Al-Salaam - (Kapayapaan) - Isang Pangalan ng Diyos

Marka:
Sukat ng Font:
A- A A+

Paglalarawanˇ: Isang paliwanag sa isa sa magandang pangalan ng Diyos, al-Salaam, na nagpabatid sa atin ng pagiging perpekto ng Diyos at na Siya ang pinagmumulan ng lahat ng kapayapaan at kasiyahan.

  • Ni Sheikh Salman al-Oadah (islamtoday.net) [edited by IslamReligion.com]
  • Nailathala noong 24 Aug 2020
  • Huling binago noong 17 Nov 2019
  • Nag-print: 1
  • Tumingin: 3,328 (araw-araw na pamantayan: 2)
  • Marka: Wala pa
  • Nag-marka: 0
  • Nag-email: 0
  • Nag-komento: 0
Mahina Pinakamagaling

Ang Al-Salaam (Kapayapaan) ay isa sa mga pangalan ng Diyos. Sinabi ng Diyos: "Siya ang Allah, walang Diyos maliban sa Kanya. Siya ang Hari, ang Kabanal-banalan, ang Kasakdal-sakdalan [malaya at malayo mula sa lahat ng pagkukulang], ang Tagapagbigay ng Kapanatagan." (Quran 59:23)

Al-Salaam___(Peace)___A_Name_of_God._001.jpgSi Allah ang nagdadala ng kapayapaan na nagpakalat ng kapayapaan sa buong paglikha. Dahil ang buhay ay unang nilikha, ito ay namamayani na nakalatag sa kapayapaan, seguridad, katahimikan, at kakuntentuhan. Ang Diyos ay Kapayapaan at mula sa kanya ay nagmumula ang lahat ng kapayapaan. Ito ay gaya ng sinabi ng Propeta, nawa ang awa at mga pagpapala ng Diyos ay sumakanya, sinabi: "O Diyos! Ikaw ay Kapayapaan at mula sa Iyo ay kapayapaan. Pagpalain ka, nagtataglay ng kaluwalhatian at karangalan."[1]

Nakakapagtataka na ang ilang mga tao na tumatawag sa Diyos sa pamamagitan ng marangal na pangalang ito ay namumuhay sa pakikipagtalo at poot sa ibabaw ng mundo. Ang bawat aspeto ng kanilang buhay ay puno ng alitan, mula sa loob ng kanilang sarili, sa kanilang panlabas na pag-uugali, sa kanilang pag-iisip, at sa kanilang mga pamilya. Paano makakatagpo ng kapayapaan sa Panginoon?

Al-Salaambilang "Kagalingan"

Ang pangalang al-Salaam ay nag-uugnay din sa "kagalingan", ang ideya na malaya mula sa kapintasan. Ipinababatid nito ang kahulugan na ang Diyos ay malaya sa bawat pagkukulang at kakulangan, tulad ng pagkapagod, antok, sakit, o kamatayan. Ang pag-iral ng Diyos ay isa sa ganap na pagiging perpekto. Sinabi ng Diyos: "Allah, walang Diyos [na dapat sambahin] maliban sa Kanya, ang Laging Buhay, at ang [patuloy na] Tagapagpanatili [ng lahat]. Ang antok at ang idlip ay hindi makapananaig sa Kanya." (Quran 2:255)

Ang Diyos ay malaya sa anumang bagay na magkakasalungat sa Kanyang kasapatan sa Sarili. Walang makakapagod sa Kanya o makakainis sa Kanya. Walang hindi Niya Maaabot.

Ang Mga Tao ng Banal na Kasulatan ay nagbibigay ng isang kakulangan sa Kanya kapag inaangkin nila na Siya ay nagpahinga sa ikapitong araw, matapos lumikha ng langit at Lupa. Ito ang dahilan kung bakit sinabi ng Diyos: "At katiyakan, Aming nilikha ang mga kalangitan at ang kalupaan at ang anumang nasa pagitan ng mga ito sa [loob ng] anim na araw. At Kami ay walang nadaramang kapaguran [mula sa paglikha] nito." (Quran 50:38)

Kung nais ng Diyos na mangyari, sasabihin lang Niya na "Maging!" at mangyayari nga. (Quran 36:82)

Ang parehong konotasyon ng pangalang al-Salaam ay nararapat sa kaalaman ng Diyos. Ang Diyos ay malaya sa kamangmangan, pagdududa, at kawalan ng pag-asa. Walang nakatago sa Kanyang kaalaman. Ang Kanyang kaalaman ay hindi nakuha sa pamamagitan ng pag-aaral. Ito ay ganap, kumpleto, at ganap na tumpak, nauunawaan ang lahat sa nakaraan, kasalukuyan, at hinaharap nang walang pagbubukod.

"Hindi mo ba isinaalang-alang na nababatid ng Diyos ang anumang nasa mga kalangitan at anumang nasa kalupaan? Walang anumang sarilinang pag-uusap ng tatlo maliban na Siya ang ika-apat sa kanila [ayon sa Kanyang Kaalaman], o walang lima maliban na Siya ang ika-anim sa kanila - at hindi kukulangin mula diyan o hihigit maliban na Siya ay nasa sa kanila [sa kaalaman] saanman sila naroroon." (Quran 58:7)

"Walang pagkakaiba [sa Kanya] hinggil sa inyo, maging itago man nito ang [kanyang] pananalita o di kaya ay kanyang ihayag ito. At maging ito man ay kanyang ikubli sa [dilim ng] gabi o ilantad sa [liwanag ng] araw." (Quran 13:10)

Gayundin, ang Kanyang pagsasalita ay malaya mula sa lahat ng kasinungalingan at kawalan ng katarungan. Sabi ng Diyos: "At ang Salita ng iyong Panginoon ay naipatupad sa katotohanan at sa katarungan." (Quran 6:115)

Totoo ang Kanyang mga pahayag at ang Kanyang mga utos ay makatarungan. Ang Kaniyang Batas at bawat pagpapahayag ng Kanyang kalooban ay perpekto. Ang Batas ng Diyos ay puno ng karunungan at kaalaman, tulad ng Quran na ipinahayag Niya sa Kanyang Propeta. Ang Quran ay mayaman sa kahulugan, maraming baitang, gabay sa sangkatauhan sa lahat ng paraan sa kung ano ang nagsisiguro sa kanilang kapakanan sa mundong ito at sa susunod. Nakalulungkot na napakaraming mga tao na nagbasa ng Quran ay kontento na huwag pansinin ang kayamanan na ito at bulag na sumunod sa mga tradisyon at sauladong kaalaman. Hindi nila kayang magawa ang malikhaing pag-iisip at pagpapanibago, at bilang kinahinatnan ng pagkabaling sa likuran, kamangmangan, at pagbagsak ng kultura na nasasaksihan natin ngayon.

Ang Diyos ay malaya mula sa pagkakaroon ng anumang kalaban, karibal, o kasosyo sa Kanyang pamamahala. Siya lamang ang may hawak ng soberanya sa Paglikha, pareho sa mundong ito at sa susunod.

Ang Kanyang pasiya at Kanyang utos ay malaya mula sa paniniil at kawalan ng katarungan. Naiugnay sa atin ni Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) na sinabi ng Diyos: "O aking mga tagapaglingkod! Ipinagbawal ko sa Aking Sarili na kumilos nang hindi makatarungan at ipinagbabawal para sa inyo sa inyong sarili, kaya't huwag kayong mang-api ng isa't isa."[2]

Dahil sa pagiging perpekto ng hustisya ng Diyos, ipinagbabawal Niya sa Kanyang Sarili na kumilos nang hindi makatarungan at ipinagbabawal na magpahirap tayo sa isa't isa. Sabi niya: "At ang iyong Panginoon ay hindi kailanman naging di-makatarungan sa [Kanyang] mga alipin." (Quran 41:46)

Inutusan tayo ng Diyos na linangin ang katangiang ito sa loob ng ating sarili at huwag kumilos nang hindi makatarungan sa isa't isa. Sa pamamagitan ng pagkilos nang makatarungan, nakikibahagi tayo sa isang gawa ng debosyon ng ating Panginoon, dahil ang Diyos ay hindi lamang makatarungan, ngunit minamahal Niya ang hustisya at ang mga kumikilos nang makatarungan. Sa parehong paraan, Siya ay Lubos na Maalam, at gusto Niya ang kaalaman at yaong nagtataglay ng kaalaman. Maganda Siya. Gustung-gusto Niya ang kagandahan at ang mga nangangalaga ng kagandahan sa loob ng kanilang sarili. Siya ay mapagbigay, at gustung-gusto Niya ang kagandahang-loob at mga kawanggawa. Lahat ito ay kabilang sa mga katangian ng ating Panginoon.

Ang konotasyon na ito ng kagalingan, ang kalayaan na ito mula sa kapintasan, ay umaabot sa Kanyang mga aksyon: sa kung ano ang Kanyang ibinibigay at sa kung ano ang Kanyang pinipigilan. Kapag pingilan ng Diyos ang isang bagay mula sa atin, hindi ito dahil sa kakuriputan o kakapusan. Luwalhati sa Diyos na higit sa lahat! Mula sa Kanyang walang hanggan na karunungan na pinipigilan Niya kung ano ang para sa kanyang mga lingkod. Ang ilang mga tao ay mas mainam na mayaman habang ang iba ay mas mainam na mahirap. "Pinalalawig [o dinaragdagan] ng Allah ang panustos ng sinumang Kanyang nais, at hinihigpitan ito [sa sinumang Kanyang nais]. At sila ay nagagalak sa buhay sa mundong ito samantalang [itong] buhay sa mundo kung ihahambing sa kabilang buhay ay isa lamang maikling kasiyahan." (Quran 13:26) Gayundin, ang ilang mga tao ay nakikinabang nang higit kapag malusog habang ang iba ay nakikinabang nang higit kapag nakakaranas ng sakit. Alam ng Diyos kung ano ang kailangan ng bawat isa sa atin at kung ano ang huli sa ating pinakamahusay na interes.

Ang lahat ng mga katangian ng Diyos ay nakikibahagi sa pagiging perpekto, ang kalayaan na ito mula sa kakulangan. Ang mga katangian ng Diyos ay hindi katulad sa mga nilikha na bagay. Hindi Siya maihahambing. Mula sa karunungan ng Diyos na tayo, bilang mga nilalang na nilikha, ay napapailalim sa mga limitasyon at pagkukulang na likas sa ating kalikasan at sa mga pagdurusa ng pamumuhay sa mundo. Ang Diyos sa kabilang banda ay ang al-Salaam, ang isa na malaya sa lahat ng mga pagkukulang.

Ang pangalan ng Diyos na al-Salaam ay tunay na mas malaki sa kahulugan nito na ipinahahayag nito ang pagiging perpekto na tinataglay ng lahat ng mga pangalan ng Diyos - na ang bawat isa sa mga katangian ng Diyos ay malaya mula sa mga pagkukulang.

Kapag binabati natin ang bawat isa nang may kapayapaan sa pamamagitan ng pagsasabi: "Al-Salaam `alaykum ( Ang Kapayapaan ay Suma-iyo)", Nanawagan tayo sa pangalang ito ng Diyos, at sa paggawa nito, isinasaad natin ang konotasyong ito ng pagiging perpekto ng Diyos pati na rin ang ideya ng kapayapaan.

At katunayan ginawa ng Diyos ang "kapayapaan" na pagbati ng mga mananampalataya: "Ang kanilang pagbati sa Araw na Siya ay kanilang makahaharap ay, “Kapayapaan!" (Quran 33:44)

Inutusan Niya tayo na gamitin ang pagbati na ito: "Kung kayo ay magsisipasok sa mga pamamahay, magbigay ng pagbati sa inyong mga sarili [sa bawa’t isa] – isang pagbati mula sa Diyos." (Quran 24:61)Samakatuwid, ang isang mananampalataya ay nanawagan ng kapayapaan sa kanyang sarili at sa iba sa pagbati na ito.

Ang Diyos ang Nagbibigay ng Kapayapaan

Sa katunayan, binabati ng Diyos ang Kanyang mga nilalang sa mundong ito ng pagbati ng kapayapaan.

"Kapayapaan kay Noah sa lahat [ng mga nilikha]." (Quran 37:79) "Kapayapaan kay Abraham!" (Quran 37:109) "Kapayapaan kina Moises at Aaron." (Quran 37:120) "Kapayapaan kay Ilyas [Elias]!" (Quran 37:130)"At kapayapaan sa mga sugo." (Quran 37:181)"Sabihin mo [O Muhammad]: “Al-Hamdulillah [ang lahat ng papuri ay sa Allah], at kapayapaan sa Kanyang mga alipin na Kanyang hinirang." (Quran 27:59)"At ang kapayapaan ay matatamo ng sinumang sumusunod sa patnubay!" (Quran 20:47)

Ang pagbati ng Diyos sa Kanyang mga lingkod ay Kanyang utos upang sila ay mapangalagaan sa mundong ito at sa susunod. Bagaman sila ay sumasailalim sa mga pagsubok at pagdurusa na naranasan ng iba sa mundo, ipinagkaloob ng Diyos ang kanilang kasiyahan sa puso at katiyakan ng pananampalataya na nagpabago ng kanilang mga paghihirap sa isang pabor at isang nakagaganyak na karanasan. Ang kanilang kuntentong puso ay payapa sa anumang itinakda ng Diyos para sa kanila.

Ang bantog na Kasamahang si Saad ibn Abi Waqqas ay pinagpala na ang kanyang mga panalangin ay palaging sinasagot. Noong siya ay naging bulag, Tinanong siya ng mga tao: "Bakit hindi ka humiling sa Diyos na ibalik ang iyong paningin?"

Sumagot siya: "Sa pamamagitan ng Diyos! Ang aking pagiging kontento sa itinakda ng Diyos ay higit na kamahalmahal sa akin kaysa sa gusto ko."

O Diyos! Ikaw ay Kapayapaan at mula sa Iyo ay kapayapaan. Pagpalain Ka, May-Ari ng kaluwalhatian at karangalan.



Mga talababa:

[1] Saheeh Muslim

[2] Saheeh Muslim

Mahina Pinakamagaling

Magdagdag ng komento

  • (Hindi nakikita sa publiko)

  • Ang iyong komento ay susuriin at dapat malathala sa loob ng 24 oras.

    Ang patlang na may markang asterisk (*) ay kailangan.

Pinakamaraming Tumingin

Araw-araw
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
Kabuuan
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Pinili ng Editor

(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Listahan ng Contento

Simula ng iyong huling pagbisita
Ang listahang ito ay kasalukuyang walang laman.
Lahat sa pamamagitan ng petsa
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Pinaka Sikat

Pinakamataas ang marka
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
Pinakamaraming nag-email
Pinakamaraming nag-print
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
Pinakamaraming nag-komento
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Ang iyong mga paborito

Your favorites list is empty. You may add articles to this list using the article tools.

Ang iyong History

Ang listahan ng iyong mga paborito ay walang laman. Maari kang magdagdag ng mga artikulo sa listahang ito gamit ang article tools.

Minimize chat