10 Mga Aral Mula Kay Hesus
Paglalarawanˇ: Mula sa maraming aral na matututunan mula sa matuwid na buhay ni Hesus, ang artikulong ito ay naglista ng ilan sa kanila.
- Ni Raiiq Ridwan (understandquran.com) [edited byIslamReligion.com]
- Nailathala noong 24 Aug 2020
- Huling binago noong 25 Aug 2019
- Nag-print: 1
- Tumingin: 4,726 (araw-araw na pamantayan: 3)
- Nag-marka: 0
- Nag-email: 0
- Nag-komento: 0
Si Hesus (ang kapayapaan ay mapa sa kanya) ay kabilang sa limang pinakadakilang sugo na ipinadala sa sangkatauhan - sama-samang tinatawag na Ulul'Azm[1]. Siya ang huling sugo bago ang ating Sugo na si Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala). Ayon kay Imam as-Suyuti, isang Sahabah (kasamahan ng propeta) nakahanay din si Hesus bilang "pinakadakila". Ito ay dahil inangat siya sa langit ng buhay.
Samakatuwid, nang makilala siya ni Propeta Muhammad noong gabi ng Mi'raj (pag-akyat ni Propeta Muhammad sa langit), hindi pa siya namamatay. Ang isang nakatagpo ang Propeta, naniwala sa kanya at namatay na may paniniwala rito ay itinuturing na isang Sahabah. Kung gayon anong mga aral ang matututunan natin mula kay Hesus? Marami at baka daan-daan! Bibigyan lamang natin ng kahulugan ang mga ito sa artikulong ito at ibabahagi ang 10!
Nang ikinahihiya ng mga tao si Maria (sumakanya ang kapayapaan) dahil sa pagkakaroon ng isang anak sa labas ng kasal (hindi nila alam na ito ay mahimala), binigyan ng Diyos si Hesus ng isang himala at nagsalita siya mula sa duyan.
"Siya (Hesus) ay nagpahayag: “Katotohanang ako ay isang alipin ni Allah, ako ay Kanyang binigyan ng Kasulatan at ako ay hinirang Niya na isang propeta; At ginawa Niya na nabibiyayaan ako saan man ako naroroon, at nagtagubilin sa akin sa pagdarasal, at zakah (katungkulang kawanggawa), habang ako ay nabubuhay, at maging masunurin sa aking ina, at (Kanyang) ginawaran ako na huwag maging palalo at mawalan ng pagtingin ng pasasalamat; Kaya’t Salam (kapayapaan) ang sumaakin sa araw na ako ay ipinanganak, sa araw na ako ay mamamatay, at sa araw na ako ay muling ibabangon sa pagkabuhay!” Ito si Hesus, ang anak ni Maria, (ito ay) isang pahayag ng katotohanan, na rito sila ay nag-aalinlangan (o nagsisipagtalo-talo)." (Quran 19:30-34)
1. Ang Pagka-alipin ay ang pinakadakilang karangalan
Dahil sa paraan ng paglipas ng kasaysayan ng tao, ang salitang pagka-alipin ay may negatibong kahulugan at ito ay tama naman. Dumating ang Islam upang dalhin ang mga tao mula sa pagiging alipin ng ibang tao upang maging alipin ng Diyos. At ang pinakadakilang karangalan para sa sinumang tao ay ang kusang-loob na pagpapa-alipin ng sarili sa Diyos. Ang Diyos ang Amo, Siya ang nagpapasya, at papakinggan natin at susundin. Iyon ang kontrata, at ang Diyos ang Pinaka-Maawain sa mga taong nagpapakita ng awa. Siya ang Nag-iisang bigay ng bigay at humihingi ng napakaliit mula sa Kanyang mga alipin. Ang mga propeta ay pinarangalan sapagkat sila ang pinakamainam sa kanilang pagka-alipin sa Diyos. At iyon ang pinakamahalagang pagkakakilanlan — tayo ay mga alipin ng Diyos.
2. Ang banal na kasulatan at pagka-propeta ay humahantong sa pagpapala
Binanggit ni Hesus na binigyan siya ng Banal na Kasulatan at siya ay ginawang isang propeta at siya ay pinagpala kahit saan siya naroroon. Ito ay isang pahiwatig sa atin na kung mas malapit tayo sa Banal na Kasulatan na ipinadala ng Diyos (ang Quran) at sa mga pamamaraan ng ating mga propeta, mas mapalad tayo kung nasaan man tayo. Ang susi sa pagkakaroon ng mga pagpapala mula sa Diyos at pagkakaroon ng isang pinagpalang pag-iral ay ang ating kaugnayan sa Aklat at ang paraan ng mga propeta.
3. Ang kaalaman ay humahantong sa pagkilos
Si Hesus ang pinakamainam na tao sa kanyang panahon. Alam niya ang Banal na Kasulatan at siya ay isang propeta. Gayunpaman agad-agad pagkatapos, ay binanggit niya na siya ay inutusan na magdasal at magbigay ng kawanggawa. Ang kaalaman ay humahantong sa pagkilos. Ito ang Islam bilang isang relihiyon na nagtuturo sa atin na kumilos at hindi lamang salita.
4. Mga gawa para sa mga tao at mga gawa para sa Diyos
Ang iba pang magagandang aspeto ng Islam ay kung paano pinagsasama ang ispiritwalidad at pagiging praktiko. Inutusan ng Diyos si Hesus na magdasal, para sa kanyang sariling espirituwal na kapakinabangan at magkaroon ng isang koneksyon sa Diyos at magbigay din ng kawanggawa sa mga tao, para din sa espirituwal na kapakinabangan at magkaroon ng koneksyon sa Diyos at sa mga tao. Ang Islam ay isang napaka-makataong relihiyon at pinagsasama nito ang ispiritwalidad sa pagiging praktiko.
5. Ang mabubuting kaugalian ay ang tanda ng Islam
Sinasabi ni Hesus na hindi siya mapagmataas at bastos o magaspang ang ugali. Sinabi ni Propeta Muhammad, "Walang mas mabigat sa timbangan ng mabubuting gawa sa Araw ng Paghuhukom kaysa sa mabubuting kaugalian."[2] Kabilang sa pinakadakilang mga gawain na magagawa natin ay ang pagkakaroon ng mabuting kaugalian. Napakahalaga din nito sa kadahilanang kahit na ang mga tao ay nagsabi ng di magandang bagay tungkol sa kanyang ina, tumugon siya nang marangal at ma awtoridad na hindi humahamak sa sinuman. Hindi siya tumugon ng apoy sa apoy. Tumugon siya sa masamang pananalita ng may magandang pagsasalita.
6. Ang ina, ang ina, ang ina
Sa gitna ng lahat ng mahirap na pag-uusap na ito, natagpuan ni Hesus ang oras upang banggitin na siya ay nilikhang masunurin sa kanyang ina. Walang ibang tao na mas mahalaga sa ating buhay kaysa sa ating ina. Walang relasyon na mas sagrado. Wala nang ibang karapat-dapat sa ating pag-ibig at pagsunod. Sila ang ating pinakamadaling daan patungo sa Paraiso. Sila ang mga sasakyan na laging may lugar para sa atin. Ang balon na palaging magbibigay sa atin ng malinis na dalisay na tubig.
"Kaya’t pangambahan ninyo si Allah at ako ay inyong sundin. Katotohanan! Si Allah ay aking Panginoon at inyong Panginoon, kaya’t (tanging ) Siya (lamang) ang inyong sambahin. Ito ang Matuwid na Landas" (Quran 3:51)
7. Ang Taqwa ang sukatan ng ating tagumpay
Kabilang sa maraming mga dahilan ng Diyos na maari Niyang piliin para hatulan tayo, pinili Niya ang isa na walang nakakakita sa atin — taqwa (kamalayan sa Diyos o pagiging matatakutin sa Diyos). Sinabi ng Propeta, "Narito ang Taqwa" habang nakaturo sa kanyang dibdib. Iyon din ang kautusan mula kay Hesus. Maging maingat sa Diyos. Paano natin makakamit ang taqwa? Ang pinakamainam at pinakamadaling paraan ay maging maingat tayo sa Diyos sa ating pang-araw-araw na pakikitungo at sa bawat hakbang ay tanungin ang ating sarili, "Malulugod ba sa akin ang Diyos?"
8. Ang tuwid na landas ay simple
Hindi natin kailangang guluhin ang mga bagay. Ang Tuwid na Landas ay simple — Ang Diyos ay ating Panginoon at sinusunod natin Siya. Tayo ay Kanyang mga alipin at ginagawa natin ang nais Niya sa atin. Iyon ang tuwid na landas.
9. Ang bilang ng mga tagasunod ay hindi isang sukatan ng tagumpay
Kilala na hindi masyadong marami ang mga taong tumugon sa panawagan ni Hesus. Hindi ito nangangahulugan na hindi siya naging matagumpay. Ang mga puso ng mga tao ay namamalagi sa mga kamay ng Diyos. Hinihiling lamang sa ating iparating. At iyon ang dahilan kung bakit sa kabila ng iilang mga kasamahan, siya ay naibilang sa limang dakilang propeta sa kasaysayan.
10. Sumama sa katotohanan kahit na kakaunti ang mga tao rito
Kahit na kakaunti ang mga tao na nagsasabuhay ng Islam, dapat pa rin tayong magsanay. Kahit na kakaunti ang mga tagasunod, hindi nangangahulugang hindi ito totoo. Ang katotohanan ay batay sa ideya, hindi sa bilang ng mga tagasunod.
Magdagdag ng komento