Isang Maikling Pagpapakilala sa Islam (bahagi 1 ng 2)

Marka:
Sukat ng Font:
A- A A+

Paglalarawanˇ: Isang maikling pagpapakilala sa kahulugan ng Islam, ang paniniwala sa Diyos sa Islam, at ang Kanyang pangunahing mensahe sa sangkatauhan sa pamamagitan ng mga Propeta.

  • Ni Daniel Masters, AbdurRahman Squires, and I. Kaka
  • Nailathala noong 24 Aug 2020
  • Huling binago noong 24 Apr 2010
  • Nag-print: 5
  • Tumingin: 9,746 (araw-araw na pamantayan: 6)
  • Marka: Wala pa
  • Nag-marka: 0
  • Nag-email: 0
  • Nag-komento: 0
Mahina Pinakamagaling

Ang Islam at mga Muslim

Ang salitang "Islam" ay isang Arabeng salita na nangangahulugang "pagpapasakop sa kalooban ng Diyos". Ang salitang ito ay nagmula sa parehong ugat ng Arabeng salitang "salam", na nangangahulugang "kapayapaan". Kung kaya, ang relihiyong Islam ay nagtuturo na upang makamit ang totoong kapayapaan ng pag-iisip at katiyakan ng puso, siya ay dapat magpasakop sa Diyos at mamuhay alinsunod sa Kanyang Banal na ipinahayag na Batas. Ang pinakamahalagang katotohanang ipinahayag ng Diyos sa sangkatauhan ay walang banal o karapat-dapat na sambahin maliban sa Diyos na Makapangyarihan sa lahat, kaya ang lahat ng tao ay dapat magpasakop sa Kanya.

Ang salitang "Muslim" ay nangangahulugang siyang nagpasakop sa kalooban ng Diyos, anuman ang kanilang lahi, nasyonalidad o etnikong pinagmulan. Ang pagiging isang Muslim ay sinusundan ng kusang loob na pagpapasakop at masigasig na pagsunod sa Diyos, at pamumuhay alinsunod sa Kanyang mensahe. Ang ilang mga tao ay nag-aakalang ang Islam ay isang relihiyon lamang para sa mga Arabo, ngunit walang maaaring humigit pa sa katotohanan. Hindi lamang mayroong mga nagbalik sa Islam sa bawat sulok ng mundo, lalo na sa Inglatera at Amerika, ngunit sa pamamagitan ng pagsusuri sa Mundo ng Muslim mula sa Bosnia hanggang Nigeria, at mula sa Indonesia hanggang Morocco, kanyang malinaw na makikita na ang mga Muslim ay nagmula sa maraming iba't-ibang mga lahi, pangkat etniko at nasyonalidad. Kawili-wili ding pansinin na sa katotohanan, mahigit sa 80% ng lahat ng mga Muslim ay hindi mga Arabo - mas maraming Muslim sa Indonesia kaysa sa buong Mundo ng Arabo! Kaya, kahit na totoong ang karamihan sa mga Arabo ay Muslim, ang malaking mayorya ng mga Muslim ay hindi mga Arabo. Gayunpaman, ang sinumang nagpasakop nang lubusan sa Diyos at sumamba sa Kanya lamang ay isang Muslim.

Pagpapatuloy ng Mensahe

Ang Islam ay hindi isang bagong relihiyon dahil ang "pagpapasakop sa kalooban ng Diyos", iyan ay, ang Islam, ang siya lamang katanggap-tanggap na relihiyon sa paningin ng Diyos. Sa kadahilanang ito, ang Islam ay ang tunay na "likas na relihiyon", at ito ay ang parehong walang hanggang mensahe na ipinahayag sa pagdaan ng mga panahon sa lahat ng mga propeta at sugo ng Diyos. Ang mga Muslim ay naniniwala na ang lahat ng mga propeta ng Diyos, na kinabibilangan nina Abraham, Noe, Moises, Hesus at Muhammad (sumakanila nawa ang kapayapaan at pagpapala ng Diyos), ay nagdala ng pare-parehong mensahe ng purong Monoteismo. Para sa kadahilanang ito, ang Propeta Muhammad (nawa'y ang awa at mga pagpapala ng Diyos ay sumakanya) ay hindi nagtatag ng isang bagong relihiyon, tulad ng maling iniisip ng maraming tao, ngunit siya ang pangwakas na Propeta ng Islam. Sa pamamagitan ng pagpapahayag ng Kanyang huling mensahe kay Muhammad (nawa'y ang awa at mga pagpapala ng Diyos ay sumakanya), na isang walang hanggan at unibersal na mensahe para sa lahat ng sangkatauhan, ang Diyos sa huli ay tinupad ang tipan na Kanyang ginawa kay Abraham, na isa sa mga pinakauna at pinakadakilang propeta.

Sapat nang sabihing ang paraan ng Islam ay kaparehong paraan ng propeta Abraham, sapagkat ang Bibliya at ang Quran ay naglarawan kay Abraham bilang isang mataas na halimbawa ng isang taong isinuko ang kanyang sarili ng ganap sa Diyos at sumamba sa Kanya nang walang mga tagapamagitan. Kapag napagtanto ito, dapat na maging malinaw na ang Islam ay may pinaka-tuluy-tuloy at unibersal na mensahe ng anumang relihiyon, dahil ang lahat ng mga propeta at sugo ay mga "Muslim", kaya, sila ang mga nagpasakop sa kalooban ng Diyos, at ipinangaral ang "Islam", kaya naman, ito ay ang pagpapasakop sa kalooban ng Diyos na Makapangyarihan sa lahat.

Ang Kaisahan ng Diyos

Ang pundasyon ng Islamikong paniniwala ay ang paniniwala sa Kaisahan ng Makapangyarihan Diyos - ang Diyos nina Abraham, Noe, Moises at Hesus. Ang Islam ay nagtuturo na ang isang dalisay na paniniwala sa Nag-iisang Diyos ay likas na nauunawaan ng mga tao at sa gayon ay tinutupad ang likas na pagkahilig ng kaluluwa. Kung kaya, ang konsepto ng Islam sa Diyos ay tuwiran, walang kalabuan at madaling maunawaan. Ang Islam ay nagtuturo na ang mga puso, isipan at kaluluwa ng mga tao ay angkop na sisidlan para sa malinaw na banal na kapahayagan, at ang mga kapahayagan ng Diyos sa tao ay hindi tinatakpan ng mga misteryo na sumasalungat sa sarili o hindi makatwirang mga ideya. Kung kaya, ang Islam ay itinuturo na kahit na ang Diyos ay hindi lubos na nauunawaan at naiintindihan ng ating may hangganang isipan bilang tao, hindi rin Niya inaasahan mula sa atin na tumanggap ng kakatwa o malinaw na maling paniniwala tungkol sa Kanya.

Ayon sa mga turo ng Islam, ang Diyos na Makapangyarihan sa lahat ay ganap na Nag-iisa at ang Kanyang Kaisahan ay hindi kailanman dapat ikompromiso sa pamamagitan ng pag-ugnay ng mga katambal sa Kanya - ni sa pagsamba o sa paniniwala. Dahil dito, ang mga Muslim ay kinakailangang panatilihin ang isang tahasang ugnayan sa Diyos, at samakatuwid lahat ng mga tagapamagitan ay ganap na ipinagbabawal. Mula sa Islamikong pananaw, ang paniniwala sa Kaisahan ng Diyos ay nangangahulugang mapapagtanto na ang lahat ng pagdarasal at pagsamba ay dapat na eksklusibo para sa Diyos, at Siya lamang ang karapat-dapat sa mga titulong "Panginoon" at "Tagapagligtas". Ang ilang mga relihiyon, kahit na naniniwala sila sa "Isang Diyos", ay hindi inilalagay ang lahat ng kanilang pagsamba at pagdarasal para sa Kanya lamang. Gayundin, ibinibigay din nila ang titulong "Panginoon" sa mga nilalang na hindi Nakakaalam ng lahat, Makapangyarihan sa lahat at Di-Nagbabago - kahit na ayon sa kanilang sariling mga banal na kasulatan. Sapat nang sabihin na ayon sa Islam, hindi sapat na ang mga tao ay naniniwala na "Ang Diyos ay Nag-iisa", ngunit dapat nilang maisakatuparan ang paniniwalang ito sa pamamagitan ng wastong pag-uugali.

Sa madaling sabi, ang Islamikong konsepto ng Diyos, ay ganap na nakabatay sa Banal na Kapahayagan, walang kalabuan sa kabanalan - Ang Diyos ay Diyos at ang tao ay tao. Yamang ang Diyos ay ang nag-iisang Tagapaglikha at patuloy na Tagapagtustos ng Sansinukob, Siya ay higit na mataas kaysa sa Kanyang nilikha - ang Tagapaglikha at ang nilikha ay hindi naghahalo. Ang Islam ay itinuturo na ang Diyos ay may natatanging kalikasan at Siya ay malaya sa kasarian, kahinaan ng tao at higit sa anupamang maaring maisip ng tao. Ang Quran ay itinuturo na ang mga palatandaan at patunay ng karunungan, kapangyarihan at pag-iral ng Diyos ay maliwanag sa mundong nakapalibot sa atin. Kung kaya, ang Diyos ay nananawagan sa tao na pag-isipan ang nilikha upang makabuo ng isang mas mahusay na pag-unawa sa kanyang Tagapaglikha. Ang mga Muslim ay naniniwala na ang Diyos ay Mapagmahal, Mahabagin at Maawain, at Siya ang nangangalaga sa pang-araw-araw na gawain ng mga tao. Dito, ang Islam ay nagpapakita ng isang natatanging balanse sa pagitan ng mga maling relihiyon at pilosopikong kalabisan. Ang ilang mga relihiyon at pilosopiya ay naglalarawan sa Diyos bilang isang makasarili na "Mas Mataas na Kapangyarihan" na hindi interesado, o walang kamalayan, sa buhay ng bawat indibidwal na tao. Ang iba pang mga relihiyon ay mistulang binibigyan ang Diyos ng mga katangian ng tao at itinuturong Siya ay naroroon sa Kanyang nilikha, sa pamamagitan ng pagkakatawang-tao sa isang tao, isang bagay - o kahit na lahat ng bagay. Sa Islam, gayunpaman, ang Diyos na Makapangyarihan sa lahat ay nilinaw ang katotohanan sa pamamagitan ng pagpapahintulot sa sangkatauhan na malamang Siya ay "Mahabagin", "Maawain", "Mapagmahal" at ang "Tagatugon ng Mga Dasal". Ngunit Kanya ring lubos na binibigyang diin na "walang katulad sa Kanya", at Siya ay mas mataas sa panahon, espasyo at Kanyang nilikha. Sa huli, ay dapat ding banggitin na ang Diyos na sinasamba ng mga Muslim ay ang parehong Diyos na sinasamba ng mga Hudyo at Kristiyano - sapagkat may Nag-iisang Diyos lamang. Nakakalungkot na ang ilang mga tao ay nag-aakalang ang mga Muslim ay sumasamba sa ibang Diyos bukod sa Diyos ng mga Hudyo at Kristiyano, at si "Allah" ay "diyos ng mga Arabo" lamang. Ang mitong ito, na pinalaganap ng mga kaaway ng Islam, ay ganap na hindi totoo dahil ang salitang "Allah" ay simpleng salitang Arabe para sa Diyos na Makapangyarihan sa lahat. Ito ay ang parehong salita para sa Diyos na ginagamit ng mga nagsasalita ng Arabeng Hudyo at Kristiyano. Gayunpaman, dapat linawin na kahit na ang mga Muslim ay sumasamba sa parehong Diyos tulad ng sa mga Hudyo at Kristiyano, ang kanilang konsepto sa Kanya ay naiiba sa mga paniniwala ng ibang mga relihiyon - una ay dahil ito ay ganap na batay sa Banal na Pahayag mula sa Diyos. Halimbawa, ang mga Muslim ay tinanggihan ang paniniwalang Kristiyano na ang Diyos ay isang Trinidad, hindi lamang dahil sa ang Quran ay tinanggihan ito, ngunit dahil din sa kung ito ang tunay na kalikasan ng Diyos, ay Kanya sanang malinaw na ipinahayag ito kay Abraham, Noe, Hesus at sa lahat ng iba pang mga propeta.

Mahina Pinakamagaling

Mga bahagi ng mga artikulo na ito

Tingnan ng sama-sama ang lahat ng mga bahagi

Magdagdag ng komento

  • (Hindi nakikita sa publiko)

  • Ang iyong komento ay susuriin at dapat malathala sa loob ng 24 oras.

    Ang patlang na may markang asterisk (*) ay kailangan.

Ibang mga artikulo sa Parehong mga Kategorya

Pinakamaraming Tumingin

Araw-araw
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
Kabuuan
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Pinili ng Editor

(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Listahan ng Contento

Simula ng iyong huling pagbisita
Ang listahang ito ay kasalukuyang walang laman.
Lahat sa pamamagitan ng petsa
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Pinaka Sikat

Pinakamataas ang marka
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
Pinakamaraming nag-email
Pinakamaraming nag-print
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
Pinakamaraming nag-komento
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Ang iyong mga paborito

Your favorites list is empty. You may add articles to this list using the article tools.

Ang iyong History

Ang listahan ng iyong mga paborito ay walang laman. Maari kang magdagdag ng mga artikulo sa listahang ito gamit ang article tools.

Minimize chat