Karapatang Pantao at Katarungan sa Islam
Paglalarawanˇ: Isang sulyap sa mga pundasyon ng mga karapatang pantao na inilatag ng Islam.
- Ni islam-guide.com
- Nailathala noong 24 Aug 2020
- Huling binago noong 29 Mar 2011
- Nag-print: 3
- Tumingin: 6,055 (araw-araw na pamantayan: 4)
- Nag-marka: 0
- Nag-email: 0
- Nag-komento: 0
Ang Islam ay nagkakaloob ng maraming mga karapatang pantao para sa indibidwal. Ang mga sumusunod ay ilan sa mga karapatang pantao na pinangangalagaan ng Islam.
Ang buhay at pag-aari ng lahat ng mga mamamayan sa isang Islamikong bansa ay itinuturing na sagrado, maging ang isang tao ay isang Muslim o hindi. Ang Islam ay pinangangalagaan din ang dangal. Kaya, sa Islam, ang manghamak ng iba o pagtawanan sila ay hindi ipinahihintulot. Ang Propeta Muhammad, nawa'y ang awa at mga pagpapala ng Diyos ay sumakanya, ay nagsabi: "Tunay na ang inyong dugo, ang inyong pag-aari, at ang inyong dangal ay sagrado."[1]
Ang rasismo ay hindi ipinahihintulot sa Islam, sapagkat ang Quran ay nagpapahayag ng pagkakapantay-pantay ng tao sa sumusunod na mga kataga:
"O sangkatauhan, kayo ay Aming nilikha mula sa lalaki at babae, at kayo ay Aming ginawang mga bansa at mga tribo upang kayo ay magkakilanlan sa isat isa. Katotohanan, ang pinakamarangal sa inyo sa Diyos ay ang pinakamatatakutin.[2] Katotohanan, ang Diyos ay ang Nakakaalam ng lahat, Nakababatid ng lahat." (Quran 49:13)
Ang Islam ay itinatanggi ang ilang mga indibidwal o bansa na itangi dahil sa kanilang kayamanan, kapangyarihan, o lahi. Ang Diyos ay nilikha ang mga taong magkapantay na sila ay makikilala lamang ang bawat isa batay sa kanilang pananampalataya at pagkatakot. Ang Propeta Muhammad (pbuh) ay nagsabi: "O mga tao! Ang inyong Diyos ay nag-iisa at ang inyong ninuno (si Adan) ay iisa. Ang isang Arabo ay hindi mas mainam kaysa sa isang hindi Arabo at ang isang hindi Arabo ay hindi mas mainam kaysa sa isang Arabo, at ang pula (ibig sabihin ang puting nabahiran ng pula) na tao ay hindi mas mainam kaysa sa isang itim na tao at ang isang itim na tao ay hindi mas mainam kaysa sa isang pula na tao,[3] maliban sa pagkatakot."[4]
Ang isa sa mga pangunahing suliranin ng sangkatauhan sa kasalukuyan ay ang rasismo. Ang maunlad na daigdig ay maaaring makapagpadala ng tao sa buwan ngunit hindi maaaring mapigilan ang tao mula sa pagkapoot at pakikipaglaban sa kanyang kapwa tao. Mula pa noong mga araw ng Propeta Muhammad (pbuh), ang Islam ay nakapagdulot ng isang malinaw na halimbawa kung paano ang rasismo ay mawawakasan. Ang taunang paglalakbay (ang Hajj) sa Makkah ay nagpapakita ng tunay na Islamikong kapatiran sa lahat ng mga lahi at mga bansa, kapag ang dalawang milyong mga Muslim mula sa buong mundo ay nagtutungo sa Makkah upang isagawa ang paglalakbay.
Ang Islam ay isang relihiyon ng katarungan. Ang Diyos ay nagsabi:
"Katotohanan ang Diyos ay nag-utos sa inyo na ibalik ang mga ipinagkatiwala sa mga kinauukulan nito, at kung kayo ay maghahatol sa pagitan ng mga tao, kayo ay humatol nang may katarungan...." (Quran 4:58)
At Siya ay nagsabi:
"...At gumawa nang makatarungan. Katotohanan, ang Diyos ay nagmamahal sa mga makatarungan." (Quran 49:9)
Tayo ay dapat din maging makatarungan sa ating mga kinasusuklaman, tulad ng sinabi ng Diyos:
"...At huwag ninyong hayaang ang pagkasuklam sa iba ay pumigil sa inyo mula sa pagiging makatarungan. Maging makatarungan: yaon ay higit na malapit sa pagkakaroon ng takot...." (Quran 5:8)
Ang Propeta Muhammad (pbuh) ay nagsabi: "Mga tao, mag-ingat sa kawalang katarungan,[5] sapagkat ang kawalang katarungan ay magiging kadiliman sa Araw ng Paghuhukom."[6]
At silang mga hindi pa nakakuha ng kanilang mga karapatan (ibig sabihin kung ano ang mayroon silang makatarungang pag-angkin) sa buhay na ito ay tatanggap sila sa Araw ng Paghuhukom, tulad ng sinabi ng Propeta: "Sa Araw ng Paghuhukom, ang karapatan ay ipagkakaloob sa kanilang karapat-dapat dito (at ang mga kamalian ay pagbabayaran)...”[7]
Mga talababa:
[1] Isinalaysay sa Saheeh Al-Bukhari, #1739, at Mosnad Ahmad, #2037.
[2] Ang isang taong matatakutin ay isang mananampalataya na umiiwas sa lahat ng uri ng mga kasalanan, nagsasagawa ng lahat ng mabubuting mga gawa na iniutos ng Diyos sa atin na gawin, at may takot at nagmamahal sa Diyos.
[3] Ang mga kulay na binanggit dito sa Propetikong salawikain ay mga halimbawa. Ang kahulugan nito ay sa Islam walang sinuman ang mas mainam kaysa sa iba dahil sa kanyang kulay, maging ito ay puti man, itim, pula, o anumang iba pang kulay.
[4]Isinalaysay sa Mosnad Ahmad, #22978.
[5]ibig sabihin ay pang-aapi sa iba, pagkilos ng walang katarungan, o paggawa ng kamalian sa iba.
[6]Isinalaysay sa Mosnad Ahmad, #5798, at Saheeh Al-Bukhari, #2447.
[7]Isinalaysay sa Saheeh Muslim, #2582, at Mosnad Ahmad, #7163.
Magdagdag ng komento