantimpala sa mabuting gawa), na maitatala para sa kanya. At kung sinuman ang magnais na gumawa ng masamang gawa ngunit hindi niya ito nagawa, ay isang mabuting gawa ang maitatala para sa kanya. At kung ito ay kanyang nagawa, isang masamang gawa ang maitatala laban sa kanya o di kaya ay buburahin ito ng Diyos.”[2]
Magdagdag ng komento