Ang Sapot ng Gagamba Ayon sa Quran (bahagi 2 ng 2)
Paglalarawanˇ: Isang halimbawa ng kaguluhan sa lipunan sa sapot ng gagamba - matriphagy. Ang buhay na "Impyerno" na tahanan ng mga gagamba ay isang paalala sa kalalabasan o magiging resulta ng politiesmo.
- Ni IslamReligion.com
- Nailathala noong 24 Aug 2020
- Huling binago noong 02 Sep 2018
- Nag-print: 3
- Tumingin: 6,136 (araw-araw na pamantayan: 4)
- Nag-marka: 0
- Nag-email: 0
- Nag-komento: 0
Matriphagy (pagkain ng mga supling sa sarili nilang ina)
Gayunman, ang pinaka kakaibang bahagi sa sambahayan ng isang gagamba ay kapag ang babaeng gagamba ay umabot na sa walang katulad na antas ng pagkabagabag at pagkabalisa at hindi niya na kayang mapanatiling buhay ang kanyang mga supling. Dala marahil sa pagkawala ng daan-daang mga anak at pagkakaroon pa ng natitirang daan-daang mga anak; ang ina, ay nakakamangha, dahil isinasakripisyo niya ang kanyang sariling katawan upang maging pagkain ng kanyang mga anak sa pamamagitan ng pagpapakawala ng kanilang likas na katangian sa pagpatay upang sa gayun ay kanilang atakihin at kainin siya ng buhay! Ang malupit na prosesong ito ay tinatawag na matriphagy o "pagkain sa ina".[1]
Ang nalalaman, sa ngayon, na ang matriphagy ay isang proseso na isinasagawa ng babaeng gagamba at ang pamamaraan na ito ay magkakaiba mula sa isang uri hanggang sa isa pa. Ang makamandag na mga batang gagamba ay nilalason ang kanilang sariling ina hanggang sa ito ay mamatay; subalit sa lahat ng kaso ang matriphagy ay isang mabagal at masakit na proseso na aabot ng ilang linggo bago tuluyang mamatay ang inang gagamba dahil ang likido o tubig nito sa katawan ay unti-unting inuubos ng kanyang mga supling.[2]
Ang nasabing proseso ay na obserbahan at naitala sa mga gagambang nasa mababa, o gagambang nasa lupa, ang Stegodyphus lineatus na gagamba[3]at crab spiders at sa pamamagitan lamang ng karagdagang pananaliksik ito maaaring matukoy kung gaano kalawak ang matriphagy sa nakakalungkot na mundo ng mga gagamba.
Sa pagbabalik tanaw, ang pag-aasawa sa mundo ng mga gagamba, ay madalas na humahantong sa pagkamatay ng lalaking gagamba at pagkabalo ng babae; ang ina ay naiiwan na nag-iisa kasama, ang humigit kumulang, na ilang daang supling upang pakainin at maprotektahan mula sa mga mandaragit, at napipilitang ipakain ang mga hindi pa napipisang mga itlog sa kanyang mga supling upang mapanatili silang buhay, at karaniwan din siyang kumakain ng kanyang mga supling upang mapanatili din ang kanyang sarili na buhay. Ang mga supling ay nagiging kanibalismo at nagpapatayan at kinakain ang isa't-isa; at ang sukdulan at pinaka nakakagulat, dahil sa kalunos-lunos na sitwasyon ay sinasakripisyo ng mga inang gagamba ang kanilang mga sarili upang sila ay kainin ng kanila mismong mga supling. Ang nagiging resulta, ang malalakas, na iilan lamang sa daan-daang mga supling na gagamba ang nakakaligtas upang iwanan ang pagdurusa sa sapot.
Ngayon, sa pagkaka-alam sa malupit na katangian ng sambahayan ng isang gagamba, Purihin ang Diyos na Makapangyarihan sa lahat, na nagbanggit na ang pinakamasamang sambahayan ay ang sa gagamba, bago pa man simulang pag-aralan nang detalyado ang ugali ng gagamba ng mga naturalista at siyentipiko. Maaari itong ipahayag, bilang isang katotohanan, na ang buhay sa isang sapot ng gagamba ay ganap na kakaiba at pagkatapos ng paghahambing sa mga sambahayan ng iba pang mga nilalang, ay tunay nga na pinakamasama, pinaka malupit at nakalulungkot sa lahat ng sambahayan !!!
Ang Mensahe Mula sa Kabanata ng Quran
May malinaw na babala mula sa kabanata ng Quran. Ang Diyos ay ikinumpara sa sambahayan ng gagamba ang mga taong nagtatambal ng mga diyus-diyosan, sa Kanyang pagka Diyos sa pagsamba. Ang Quran at ang mga tradisyon ni Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala), ay parehong naglalahad ng napakalinaw na ang Nag-iisang Diyos lamang, ang Tanging Lumikha ng lahat, ang may karapatan sa pagsamba, nang direkta, at hindi sa pamamagitan ng anumang mga tagapamagitan o kasama. Ito ay kilala bilang Monotiesmo o kaisahan sa pagsamba sa Nag iisang Diyos.
"At sambahin ninyo ang Diyos nang bukod-tangi at wag magtambal sa pagsamba sa kanya." (Quran 4:36)
"At alalahanin mo, O Muhammad (ﷺ), noong sinabi ni Abraham sa kanyang ama at sa kanyang sambayanan 'Katotohanan, ako'y walang kinalaman sa inyong mga sinasamba (mga rebulto). Maliban sa Kanya na naglikha sa akin; katotohanan, ako ay Kanyang gagabayan."' (Quran 43:26,27)
Ang mensahe ng Islam at lahat ng mga Propeta at mga Mensahero ay sumamba lamang sa nag-iisang Diyos at ang pagsamba sa Diyos sa pamamagitan ng anumang tagapamagitan o kasama katulad ng mga propeta, mga anghel, mga banal na tao, mga hayop, nilalang, bagay o anuman ay isang uri ng politeismo o pagsamba ng higit sa isa; ay ang siyang pinakamalaking kasalanan sa lahat. Ang lahat ng pagsamba, kasama na ang pagsusumamo, pagdadasal, at ang pagkatay ng mga hayop ay kailangang direktang ialay sa Nag-iisang Diyos.
Sinabi sa Banal na Quran na ang mga itinatambal nila sa Nag-iisang Diyos ay ni hindi kayang tumugon (ni hindi ito makakita o makarinig) sa mga dasal ng mga taong nagsusumamo sa kanila. Katulad ito sa kaso ng isang taong nagkamaling pumunta sa libingan ng propeta, o sa patay na tao na kinikilalang banal, o sa statwa at nagsusumamo at humihingi sa kanila ng kapatawaran sa kanilang mga kasalanan o gumaling sa kanilang mga sakit. Ang mga nabanggit ay walang kakayahan na gawin ang kinakailangan o hinihiling. Bukod dito, binanggit ng Diyos na hindi Niya iniutos ang alinman sa Kanyang mga nilikha na gumawa ng pagtatambal sa Kanya; sa katunayan ang lahat ng sangkatauhan ay nilikha na may likas na dalisay na pakiramdam na ang Diyos na Makapangyarihan ay Nag-iisa at Siya lamang ang karapat dapat na Sambahin.
Ang Walang Kapatawaran na Kasalanan
Ang pinakamalaking kasalanan sa lahat, ang poleteismo, ay ang pagtatambal ng pagsamba maliban sa Nag-iisang Diyos. Ang kasalanang ito ang binanggit ni Allah na hindi Niya mapapatawad sa kabilang buhay; habang ang ibang kasalanan naman ay kaya Niyang mapatawad.
Isipin ang kawalang-katarungan ng isang tao na nilikha ng Diyos (ng malumanay at puno ng awa sa sinapupunan ng kanyang ina) na nanggaling sa wala, na binigyan ng kaluluwa, biniyayaan ng utak, puso, paningin, pandinig, damdamin, ugali, maganda at nakamamanghang lupain na puno ng mga halaman at mga hayop na panggagalingan ng makakain, at mga materyales na ginagamit ng sangkatauhan upang magtayo ng mga lungsod at mga imprastruktura; at pagkatapos ang taong ito ay hindi nagbibigay ng kanyang papuri, pasasalamat at pagsamba sa Diyos na Makapangyarihan sa lahat, sa halip ay nagbibigay sa isang nilikha lamang ng Diyos (na walang ginawa sa mga nabanggit sa itaas). "At ng sinabi ni Luqmân sa kanyang anak habang nagpapayo sa kanya: "O aking anak, huwag kang magtambal [ng anupaman] sa Diyos [sa pagsamba]. Katotohanan, ang pagtatambal [sa Kanya] ay napakalaking kawalang katarungan sa Diyos." (Quran 31:13)
Sa mga namatay, na hindi nakapagbalik loob sa Panginoon na nakagawa ng pagtatambal sa pagsamba, ay magiging talunan sa kabilang buhay. At sa taong ginamit sa pagtatambal sa pagsamba sa mundong ito sila ay lalayo sa mga taong gumamit sa kanila sa pagsamba, habang ang mga bagay na ginamit nila sa pagtatambal sa Allah ay tatalikod sa kanila, at tatraydurin ang mga taong sumamba sa kanila; at babanggitin (bibigyan sila ng Panginoon ng kakayanan na makapagsalita) na katotohanan walang tunay na sumasamba kanila, bilang resulta, ang mga sumamba sa tao at ang kanilang sinasamba na mga bagay ay parehong maninirahan sa Impyernong Apoy. "At sinabi ni Abraham sa kanyang sambayanan, 'Pinili ninyo [para sambahin] ang mga rebulto kaysa sa Diyos, at ang pagmamahal sa pagitan ninyo ay para lamang sa mundong ito. Pagkatapos sa araw ng pagbangong muli ay itatatwa ninyo at isusumpa ang bawat isa, at ang inyong magiging hantungan ay ang Apoy, at wala kayong magiging katuwang." (Quran 29:25)
Samakatuwid ang sapot ng gagamba ay maaaring ihambing sa Impiyerno, isang kulungan at malungkot na lugar ng pagdurusa. Ang inang gagamba na isinakripisyo ang kanyang buhay, upang ang kanyang mga supling ay mapanatiling buhay, ay pwedeng ihambing sa taong nagtatambal ng pagsamba (kanyang mga supling) sa Panginoon. At ang mga bagay na ginamit sa pagtatambal sa pagsamba ay parehong mapupunta sa Impyernong apoy at tatraydurin ang taong gumamit sa kanila upang sila ay sambahin, ang resulta ay walang humpay na sakit at pagdurusa para sa tao na yaon, kagaya ng mga supling na nagtraydor sa kanilang sariling ina na naging sanhi ng kanyang paghihirap at pagdurusa sa sapot. Doon lamang sa kabilang buhay ang walang kamatayan; Ang Impyerno at Paraiso ay magpawalang-hanggan.
Mga talababa:
[1]Englehaupt, Erika. February 2014. Ang katotohanan sa ilang mga hayop na kinakain ang kanilang mga ina, at iba pang uri ng kanibalismo. Balitang Siyensya. Nakuha mula sa https://www.sciencenews.org/blog/gory-details/some-animals-eat-their-moms-and-other-cannibalism-facts
[2] Panoorin din: http://channel.nationalgeographic.com/wild/worlds-weirdest/videos/mother-eating-spiders/
[3]Zielinski, Sarah. May 2015. Ang mga inang hayop ay nagsasakripisyo ng matindi - na minsan ay pati ang kanilang sarili ay kanilang isinasakripisyo. Balitang Siyensya. Nakuha mula sa https://www.sciencenews.org/blog/wild-things/animal-moms-sacrifice-lot-%E2%80%94-sometimes-even-themselves
Magdagdag ng komento